u n c n s r d 34
u n c n s r d 34
"Baka alam mo na ang sagot, tinatanggi mo lang."
"I can't believe we're still here."
"Chill lang, Amari," sabi ni Jax. Lumangoy-langoy sa pool.
"Chill? Seriously?" sabi ni Amari habang nakakrus ang mga braso sa harap. "Hindi ko ata nakuha ang memo na hindi na tayo pupunta sa Davao at magha-hot spring na lang tayo rito? I mean, guys – out of the way na nga 'tong Tayabas, nag-stay pa tayo? Ang layo pa natin sa Mt. Apo!"
"Paano mo naman nalamang out of way?"
"I googled! Dapat Lucena tayo imbis na Tayabas! Then Pagbilao, Calauag tapos Bicol na!"
"Dumaan naman tayo sa Lucena, ah?"
"Lumiko tayo papuntang Tayabas, kaya nga tayo nandito, di ba?"
Nagkamot ng balbas si Deus. "Ganon ba?"
"Yes! Ganon nga!"
"Eh, sa Tayabas daw pinaka masarap na lambano—"
"Deus naman, eh!"
"Ano?" natatawang sabi ni Deus, nagtaas ang kamay. "Sensya na. Ikot na lang tayo pabalik. Ayos na?"
"Inuna mo pa pag-inom kaysa straight route?" Sumimangot si Amari.
"'Ri, maraming oras," sabi ni Unica na nakalublob lang sa gilid ang katawan, nakasandal ang ulo sa pasemano at nakapikit. Relax na relax.
"Buti pa si Unica, chill lang," sabi ni Jax.
"Oo nga," nangingiting sabi ni Deus habang naka-float lang sa tabi ni Unica. Tumingin siya sa akin, ilang metro ang layo ko sa kanila sa pool. "Cute talaga nitong si Unica, eh."
Naubo ako nang may mainom akong tubig sa swimming pool. Napalublob ako sa mainit na tubig nag-swimming palayo, iniwas ang tingin nang mapansin napadilat si Unica sa narinig. Pwede kong iignora ang sinabi niyang 'yon pero sumabat pa 'tong si Jax.
"Tama, tama. Ito talagang si Unica, ang cute, eh," natatawang sabi ni Jax. "'Di ba, tol?"
Nagpatuloy lang ako sa paglublob. Hindi ko na sila naaaninagan nang maliwanag dahil wala akong salamin sa mata. At dapat, wala nang alam itong si Deus dahil knock out na siya kahapon hanggang magising siya kaninang tanghali. Mukhang nagkwentuhan sila nang matagal ni Jax kaya may nalaman siya.
"Uy, tol!" sigaw ni Jax.
"Chino, man, ba't ka lumalayo?" sigaw ni Deus. Lumingon ako nang ayain niya ako pabalik. Nag-swimming ako pabalik. Hindi sobrang lapit pero hindi rin sobrang layo. "Di ba, ang cute ni Unica—aray, inangyan!" Napalayo si Deus kay Unica, umahon at kiniskis ang hita sa ilalim ng shorts. "Problema mo?!"
Hindi gumalaw si Unica mula kanina. Nakalublob ang katawan, nakasandal ang ulo sa pasemano at nakapikit. "Inaano kita?"
"Gago 'to, oh."
Napangiti si Unica at dumilat. Tumingin kay Deus na nakaupo na sa pasemanong sinasandalan ng ulo niya. "Akala ko ba cute ako?"
Natawa ako.
Tumingin si Deus nang masama.
Nag-swimming na lang ako palayo.
Nag-floating ako para makapunta sa kabilang dulo at pumikit, nagpapasalamat na walang tama ng sikat ng araw sa pool dahil sa bubong. Nagpapasalamat din na walang tao sa parte ng pool na 'to dahil sinong biglaang pupunta sa Mainit Hot Spring nang weekday at halos exam month pa?
Kami lang ata.
Ilang beses pumapasok sa isip ko ang school ngayong hindi na ako lasing sa beer o lambanog – at paulit-ulit na ring bumibigat ang loob ko. Nakukunsensya. Ano na bang nangyayari sa school? Ano nang nangyari sa defense namin – o nila Jethro dahil nawala ako? Alam kaya ni Mama? Habang palayo ako nang palayo sa Manila, alam kong mali – unti-unti ko nang natatanggap 'tong kalokohang ginagawa ko.
Pero. . .
Hindi 'to makakabuti sa plano kong grumaduate on time, mag-review on time, mag board exam on time at umalis ng bansa para magtrabaho – on time. Nasaan na ang plano kong on time nang pumasok ako bilang college student?
Pa, galit ka ba sa akin ngayon? Pinapabayaan ko sila Mama at Cai sa pag-floating ko ri—aray!
Napatayo ako at imbis na hanggang tiyan na lalim, tumingkayad ako kaunti para makahinga pa nang maayos. Nasa may bibig ko na ang lalim ng tubig.
Kinusot ko nang ilang beses ang mata ko.
Ngayon lang ako nagloko nang ganito, Pa. Mapapatawad mo ba ako?
Mapapatawad ko ba ang sarili ko pagkatapos nito?
Makasarili na nga siguro ako. Ayaw ko nang matapos 'to.
"Chino!" sigaw ni Deus, nakalublob sa tabi ni. . .sinubukan kong tingnan nang mabuti at base sa pigura, si K ang nakapagitna kay Deus at Unica.
"Ako?"
"Di pre, yung katabi mo!"
Wala akong katabi.
"Tara!"
Inangat ko ang sarili ko sa pasemano para makakuha ng pwersa sa pag-swimming pabalik. Tinulak ko ang sarili ko pagkatalo muli sa pool at nag-swimming papunta sa kanila. Pagkarating ko, hinihingal na ako.
"Ang show off, oh."
"Di ah," natatawa kong sabi. "Para lang mabilis makabalik."
"Unica oh, show off," natatawang sabi ni Deus.
"Isa pang Unica mo sinasabi ko sa 'yo," banta ni Unica.
"Ano?"
"Magkakapakpak 'yang go pro mo, lilipad 'yan."
Natawa si Deus at Jax.
"Nasaan si Amari?"
Nagkibit balikat si Jax. "Ewan ko 'dun, baka nagpaplano na kung paano tayo makaalis dito."
"Kailan nga ba tayo aalis dito?" tanong ko.
"Huwag mo sabihing kampi ka na kay Amari?! Gusto mo nang umalis?!"
Tumawa ako. "Hindi, tanong lang. Kailan tayo aalis – mag aalas kwatro na rin, eh."
"Iniisip kong palipas muna tayo sa Tayabas pagkatapos ng hapunan para nakapahinga na rin ako nang matagal," sabi ni Deus – tinututok ang Go Pro niya sa amin. "Salitan na lang kami ni Nics—"
"Ano na naman?!" Nag-angat na ng ulo si Unica, tiningnan si Deus.
"K, shield!" Hinawakan ni Deus magkabilang balikat ni K at nagtago sa likod.
Natawa na lang ako. Si K naman, tinanggal hawak ni Deus sa kanya at lumapit sa akin habang si Unica, biglang umahon. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapatingin sa kanya habang tumutulo ang white sando niyang basang-basa at shorts. Napalunok ako, nababakat na ang mga tattoo sa damit niya – pati 'yong outline ng Philippine Map sa likod niya.
"Saan punta?"
"CR," sagot ni Unica kay Jax.
"Iihi? Aalis ka pa?"
Natawa si Unica. "Huwag mo akong dinadamay sa pag-ihi mo sa pool, ah."
"Di mo ba ramdam? Kaya nga mainit 'tong tubig sa pool, eh!"
Tinaas ni Unica ang gitnang daliri niya kay Jax bago umalis.
Winisikan ni Deus ng tubig si Jax. "Gago kadiri."
"Huwag ako, Deus. Kanina ka pa rin dito tulad ko. Imposibleng wala nang bakas ng ihi 'tong pool dahil sa 'yo." Nagtawanan kami sa sabi ni Jax. "Ikaw, 'No? Nakaihi ka na?"
"Yuck, ang kadiri mo talaga."
Napaangat kaming tatlong nasa pool pagkarinig sa boses ni Amari. Gusto kong iiwas ang tingin ko pero napatitig lang ako sa kanya na nakatayo sa gilid.
Sumipol si Jax. "Ri, tara na!" pag-aya niya.
"Uhm, no thanks. Ayokong maligo sa ihi niyo."
"KJ nito, oh."
Umirap si Amari. "Unless gusto mo ring maging red sea ang pool, stop it."
"Red sea ang loko," natatawang sabi ni Deus. Nakitawa kami nila K.
Lumapit ako kay Deus at naupo sa inuupuan nilang angat sa side, sa dating pwesto ni Unica. Pinipilit ko ang sarili kong tingnan ang mukha ni Amari pero bumababa talaga paminsan. Ba't kasi nakatayo siya, ang taas tuloy niya.
"Kung ayaw mo mag-swimming, ba't nakabikini ka?"
"Excuse me, underneath lang 'yong bikini. Nakikita mo to?" Hinawakan niya 'yong manipis na telang nakapatong sa kanya. Alam kong dapat takpan nito 'yong katawan niya pero. . . mukhang hindi ganoon nangyayari. "Nakatakip di ba? Tsaka naiinggit ako sa inyo, lahat kayo nakapang-swimming."
Nangingiting umiling si Jax. Lumapit siya kay Amari at inabot ang kamay.
"Bakit, papaangat ka?"
"Tara, hawak ka sa kamay ko."
Naghawak sila ng kamay at bigla na lang – hinila ni Jax si Amari kaya bagsak siya agad sa pool. Lakas ng tili. Tawa nang tawa si Jax hanggang sa makaangat si Amari.
"Eh di nakapag-swimming ka rin, di ka na maiinggit."
"Omg!" sigaw ni Amari. Hinampas ang pool papunta kay Jax. "Basa na 'yong napkin ko!"
Natawa kami.
Napahinto si Jax at tumingin sa ibaba. Ganoon din si Amari. Na-curious ako kaya napatingin din ako pero wala naman akong nakikita. Malabong mga binti lang nila.
Napalingon ako sa kabilang gilid ko nang may maramdaman akong presensya. Ang una kong nakita – legs. Maputi. Pag-angat ng tingin, mukha ni Unica. May kung anong sumuntok sa dibdib ko panandalian. Lumublob siya sa gilid ko at sumandal ulit.
Habang sila Amari at Jax, tahimik na tinitingnan. . .ang mga binti nila?
"Bakit?" tanong ni Amari.
"Hinihintay ko 'yung dugo, wala naman, eh—ah!"
Napalayo bigla si Jax na para bang may pwersang tumulak sa kanya. Tawa kami nang tawa pagkaalam naming sinipa pala siya ni Amari. Tawa kami nang tawa habang gumagawa ng eksena sila Amari at Jax nang dumating na si Bob at Pja.
Natigil si Jax at napatingin kay Pja sabay sipol. "Ang sexy, 'Ja!"
Ngumisi si Pja at naupo sa gilid, nakalublob ang paa. Gusto ko na lang pumikit pero napapatitig ako sa kanya. Sa suot niyang 'yan, kitang-kita 'yong mga tattoo. Sleeves at parang leggings. Sobrang angas at. . .oo, sexy. Para siyang cut-out model ng isang tattoo magazine.
"Malulusaw 'yang si Pja sa titig mo."
Napaiwas ako ng tingin at pinanood si Amari na sinapak si Jaxon.
Natawa si Unica. "Gets. Lalaki ka."
"Uy, ano – ang angas lang niya."
"Mas maangas pa sa akin?"
Nagkatinginan na kami matapos ng ilang oras na para bang nag-iiwasan. Matapos makatulog sa pagkalasing sa lambanog hanggang makarating kami sa Hot Spring – tumahimik si Unica. Bigla akong nahiya kaya akala ko galit o ano. Ngayon lang niya ako kinausap ulit.
"Oo, eh."
Hinampas niya ako ng tubig habang natatawa. "Agree." Ngumisi siya. Pinagmasdan namin si Pja na nagsumisisid na sa pool kasabay nila Bob, Jax at Amari – nagpapaligsahan. "Mas malaya siya."
"Pagkata—"
"Alam mo, 'No, may tanong talaga ako. Kanina pa 'to, eh." Parehas kami ni Unica na napalingon kay Deus. Kiniskis niya ang braso niya sa braso ko. "Ba't ang kinis mo? Babae ka ba?"
Nagulat kami nang matawa si K sa gilid. "Nagtataka rin ako."
"Paano—"
"Sa sasakyan," sabi ni K kay Deus. "Magkatabi kami."
Tumango-tango ako.
Tinaas ni Deus ang braso ko at hinawakan nang mabuti. "Di nga, pre. Wala ka bang buhok? Eh di sa ibaba – wala ring bu—"
"Meron 'yan, di naman tinanggal."
Tumikhim si K.
Napaubo ako.
"Anong? Unica, ano 'tong hindi namin nalalaman? Chino?"
"Secret."
"Pre, ano na?" tanong sa akin ni Deus.
"Natalo ako sa pustahan."
"Kaya alam niyang—?!" Nanlalaki ang matang tiningnan ang baba.
"Gago! Pina-wax kasi. Dumi ng utak mo, Deus. Nahugasan na nga 'yan ng alcohol kahapon, hindi pa rin malinis?"
"Kahapon?"
"Alcohol," sabi ni K. "'Yong lambanog."
"Yes, K! Buti andyan ka, parehas ng wave length!"
Natatawa ako.
Naiiling si Deus. "'To talaga, oh. Madaya ka, eh."
"Ako? Madaya?"
"Sa mga ganyang pustahan. Nung nagpustahan tayo, hindi mo na kakagatin kuko mo tapos magpapakalbo ako—"
"Sabi ko naman sa 'yo hindi ko nga kinagat 'yung kuko ko n'on, eh."
"Umikli pa rin! Tapos gusto mong magpakalbo ako?"
"Lah, 'di naman 'yon ang usapan. Hindi ba pwedeng gumamit ng nail clipper?"
"Cutter."
Tiningnan ako nang masama ni Unica. "Ano ba, what's the fucking difference?!"
Nagkatitigan kami sandali. Bigla kong naalala 'yong gabing 'yon tapos umuwi siya kinabukasan.
"Sabi ko sa 'yo, Nics, tama na 'yang kagat kuko," sabi ni Deus. "Anxiety 'yan, eh."
"Anxiety saan?" tanong ko. "Bakit?"
"Wala."
"Kinausap ka na naman nung Dante-ng 'yan, ano? Sabi sa 'yo pakausap mo na sa amin para matap—"
'Yong singkit. Dante. May kung anong sumuntok ulit sa dibdib ko. Nabanggit siya. . .bakit?
"Okay, tama na."
Nilingon ko si Unica, seryoso na ang mukha. Binaling ko ang tingin kay Deus.
"Anong meron kay Dante?" tanong ko.
"Hindi ba niya sinasabi sa 'yo?" takang tanong sa akin ni Deus.
"Alin?"
"Nasaan na ba si Herq?" Biglang umahon si Unica. "Tulog pa rin ba? Gisingin ko lang."
Pagkaalis ni Unica, nagkatinginan kami ni Deus. Umiling siya at nag-iba na ang topic.
"Masama bang umasa ako?"
Napatingin kami ni Deus kay K.
"Bakit?"
"Umasa akong iba ang itsura ng hot spring?"
"Parang sa Japan?" tanong ko. "Yong may mga bato-bato?"
"Oo. Legit hot spring. Itong sa Mainit Hot Spring. . ."
"Swimming pool lang na mainit," natatawang sabi ni Deus. "Baka lalong uminit dahil sa mga ihi."
Nagtawanan kami.
Pero gusto kong ibalik ang topic kanina at itanong 'yong tungkol sa anxiety. O malamang anong kinalaman nung Dante kay Unica? Pero bakit parang ayaw ko ring malaman kung anong mayroon lalo na't nakita ng dalawang mata ko noon ang pwedeng anong mayroon sa kanila.
Sabi ni Unica, wala siyang boyfriend. . .nagsisinungaling ba siya?
O hindi na dapat 'boyfriend' ang itanong ko?
Nakng, hindi ba sa mga koreanobelang pinapanood lang ni Cai nangyayari 'to? Nasa reyalidad kami, ah? Pero. . . nakita ko man, hindi ko pa rin malalaman nang buo kung paano nga ba ang paggalaw ng reyalidad ng isang Unica Fae Valentine.
Hindi kami tinantanan ni Deus ng video, para sa vlog niya. Isang oras na nga ang nakakaraan, hindi na bumalik si Unica. Wala rin si Herq. Umahon ako para pumunta sa cottage at para tingnan sana si Unica pero si Herq lang nadatnan ko, nakaupo, kumakain, binabantayan mga gamit. Kinuha ko ang twalya ko at nagpunas ng katawan at ulo.
"Si Unica?"
Napabuntonghininga si Herq. "Kinuha niya 'yong bote ng alak para ibigay raw sa inyo, hindi na siya bumalik sa inyo?"
"Hindi. Nasaan siya?" Lumingon ako sa paligid pagkasuot ko ng salamin sa mata. Wala siya sa malapit. "Teka, hanapin ko—"
Umiling siya. "Paano natin mahahanap ang taong ayaw nang magpahanap?"
Kinabahan ako. Ganitong-ganito 'yong kaba ko nung makitang aalis siya nang dapat papasok ako sa school dala ang bag niya. 'Yong aalis na siya, mawawala.
Huminga ako nang malalim. "Hindi ba pwedeng makita siya kahit ayaw niyang magpahanap?"
"Kahit gaano pa katago, magpapakita lang siya sa gusto niyang makahanap sa kanya. Sa tingin mo, ikaw 'yon?"
"Hindi ba dapat ako?"
Ngumisi si Herq. "Ikaw lang ang makakasagot sa sarili mong tanong, opinyon lang ang kayang mabigay ng mga tao sa labas."
Natawa ako. "Ganyan ka ba talaga lagi?"
"Ano?"
"Matalinhaga? Malalim?"
Tumawa si Herq. "May perks ang pagiging malalim," sabi niya habang kumakain ng tsitsirya.
Bago ako umalis, nilingon ko ulit si Herq. "May tanong ako." Naghintay siya ng susunod kong sasabihin. "Kilala mo si Dante?"
"Ah, nakasama. Minsan."
"Sa ganito?"
Tumango siya.
"Bakit?"
"Alam mo na kung bakit." Kay Unica.
"May isa pa akong tanong."
"Shoot lang."
"Kaano-ano ni Unica si Dante?"
Lumawak ang ngisi niya. "Baka alam mo na ang sagot, tinatanggi mo lang."
Boyfriend? O higit pa?
"Pero mas magandang malaman sa taong nasa katotohanan na 'yon ang sagot dahil nagbabago ang kung ano ang totoo."
"Last na tanong," sabi ko. Tumango lang siya. "Gusto mo bang pag-usapan 'yang pinagdadaanan mo? Ang lalim na talaga, eh, mas nalulunod ako sa 'yo kesa sa pool," natatawa kong sabi.
Tumawa siya. "Lahat tayo may pinagdadaanan, nasa atin na lang kung sa paanong paraan natin ilalabas ang epekto ng pinagdaraanan natin. Sa akin, sa mga tula. Kay Deus, video. Kay Unica sa paintings. Ikaw ba?"
"Herq."
Napalingon ako pagkarinig sa boses ni Unica. Palapit siya sa amin, hawak ang bote ng alak na kalahati na ang naubos.
"Andyan ka na pala." Tumayo si Herq, lumabas sa cottage.
"Magkaka-cancer na talaga ako sa mga sinasabi mo," natatawang sabi ni Unica at naupo sa gilid na upuan.
Tumawa rin si Herq. Nang makalapit si Herq sa akin, pinalo niya ako sa balikat. "Front lang 'to, pre," bulong niya. "Nakakarami ng chicks kapag kunwaring deep."
Natawa kaming dalawa. "Master Herq!" sigaw ko. "Idol," natatawa kong sabi.
Naglakad siya palayo sa amin, papunta kanila Deus na nasa pool sa kabila. Naiwan kami ni Unica sa loob ng cottage, nakapanglangoy pa rin siya pero halos tuyo na. Walang nagsasalita nang aambang iinom siya sa bote ng beer nang inabot ko ang kamay ko.
Binigay niya ang bote sa akin at ako ang tumungga roon.
Naupo ako sa tapat na upuan, umiinom habang siya – kumuha ng tsitsirya ako kumain. Inalok niya ako, kumuha ako at kumain. Binigay ko sa kanya ang bote saka siya tumungga ulit.
"Sana parang soap opera na lang 'to," natatawang niyang sabi.
Kinuha ko 'yong bote at uminom. "Bakit?"
"Alam mo 'yon, doon kasi pwedeng magkaroon bigla ng amnesia o kaya naman biglang malalamang hindi ka pala 'yong totoong anak ng magulang mo tapos babaliktad buong mundo mo. Sarap siguro ng ganun?" Kumain siya ng tsitsirya. Binigay ko sa kanya ang bote at tumungga siya.
"Gusto mo?" tanong ko.
"Ano?"
Kinuha ko ang bote sa kanya. "Umpog na kita sa bato? Gaano kalakas ba?"
Bigla siyang natawa at binato ako ng chips na dapat kakainin niya. "Gago ka, ah. Kailan ka pa naging brutal?"
Nang di ko na masangga mga chips, ngumanga na lang ako at pilit hinahabol para ma-shoot ang mga binabato niyang tsitsirya. Nang wala na siyang binabato, napasimangot ako.
Tumawa siya.
"Baka nahahawa na ako sa 'yo," sabi ko. Tumungga ulit
Kinuha niya 'yong bote. Tumungga tapos natigil at nabuga kaunti ang iniinom. Natawa ako dahil ang cute nang biglang manlaki ang mata niya na para bang may na-realize.
"Tangina!"
"Ano?"
"Baka mahawaan mo ako ng kabaitan mo! Ewww!"
"Grabe!" Tumawa ako. "Di naman ako mabait."
Lumakas ang tawa niya.
"Problema mo na naman?" tanong ko.
"Gumagaling ka na talaga mag-joke."
Natatawa akong umiling. "Baliw." Kinuha ko ang bote sa kanya, uminom ulit. Kumain ng tsitsirya. Umihip ang malakas na hangin kaya nilamig ako. Napansin ko nang nanginig buong katawan ni Unica kaya ibinigay ko sa kanya 'yong twalya ko.
"Anong gagawin ko d'yan?"
"Gamitin mo."
"May twalya ako."
"Basang-basa twalya mo, lalamigin ka lalo."
"Kung magsabi ka ng ganyan parang tuyong-tuyo 'yong iyo."
"'Yong twalya mo naman, sa sobrang basa, tumutulo na."
Umirap siya. Mahina kong binato sa kanya ang twalya ko kaya natakpan ang mukha niya. Pumatong sa ulo niya kaya nakatakip yong mukha. Ilang segundo na, di pa rin niya tinatanggal.
"Ayos ka lang?"
"Salamat, ah."
"May bayad 'yan," natatawa kong sabi.
"Hindi dito," sabi niya mula sa twalya. Sa sobrang hina, muntik ko nang hindi marinig.
"Saan?"
Hindi siya nagsalita kaya hinila ko 'yong twalya. Tumayo na ako para ipatong sa balikat niya. Kinuha naman niya 'yong bote at tumungga. Muntik na niyang ubusin kaya kinuha ko agad – wrong move dahil nalagyan din ng alak 'yong suot niya.
"Sensya na."
Ngumisi siya. "Oks lang." Bumuntonghininga siya. Natahimik kami saglit. Iinom sana ako nang matigil sa sunod niyang sinabi. "Napapaisip na rin ako, eh."
"Ha? Saan?"
"Kung in love ba ako sa kanya noon o baka imagination ko lang."
"A-Ano?"
"Si Dante."
Inalok ko sa kanya ang bote ng beer pero nang hawakan niya, hindi ko binitawan.
"In love ka kay. . ." nakng, ano to. ". . .Dante?"
Tumingala siya, bumuntonghininga. "Palaisipan nga kung ano nga bang naramdaman ko sa kanya noon. Magkababata kami. Pwera sa mga kuya ko, siya nagbabantay sa akin. Akala ko kuya lang din turing ko sa kanya pero pwede bang maging kuya 'yong iiyak ako matapos mapanaginipang sa iba siya ikakasal noong mga bata kami? Weird ko rin, di ba?"
Mas humigpit ang hawak ko sa boteng hawak din niya.
"Ah, ano—mahal—ikakasal—"
"Siya nag-impluwensya sa akin sa pagpe-paint."
Napabitaw ako sa boteng hawak.
"Sa kanya ko unang nakita 'yong painting, sa kanya ako unang humanga kung paano nalalapat ang emosyon at kwento sa isang canvas. Siya unang nagturo sa akin paano maging. . .ako."
Gusto kong tumungga sa bote at ubusin ang lamang alak pero hindi ko maabot ang kamay ko sa kanya.
Ngumiti ako. "Siya ang bumuo sa 'yo?"
"Isa siya. . ."
Tigil.
"Ah. . ."
Pinagmasdan ko ang pagtungga niya sa bote. Ang paglagok niya sa alak, kung paano gumalaw ang lahat ng parte ng katawan niya kahit ang simpleng pagpikit niya nang matagal bago dumilat ulit. Na para bang nag-iisip siya, may gustong sabihin, o bawiin.
Sana bawiin niya 'yong sinabi niya.
Isa. . . dalawa. . .tatlo. . .Ilang segundo na ang nagdaan, hindi na niya binawi.
Ibinigay niya sa akin ang bote at tinaggap ko 'yon. Ininom ko ang alak hanggang sa wala na akong mainom mula sa bote, hinihiling na sana malasing ako pero kulang. Pinatong ko ang magkabila kong braso sa magkabila kong tuhod at yumuko. Nalaglag ang salamin ko sa lupa. Pumikit. Nakakapanghina na ewan.
"Mahal mo siya?" bulong ko.
Sana hindi niya narinig, pero sumagot siya.
"Hindi ko alam."
Inangat ko ang tingin sa kanya. "Paanong hindi mo alam?"
"Ang tagal na n'on, ilang years na. Tapos ngayon lang siya bumal—"
"Kaya bumalik din nararamdaman mo sa kanya?"
Umismid siya. "Childhood. . .crush. Hanggang puppy love siguro."
"Na nag-mature sa ilang taon kaya ngayon, one true love na?"
Tumawa siya. "Pinagsasasabi mo? Ang korni, ah!"
"Hindi ko gets," sabi ko nang ilapag ko ang bote sa lamesa. Mukhang napalakas dahil nagulat siya pero di ko napansing malakas ang pagkakalapag ko sa bote. "Bakit ka nandito ngayon kung may Dante pala?"
"Ha?"
"Mali ba 'yong tinatanong ko tungkol kay Kulot? Dapat ba, tungkol sa Singkit ang tanong ko?"
"Lasing ka na ba?"
"Hindi ako lasing." Umupo ako nang maayos. "Pero nagpustahan tayo, kailangan mo sagutin lahat ng tanong ko ng katotohanan."
Tumingin lang siya sa akin.
"Bakit ka umiyak noon? Sa radio booth?"
"Di ako umi—"
"Narinig ko boses mo. Alam kong kagagaling mo lang sa iyak noon, at sigurado akong hindi 'yon dahil sa issue tungkol kay Sinteya at Sir Marco. Hindi ka rin pupunta sa apartment, mag-aaya ng sex o ng tanan nang biglaan at trip mo lang," sabi ko. "Dahil ba kay Dante?"
Hindi siya sumagot.
"Unica. . ."
Pumikit siya at sumandal sa inuupuan niya. Napahinga ako nang malalim, pinipigilan ang paghinga. Mabilis ang tibok ng puso. Gusto kong sagutin niya ang tanong. Bakit ba hindi na niya kailangan sumagot ng oo para malaman ko ang sagot niya?
"Bakit?"
"Sumabay lang," sabi niya nang tingnan ako ulit. "Kaya kong mag-handle ng stress pero kapag sumobra. . . hindi ko na alam. Nabaling ko sa 'yo yong galit ko sa radio booth. Sumabay rin kasi 'yong inang J. Law na 'yon, eh. Ang papansin, eh. Tapos. . ."
"Tapos?"
"Tapos, ayon."
"Ayon? Anong ayon?"
Malalim ang pinakawalang hininga ni Unica. Tinakpan niya ang namumula niyang mukha at ilang beses sinuklay ang buhok. Nangingintab ang mga mata niya.
"Si Kuya Uriah," sabi niya. Nang mapansin niyang medyo naguguluhan ako, ngumisi siya. "Yong acting-CEO ng VLTN Investment Corp. Si Kuya U1 – 'yong tinawagan mo nung birthday ko para patigilin 'yong—"
"Di ko siya tinawagan, tumawag siy—"
"Defensive," nakangisi niyang sabi. "Basta si Kuya, skater siya."
"Skater?" pagtataka ko. "Parang kayo ngayon?"
"Siya noon." Ngumiti siya. "Siya pinaka hinahangaan kong mag-skate. Gustong-gusto ko matuto pero ayaw ni 'My, hindi raw pang bata. Hindi pang babae. Hindi pang mga Valentine."
"Tapos?"
"Tinuruan ako ni Kuya kahit ayaw ni 'My. Patago. Tatakas kami sa piano lessons ko. Magpapaalam kaming magpunta sa parke tapos tatakbuhan namin mga bantay. Uuwi kami nang sobrang dumi at sugatan kaya itatago namin sa long sleeves at pants ang mga 'yon. Gagawin namin lahat para maging masaya. Magawa 'yong gusto naming gawin."
"Itong kuyang 'to 'yong sobrang linis tingnan? Naka-suit lagi?"
Tumawa siya at pabirong umirap. "Oo," sagot niya. "Nalaman ni 'My pagturo sa akin ni Kuya ng skateboard. Pinatigil niya lahat, pinatapon niya ang mga skateboard. Sinisante niya 'yong mga bantay namin ni Kuya dahil hindi raw kami binabantayan nang mabuti. Gago, di ba? Ilang luha ang nakita ko noong araw na 'yon, ilang pagsusumamong wag sisantihin ang narinig ko. Hanggang sa pagtulog ko, napapanaginipan ko silang Manang Tere, si Mang Gaston, sila Ate—shit, lahat 'yon sinira namin ang buhay dahil sa pag-skate."
"Grabe. . ."
"Hindi lang 'yon, pinasara niya 'yong pinagbilhan namin ni Kuya ng skateboard, pati 'yong parke. . .shit. Pinasara rin niya."
"Nakakatakot."
"Nakakatakot na napapaikot ang kahit na sino dahil sa pera."
"Pero ngayon, nakakapag-skate ka na. Tumigil ka sa pag-aaral. . ."
"Hindi niya alam."
"Na tumigil ka?"
Tumango siya. "Pati pagbabalik ko sa board."
"Ano kayang reaksyon niya pag nalaman niya?"
"Ayokong alamin, baka kuhanin niya 'yong condo-ng binigay ni Daddy sa akin. Kapag ba nawalan ako ng titirahan, pwede akong makitira sa inyo?"
"Magbabayad ka ba ng renta?"
Tumawa siya. "Pera-pera na lang ba 'tong pagkakaibigang 'to?"
Ngumisi ako.
"Dati, iniisip ko pang ang mas hinihigpitan ang kadena, mas natututong kumawala." Huminga siya nang malalim, natatawa. "Pero sinong niloloko ko? Gusto ko lang gawin lahat ng gusto ko ngayon dahil hindi ko alam kung hanggang kailan lang 'to."
"Anong ito?"
"Itong ngayon," sabi niya, kinatok ang lamesa ng cottage. "Siguradong. . . hinahanap niya ako. Nila. Gagawin niya lahat para mapabalik ako."
"Malayo na tayo sa Manila, baka hindi ka na niya mahanap."
Tumawa siya at napailing. "Hindi mo pa ata kilala nanay ko. Next time, pakilala kita."
"Hindi ata magandang ideya 'yan."
Lalo siyang tumawa at tumango.
"Si Kuya, isa pa 'yon."
"Parang nanay mo?"
"Alam mo 'yong kapatid na hindi mo kilala kahit nasa iisang bahay lang kayo?" tanong niya. Nang di ako sumagot, nagpatuloy siya. "Nakakainggit si Cai."
"Kapatid ko? Si Cai?"
"Oo."
"Wala namang nakakainggit sa batang 'yon."
"Mayroon siyang ikaw," nakangiti niyang sabi. "Kahit magkalayo kayo, kapag magkasama na kayo - may connection. Kami ni Kuya? Simula noong iniwan niya 'yong sarili niya. Nandiri na siya sa skate, sa pagkatao niya noon, sinama na rin niya ang pag-iwan sa akin. Pinaikot na niya ang sarili niya sa business world. Wala na siyang mabalikang siya noon dahil kinontrol na siya. Hinayaan niyang makontrol siya ni 'My."
"Baka ginagawa niya 'yon para magkapera kayo hindi dahil nakontrol na siya?"
"It's not about the money."
Ngumisi ako. "Sinasabi mo lang 'yan dahil nasa inyo na lahat."
"Sinasabi ko 'to kasi alam ko 'yong feeling na baka any moment, hindi ko na kilala yung tinitingnan kong tao sa salamin."
"Unica. . ."
"He already has that air. . .that fucking air of authority our mother emits. Intimidating. Cold. Dominating. Too perfect."
Sa bawat salitang binitawan niya, napapangiwi ako. Naaalala ko 'yong kuya niyang 'yon na parang naliligo sa hairspray dahil ang sobrang linis tingnan ng buhok.
Tapos naalala ko 'yong isa niyang kuya na ang lakas ng pabango kahit gabing-gabi na. Hindi niya binabanggit kaya baka hindi rin sila ayos? O iba lang talaga ang toll sa kanya ng pagbabago ng panganay niyang kuya?
"Ayaw mong matulad sa kanya?"
"Sinong gustong matulad sa kanya? Sa kanila?" natatawa siya. "Pinaikot siya ni 'My. Arranged marriage sa babaeng mahal daw niya, pinahiya ang mga valentine sa pag iwan ng babae kay kuya sa altar tapos ngayon, sinusubsob ang sarili sa trabaho? That's one fucking cliché telenobela."
Ngumiti ako. "Ikaw nga tong gusto magka-amnesia kanina."
"Iba naman 'tong akin, kasi sa kanya – tried and tested na."
"Kaya gusto mong umalis?" tanong ko. Ngumiti siya, pero di ako mapakali. "Anong kinalaman ni Dante sa lahat ng 'to?"
Pwede bang sabihin mong wala?
"Dahil kaya ko lang patagalin 'to," sabi niya sa akin. Natatawa nang hindi naman nakakatawa ang lahat. "Pero 'di ko maiiwasan ang nakatadhana sa akin, di ba? I'm the Valentine family's unica hija after all."
"At si Dante. . .?"
Wala na lang siya. Isang extra lang, pwede ba 'yon?
"Living proof na hindi ko maiiwasan."
"Bakit ayaw mo sabihin? Kung boyfriend mo siya, sabihi—"
"Hindi ko siya boyfriend," bigla niyang sabi. "Akala ko nga dati magiging masaya ako ngayon pero habang patagal nang patagal, sabi ko sayo, napapaisip ako. Siguradong hindi ako in love sa kanya noon, bullshit ko lang yon noong bata ako at lalo na ngayon, kasi kung mahal ko siya – bakit nararamdaman ko 'to?"
Ang alin?
"At kapag sinabi ko, para bang tinanggap ko na talagang ito na 'yong totoo—"
Napatingin siya sa gilid kaya sinundan ko ang tinitingnan niya. Si Jax at Bob, papalapit sa amin. Tinapik ni Jax ang balikat ko, papasok siya sa cottage. Kinuha niya rin ang salamin ko sa mata na kanina pa nasa lupa at binigay sa akin. May kinukuha siyang kung ano sa bag ni Deus.
"Lalim ng pag-uusap natin aahhhhh," sabi ni Bob sa amin. "Baka gusto niyong dagdagan ng duts nang mas lumalim paaa..."
"Tantanan mo ako, Bob, ah."
Natawa si Bob, tinaas ang dalawang kamay na may hawak na lighter at stick. "Sorryyyy naaaa, pampagaan lang ng aurraaaa. Bigat, ehhh. Padaan," natatawang niya sabi saka siya nahiga sa mahabang upuan sa tabi ko.
"Ay putek to oh, huwag ka munang matulog, uy!" Hinihila ni Jax si Bob pero walang epekto.
Natawa na lang ako sa gisingan nila Jax at Bb nang mapansin kong napatayo si Unica, nalaglag ang twalya ko sa balikat niya at naglakad palayo. Hindi siya pabalik sa pool kaya kinuha ko ang twalya ko sinundan siya pero di ako makalapit. Inangat niya ang ulo niya nang ilang segundo, at sigurado akong pinipigilan niyang tumulo ang luha niya.
Hinabol ko siya at naglakad kasabay niya, hindi iniinda ang lamig ng hangin na humahampas sa hubad kong taas. Pinatong ko ang twalya sa ulo niya, natatakpan ang mukha niya kaya natigil siya sa paglalakad. Hinarap ko siya, narinig ko pa ang mahina niyang pagsinghot, pinipigilan ang sarili. Napangisi ako, pinunas ko ang twalya kong nakapatong sa ulo niya at nakatakip sa mukha niya – para mawala 'yong mga luha.
"Ano—"
"Simula ngayon, sabihin mo na lang 'yong mga katotohanan mo at hindi 'yong ipinilit sa 'yo."
Natahimik siya bigla. Akala ko tatanggalin niya ang twalyang nakatakip sa kanya pero nagulat ako nang biglang gumagalaw na ang balikat niya. Nakng, umiiyak siya?! Hala, hala, hala. Anong – anong gagawin ko?! Nakng, gusto kong alisin 'yong twalya para pagmasdan siya pero natatakot din akong makita siyang umiyak. Anong—anong gagawin ko?!
"Gago ka," natatawa niyang sabi sa gitna ng pagpipigil ng paghikbi. "Shit 'to."
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya hinigit ko siya ng isang braso at nilapit sa akin. Mas lalo kong naramdaman ang pag-iyak niya sa balikat ko pero unti-unting humupa. Hanggang sa natahimik kaming dalawa. Nanigas din ata ang braso ko dahil di ko maigalaw na. Isang brasong yakap, seryoso ba ako?
"Pogi ng boses mo 'pag di kita nakikita," sabi niya, ramdam ko ang init ng hininga niya sa balikat ko.
Naglakad kami nang nakaakbay ang braso ko sa kanya. Kinusot niya ang mga mata sa twalya kong nakatakip. Suminghot din siya kaya natawa ako.
"Malaman 'yun, ah."
Tumawa siya nang malakas sa sinabi ko. Ngayon lang siya tumawa ulit nang malakas. Pinatong niya sa ulo ko ang twalya niya at siniko ako sa tiyan. Tawa kami nang tawa hanggang sa nalimutan kong badtrip pala ako kanina.
Tapos, narinig ko. Rinig na rinig ko. Malakas.
Siningahan niya 'yong twalya ko!
"Nakng, Unica!"
Pagtanggal ko sa twalyang nakapatong sa ulo ko, tumakbo agad palayo si Unica. Halos mapunta na kami sa groto sa habulan. Ipinatong ko na lang sa balikat ko ang twalya - kailangan ko pa 'tong labhan.
Nang matitigan kong mabuti si Unica matapos hingalin, natigilan ako. Galing sa pag-iyak ang mga mata niya pero nakangiti. Nang totoo. Napangisi ako at nilapitan siya. Lumalayo pa siya pero hinatak ko siya at niyakap ulit na kinagulat niya.
"Bakit?" tanong niya, ramdam ang mainit na hininga niya sa balat ko.
Pumikit ako at niyakap lang siya. "Wala lang." Mahigpit.
"Kailan ka pa naging hugger? Nakakadalawa ka na, ah."
"Ngayon," bulong ko sa gilid ng noo ulo niya. "Sa 'yo."
"Sira. . ."
"Sa tingin mo, katotohanan ba 'to?"
Hindi siya nagsalita. Naramdaman ko na lang ang paggalaw ng dalawa niyang braso sa gilid at napangiti nang yumakap din siya pabalik.
Sinubsob niya ang mukha sa leeg ko, halos hangin na lang ang narinig sa bulong.
"Sana."
Hindi na ako sumagot pa ulit. Ngumiti lang ako, natahimik kaming dalawa. Hanggang sa naramdaman ko na ang dapat hindi maramdaman. Ang kanina pa iniiwasan.
"Nararamdaman mo rin ba?" bulong ko sa kanya.
"Ayaw ko man," bulong niya pabalik. "Oo."
Ngumiti ako at tumango. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya.
Ilang segundo lang, tinutulak na niya ako pero hindi ako nagpapatinag. Hinihigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya hanggang sa kurutin na niya ako sa tiyan kaya napabitaw na ako habang natatawa. Pinipilit ko pang ilapit sa kanya ang nakapatong na twalya sa balikat ko.
"Tanginang twalya 'yan! Shit! Gusto mo lang mangpahid ng sipon, eh!" Nilalayo rin niya ang suot niyang sando, nabahiran na ng virus niya.
Hindi ko malaman kung gusto niyang tumawa o mandiri pero ako, natatawa.
"Kadiri ka!" sigaw niya, sumimangot, pero natatawa na nababadtrip. "Ang dugyot-dugyot mo."
"Ako pa talaga? Kanino bang sipon 'to?"
Inabot ko ng dalawang braso si Unica. "Yakap?" natatawa kong sabi. Paglumalapit ako, lumalayo siya. Para kaming mga batang ngayon na kanina eh napaka problemado.
"Huwag kang lalapit, bwisit ka. Kaya pala nangyayakap amputa."
Natatawa lang ako sa reaksyon niya. Panay ang lapit ko, panay ang layo niya hanggang makabalik kami sa may cottage.
"Aray, ouch, ano ba 'yan!" sigaw ni Amari bigla kaya natigil kami at napatingin sa kanya. "Kinakagat ako ng langgam. May matamis ba kayong iniwan d'yan?"
Pagkaalis sa Mainit Hot Spring, kumain muna kami sa karinderya saka naghanap ng pwedeng matulugan. Dahil hindi kami kasya sa kwartong inilaan, nagsalitan kaming lahat pwera kay Deus na masayang-masaya sa pagtulog sa malambot na kama.
Pagkatapos mag-agahan kami bumalik sa sasakyan, para makabalik na sa pag-roadtrip.
"Ayos pa 'tong FX?" tanong ni Herq na nasa shotgun seat.
"Sana," ngiting sagot ni Deus, likod ng manibela.
"Thank God makakaalis na tayo!" sabi ni Amari, sa gitna. "Akala ko lalangoy na lang tayo forever sa ihi ni Jax."
Natawa lang si Jax sa tabi.
"Saan na sunod?" tanong ni Pja.
Binuklat ni Deus ang napaka laki niyang mapa at tinuro ang dulo ng Luzon. Binulugan niya ng pentel pen ang sinabi niyang lugar. "Matnog Sorsogon," sabay ngiti. "Sasakay na tayo ng ferry papuntang Visayas, mahaba-habang byahe 'to."
Umirap si Amari. "Duh. Obviously."
"Duh, obviously," pag-gaya ni Jax kay Amari.
; x ;
Hi! Thank you sa pagbabasa at paghihintay ng 37 days para sa update na 'to (hindi ko binibinilang, ah? may nagbibilang lang na iba. Ehem, Yhan, ehem. Haha!)
Nalimutan ko isama sa last update: Deus = Juice. Dyus.
unedited. word vomit. siguradong maraming inconsistency na kailangan i-edit pero hindi muna ngayon? hehe. hehe... hehe? sorry na.
Anyway!
Dahil nasa Tayabas pa rin sila *Mainit Hot Spring Resort" to be exact, nilagyan ko na lang ng point 'yong Matnog Sorsogon sa mapa dahil doon na sila papunta. Sa wakas! Yehey! (hahahaha sobrang shortcut 101.) ♥ ♥ ♥
(Binago ko yung mapa dahil sinama ko 'yong Batanes at Saranggani. Ayon, yung white sa pinaka taas na dulo. Island ng Batanes. Yong pinaka baba naman, Island ng Saranggani.)
Group hug with Chino x Unica x twalyang may sipon!
Hashtag: #uncnsrd
~ Rayne
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top