u n c n s r d 29
u n c n s r d 29
"Hinahanap mo ngayon ang hindi naman nagpapahanap? Anong ibig sabihin n'un?"
Bago magsimula ang proyekto ng student council na radio booth, napag-usapan na namin ito. Noong nakuha ako bilang DJ at nakumpleto kaming mga magsasalita, nagkaroon ng meeting. Isa sa mga checklist of goals namin ay ang mag blow up ang radio booth. Pag-usapan. Gamitin ito at kuhanin ang tiwala ng mga estudyante. Isang entertainment na sineseryoso.
Ginawa nga rin ang school files sa Facebook at Twitter para sa radio booth – para kapag hindi makakausap sa live, pwedeng isulat na lang ang announcement doon. Naka-anonymous. Naka-tweet. Naka-dm.
"Gusto ko maging huge ang radio booth natin," ang mga salitang binitawan ni Ms. President, pang pep talk. "Pinag-uusapan."
Sabi nga nila, mag-ingat sa mga gusto, baka magkatotoo.
"Shit. Shit. This is not happening. Shit."
Paulit-ulit ang marahas na pagbulong ni Pres. Kahit si Love na taga tanggap ng call para sana sa advice corner, hindi na mapakali sa dami ng tawag na dumadaan. Sa sobrang panic, pinatay na niya 'yong mga cellphone.
"Anong gagawin natin. Shit."
Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kita 'pagkat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko...
Nakatahimik lang ako. Kinakabahan.
Gusto kong palitan ang kantang na-play pero huli na. Hinayaan ko na lang.
May tumawag kani-kanina lang. Si J. Law. Akala ko tulad ng dati, mangungulit lang kay DJ Andro. May iba pala siyang pakay.
Alam ko kung sino ang sino sa sinabi niya. First hand kong nakita 'yon. Professor God? Kasalanan? Sigurado akong sinasadya ng taong 'yon na obvious ang code names para mahalata. Gusto ko ring mag-panic, ako ang kausap ni J. Law, kaya pakiramdam ko ay kasalanan ko.
Masyadong mabilis ang nangyari. Ang pagsasalita niya. Ang lahat.
Huli na bago ko pa matigil ang tawag at nakapagpatugtog ng kanta. Nasabi na ng J. Law na 'yon ang halos lahat ng kailangan para gumawa ng kumosyon sa school gamit ang radio booth.
Isang malaking issue. . . na alam ko. . .na dapat hindi lumabas.
Lahat na mismo nasa 'yo
Ang ganda, ang bait, ang talino
"Pres, University Files is blowing up. Big time," sabi ni Love.
Inggit lahat sila sa'yo
Kahit pa tapat man kanino
Tiningnan namin 'yong screen ng computer na nandoon ang University Files. Dinelete na namin ang photo bago pa kumalat pero marami pa rin ang panay ang post ng photo. Marami nang naka-save. Huli na. Kumalat na rin sa twitter. Nagkaroon pa ng hashtag. At hindi na lang isang litrato ang lumabas – marami, mga stolen shots. Mga 'witness' at nagsasabi ng napansin nga nila 'yon.
"Delete niyo lahat. Delete!"
Nag-suggest si Love, "i-deactivate kaya natin 'yong page?"
"We can't!" sabi ni Ms. President. "Kapag ginawa natin 'to, mawawala ang radio booth. Mawawala lahat ng pinaghirapan natin. Siguradong ipapa-shutdown na ito ng mga prof like they always wanted to."
"Paano na, Pres?"
"I told you. Delete! Chino, tumulong ka sa pag-delete."
Kinikilig pa rin ako
Ang sarap magmahal 'pag panalo
Sumunod agad ako. Pero hindi pa rin tumitigil, Kahit sa twitter, ang daming notifications, panay ang tunog ng phone ni Ms. President dahil sa notif. Panay din ang ring ng phone ni Love, parang may tumatawag o nagtetext.
"We're gonna be dead. Shit talaga."
Nag-iisa sa puso ko
Ito'y kaya 'di na ba magbabago
"And for fuck's sake, Chino. Bakit ba 'yan ang kantang pinatugtog mo?"
Napakinig tuloy ako nang wala sa oras sa kanta.
Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kita 'pagkat
"Nag-panic na ako. Ito agad napindot kong kanta."
May katawagan sa phone si Ms. Pres. Mayroon ding ibang pumasok sa radio booth at nagpa-panic, dahil nagrereklamo na rin ang iba, at mayroon ding mga prof na nakisali na rin. Nilingon ko lang ang lahat. Ang ingay. Ang gulo. Mukhang tahimik siguro sa labas pero riot sa loob ng booth.
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso kohhh
"Matatapos na 'yong kanta," sabi ko.
"Eh di mag-play ka ng bagong kanta!"
Nag-click agad ako. Tumunog na pagtapos ng isa.
Alam mo bang may gusto akong sabihin sa'yo
Magmula nang nakita ka'y naakit ako
Mula sa pakikipag-usap ni Ms. Pres, unti-unti siyang napatingin sa akin, hawak ang phone niya sa tabi ng tainga. Tinaasan niya ako ng kilay. Nanlalaki ang mata.
Simple lang na tulad mo ang
Pinapangarap ko ang pangarap ko
Napakamot ako ng batok. "Mamimili pa ba ako ng kanta?"
Umirap na lang si Ms. Pres. Tiningnan ko si Love at iba pang nasa radio booth na natawa.
Simple lang ang pangarap ko mahalin nang katulad mo
Sana ay mapansin mo, dahil
Marami pa ring nagpo-post sa University Files at twitter pero medyo nag die down na rin kahit papaano. Medyo. Lahat kami namomroblema pero mas namomroblema ako sa kung anong gagawin pagnatapos na ang kanta.
"Patayin na natin. Tapusin na agad."
"No, hindi pwede."
Simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko
Simpleng tulad mo, La la la la la
Tinaas ko ang nanginginig at nanlalamig kong kamay. Tiningnan nila akong lahat. "Uh. . . Ipagpatuloy natin 'yong advice corner."
"Anong pinagsasasabi mo, Chino? Hindi porke't gustong-gusto ka ng mga tao, eh, okay na. Ikaw pa rin ang nakausap nung J. Law at hinayaa—"
Napalunok ako. Oo. Kasalanan ko. Kasalanan kong ako ang kausap nung caller, at sa akin niya gusto sabihin ang issue. Kaya nga gusto ko sana itama ito, sa paraang alam ko. Isang malaking issue ito sa school, at malaki ang naging parte ko para umingay ang issue na 'yon.
Huminga ako nang malalim.
"Tutuloy lang. Parang walang nangyari. May kakausaping iba. Makikipag-usap ako sa iba."
"Nakakatakot na baka follow up reaction lang ang makausap mo. We can't keep the issue burning. Makakasira tayo ng buhay ng iba!"
"Tiwala lang," sabi ko. Tiningnan ang nakailaw na 'on air' sa sign at naka-off na mic. "Kakalimutan ng mga tao ang narinig at nakita nila."
Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yong sinabi ko. Tiwala? Natawa na lang ako. Tiwala saan? Nasaan kaya si Sir Marco? Narinig ba niya?
Eh, si Sinteya?
Ang ibang mga prof?
Si Dean?
Sana hindi.
Pagkatapos ng kanta, agad akong bumati sa mga tao na kinabigla ni Ms. Pres. Tiningnan ko siya, sinasabi na magtiwala lang na maaayos ang lahat. Nagsalita ako na parang walang rebelasyong nahanap sa isang tawag kanina. Nagsalita ako na parang masaya. Parang walang problema.
Binuksan na rin ang linya para sa pagtawag, at may binigay agad silang caller sa akin.
"Hello, si DJ Andro 'to, anong maipaglilingkod ko sa 'yo?"
"Tangina. Buti ikaw ang sumagot."
Natagil ako. Napahinto sa narinig na pamilyar na boses ng babae. Malalim.
Nagkatinginan kami ng mga kasama ko sa loob ng radio booth.
"Subukan mo lang itigil ang tawag ko, sinasabi ko sa 'yo, DJ Andro, hindi ka matutuwa sa mangyayari."
Unica. Bakit ka. . .tumatawag?
Nanlalamig ako.
"Ah. . . " Tumawa ako. "Ano pong pangalan niyo, at anong problemang gusto mong ibahagi sa amin para makatulong ako? Mukhang malalim ang pinagdadaanan mo, kakayanin ko ba sagutin ito?" Tumawa ulit ako. Nakng, ang awkward.
Bobo, Chino.
"Kilala mo ako. At ang problema ko? Ikaw."
"Ahh, U—Miss, anong—"
"Sinong nagsabing may karapatan kang babuyin ang buhay nang may buhay? Pinagkakatuwaan niyo ba ng J. Law na 'yan ang ibang tao? Pinag-usapan niyo ba? Na pagkaisahan ang wala namang malay? Ginamit niyo pa ang radio booth para manira ng buhay?!"
"Uni..hindi, ano—walang kinalaman ang radio booth—"
"Wala ba talaga? Hinayaan mo, eh. Ang tagal nag-air. Alam mo na sa umpisa pa lang na doon papunta ang usapan pero hinayaan mo ang J. Law na 'yan. Of all fucking people, ikaw dapat ang nakakaalam paano ihinto—"
"Nabigla rin ako—"
"Kaya hinayaan mong ipagkalat niya ang putanginang chismis niya?!"
"Nabigla nga sabi ako. Hindi ako handa sa sinab—"
"Chino, put the mic down." Dinig kong bulong ni Ms. Pres.
"Kapag ba nabibigla ka, hinahayaan mong magsalita 'yong kausap mo? Lalo na kapag alam mong sa sasabihin ng bullshit na bibig ng babaeng 'yon, may nadadamay na iba?"
"Pres, nagbo-blow up na naman ang twitter at University Files!"
"Off Air! Hey, nakikinig ka ba? Sino ba yang caller na 'yan?!"
"Sorry na! Ayos na ba? Parehas lang tayong nabigla sa usapa—"
"Para sa putanginang J. Law na 'yan." Nakarinig ako ng singhot – sipon – umiiyak ba siya? Umiiyak ba si Unica sa kabilang linya? "Kung nakikinig ka, hayop kang babae ka. Sa inyo ng DJ Andro niyo—"
"Nasaan ka ba?"
"—hindi ako titigil—"
"Nasaan ka?"
"—gagawin kong impyerno—"
"MISS." Makinig ka sa akin, Unica. Makinig ka. "Nasaan ka? Pupunt—ahan kita—"
"I SAID FUCKING STOP."
Isang malakas na ingay ang umalingawngaw sa buong school dahil sa biglang pagtanggal sa saksakan ng mic. Napaatras ako sa kinauupuan nang hatakin ako palayo ni Pres sa machine. Nag-off air ang radio at natahimik ang buong school.
"Ano 'yon, Chino? Bakit hindi ka tumigil! I told you to fucking stop talking to that person! Ikaw naman, Love – why didn't you end the call?!"
"Narinig niyo 'yong sinabi niya, nangbabanta siya—"
"And you freaking believed that caller?! Anong magagawa niya behind the phone? They don't know you, remember?" Nilingon ako ni Pres. "Snap out of it, Chino! Don't touch the machine for a week! Shit. Hindi ko na alam paano pa aayusin ang lahat." Biglang umiyak si Pres. "This is not good. This is not really good. Papaalisin tayo. Aalisin na ang radio booth project na ito. Ang daming magagalit. Maraming mas magagalit pa. . ."
Inalo nila si Pres habang nakatingin lang ako sa kanila, pinagpapawisan. Agad akong tumayo, tinanggal ang headphones at paalis na ng booth nang pigilan ako ni Love.
"Saan ka pupunta?"
Kay Unica. "Aalis."
"Pero paano 'tong—"
"Pasensya na. Pinalaki ko pa lalo ang problema," sabi ko. "Tawagan niyo na lang ako kung sakaling i-suspend ako sa school, o expulsion. Bahala na."
Nasa labas na ako nang sumigaw si Love.
"Chino!"
Nilingon ko sila. "Sorry, Pres. Baka hindi na ako bumalik ulit sa radio booth. Baka ending na 'to ni DJ Andro. Pasensya na sa problema."
"Magku-quit ka na?" rinig kong sabi ni Love pero naglakad na ako palayo.
Pinagtitinginan ako ng ilan dahil lumabas ako sa radio booth na para bang galing akong gera. Hindi ko na 'yon pinansin. Isa lang pumasok sa isip ko. Kailangan kong kausapin si Unica. Kailangan ko malaman kung nasaan siya. Pero ilang beses ko siyang tinawagan, walang sagot. Sinubukan kong tawagan si Deus, nagsabi siya na hindi niya alam, hindi sila nakakapag-usap.
Napatingin ako sa tato sa braso ko at hinimas ito ng sleeves ng jacket na suot ko.
Nasaan ba siya?
Nasaan ka ba, Unica?
Sigurado akong nasa school siya kanina pero saan?
Nakalabas na ako ng school nang may mapansin akong kotse. Magarang itim na kotse, hindi lang basta-basta. Alam kong hindi ito basta-basta dahil dalawa ang kotse na 'yon, magkasunod na umandar, para bang uniformed. Galing sa mayaman. Pamilyar.
Tipong nasakyan ko na rin noon.
Tumawag ulit ako kay Unica. Nandoon siya sa kotseng 'yon. Siguradong kasama niya ang mga bodyguards na kung hindi ko nakita sa sarili kong mga mata, iisipin kong joke lang. Na baka nag-ko-cosplay sila bilang men in black. O baka trip lang nila magpanggap na nasa koreanovela sila na pinapanood ni Cai.
Dahil ayaw niyang sumagot sa tawag, nag-text ako.
To Babaeng Gangster
Unica, usap tayo. Please?
Walang reply.
Kahit malayo, nagpunta ako sa condo nila. Wala si Ate Nena. Wala siya. Walang tao sa condo niya. Tinanong ko si Deus, tinagawan pa siya kahit nakaistorbo na ako.
"Nag-shu-shoot ako sa Baler, wala siya rito, e."
"Sige, salamat na lang."
Ibababa ko na ang phone ko nang magsalita siya.
"Tawagan mo si Herq, baka alam niya. Kung hindi, pm mo sa facebook 'yong iba pang tropa."
"Sige—"
"O baka nakanila Sinteya babes siya."
Natawa ako sa pag babes niya pero kinabahan din dahil masyadong coincidence na binanggit si Sinteya at 'yong phone call sa radio booth.
Sinubukan kong hanapin kanila Herq si Unica kahit nahihiya ako sa kanya, pero ang tanging nakuha ko lang ay, "Hinahanap mo ngayon ang hindi naman nagpapahanap? Anong ibig sabihin n'un?" at "Sensya na pre, gustuhin ko mang mahanap mo ang nawawala, kahit ako, hindi alam kung nasaan siya."
May nakausap din akong iba na sinabing, "subukan mong puntahan 'yong bahay nila."
"Pumunta na ako—"
"Hindi sa condo, tol. Sa mismong bahay nila."
Mismong bahay nila? Saan ba ang bahay nila? Bahay nga ba o mansyon?
Nauwi ako sa pag-uwi ng apartment. Pakiramdam ko pagod na ako. Ilang beses kong inisip na ayos kami. Ayos naman kami ni Unica. Malamang magagalit siya sa sinabi nung caller na si J. Law dahil kaibigan niya si Sinteya. Pero hindi naman siya magagalit sa akin nang sobra, di ba? Wala lang 'yong usapang 'yon. . . baka na-hype lang ng emosyon.
Pero bakit parang umiiyak siya sa tawag?
Nankng, Chino. Ano na?
Huling tinitigan ko bago matulog ang tattoo. Maayos kami, hindi ba?
O tulad nitong mga petals . . .naglalaglagan lahat ang dapat nakakabit? Unti-unting nawawala?
Natawa ako sa sariling naisip. Kabaliwan. Dinismiss ko ang naisip. Sinubukan matulog. Kinakabahan.
Bakit pakiramdam ko, hindi na kami magkikita pa ulit ni Unica?
Natigil ang operation sa radio booth habang may inaayos pa kinabukasan. Pagkatapos ng interview sa amin ay hindi na kami pinasali pa sa iba pang issue na mas mabigat. Tulad na lang ng student-teacher relationship.
Ang bigat din ng pakiramdam ko sa mga sumunod na araw, lalo na nang subukan kong hanapin si Unica, at wala. Wala siya. Hindi na ma-contact ang number niya. Walang kahit isang seen mula sa facebook chat. At napag-alaman ko sa mga professors - kahit sa mga klase niya - wala siya. Kahit ang paborito niyang klase sa painting, hindi rin siya pumapasok.
Alam kong may problema dahil malapit na mag-finals tapos mawawala siya? Alam ko, naririnig ko ang mga bulungan at usap-usapan ng mga tao tungkol sa issue dahil sa radio booth. Pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinakausap? O pinupuntahan para suntukin? Kung galit siya sa akin, bakit hindi niya iparamdam ang galit niya para maging okay ka na kami sa susunod?
Kung hindi naman tungkol sa issue sa school, may isa pa akong naisip.
Ang mama niya.
Pinipilit kong mag-focus sa school, finals at mga project pero lumilipad ang isip ko sa kung nasaan na si Unica at kung ano na ang nangyari sa kanya. Hindi ako mapakali dahil ang last na usapan namin ay 'yong nagalit siya sa akin sa radio booth. Gustong-gusto ko na siya makita. Makausap. Makasama.
Hanggang sa napansin kong hindi rin pumapasok 'yong kumag na kulot na si Vane. Akala ko siya ang dahilan - akala ko kasama niya si Unica, pero isang gabi, sa panglimang araw ng pangungulila kay Unica.
May kumatok sa pintuan ng apartment.
Alas kwatro ng umaga.
Pagkabukas ko, kinabahan agad ako pagkakita ng likod ni Unica. Papalayo siya. Para bang paalis na, para bang nagkamali siya sa pagkatok at hindi na niya mabawi kaya aalis na lang siya - pero hindi ko siya hinayaang umalis. Mabilis akong lumapit sa kanya, hinawakan siya sa braso para patigilin siya sa paglalakad na kinagulat niya.
"Shit!"
"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" agad kong tanong. "Saan ka galing, bakit hindi kita ma-contact?"
Nilingon niya ako.
Una kong napansin ang mata niya, kahit madilim. Namamaga. Kung hindi siya nakagat ng ipis, isa lang ang sigurado ko. Umiyak siya. Matagal. Para maging ganyan kamaga ang mata niyang mas lalong sumingkit.
Tinanggal ang hawak ko sa braso niya. "Uh, wala. Wala. Akala ko bahay nila He—Wrong house. Sige, bye."
Bago pa siya makalakad ulit, hinatak ko siya.
"Unica. Hindi ka pupunta dito nang wala kang kailangan."
Tumawa siya. "Wow. Ang user ko pala, ano."
Pinipilit niyang tanggalin ko ang hawak sa braso niya pero hinigpitan ko pa lalo ang hawak. Dalawang kamay pa, sa tigkabilang braso niya. Napatingin siya sa kanang braso kong may tattoo saka sa kaliwang braso niyang hawak nito, na may tattoo rin na kaparehas na rosas.
"May problema ba?" tanong ko. Nakng, kinakabahan ako. "Kung 'yong sa radio booth to, sorry. Kahit ako nabigla sa tawag ni J. Law. Oo, katangahan ko dahil kilala ko na 'yong binabanggit niy—"
"Gusto mong magtanan?"
Natigilan ako.
"Ha?"
Tama ba narinig ko? Tanan?
; x ;
no edit. word vomit.
First update for the first day of 2017! HAPPY NEW YEAR. BELATED MERRY CHRISTMAS!
Thank you sa paghihintay. At sa mga nakita at nakilala ko behind every votes and comments sa Davao, Las pin(y)as at Cebu - hi! Nice meeting you all. Mayroon ulit tayo sa January 29, 2017, Quezon City Circle. (See fb.com/plsptsya for further details!)
Thank you sa suporta! Sa tweets. Sa pagpaparamdaman na may care at hinihintay niyo pa rin ang uncensored. Matagal, kaya thank you dahil you're still here with us. At sorry rin kung sa sobrang tagal ay nawawala na ang feels niyo.
Still, salamat pa rin sapagiging parte ng kwento nila~
And happy 2017! Tara at sama-sama pa rin tayo. Hanggang 2018 na 'to. Bwahahaha. Joke. Joke. Huwag naman sana umabot ng 2018 'to. Huhu.
til next update~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top