01
01
Araw-araw, simula nung kinausap ako ni Deli noong first day of class, palagi na siyang nagkukwento sa akin at nagtuturo kung paano maging komportable sa lahat ng oras. She knew that sometimes, I am amazed with the little things that were happening when in fact, sobrang normal lang pala 'yon.
"Hindi bawal 'yon?" tanong ko kay Deli habang nakaupo kami sa Grandstand, nakatingin sa babae at lalaking naglalambingan. "Ang cool naman."
"Hindi naman 'to catholic school! At saka holding hands at hug lang naman, Aika!" bulyaw niya sa tanong ko.
Napakamot ako ng ulo dahil doon. One week na ang nakakaraan simula noong first day of class. Ang daming pangyayari na hindi ko naranasan noon. Minsan natatakot ako, lalo kapag kailangan akong iwan ni Deli sa lugar na maraming tao at hindi ko kilala, pero unti-unti, nasasanay na ako.
"Aika, pwedeng makahiram ng tech pen mo?" tanong ni Eric nang makaupo na kami ni Deli. "Naiwan ko kasi."
Tapos na ang lunch time kaya naman dumiretso na kami sa classroom matapos makapagpahinga sa Grandstand. May mga classmates na kami sa loob na nagmamadali sa paggawa ng assignments at plates, tulad ni Eric.
"Sure! Sandali, ah?"
Kinuha ko sa bag ang pouch at kinuha ang tech pen doon, saka iniabot 'yon sa kan'ya.
"Thank you! Soli ko kaagad pagkatapos."
Ngumiti lang ako at tumango sa kan'ya.
As the day goes by that I'm studying in this university I chose without my family's consent, I realized that there are a lot of people in this world that is so unlike me.
They chose to study in this state university because this is the only choice they have. Maliit ang tuition, public school o dahil malapit sa kanila.
I chose to study here because I wanted to feel the bigger world. All my life, I've been living only inside my home. Sa school naman noong high school, I'm surrounded with girls that I am not really friends with. Walang katulad ni Deli doon.
They were study all day and go home after school girls, just like how my family wanted me to do.
The problem is, I am not that kind of person. I don't hate studying pero ayaw ko namang doon lang iikot ang isang buong araw ko. I want to study and enjoy at the same time.
I want to enjoy studying.
A few weeks after the first day of school, unti-unti na akong nagiging komportable sa mundong pinasok ko. At alam ko sa sarili ko na masaya ako--na gusto ko ito.
"Alam mo, Aika, ang dami mo pang hindi alam sa mundo. Pero ito na lang sasabihin ko, ha? You can enjoy your youth in any way that you want. Pero dapat mag-iingat ka rin. You should know your limitations. Doon ka lang sa hindi ka mapapahamak. You should also try to analyze the environment. If it's not safe, there's nothing wrong with leaving the place--the situation. You can enjoy any time or any way you want but always put your safety as your top priority."
Tumango ako matapos marinig ang mahabang sinabi ni Deli. Palabas na kami ng school dahil tapos na ang klase para sa araw na ito. I'm gaining friends and I'm so happy. Minsan, nagugulat na lang ako na nagiging sobrang feeling close ko na sa kanila. Pero mukhang okay lang sa kanila.
"Pero nakakatuwa, ha? Hindi ka tulad ng iba na plain lang talaga. You know how to enhance your looks and you know when to retouch." Deli clinged her arm on mine. "Sino nagturo sa 'yo? Ate mo?"
Umiling ako. "Wala akong ate. Nanonood lang ako ng videos sa YouTube."
"Only child ka ba?" tanong niya.
Umiling ako. "Hindi! May kuya ako. Architect din."
"Ohhh, family kayo ng architects?"
Napatigil ako sa paglalakad nang mag-vibrate amg cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa bulsa at binasa ang text.
Kuya:
Wait for me, I'll pick you up.
Hindi na ako nag-reply pa at nagsimula na ulit kaming maglakad ni Deli.
"Oo, puro sila architect. Ako rin, gusto ko rin naman ang architecture. Ewan ko lang kung gusto niya sa akin, ah?" I chuckled. "Nand'yan kuya ko later. Papakilala kita."
Habang naglalakad kami palabas, nakita ko si KC na nauunang maglakad sa amin. Tinawag ko siya.
"Katrina!"
I love their names. Delilah, Katrina, Brianna.
Tumigil siya sa paglalakad bago lumingon sa amin ni Deli. Wow, she really looks simply pretty!
"Uwi ka na?" tanong ko.
Tumango siya. "Oo, eh. Kayo?"
"Uuwi na rin ako. Sabay na tayo!" sabi ni Deli bago hinila si KC.
Tumawa ito bago sumabay sa aming maglakad. I want Anna here too kasi mabait din siya. So far, silang tatlo ang favorite classmates ko.
And Karlo kasi he looked nice. Gwapo pa at matalino.
"Sumabay na kayo sa akin, nand'yan kuya ko mamaya. Hintayin na natin!"
Tumango naman ang dalawa at ngumiti.
Habang naghihintay kay Kuya sa waiting shed, nag-usap kaming tatlo tungkol sa plates na ipapasa sa Friday. Ilang sandali pa, may lumapit sa amin.
"Hello po."
Napalingon kaming tatlo sa lalaki na nagsalita sa tabi ni KC. She immediately moved away when she saw that.
"Ano 'yon?" masungit na tanong ni Deli.
Baka kukuhanin number ni KC? Madalas may kumukuha ng number niya, eh. Kaso ayaw niya.
Lumunok ang lalaki bago nagsalita. "P'wede ko po bang makuha 'yung number niya?" he said before pointin at . . . me?
Me?!?!?!
Why me?!
"Huh?" hindi makapaniwalang tanong ko.
This is the first time I encountered that.
"Hindi p'wede!"
Napalingon kaming lahat sa nagsalita sa likod namin at nakita ko si Kuya Gio na nakahalukipkip habang nakatingin nang masama sa lalaki. Lumingon ako sa lalaki at nakitang naglalakad na ito paalis. Ibinalik ko ang tingin kay Kuya bago ko hinila ang dalawa kong kaibigan papalapit sa kan'ya.
"Kinukuha ba n'on number mo?" tanong ni Kuya sa akin.
Mabilis na nag-init ang mukha ko. "H-Hindi!"
Umirap si Kuya sa akin. "Halika na, uwi na tayo."
"Hatid na natin sila," I said. "This is De--" Deli cleared her throat. "This is Deli."
"Hello po," mabait at magalang na sabi niya.
That's very unusual! She was never like that to me!
"And this is KC."
Ngumiti lang si KC at bahagyang yumuko. Kuya's eyes lingered to her for few seconds before he looked at me.
"Let's go."
Tumango ako bago pinagbuksan sa backseat si Deli at KC, bago ako pumasok sa shotgun seat, kasabay ng pagpasok ni Kuya sa driver's seat. Ilang sandali lang din, nagsimula na siyang mag-drive.
KC and Deli kept on talking silently about how men always come near KC.
"Sayang, g'wapo nung isa!" rinig kong bulong ni Deli.
"Ayaw ko na talaga sa gan'yan," natatawang sagot ni KC.
"Tama! Study first!"
I almost laughed at Deli's remark but then, I catch a glimpse of Kuya Gio's eyes' reflection on the rearview mirror. Nakatingin siya kay KC!
Crush niya ba si KC? Well, KC's really pretty and mga katulad niya 'yung type ni Kuya. But, paano pa kaya kung makita niya si Brianna? She's really the prettiest girl for me. Hindi pa madalas mag-makeup. Lip tint lang madalas.
"Thank you, Aika! Thank you din po, Kuya," sabi ni KC bago bumaba nang makarating kami sa harap ng bahay nila.
"Malapit lang sa akin dito. Diretso lang po," sabi ni Deli.
"Okay, then."
Kuya started driving away and in just few minutes, nakarating na kami sa bahay nila Deli.
Wow, her place looks like ancestral house! Big and antique!
"Thank you po, kuya! Bye, Aika!"
Nang makababa na si Deli at magsimulang mag-drive paalis si Kuya, nagsalita ako.
"So, sinong crush mo sa dalawa?" I asked, grinning.
He scoffed. "Hindi ako pumapatol sa bata."
I smirked. "KC's 18 and Deli's 19. Wala nang bata sa amin, kuya."
He chuckled before turning left. "Wala nga. That KC's just beautiful."
Tumawa ako nang malakas dahil doon. "Sabi ko na, eh! You were so obvious! Pero 'wag ka nang umasa do'n. Manhater 'yon."
Tumingin siya sa akin. "Why?"
"Well, before, there's a video I saw on social media. Shinare yata ng kapit-bahay natin. KC's on that video and she's crying because, apparently, that acquaintance of yours that I saw sometimes, ex pala ni KC. The video is not that clear but she looked like she's begging for another chance with him. Parang nanloko 'yung lalaki kasi he's with other woman on the video, eh," I shrugged. "Jeremy ba name?"
He muttered a cuss. "That fucker never really learned his lessons, huh?"
"Language," I warned him.
He became silent after that. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay namin. Bumaba na ako ng sasakyan at nauna nang pumasok sa bahay. Paakyat na ako ng hagdan nang tinawag ako ni Kuya.
"Aira."
I stopped walking before looking at him. "Why?"
He looked away. "Can you . . . take a close look on KC and check on her always?"
I smiled, chuckling before crossing my arms in front of me. "And why?"
"W-Well, she's a victim of someone I know, right? Sige na, aalis na muna ako. I have to go somewhere."
Muli akong tumawa nang malakas. "Don't worry! I'll make her come here, for you, I promise!"
Umirap lang siya sa akin bago lumabas ulit ng bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top