u n c n s r d 38
use #uncnsrd1 as hashtag
NOTE (012719): Ilang beses ko na pong in-explain ito sa mga sns accts ko (fb, tw, ig) kahit dito sa wattpad pero mukhang andami pa ring hindi nakakabasa ng napakarami kong announcement kaya sisirain ko na lang tong uncnsrd layout at dito ilagay para wala nang excuse na "hindi nabasa" o "hindi alam" huhu pls read po..
Thank you for rereading the story (or this chapter) every now and then for the past years I didn't update. I'm officially announcing uncnsrd as a hiatus story. I'm sorry. Medyo naubos ang pagmamahal ko sa pagsusulat ng mga kwento. I need to get it back, at straining sa akin for some reason ang story na to. (Maybe because sumabay siya sa fucked up last few years of school + first year of fucked up transition to adulting life? Huhu.)
I think I need to go back to my roots—where writing here is supposed to be fun because I'm bored (i'm no longer bored, super duper busy ko na ngayon, so kailangan ko matutunan i-squeeze ang pagsusulat sa busy adulting life. Pls let me adapt po muna sa outside world.)
Please refrain from demanding updates. Okay lang po mag-comment ng thoughts. Okay lang po magsabi ng "namimiss ko na sila". Okay lang po mag-reread. BUT PLS REFRAIN FROM DEMANDING UPDATES. Straining po talaga ito sa akin huhuhu. Maawa po. :(
Pare-parehas lang po tayong gusto ng chapter (and God knows how much I want this to be done already kaso di naman natin pwedeng madaliin kapag di kaya di ba?). Comment if you like, but do noooot demand. Huwag rin pong magpaawa, hindi eepekto huhu. Kapag hindi na kinaya ng utak ko ang mga nababasang demand at paawa sa updates, baka mapilitan akong mag-mute accounts na so plssss huhu wag muna ngayon. Babalikan ko to pero hindi muna ngayon :"<
Sa lahat ng nagpapasensya since day 1, thank you.
Thank you for staying. :)
Para naman sa mga bago at ito ang naabutan, hi, pasensya na. Balik po kayo.
See you na lang muna sa ibang mga kwento ko.
:D
~ rayne
u n c n s r d 38
"Hindi pa ako natatauhan, teka, baliw pa ako. Teka lang."
Noong bago pa lang ako sa Maynila, may isang misteryo ang bumungad sa akin.
Ped Xing.
Sino si Ped Xing?
Bakit siya nasa iba't ibang lugar ng Maynila? Sino ang mayamang ito na kinailangan pang ilagay sa signage ng iba't ibang kanto, na mas malapit sa stop light? Siya ba ang may ari ng mga stop light sa Maynila? At ang huli: Chinese businessman ba si Mr Ped Xing?
Halos isang taon din akong namangha. May pagkakataong naging pangarap ko ring maging tulad ni Pedxing na mailagay sa mga signage ang pangalan ko sa sobrang ganda ng contribution ko sa Pilipinas. Halos isang taon din akong naging kaawa-awa sa pag-iisip na ito.
Dahil si pedxing ay hindi pala si kundi pedestrian crossing.
Doon ko lang napansing sa tuwing may pedxing signage ay may crossing. Sabi nga nila, I've been living in a lie all my life. Kaya sinong mag-aakalang makikita at makikilala ko ang totoong Pedxing?
"Lakas trip ng magulang mo, eh no," natatawang sabi ni Deus habang vini-video-han si Pedxing, ang 10 year-old na anak ng porter namin papuntang Mt. Apo. "Kamusta naman ang pagpapangalan sa 'yo sa pedestrian crossing?"
Nangingiti lang 'yong bata sa amin. Kahit 'yong tatay, nakikitawa sa amin.
"Hindi pareee," sambit ni Bob. "Sa kanya talaga pinangalan 'yong mga ped xing, eh."
Nagtawanan kaming lahat.
Pinatong ni Unica ang braso niya sa balikat ko na ikinabigla ko rin. Akala ko may sasabihin siya pero natahimik lang kami, nanonood sa interview ni Deus sa nag-iisang ped xing – mukhang nakakuha siya ng magandang content para sa vlog.
Pagkagising kanina, ang pag-amin kong crush ko si Unica ang unang bumungad sa isip ko. At sa pagtatanong sa sarili kung panaginip ko lang ba yon o totoo talaga. Ah, isa pa pala. Ang sakit ng ulo ko. Hang over.
Buong pag-aayos namin at byahe ko tinatanong sa sarili ko kung totoo ba o hindi. Kamuntikan ko na ngang tanungin si Jax kung may narinig ba siya. Kailangan niyang ipaalala sa akin.
Ngayong nakapatong ang braso ni Unica sa balikat ko, mas lalo akong naguluhan. Umamin ba talaga akong crush ko siya o panaginip lang lahat? May nagbago ba sa amin o wala?
Nakng, mas nadadaga ako kaysa sa pag-akyat ng pinaka mataas na bundok o bulkan sa Pilipinas.
Naka-hang lang ang kamay ni Unica sa ere. Nang kumilos ang kamay ko at hinawakan ang hintuturo niya para pabigatin, nagkalingunan kami. Agad niyang inalis ang pagkakapatong sa balikat ko at nag-ayos ng mga gamit. Nawala ang tinginan. Dumating na ang ibang hikers na makakasama namin sa halos tatlong araw na pag-akyat.
Pagkatapos ng mahaba at nakakasakit ng katawan na habal-habal, bumaba kami sa jump start ng pag-hike. Malawak na palayan at sa mumunting tahanan ni Kuya Muting kami nananghalian.
"Grabe, namamanhid pwet ko!" sabi ni Jax habang hinihimas ang sinabi, kumakain din.
"Kakatae mo 'yan kagabi," natatawang sabi ni Unica.
Natigilan ako. Napatingin ako kay Unica na kasabay na tumatawa nila Deus. Paglingon ko kay Jax, nagkatinginan kami saka ibalik ang pakikipag-asaran kay Unica.
Habang kumakain sa labas, tinuro ni Kuya Muting ang kung saan ang Mt. Apo pero hindi nakikita dahil sa kapal ng hamog na nakapalibot.
"Umuulan kaya doon?" tanong ni Deus.
"Maaari," ang sagot sa kanya.
"iiyak talaga ako kapag hindi natin nakita yung clear summit," sabi ni Amari. "Ready na ready pa naman ako sa photo at video op ko! Alam mo na, Deus, ha."
Nag-thumbs up si Deus.
"May dala ka pa ngang make up," natatawang sabi ni Pja.
"Kala mo rarampa, e," sabi ni Jax. "Di naman mukhang model."
Nagtawanan kaming lahat nang paghahampasin ni Amari si Jax. Naghabulan pa sila at muntik pang malaglag sa taniman si Jax sa sobrang likot. Kahit si K na tahimik na tinitingnan ang hamog na tumatakip sa Mt. Apo, nakitawa rin.
Pagpatak ng mga 1pm, nagsimula na ang trek namin. Naglakad kami sa kahabaan ng palayaan. Nag-aasaran, usapan at kuhanan ng litrato. Medyo kabado ako nang nakarating kami sa gubat na tatahakin ng kapatagan ng trail. Dahil sa hamog, hindi masyadong nakikita ang malayo pero nagpatuloy kami sa paglalakad.
Wala pang limang minuto sa paglalakad sa loob ng gubat, sa gitna ng mga naglalakihang puno, mga batong kinalatan ng berdeng moss, at ilang mga sangang nagkalat at punong nagtumbahan – pagod na agad ako. May mga tumutulo pang tubig mula sa itaas na madalas tumama sa salamin ko sa mata.
"Lakas ng hingal natin, ah," bati sa akin ni Bob na hinihingal din tulad ko. "Kaya pa?"
Tumango ako. "Ikaw, kaya pa?"
"Kapag nahimatay ako rit—"
"Kakaladkarin ka namin," natatawang sabi ni Unica.
"Iiwan na 'yan!" sigaw ni Jax. "Sumama ka na sa mga ninuno mo, Bob."
"Ulul, wala kang duts sa akin pag-akyat."
"Hindi ba delikado 'yan sa pagtaas?" tanong ni K na binabagalan ang paglalakad, sinasabayan kami. Nilingon niya ang isa sa mga porter na sumasabay din sa amin na akala mo ay naglalakad lang sa parke. "Kuya?"
"May dala kaming tanduay," sabi ng porter.
"Uy?!" sigaw ni Jax. "Pwedeng mag-inom sa taas?"
"Basta ho hindi malalasing at magkakalat."
"Chino, bawal daw malasing."
Nakangiti sa akin si Jax sa pang-aasar. Tumango lang ako. Unti-unti kong binilisan ang paglalakad, pag-akyat at pagbaba pati ang pag-iwas sa mga madudulas na parte ng dinadaanan. Sumabay ako kanila Herq, Deus, Amari at Unica na nauuna kasabayan ang guide na kinakausap ni Deus at vini-video-han.
Nasa isang oras o dalawa na ata kaming naglalakad at pagtawid ng mga sapa nang mapansin namin ang mga basurang nakakalat sa paligid. Ang sabi ng guide namin, iniiwan ito ng mga nagha-hike at kahit anong gawin nilang linis ng kalat, nagkakaroon pa rin talaga.
Kinuha ko ang ilang bote ng tubig at plastic ng chichiryang nakaipit sa gilid ng puno. Nilagay ko ang lahat ng maaabot kong basura at nilagay sa plastic.
"Sir, kami na ho r'yan," sabi ng isang porter nang makita ang ginagawa ko.
"Ayos lang, Boss. Ako nang magtatapon nito," sabi ko.
Tinutok ni Deus ang video sa akin. "Huwarang mamamayan ng Pilipinas."
"Kung hindi kikilos ang sarili, sino pa bang magsisimula?" sabi ni Herq at tinanguan ako. Kumuha rin siya ng basura at tinapon sa plastic na hawak ko.
"My Chino!" nangingiting sabi ni Amari at kumapit sa braso ko. Kinurot niya ang pisngi ko at pinanggigilan. "Kailan kaya magiging kasing bait mo si Jax?"
"Narinig ko pangalan ko!" sigaw ni Jax mula sa likuran.
"Yes, iaalay ka na raw namin sa mga anito!" sigaw pabalik ni Amari na tinawanan namin.
Hinihingal at pagod na ako pero inaalalayan ko rin paminsan si Amari kapag may madulas na daan. May pagkakataong naaalala ko sa kanya si Mari Solei – Aris – pero may mga pagkakataong ngingitian lang ako ni Amari at magte-thank you.
"Kaya ko na," sasabihin niya.
Alas singko nang makarating kami sa Godi -Godi campsite kung saan kami magse-set up ng camp. Habang nag-aayos ng tarpaulin at tent, lumapit sa akin si Unica dahilan para kabahan ako nang todo. Kinuha niya ang plastic na may mga basura at tinapon doon ang ilang plastic at bote.
"Nagtatapon ka na sa tamang tapunan?" nangingiti kong bati sa kanya. "Congrats."
Umirap siyang nakangiti. "Pabida ka, eh."
Tumawa kami.
Umaambon nang maghapunan kami kaya sobrang lamig. Sa gitna ng mga putik, uminom kami ng mainit na kape at milong tinimpla ng mga porters para sa amin. Ako ata ang pinaka naunang nakatulog sa pagod pero ako rin ang pinaka huling gumising kinabukasan.
Nakng, ang sakit ng katawan ko.
"Mahamog pa rin," banggit ni Deus, inilibot ang tingin sa paligid. "Magiging maayos kaya panahon sa tuktok?"
"Deus please," sabi ni Amari, nakasimangot. "Don't jinx it!"
"Tiwala lang po mga Ma'am, Sir," sabi ng guide habang nag uumagahan kami. "Camp ho tayo sa summit kung sakaling masama panahon."
"Gaano pa po ba katagal lalakarin natin papunta sa susunod na campsite?"
"Mga halos 4-6 hours ho, depende sa bilis o bagal atin."
Sabik na akong makapunta sa taas pero may takot din sa hamog sa paligid. Hindi rin nakakatulong na gusto ka nang mamatay nang sabihing kailangan namin akyatin ang malalaking boulders paakyat. Hindi lang basta paakyat.
"Safe bang mag wall climbing?" tanong ni Amari habang nakaangat ang tingin sa tuktok ng boulders na hindi na rin namin masyadong makita dahil sa kapal ng usok.
"Nang walang helmet," dagdag ni Jax.
"Wala ring safety gear," sabi ko.
Napalunok ako. May kaunting saya rin dahil hindi lang ako ang takot at malakas ang hingal.
"Ays lang 'yan." Inakbayan kami ni Herq, hinihingal pero may lakas pang ngumiti. "Mas mabibigyan natin ng halaga ang dulo ng pupuntahan kung paghihirapan muna natin sa umpisa."
Dahil si Master Herq ang nagsabi, naniwala ako.
Ngunit wala pa sa kalahati. . .
"Nagsisisi na ako," sabi ko sa gitna ng hingal at gitna ng pag-akyat gamit ang kamay at paa. "Unica!" sigaw ko para marinig niya. "Nagsisisi na akong sumama sa 'yo dito!"
Gusto kong tumawa at mahiga na lang sa mga malalaking bato na ito. Ilang beses din akong muntikang ma-out of balance.
"Mabuti naman!" sigaw pabalik ni Unica. "Tatawa sana ako pero pagod ako!"
"Uwi na tayo!" Natawa ako at naupo saglit.
"Walang kayo, Chino!" sigaw ni Deus sa kung saan man sa bandang taas, nauuna.
"Ayun lang," biglang banggit ni Pja sa gitna ng hingal, dinaanan ang parte ko at mas nauna nang umakyat. Kitang-kita ang tattoo niya sa binti. Sumisigaw din ang kulay ng buhok kahit nasa gitna ng makapal na hamog. "Sakit n'yan."
Nagkahiwa-hiwalay na rin kami ng phase dahil hindi namin kakayaning magkakasabay. Pakiramdam ko ay nasusunog na ang baga ko sa pagod. Nanunuot din ang amoy ng sulfur dahil sa mga vents nakapaligid. Gusto kong isuka buong kaluluwa ko.
"Wag kayong magsigawan, baka magsibagsakan 'tong mga boulders!" sigaw ni Bob mula sa ibaba. May dagdag pa siyang malakas na sigaw na, "Aaaahhh!"
"Uy pre," pasigaw ring sabi ni Jax, mukhang magkasabay sila. "Huwag ka namang mag-joke nang ganyan."
Natawa rin ako kasabay nila.
Dumaan sa parte ko si K, masaya akong makitang hindi lang ako ang hinihingal. Mas grabe nga lang ang sa akin.
"Kaya pa?" tanong niya.
"Papahinga lang," sabi ko. Naasar na rin ako sa salamin ko sa mata kaya sinuksok ko muna sa gilid ng bag.
Tumango siya, binigyan ako ng isa sa mga berry na binunot niya kanina at nagpatuloy sa pag-akyat. Naiwan akong kinain ang berry. Ayos ang lasa, pero sana napapalipad ako ng berry na 'to para hindi na ako umakyat.
Nakipagtitigan na muna ako sa isang malaking bato bago ko sinubukang tumayo. Na-out of balance pa ako saglit dahil sa panginginig ng tuhod.
"Sir, ayos lang kayo?"
"Malapit na po ba tayo?" tanong ko sa porter na tumigil din sa parte ko.
"Kaunti na lang."
"Gaano po kaunti?"
"10 minutes akyat. mga isa o dalawang oras para makarating sa campsite."
Shit.
Tumingala ako para tingnan ang tuktok na hindi pa rin kita dahil sa hamog. Sa pagtingala, naramdaman kong may pumatak. Isa. Dalawa. Tatlo – hanggang sa napagtanto kong hindi lang ambon ang naramdaman ko. Umulan. MALAKAS.
"Tara ho, Sir. Bilisan natin."
Hindi naman mabilis pero hindi na ako sobrang uminda kahit pagod na pagod na ako sa pag-akyat. Nang makapunta kami sa patag na tinatawag nilang Boracay dahil sa white sand na hindi pino, kahit lamig na lamig na ako dahil sa ulan, gusto ko na lang humilata. Matulog. Humingi ng kapatawaran sa Panginoon.
Hindi lang ako ang nakakaramdam ng pagod. Kahit si Jax ay nakayakap na rin kay Bob na kulang na lang ay nagpapakaladkad na.
Wala na akong oras para mamangha sa nakikita kahit wala naman na talagang masyadong nakikita dahil sa sobrang kapal ng hamog. Ang ginagawa ko na lang ay nagko-concentrate sa pagtaas at baba ng mga paa ko. Ang bawat hakbang. Ang bawat paghinga na sa tingin ko'y lalagutan na ako.
Sabi nga kanina ng guide bago kami magsimula, "One step at a time lang mga Ma'am, Sir. Huwag titingin sa likod o sa taas. Focus lang sa bawat hakbang, makakarating din tayo."
Muntik ko nang sabihing, "Daling sabihin, Kuya. Ang hirap gawin," pero mas pinili kong humingal na lang.
Gusto ko ring mapamura nang aakyat na naman kami ng halos 70 degrees ang angle para makarating sa Lake Venado. Hindi rin naging madali dahil isang maling tapak lang ay pwedeng gumiba yong tapakan at mamamatay na lang kaming lahat.
Na kung tutuusin, isa sa mga magagandang choices sa ngayon.
Nakarating kami sa campsite nang tumigil na ang ulan pero makapal ang hamog at may mga tent nang nakatayo. Mukhang may mga naunang hikers kaysa sa amin. Mayroon ding mga tindahan sa taas na pwedeng pagbilhan na agad naming pinuntahan. Kailangan namin ng pampainit. Kape. Milo. Kahit laklakin na ang mainit na tubig ay ayos lang.
Nilinis din namin ang mga putik at nagpaka-hygienic kahit papaano.
Ginusto kong tumulong sa pagtatayo ng tent namin pero hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa isa sa mga upuan. Nagising na lang ako nang gisingin ako ng nagbabantay sa tindahan. Pagkahingi ko ng pasensya, nilingon ko ang paligid. Hindi na lang katawan ang masakit, kasama pa ang leeg.
Ang una kong nakita ay si Unica na may kausap na lalaki. Matangkad. Maputi. Maayos ang pangangatawan. Mahamog at malabo ang mga mata ko dahil wala akong salamin sa ngayon pero. . .agad pumasok ang isang pangalan sa utak ko.
Alam kong siya 'yon.
Dante.
Kinabahan ako. Hinanap ko sila Deus na nasa parte kung saan nakatayo ang mga tent namin. Napapatingin pa rin ako kay Unica na kinakausap ang mga taong kasama ni Dante sa kabilang mga tent.
"Nandito siya?"
"Sino?" napalingon sa akin si Deus, inalok niya ako ng baso na tinanggap ko. "Si Dante?"
"Oo."
"Kabababa lang nila mula sa tuktok," sabi ni Jax, umiinom din sa isang baso. "Narinig kong hindi raw maganda 'yong scene sa itaas. Mas ayos daw na hintayin 'yong bukas."
"Nandito sila hanggang bukas?"
Nagkibit-balikat si Jax.
"Tayo ang magpapabukas, Pre," sagot ni Deus.
Agad akong naupo sa tabi ni Deus, nakaupo sa tarpaulin, at ininom ang laman ng basong binigay niya. Gumihit ito sa lalamunan ko. Ito ata ang dala nung porter kanina na Tanduay.
"Sila Amari?" tanong ko, nakatutok ang mga mata ko sa kung paano ngumiti si Unica sa mga nakakausap niya sa kabila. Hinawakan din ni Dante ang balikat ni Unica. Bakit hinahayaan lang ni Unica na hawakan siya? "Nasaan?"
"Nag-feeling model sa kung saan," sabi ni Jax. "Sinama sila Pja at K."
Tumango-tango ako. Hindi ako makaiwas ng tingin nang lumapit ang ulo ni Dante kay Unica, mukhang may binulong. Napansin ko ring nakalingon ang ulo ni Unica kay Dante pagkatapos. Matagal. Malabo ang mga mata ko pero alam kong magkatitigan sila.
Bigla kong hiniling na sana may ilalabo pa ang mata ko kapag walang salamin.
"Saan si Bob?"
"Duts," sabi ni Deus. "Nasa loob ng isa sa mga tent, pampainit daw. Kung tatanungin mo si Herq, ayun," tinuro niya ang grupong pagtitipon ng mga guide at porters. Mukhang nag-uusap usap sila roon.
Tumango-tango ulit ako.
Lumingon ang ulo ni Unica sa parte namin. May kung anong humalukay sa tiyan ko. Nilingon din kami ni Dante. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanila.
Napatayo ako nang makitang papalapit sa kinauupuan namin si Unica. Hindi lang siya, sumusunod sa kanya si Dante. May kung ano akong ginawa, magulo, para akong naghanap ng kung ano hanggang sa mapagbirong pinalo ako ni Deus sa binti at sinabing maupo ako.
Malabo ang mga mata ko pero nang naglakad palapit sa amin si Unica, sa likod niya si Dante, ay palinaw nang palinaw silang dalawa sa paningin ko.
Gusto kong pumikit. Pero nakatutok lang ako sa kanila.
Naupo si Unica sa tabi ni Deus sa kabila. Habang si Dante, nakipag-apir kay Deus at Jax. Ngiting ngiti sila. Nagsabihan ng 'long time!'
Nang magkatinginan kami ni Dante, tumango siya sa akin at ngumiti. "Dante nga pala." Naka-abang ang kamay niya sa pag-apir.
Nakipag-apir ako. "Chino." Hindi ako makangiti.
Naupo siya ng indian sit sa halos tapat ko, katabi siya ni Unica. Napansin ko ang pagtama ng tuhod niya sa tuhod ni Unica. Nilayo ni Unica ang tuhod niya pero hinawakan ni Dante. Anakng.
"New face ka sa ganito ah," biglang sabi ni Dante dahilan para umangat ang tingin ko sa mata niyang napaka singkit. Siya ang kasayaw ni Unica noong party. . . halos mangharana. Chinese na chinese. "Kaninong recruit?"
"Unica," sabi ni Deus, binigyan ng baso si Dante.
Napatingin ako kay Unica na nakatingin lang sa akin pero nilingon ulit si Dante dahil kinausap siya. Bakit naman ang bilis ng paglingon niya kay Dante?
"Nasaan si Vane? Hindi ba recruit mo rin 'yon?"
"Wala, unavailable."
Pumalatak si Dante, nakangiti kay Unica. "Nakakaselos, ah. Puro lalaki nare-recruit mo."
"Oh, may pa-gan'on ang OTP ko," natatawang sabi ni Jax. Gusto ko siyang patahimikin, wag na siyang magsalita.
Tumawa si Dante. Nakipag-apir kay Jax.
Nakatingin lang ako kay Unica na tiningnan si Dante. Hinihintay kong bumaling siya ng tingin sa akin pero hindi na niya ako tiningnan ulit. Ang sakit ng buong katawan ko kaya nagpaalam na muna akong magpapahinga sa isa sa mga tent.
"A'ight, t'was nice meeting you," bati ni Dante nang ngiting-ngiti, nawawala na ang mata. "Nakakapagod pag-akyat pero worth it, mahamog nga lang sa taas sa ngayon."
Tumango lang ako bilang tugon.
Hindi ko na tiningnan pa si Unica pero nang dumaan ang mga mata ko kay Deus, tinaas niya ang kamay. Nakipag-apir. Nagbalik sila sa pag-uusap tungkol sa Mt. Apo, hinayaan ko.
Pumasok ako sa isa sa mga tent at nahiga.
Naririnig ko ang boses ni Dante at Unica.
Pumikit.
Gusto kong matulog. Gusto ko ng katahimikan. Gusto kong magising nang maganda na ang panahon, umakyat na sa tuktok at tingnan kung gaano kaganda ang pinunta namin sa paglalakbay na 'to.
Ayaw kong masayang lahat.
Ayaw kong masira lang lahat.
Naririnig ko pa ang kaunting patak ng ulan sa tuktok ng tent kung saan ako nakahiga. Pagdilat, tumitig ako sa bawat patak at pagdulas ng tubig papunta sa lupa.
Ah. Nakng. Nanlulumo ako.
Nakikipag-agawan ang antok, pagod at gising sa katawan ko nang marinig ang zipper ng tent na nagbubukas. Hindi pa rin ako dumilat. Hinayaan ko lang ang kung sino mang papasok at baka may kukuhanin lang sa mga bag na nasa loob. Narinig ko ang pagsara ng tent, pero nararamdaman ko pa rin ang presensya ng isang tao.
"Usog ka."
Parang may sumuntok sa puso ko pagkarinig ng boses ni Unica. Pagkadilat, nakatingin siya sa akin at tinutulak ako kaunti sa gilid.
Napangiti ako.
Hihiga ka? ang gusto kong tanungin pero hindi ako nakapagsalita. Umusog lang ako saka siya nahiga sa tabi ko. Nararamdaman ng nanakit kong braso ang braso niya sa gilid. Parehas kaming tahimik at nakatingin sa taas ng tent.
"Hindi ka ba napagod?" pagbasag ko sa katahimikan namin.
"Malamang. Pagod na pagod ako ngayon," natatawang sabi ni Unica. Pinagmasdan ko ang pagpikit niya. "Ayaw ko na ngang gumalaw o bumangon."
Nang mapatagal ang pagtitig ko sa kanya, umayos ako ng higa at pumikit din.
"Natutulog ako, oh," sabi ko. "Daming tent na pwedeng paghigaan."
"Gusto ko rito, eh."
"Nandito ako."
"Payapa," sabi niya.
Napangiti ako saglit. "Ginugulo mo lang ako."
Nilingon ko siya pagkadilat. Nakatingin na siya sa akin. "Duh, obviously. Ano pa bang dahilan ba't ako nandito?"
Nagtawanan kami pero mahina lang. Halata sa amin ang pagod sa katawan. Umupo si Unica at tinali ang buhok. Pumikit ulit ako para hindi titigan ang leeg niya at nagulat nang maramdaman kong may sinuot sa akin si Unica na salamin. Salamin ko sa mata?
"Maghahapunan na," sabi niya, inaayos ang salamin ko.
Mas luminaw siya sa paningin ko. Mas gumanda.
"Nasa labas silang lahat?" tanong ko.
"Oo."
"Kahit si Dante?"
"Ibang parte naman si—"
"Nasa labas nga sila?" ulit ko sa tanong. "Lahat?"
Nakipagtitigan pa muna siya bago sumagot.
"Yup."
Nang hahawakan na niya ang zipper ng tent para makalabas, hinawakan ko ang braso niya. Nilingon niya ako, hindi naman nakakunot ang noo pero may tanong sa mga mata.
"Dito muna tayo," sabi ko.
"Anong gagawin natin dito?"
"Kwentuhan." Mahina ko siyang hinila, inuudyok na mahiga ulit sa tabi ko. "Kwentuhan muna tayo."
Tinitigan lang din niya ulit ako. Mukhang inaalam niya kung bakit o anong mayroon pero nang ngumiti ako, umiling siya. Akala ko pag-hindi niya 'yon pero nanatili siya. Sinadya pa niyang ihampas ang buhok niyang naka-ponytail sa mukha ko bago tinanggal at nahiga nang maayos.
Napangiti ako. Magkatabi ulit kami.
"Pagkatapos ng pag-akyat natin," pangunguna ko. "Babalik ka na sa inyo?"
"Alam mo," sabi ni Unica, tinaas ang dalawang kamay sa kawalan. "Na-realize ko ngayong pag-alis natin, nakakapagod pala talaga."
"Nakakapagod nga, kanina pa natin 'yon napag-usapan, di ba?" natatawa kong sabi.
"Hindi 'yon," sabi niya nang tumingin sa akin, seryoso ang mga mata. "Nakakapagod tumakbo. Umalis. Manlaban. Nakakapagod maging masaya nang alam mo namang temporary lang lahat. Sa dulo ng mahaba at pasikot-sikot na byahe, sa pinaka dulo, babalik ka pa rin sa dahilan ng pag-alis mo. Doon sa permanente."
"Siya ba ang permanente mo?"
"Sino?" isang tibok. "Si D—"
"Wag mo na sabihin, para hindi maging totoo," sabi ko at pinisil-pisil ang braso niya. "Please?"
"Please?" Tumawa si Unica. "Kahit naman hindi ko sabihin, totoong-totoo pa rin."
"Baka magbago."
"Baka," natatawang sabi ni Unica ngunit may kung ano sa boses. Takot? Kaba? Lungkot? "Ikaw, pagkatapos nito. Babalik ka ba as DJ Andro sa school?"
Kumunot ang noo ko roon. "Bakit naman ako babalik?"
"Baka lang trip mo. Hobby ko kayang makinig sa mga advices ni DJ Andro," may pang-aasar niyang sabi. "Galing-galing n'on, eh."
"Ah," sabi ko. Tinungkod ko ang siko para ipatong ang ulo sa kamay, inangat ang sarili para tingnan si Unica. "Kaya pala nagalit ka sa akin noong huli nating usap doon."
"Hormonal ako n'ong time na 'yon, paki mo ba? Buti nga gustong-gusto kong naririnig boses mo sa radio, eh. Sana naging radio ka na lang."
"Naririnig mo naman boses ko ngayon nang live."
"Yun na nga, eh. Mas gwapo sa radio."
Lumawak ang ngiti ko. "Napo-pogian ka lang sa boses ko, eh."
Tumalikod sa akin si Unica at napansin ko agad ang tattoo ng mapa ng Pilipinas sa likuran niya na lumilitaw dahil sa basa niyang t-shirt.
"Ayan, magsalita ka na, para napopogian na ako lalo."
Imbis na magsalita, dinampi ko ang hintuturo ko sa tattoo niya sa likod na kinabigla niya. Nang hihiga na dapat siya nang maayos, pinigilan ko siya. Sinundan ko ang linya ng tattoo sa likuran niya. Inisa-isa. Dahan-dahan. May ilang naka-shade na lugar, marami pang naka-linya lang. Mga hindi pa niya napupuntahan.
Makakasama pa kaya ako sa sa paglalakbay niya sa mga susunod na lugar sa Pilipinas?
"Anong ginagawa mo?"
"Inaalam kung nasaan 'yong pakpak mo."
"What the fuck?" sabi niya. "Anong kakornihan 'yon?"
Bigla akong natawa sa sarili kong sinabi at umiling kahit na hindi niya nakita. Tinigilan ko ang sarili at nahiga nang maayos nang mahiga rin nang nakatihaya si Unica. Nakakunot ang noo niya, mukhang takang-taka sa akin.
"Problema mo?"
"Wala," ang sabi ko na lang.
"Nag-inom ka ba? Para kang lasing."
"Hindi ako lasing."
"Pero manginginom ka na, ah. Naks, big boy na amputa."
"Ikaw, eh," sabi ko. "Ang BI mo sa akin."
"Ako pa talaga? Ikaw 'tong ayaw magpaawat." Tumawa siya.
"Ikaw talaga dahilan."
"Ako pa talaga?"
Tumango ako. Paulit-ulit. Nakangiti.
Pinitik niya ako sa noo na kinabigla ko. "Paano kaya kung hindi tayo nagkakilala?"
Kumunot ang noo ko, kinakamot dahil sa pagpitik niya. "Anong klaseng tanong 'yan?"
"What if lang." Tiningnan niya ako nang nakangiti. Ang nipis ng labi niya. "Tingin mo?"
"Hindi ako panigurado nag-iinom," sabi ko at iniwas ang tingin sa mukha niya.
Tumango-tango siya. "Nga naman."
"Hindi ako biglang mawawala sa school," pagkabanggit ko noon ay bigla akong ginapangan ng kahihiyan at kunsensya. "S-Siguro tapos na ako sa thesis namin ngayon, baka nagce-celebrate kami sa bahay." Sorry, Ma. Sorry, Pa. Babawi ako. "Masaya siguro si Mama dahil kaunting hirap na lang, makaka-graduate na ako, magre-review, mangingibang bansa at isasama sila ni Cai para mabuhay nang maginhawa. Hindi 'yong ngayon na may dagdag pa ng isang semester."
"May future pala ako sa paninira ng future ng iba."
"Mali ba akong hinayaan ko?"
"Ikaw lang makakasagot n'yan."
Tumango-tango ako.
"Pero feeling ko oo," sabi ni Unica. "Pagkakamali mo ring hinayaan mo akong sirain 'yong buhay mo."
"Hindi naman sira. Siguro lang kung hindi rin tayo nagkakilala, baka sinagot na si Sandy ng nililigawan. Baka magaling na si Jethro sa DotA—teka, imposible. Sobrang bano n'on. Baka maka-score na rin si Mark sa chicks o kaya si Adam, makilala na niya ang para sa kanya talaga."
"Inangyan anong kinalaman ko sa mga kaibigan mo?" sabi ni Unica nang natatawa. "Kaibigan mo 'di ba? Yung mga may sariling mundo tulad mo."
"Mga may crush kay Sinteya."
"Lahat naman," natatawa niyang sabi.
"Sa 'yo rin, eh. Mas mailap ka lang."
"Ano, crush din ako ng tropahan niyo?"
Bumulong ako, nakangiti. "Magkaibigang ten."
"Ha?"
Umiling ako. "Wala. . ."
"Ah, so crush pala ako ng tropahan mo. Crush mo rin pala ako."
Ngumisi ako. "Sinabi ko na sa 'yo, 'di ba?"
Natahimik siya saglit. Kumunot ang noo. Hindi nga panaginip 'yon dahil base sa mga mata ni Unica at kilos niya, alam niya. Hindi siya lasing n'on. Ano kayang naiisip niya ngayon?
"Oh, ano pang magiging maganda sa future mo kapag wala ako?" sabi niya, pagbabalik sa topic namin. "Kulang na lang magpaka-pari na rin si Gio if ever 'di mo ako nakilala, ah."
Ayaw ba niyang pag-usapan?
"Imposible namang mangyari 'yon!" sabi ko habang natatawa, hinayaan na lang ang crush topic. "Baka makasuhan siya ng sexual harassment first day pa lang sa pagpapari."
"Or makasuhan for excessive jackstone."
Nagtawanan kami sa mga makukulit na imahinasyon. Kung anu-ano pa ang pinag-usapan namin tungkol kay Gio. Humihingi na lang ako ng kapatawaran dahil baka ilang beses nang natalisod ang lalaking 'yon.
"Ano pa?" sabi niya. "Sabihin mo pa magagandang pangyayari sa buhay mo, game! Hindi pa ako nakukunsensya enough."
"Baka nililigawan ko si Mari Solei."
"Talaga?"
Ngumisi ako. "Hindi ko rin alam."
Inangat niya ang sariling ulo at pinatong sa kamay, nakatungkod ang siko. "Hindi nga? Giving up agad?" Napatitig ako sa mukha niya. Sa mga mata niyang nagtatanong. Sa cute na ilong. Manipis na labi. Ang sarap kuhanan ng bawat piraso ng pagkatao niya para itago. Huwag ipakita sa iba.
"Siguro kung dati, dating-dating-dati, baliw na baliw ako kay Mari Solei, maghihintay ako sa kanya kahit gaano pa katagal."
"Ngayon?"
Gusto kong iiwas ang tingin ko pero napapatitig talaga ako sa mukha niya. Ini-stretch ko ang braso ko sa side niya at umusog para mas nakikita ko siya.
"May Vane na siya, eh."
"Paano kung wala?"
"Paano nga ba kung wala. . ."
Mukhang nangalay siya sa posisyon niya kaya bumalik siya sa paghiga. Pero ngayon, nakaunan siya sa naka-stretch kong braso. Parehas kaming nakahiga, nakapagilid, nakaharap sa isa't isa mula ulo hanggang paa.
"Ang bigat ng ulo mo," natatawa kong sabi.
"Maraming nasa utak ko."
"Tulad ng ano?"
"Tulad ng paano kung wala si Vane sa kwento?" tanong ni Unica, nakatingin lang sa akin. Hindi binitawan ang usapan. "Sa tingin mo ba, magiging kayo?"
"Ni Vane?!"
Kinurot niya ako sa pagtawa.
"Gago, ah. Ayusin mo. Pagod ako makipagbiruan."
"Hindi naman 'to mabiro." Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya palikod. Ngumiti ako habang hinihimas ng hinlalaki ko ang pisngi niya. Hinayaan lang niya. "Eh, paano kung hindi mo ako nakilala?"
"Hindi mo pa sinasagot tanong ko," sabi niya.
"Marami na akong sinagot. Ikaw naman. Nandaraya ka na naman."
"Tangina kasi, puro magagandang pangyayari sa 'yo kapag hindi mo ako nakilala."
"Kung ano 'yong nasa plano ko talaga sa umpisa pa lang, 'yon ang mangyayari."
Pinatong ni Unica ang kamay niya sa kamay kong nasa taas ng pisngi niya. Tinantanan ko tuloy ang pisngi niya at sinimulang hawakan ang kamay niya. Nilalaro ang mga daliri.
"Ang tatag na rin ng plano mo, eh," sabi ni Unica. "Eh, di ikaw na. Ako na talaga ang bad influence."
Ngumiti ako bilang pagsang-ayon. Papunta na sa tawa dahilan para alisin niya ang kamay sa paghawak ko at kinurot ako sa pisngi. Sobrang diin! Halos idiin niya sa akin ang kuko niya kaya tawa ako nang tawa sa sakit. Hinawakan ko ang kamay niya, pinipigilan.
"Kung hindi kita nakilala. Hindi siguro makinis balat ko ngayon."
Bigla siyang tumawa dahilan para mahawa na rin ako.
"Naks, achievement ko sa pagiging good influence."
"Hindi ko rin makikilala sila Deus. . . itong barkada niyo. Siguro hanggang ngayon, lalayuan ko kayo dahil sa pisikal niyong anyo. Hindi ko mararanasan ang roadtrip na hindi ko inaakalang kailangan ko pala."
"Hmm. . ."
Ngumisi ako. "Siguradong hindi ko rin maririnig ang mga tula ni Master Herq. Iniisip ko pa lang na hindi ko narinig mga tula niya, nalulungkot na ako."
Ngumiti si Unica. Napangiti rin ako.
Nakng, ang ganda niya kahit pagod.
"Siguro wala akong tattoo ngayon," sabi ko, tinaas ang kanang braso para tingnan ang rosas na tattoo, ang mga petals na nalalaglag, pa-outline na nagfe-fade.
"Good thing ba 'yan o ano?"
Tinaas ko ang kaliwa niyang braso, pinagdikit ang dalawang identical na tattoo.
"Good." Ngumiti ako, labas ngipin at nilingon siya. "Nakalibre, eh."
"Lul, bayaran mo yan," natatawang sabi ni Unica.
"Kung hindi kita nakilala ngayon. . ." Hinimas ko ang kamay niya pagkababa. "Wala ako dito ngayon."
Kumunot ang noo niyang inangat ang tingin sa akin. "Good thing pa rin ba yan?"
Ngumiti lang ako bilang sagot.
"Hindi nga, ano nga?"
Hindi niya ako tinigilan. Ang kulit! Kinukurot na ako at pinagpapapalo ako sa tiyan. Pinipigulan ko siya habang tumatawa kami parehas.
"Ikaw naman, sagutin mo, paano kung hindi mo ako nakilala?" tanong ko nang mahimasmasan na siya sa kakulitan.
"Same lang."
Aray.
Namamanhid na ang braso ko na pinapatungan ng ulo niya pero hindi ko magawang kumilos o gumalaw.
"Pero wala ngang ganito. . ." Napakurap siya saglit sa sinabi. "Puta, lasing ba ako? Tangina pagod na ata—"
"Pwede ba kitang yakapin?"
Tumitig lang siya sa akin, wala siyang reaksyon. Hindi ko na lang din hinintay at gamit ang pinapatungan ng ulo niyang braso, ginalaw ko 'yon at inilihig ko si Unica palapit sa akin. Tumama sa salamin ko sa mata kaya hinayaan ko itong matanggal. Hinalikan ko muna siya sa tuktok ng ulo bago niyakap.
Mahigpit.
"Bakit."
Hindi tanong. Isang pangungusap na isang salita lang.
"Ewan," bulong ko at pumikit. Pinakiramdaman siya sa akin. "Pwede bang ganito na lang tayo?"
"Nababaliw ka na."
Hinigpitan ko ang yakap sa kanya.
Naramdaman ko ang buntonghininga ni Unica. Isinuklay ko ang daliri ko sa buhok niya. Nanahimik sandali, hanggang sa naramdaman ko ang napaka gaang pagtibok ng puso ni Unica.
"Nararamdaman ko tibok ng puso mo," sabi ko nang nakangiti kahit hindi niya nakikita. Nakng, bakit ang saya kong naririnig ko ang natural na pagtibok ng puso niya? Na ako ang may kakayahan marinig at maramdaman itong bumibilis at bumibigat?
Ilang saglit, bumulong siya. Mukhang ayaw niyang iparinig pero narinig ko pa rin.
"Chino. . ."
May sumuntok na naman sa puso ko. Sobrang lakas. Malalim. Sa tagal naming nagkasama at nagkakausap, ito ang unang beses kong narinig ang pangalan ko mula sa boses niya. Nag-iinit ang nakapikit kong mga mata. Ang sarap pakinggan. Kaya ba niya ipinagkait ang pagtawag sa pangalan ko para hindi ko 'to maramdaman?
"Pakiulit naman."
Hindi siya nagsalita.
"Gusto ko pa marinig."
Wala pa rin.
"Unica. . ."
Hindi pa rin siya nagsalita, kahit sobrang hinang bulong - wala.
Nakng, ano na ba'ng pagkatapos nito?
Naramdaman kong tinutulak ako ni Unica sa dibdib. Gusto niya akong lumayo. Para akong kinurot sa kung saan nang luwagan ko ang yakap sa kanya at tumingin sa kanya na halos nakayuko, hindi tumitingin sa akin.
"Hindi ako makahinga," sabi niya, malakas ang bawat hugot at buga ng hangin.
"Hindi na rin ako makahinga," bulong ko saka hinalikan siya sa noo.
Umangat ang tingin niya sa akin, nangungusap ang mga mata. Kinakabahan ako sa kung anong maaaring mga salita ang lumabas sa bibig niya pero hindi ito naging hadlang para yumuko ako't halikan siya sa ilong.
Ilang segundo rin siyang pumikit bago nakipagtitigan ulit sa akin.
Nakakangalay ang pwestong paghiga nang ganito at pagod ang mga katawan namin pero nanatili kaming nangungusap sa mga mata. Naghihintay ng susunod. Hindi ko ito hinahanap pero ngayon ko lang napagtantong ito ang gusto kong gawin. Hinawakan ko ang baba niya, nanghihingi ng permiso. Wala siyang kahit anong aksyon, kahit pagkurap ay hindi niya ako binigyan. Inangat ko ito saka inabot ang mukha niya, dinampi ang labi ko sa gilid ng sa kanya.
Isang segundo.
Hinayaan niya ang matagal na pagdampi.
Dalawa.
Hinayaan kong makuryente ako sa paglapit pa lalo sa kanya.
Tatlo.
Nakakapanghina.
Pero gusto ko. Gutom ako nang hindi ko alam.
Pagkalayo ko, nakapikit lang siya. Doon ko napansin ang nakakunot niyang noo na tila ayaw na niyang dumilat. Nanginginig rin ang mga labi niya. Huminga ako nang napaka lalim bago ko minasahe ang noo niya at gitna ng mga kilay.
Para akong umakyat sa mga bato tulad kanina dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
Ngunit ngayon, hindi ako umaakyat o nagpapagod. Ang paglapit sa espasyo ni Unica na hindi ko pinapakialaman noon ang ngayong naging dahilan ng pagwawala ng puso ko.
Ang sakit sa dibdib. Ang sarap sa pakiramdam. Ang gulo.
Dumilat siya at tumingin sa akin. Namumula ang mga mata niya. Hinimas ko ang labi niyang nanginginig. Pinapakalma. Gusto kong itigil ang sarili ko sa ginagawa pero hindi ko magawang tumigil.
Baliw na ata talaga ako.
Gustong-gusto ko siyang hawakan.
Gustong-gusto kong mapalapit sa kanya.
Unica Fae Valentine, nakng, binabaliw mo ako ngayon.
"Inangyan."
Sobrang hina ng bulong niya na halos hindi ko na marinig, nakatitig lang ako sa bawat bigkas ng pantig ng labi niya. Hindi ako mapakali at nilapit ko na ang sarili, hinalikan ulit ang gilid ng labi niya.
Hindi ako makuntento. Hindi sapat ang noo, ilong o kahit gilid ng labi.
Hinalikan ko siya sa labi.
Magaan.
"Ch—"
Dumiin.
Hindi ko siya pinakinggan.
Gusto ko lang siyang halikan hanggang sa mawala na sa isip kong may ibang lalaki o ibang babae. Ako at siya lang. Ngiti lang niya sa akin at ngiti ko lang sa kanya. Mga labi niya sa akin, sa akin, sa akin. Mga labi kong sa kanya lang hahalik. Lumayo kami saglit sa isa't isa, parehas na malalim ang paghinga. Ang noo namin ay magkadikit, tumatama ang mga ilong sa isa't isa.
Hahayaan ko siyang lumayo kung gusto niya.
Isa.
Huwag.
Dalawa.
Kang.
Tatlo.
Lumayo.
Apat.
Sa'kin—
Hinawakan niya ako sa batok at hinila palapit pa lalo sa kanya. Gusto kong ngumiti ngunit wala akong lakas. Sobrang gaan ng labi ko sa kanya, halos daplis lang. Tipong hinahayaan din niyang ako ang magdesisyon sa aming dalawa.
Idiniin ko ulit ang halik sa kanya. Gumalaw ang labi niya na sinundan ko. Hindi pa ako sobrang maalam pero gusto kong ipagpatuloy, sinusundan ang galaw niya hanggang sa unti-unti kong nakukuha ang paghalik at pagdikit ng labi. Hanggang sa nararamdaman kong ako na ang sinusundan niya sa paggalaw.
Gustong-gusto ko siya halikan pa lalo, pakiramdaman ang manipis at malambot niyang labi gamit ang sa akin.
Idinaplis ko ang dila ko sa labi niya. Binigyan niya ako ng pagkakataong laliman pa ang halik at hinayaan din niyang pumaibabaw ako sa kanya, dahan-dahan ang pagbaba ko ng ulo niya sa matigas na hinihigaan. Ingat na ingat. Hindi kailanman siya naging babasagin sa paningin ko ngunit gusto ko siyang alagaan, hayaang umikot at lumayo pero hahawakan. Hinanap ng kamay ko ang kamay niya at pinagsalikop 'yon, habang ang isa niyang kamay ay nararamdaman ko sa buhok ko, ginugulo, sinusuklay.
Shit, Unica.
Kailan ko pa kinailangan ka? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang?
Nakakapanghina. Nakakabaliw. Magulo na umaayos. Nakakanginig sa lamig ang paligid, nakakapaso ang init sa katawan. Hindi ko inakalang mapupunta ako sa pwestong papagitnaan ko si Unica, sinusuportahan ang sarili para hindi siya madaganan at mapunta sa puntong hindi naman ako nakainom pero lasing na lasing ako sa mga labi niya.
Gusto ko lang naman hawakan ang kamay niya. . . nakakaadik. Hindi ko akalaing gugustuhin ko ring mapasaakin ang mga labi niya. Kahit ang pagtingin niya at atensyon.
Ayaw kong umahon sa pagkalunod pero tinulak niya ako sandali palayo. Hindi pa ako natatauhan, teka, baliw pa ako. Teka lang.
Hinga.
Mahigpit na kapit sa mga kamay namin.
Isa pang hinga.
"Sira. . ." hinihingal din siya tulad ko.. "ulo ka ba?"
Sinagot ko siya sa pagyukong muli at paghalik sa mga labi. Kung siraulo ang pagkagustong halikan siya nang paulit-ulit, siraulo nga siguro talaga ako.
Hinayaan niya akong mauna sa paggalaw, sumunod siya. Gumilid kami pakanan, hanggang sa siya na ang pumaibabaw, napahawak ako sa baywang niya, halos mapaso nang maramdaman ang balat niya. Kinilabutan ako sa pagkagat niya ng labi ko at nang ilayo niya ang labi ay hinabol ko pa. Gusto kong itaas pa ang kamay ko sa baywang niya. Gusto kong iangat din ang damit ko. Gusto kong hubaran na lang namin ang isa't isa, na kahit manipis, ang laki pa ring sagabal. Ngunit pumikit ako, pinigil ang sarili. Iginilid ko kaming dalawa para bumalik ako sa taas. May narinig akong tunog ng kung anong nasira kasabay ng pagkaramdam ng sakit sa kung saan pero hindi ko ininda, patuloy lang ang ginagawa.
May boses o ingay pero paghinga lang ni Unica ang malinaw sa pandinig ko.
"Oh—kay, guys, don't open this tent, ha. Mauna na tayo kumain. Let's pray."
Katahimikan.
"Hallelujah!"
Bumalik kami sa parehas na pagkahiga patagilid, walang nakapaibabaw, walang nakapailalim. Gusto ko pang lumapit kay Unica pero wala nang mas ilalapit pa. Hinalikan ko ang pisngi niya at doon ko naramdaman sa mga labi ang kinakatakutan ko. Luha. Inilayo ko sandali ang sarili, tinitigan siya sa mga matang kumikintab, tumutulo ang mga mapapait na luha sa mumunti niyang pisngi.
Bakit, Unica? ang tanong na ayaw kong mabigyan ng sagot.
Gusto ko pa siyang halikan ulit. Paulit-ulit-ulit. Hanggang sa mapalitan na ng mga halik namin ang katotohanang uuwian pagkatapos.
Ngunit tumigil ako, hindi na sinubukan pang muli.
Nag-init ang mga mata ko hanggang sa napapansin kong nanlalabo na ito dahil sa mga namumuong luha. Hinalikan ko si Unica sa noo bago isiniksik ang mukha sa leeg niya saka pumikit. Magaan kong hinalikan ang tattoo niya sa leeg at niyakap siya nang mahigpit, ayaw ko nang kumalas, bumitaw o kahit lumayo. Tumulo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko pero nanatili akong nakapikit.
Ayokong dumilat para lang makita ang ayaw kong tingnan.
Narinig ko ang ilang patak ng tubig sa bubong ng tent. Mahina. Lumakas. Kumulog. Malakas ang hangin, humahampas. Nagagalit ang panahon. Ginugulo ang lahat.
Nakakagago. Gaano ba kahigpit na kapit ang kailangan para hindi kami tangayin?
; x ;
Dahil birthday ko ngayong 11/11 at may mga umasa talaga na mag-a-update ako today (naks, kilala na nila ako, oh), ito ang update bilang regalo ko sa inyo! Maraming salamat sa pagbabasa ng uncensored! ♥
Lemme know your feels by commenting below and tweeting with our official hashtag: #uncnsrd1 <-masarap din tumambay d'yan dahil ang daming witty at relatable comments! Haha. Marami ring spoilers kaya beware. Wala na akong ibang masabi uhm, thanks. Keeping this simple para namnamin natin ang buong update.
Ayan, after 6296383 yrs, nasa Mt. Apo na sila.
Ay, kudos pala sa gumawa nitong picture which is tinago ko talaga coz amazeballs:
forgot who made this pero alam ko nakausap na kita kaya pls let me know para ma-credit ko nang maayos. sa kabilang grp pa kasi to ng snp, nasa comment box nun tas di ko na mahanap huhu.
if you have edits, works related to uncnsrd or my other stories, don't hesitate to use the official hashtags for twitter and instagram or post it on my fb page or reader's grp. i really appreciate your efforts po.
7 chapters to go!
Salamat ulit, lalo na sa Brgy Sin (sa pagiging witty sa icon at twitter names, sa pagiging consistent, active sa twitter at being cute altogether. ang daming boop! screenshot sana kaso i haz no time to look for you all again) at Saksi ni Pilosopotasya (sa lahat-lahat! i owe you all big time!) :)
ps: making it simple daw pero ang haba pa rin ng note hahahaha sorry na po TT ^ TT
~ Rayne
EDIT (012719): For my mental health, I AM BEGGING YOU. Please huwag pong mag-demand at magmakaawa for update. Kahit parinig na "baka naman" etc. Plssss. Not now po. Tenkyu.
@ulaaaann sa twitter. Pilosopotasya ang fb page. screenshots.ni.rayne sa instagram. Stuff by Ulan sa self-pubs, books at merch
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top