Introduction

“CK, help me, please!” I said while shaking him, trying to wake him up from his super white bed.

He grunted. “Ayaw ko, Sarie. I told you, I can help you with anything but not to surprise your asshole boyfriend.”

I rolled my eyes and crossed my arms. “CK, this is our sixth anniversary! I need your masculinity for this! What if he’ll propose to me now?”

He chuckled. “How could he propose to you? Pinapaaral mo pa nga ’yan. Panghulog ng condo niya, minsan, sa iyo pa nanggagaling.” He scoffed.

Napailing na lang ako kasabay ng pag-irap sa kan’ya. Bumangon na siya saka tumayo. Pinanood ko ang makinis at hubad niyang likod na magpunta sa malaking closet para kumuha ng puting t-shirt saka ito isinuot. Humarap siya sa akin nang nakataas ang kaliwang makapal na kilay; magulo rin ang makapal niyang buhok.

I looked away from that aight of him. “S-So what?”

He laughed. “So? What?” He scoffed. “Mag-propose siya sa ’yo kung kaya na niyang suportahan ang sarili, hindi yung sa ’yo pa niya iniaasa ang allowance at tuition fee niya! That douchebag, really.” He grunted, shaking his head, then started walking to the bathroom.

I sighed and talked back in my louder voice. “I told you, it’s my choice to help him with his med school expenses! He doesn’t want me to but I insisted! Hindi naman niya hiningi sa akin ito!”

I imagined him brushing his teeth. All I can hear is the sound of the water coming out of the faucet. Ilang sandali pa, sumagot siya gamit din ang malakas na boses.

“I don’t fucking care, he’s still not innocent for using you and your money to his advantage!”

Napabuntonghininga na lang ulit ako. Ilang sandali pa, lumabas na siya ng bathroom habang pinupunasan ang mukha gamit ang face towel.

“And don’t you dare forget that he cheated on you--not once, not twice, and definitely not only thrice!” He smirked. “There must be an unlimited chance from you kapag ikaw ang girlfriend.”

He turned his back from me and started walking out of his room. I followed him.

“When you finally love a girl, you’d definitely understand why I kept on forgiving him!”

He laughed sarcastically. “I will not forgive a cheater, Sarie. Kahit gaano ko pa kamahal ang babae, hindi deserved ng cheater ang second chance so, no.”

I rolled my eyes. “Okay then, Mr. No Second Chance. Just help me on this one, please,” I said as I continuously followed him while he poured his glass of cold water from the dispenser.

“I am not helping you,” matigas na sabi niya. Humarap siya sa akin. “I am not helping you surprise him and I will definitely not help him to propose to you.”

I pouted. “Why?”

He shrugged. “You don’t deserve him.”

I scoffed. “You say that to every man who courted me before Alvin! It makes me feel that I don't deserve anyone tuloy!”

He rolled his eyes. “Dahil gago lahat ng lalaking lumalapit sa ’yo, that’s why. You are too fucking nice that every asshole think they can get anything they want from you any time they fucking want.”

I didn't talk. I waited for the following words he’ll say.

“Hindi kita hahayaang mapunta sa mga gago lang, Sarie. But if that fucker proposed to you and you said yes despite everything he did, eh ’di congratulations! I don’t manipulate things that you’ve already decided anymore. Kung pipiliin mo pa rin na makasama siya sa buhay mo at magpakasal sa kan’ya after everything he’s done . . .” He looked away, gulping. “Eh ’di . . . magsama kayong dalawa. Basta binalaan na kita.”

I sighed. Nagsimula na siyang mag-prepare ng breakfast niya. Hindi na ako nakasagot pa dahil alam ko namang may point siya.

Those days that Alvin cheated on me, it was because I had no time for him. Busy ako sa pag-aaral at hindi ko naibigay ang oras sa kan’ya. Hindi kami madalas nagkikita at minsan, nakakalimutan ko pa siya. Other times that he cheated on me was when he was drunk and he didn’t know what he was doing. Nagising na lang daw siya na may katabi na siyang babae.

And the first time he cheated on me was when we haven’t had sex yet, and I understand that he had needs that I didn’t give him yet, so he took it from other girls. 

All those times that he cheated on me, hindi naman niya kusang inamin. It’s either I caught girls’ things in his condo that I know wasn’t mine. Kung hindi naman ako ang makahuli, binabalita sa akin ni CK.

When I told CK that I understand all Alvin’s reasons for cheating on me and that I have my fault and shortcomings too, halos murahin niya ako. Sabi niya, hindi raw valid ang lahat ng rason na ibinigay sa akin ni Alvin for what he did . . . that he’s gaslighting me.

“If you truly love someone, you will never have a single reason to look for another girl because you know you have the best! You never fucking cheat on someone you truly love, Sarie!”

Those angry words from CK after he caught Alvin in a bar, kissing another girl, it’s engraved in my heart.

Well, at least it’s been two years and Alvin has been very faithful to me. Sabi ni CK, baka raw hindi lang namin nahuhuli, but I know Alvin. He’s very loyal to me now. Two years straight and there’s no fight because of cheating.

That’s a good thing for me already.

Umalis ako sa condo ni CK nang hindi siya nako-convince na tulungan ako. Gusto ko lang naman ng opinions niya for a surprise party na gagawin ko para sa sixth anniversary namin, ayaw niya pa! He’s really been very supportive of everything in me, except dito kay Alvin.

He hates him. And my boyfriend hates him too. They basically shared mutual feelings.

Pumasok na ako sa work. I also decided to leave CK alone because he needs to prepare din, may pasok pa siya sa med school. Baka makagulo pa ako sa pag-aaral niya kapag kinulit-kulit ko siya.

Habang nagda-drive papunta sa company, naka-receive ako ng tawag sa empleyado ko sa flower shop ko sa Baguio. Since tumatawag lang naman siya tuwing may emergency, sinagot ko na.

“Yes, Ysa?” I answered.

“Ma’am, pasensiya na. Hindi ho dumating yung mga in-order nating extra roses mula sa supplier. Na-contact ko naman na sila pero naaksidente raw ho yung magde-deliver at sira ang mga bulaklak. Okay naman ang mga tauhan nila. Kaso, wala ho tayong supply ng mga rose ngayon, sayang dahil peak season pa naman. Nag-try akong tumawag sa ibang supplier pero wala na rin silang available.”

Napahawak ako sa labi na may red matte lipstick habang ang isang kamay ay mahigpit ang hawak sa steering wheel. Ito na nga ba ang sinasabi ko, hindi p’wedeng hindi ako uuwi every weekends doon, eh. Tsk.

“May stocks ba tayo ng tulips?” I asked.

“Uhh, medyo marami, Ma’am Sarah. Kaso hindi naman ho ito ang hinahanap kapag Valentine’s Day. Mas mahal din ho kasi.”

Napanguso ako. “Basta i-prepare mo yung mga natitira d’yan. Pupunta ako.”

Pagkatapos n’on, pinatay ko na ang tawag. Sunod na tinawagan ko ay si Daddy. Mabilis naman niya itong sinagot.

“Yes, my love?” he answered.

“Daddy, hindi ako papasok. Uwi ako ng Baguio. May problema sa flower shop ko.”

Humalakhak siya. “Okay, then. Drive safely. Pumasok ka bukas.”

“Opo. Thank you.”

Binilisan ko ang pagda-drive saka tinahak ang daan patungo sa Baguio. It was a long drive but at least, mareresolba ko ang problema sa sarili kong business.

Business nga bang matatawag ’to? It was more of a hobby. Since high school, CK has been calling me “plantita” because of my extreme adoration with trees, plants and flowers--the nature, basically. What should I do? They’re just very relaxing to take care of.

After a few hours, nakarating na ako sa flower shop. Naka-organize nang maayos ang mga bulaklak ayon sa variations at kulay. May ilang clients din doon na nagpapagawa ng bouquet para sa pagbibigyan nila. Both of my delivery guys were nowhere to be found. I guess they are having a busy day today.

“Hi, Ysa! Hi Charmie!” I greeted them as I went inside and helped her assist the customers.

“Ma’am, mauubos na ang mga rose natin,” Charmie told me like Ysa never told me abiut it already.

Tumawa ako. “Chill, may kaunti pa naman yata sa farm. Nagsabi na ako ro’n na dalhin lahat ng p’wedeng dalhin dito. Also, we will make a promotional poster for our tulips. This is a better choice for me.”

Napanguso yung lalaki na nasa harap ko ngayon, hinihintay ang ginagawang bouquet ni Ysa.

“May I ask something?” that guy asked.

“Yes, sir, how may I help you?” I asked while sitting in front of the computer.

“What’s the difference between rose and tulips? Why do you think the latter’s a better choice? Uhm . . . aren’t all flowers just the same? At isa pa, mas maganda ang rose.”

I chuckled before facing him completely. “A rose symbolizes love and romance. But tulips symbolize perfect and deep love. Any flower can symbolize love and romance but it’s only tulips that make it perfect and deep.”

Tumango-tango ang lalaki bago ibinalik ang tingin kay Ysa.

“Uhm, can I change my order? Can I get tulips na lang?”

Tumawa ako nang mahina bago lumabas sa counter. “Sure, sir! What color do you want?”

“What color is the best for you?”

Napanguso ako. “Is she your girlfriend or . . . ?”

He gulped, looking away. “S-She’s a f-friend. I’m . . . I’m courting her.”

Tumango-tango ako. “Then buy red tulips. It represents those three words that you want to tell her.”

He smiled. “Thank you, miss.”

Tumango na lang ako bago kumuha ng isang dosenang red tulips saka ibinigay kay Ysa. Nagsimula na siya sa paggawa ulit ng bouquet matapos n’on.

“So, what shall I put in the card?” I asked him.

He smiled shyly. “Hannie, happy valentine’s day.” He looked down with his neck turning red. “I . . . I love . . . y-you.”

I giggled while doing the beautiful calligraphy for the message he wanted to put in his card using my gold metallic pen.

“Name, sir.”

“Iverson.”

Napaangat ako ng kanang kilay habang nakangiti. Ang pogi ng pangalan kaso mukhang torpe.

Nang matapos kong gawin ang card, ni-seal ko na ’yon gamit ang gold wax seal. Dahil tulips ang in-order niyang flower, tulips din ang design nito. Patapos na rin si Ysa sa pagbo-bouquet ng order niya kaya iniabot ko na sa kan’ya ang card. Gumawa na ako ng promotional post para sa tulips namin, tutal, ’yon ang marami kami.

Sana okay lang ang mga delivery men na naaksidente raw habang nagde-deliver sa mga client.

“Thanks, miss! She’s going to like it!” Iverson said while holding the flower and chocolates he bought from the shop.

I clicked my tongue and winked at him. “She’s going to lIke you, I believe!” I said while giving his change and receipt.

He chuckled. “Thanks!”

Nagpatuloy na ako sa pag-layout hanggang sa tuluyan na akong nakagawa ng promotion for tulips. Inilagay ko lang kung ano ang sini-symbolize nito, katulad ng sinabi ko kay Iverson kanina, tapos nilagay ko rin na discounted ng 20% ang presyo. Hindi naman ako malulugi kahit na 50% pa ang ibawas ko dahil okay naman ang takbo nitong flower shop ko for the whole two years.

At isa pa, it’s not about the money kaya itinayo ko itong business. It’s about the relaxation it made me feel.

After that, nagtrabaho na rin ako sa shop. Habang gumagawa ng bouquet si Ysa at Charmie, ako naman ang nagka-calligraphy sa card ng messages ng clients saka nagsi-seal ng envelops gamit ang gold wax seal.

It was a very busy day dahil marami rin orders na for delivery kaya double time. Kapag talagang lumaki ang flower shop na ito, I’ll hire more florists para hindi na kami mahirapan! Ysa, Charmie and I were not enough lalo na kapag peak season.

Bago magsara ng shop, pinaggawa ko ng tig-iisang bouquet ng mga natirang bulaklak ang mga empleyado ko. Binigyan ko rin sila ng mga natirang chocolates sa shop, tutal, they did a great job today. Nagawaan lahat ng order except sa mga huling order ng roses dahil naubos na ang stocks.

Still, everyone did a great job and they deserved a reward like that!

Madilim na nang umalis ako ng Baguio para bumalik ng Manila. Bukas na sana ako babalik dahil pagod ang katawan ko sa byahe at maraming clients na dumating ngayon, pero dahil gusto ni Dad na pumasok ako, ano pa bang choice ko? 

Magpapasundo na lang sana ako kanina kay Alvin pero may night shift daw siya. Nag-send pa ng selfie na nasa hospital siya!

Sayang dahil Valentine’s Day ngayon. Hindi kami nakapag-date.

It’s past dinner time when I arrived to my condo unit. Hindi na ako nakapagluto pa. Ni-microwave ko na lang ang kung anong nakuha ko sa ref saka kinain bago naligo saka natulog.

🌺

A week before Alvin and I’s anniversary, I was excited. Nakapag-invite na ako ng friends and colleagues para sa party na in-arrange ko. CK told me that this party is bullshit pero alam ko namang pupunta pa rin siya. Nasabihan ko na rin ang friends ko sa Baguio, especially Tori, na pumunta dito sa Manila for this.

If Alvin’s going to propose to me that night, I want everyone to witness it. They’ve been doubting our relationship for years. This time, I really feel that he will do it.

I just know it.

Matapos kong makapag-time out sa trabaho, lumabas na ako ng company at sumakay sa sasakyan. I was about to drive to my place when Alvin’s mother called me. I immediately answered it before I started the engine.

“Hi, Mama!” I said cheerfully.

It was what his parents wanted. They were very traditional. They treated their children’s girlfriends and boyfriends like a family and they wanted me to call them Mama and Papa, too. The best future in-laws ever!

“Sarah, anak, p’wede ka bang pumunta dito sa bahay?”

Napakunot-noo ako at mabagal na nawala ang lawak ng ngiti. Mukhang may problema ulit sila, ah? Sana makatulong ulit ako this time.

“S-Sure, Mama! I’ll be there in thirty minutes.”

After I said that, we bid our goodbyes and ended the call. Nag-drive na rin ako paalis ng parking lot at nagpunta sa bahay ng parents ni Alvin. Hindi ko alam kung alam niya na pupunta ako pero dahil ayaw ko na siyang ma-stress kung sakaling may problema nga ulit ang family niya sa loans, hindi ko na ipapaalam sa kan’ya.

Nang makarating ako, mabilis akong nag-park sa harap ng bahay nila. Lumabas ako ng sasakyan saka lumapit sa gate. Pinindot ko ng dalawang beses ang doorbell nila.

Habang naghihintay, napansin ko ang sasakyan na pamilyar na nandoon din sa labas. Hindi ako matandain sa plate number but this one’s really familiar. I think, classmate ito ni Alvin sa med school, si Eula.

Ilang sandali lang din, pinagbuksan na ako ng mama ni Alvin.

Hindi siya nagsasalita habang naglalakad kami papasok sa loob ng bahay nila. Kita ko rin ang lungkot sa kan’ya. Feeling ko talaga, may malaki silang problema.

Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng bahay, napatigil ako dahil hindi nga ako nagkamali. Nandoon nga si Eula!

Ngumiti ako at kumaway sa kan’ya. “Hi, Eula!”

Lumingon sa akin si Mama. “Magkakilala kayo?”

Napakunot-noo ako bago ibinalik ang tingin kay Eula. “Yup. I went to a party with Alvin for a few times and nandoon din siya. Classmates din sila sa med school.”

Nagbuntonghininga si Mama. Napalingon ako kay Papa na padabog ibinagsak ang basong pinag-inuman sa center table saka tumayo at nagmartsa paalis ng living room. Kinabahan ako dahil do’n. Marahan akong naupo sa single couch habang si Mama naman ay sa kabilang couch kung saan nakaupo kanina si Papa. Lalo akong kinabahan nang makitang nangingilid ang mga luha ni Eula habang mahigpit na magkahawak ang mga kamay, mukhang natatakot.

“M-May ano ho ba?” kinakabahang tanong ko.

Bumaba ang tingin ni Mama sa envelop na nasa center table. Napalunok ako nang mapansin na may nakalabas na ilang parte doon. Parang may picture na black and white pero hindi ko sure dahil nakatupi ito.

“Hija, Sarah, k-kailangan n’yo nang maghiwalay ng anak ko,” panimula ni Mama.

Napakunot-noo ako, kasabay ng panlalamig ko. Dahil sa narinig, parang pinipigilan ko na rin ang paghinga kasi . . . bakit?

“Bakit ho? Bakit ho kami m-maghihiwalay?” Hindi siya sumagot. Umiling-iling ako. “A-Ayaw ko ho.”

Nagbuntonghininga si Mama kasabay ng pagpatak ng mga luha niya.

“Buntis si Eula, hija! At si Alvin ang ama!”

Napaawang ang bibig ko, hindi makapaniwala sa narinig. Tumingin ako sa babaeng nasa gilid ng long couch, ngayon ay umiiyak na at nakayuko.

“Kanina ko lang nalaman ang lahat. Matagal na silang may relasyon, Sarah. Niloko ka ng anak ko.” 

Humikbi siya kasabay ng pagtakip sa mukha.

“Patawarin mo ako, hindi yata ako naging mabuting ina sa anak ko.”

Hindi ako nakapagsalita. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko habang nakatingin sa babaeng nasa gilid na humahagulgol ngayon . . . na para bang siya ang nasasaktan sa aming dalawa.

Tumayo ako at tumalikod na para umalis dahil sapat na ang narinig at nakita ko, pero tadhana na yata ang gumagawa ng paraan para mailabas ang galit ko.

“Sarah, wait. I’m . . . I’m sorry . . .”

Hinawakan ni Eula ang braso ko para pigilan ako sa paglalakad. Mabilis kong inialis ’yon at humarap sa kan’ya saka siya sinampal nang malakas, dahilan para mapaupo siya sa sahig.

“Hindi kami maghihiwalay. Hindi ko hihiwalayan si Alvin. Hindi siya ang ama niyan!”

Matapos n’on, tuluyan na akong umalis habang sunod-sunod ang malalim na paghinga.

Alvin . . . you never fucking changed. You still cheated on me and what’s the fucking worst . . . pinakilala mo pa sa akin ang babae mo!

Fuck you! Fuck you, Alvin! Fuck you but I don’t want to lose you after everything you did!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top