u n c n s r d 11

u n c n s r d 11

"Subo mo na lang 'yan tas manahimik ka."


"Ano na? Tara DotA!"

Ilang beses ko na silang inaaya pero itong mga kaibigan ko, nagpapakabusy kunwari sa activity namin. Hinila ko si Mark pero tinutukan niya ako ng ballpen.

"Tara na!"

"Bakit ba sabik na sabik ka?" tanong ni Adam.

"Gusto ko lang maglaro."

Tumayo si Jethro at umakbay sa akin. "Tara 'No, DotA na."

Napangisi ako. One down, three to go.

"Dali na!" Ginulo ko si Sandy. "Mag-wi-wing man ako sa nililigawan mo, maglaro lang tayo."

"Lul," natatawa niyang sabi. "Hindi ko kailangan ng wing man. Kayang-kaya na ng charms ko 'yun."

"Geh. Paniwalain mo sarili mo." Tumawa si Adam. "Suportahan lang kita."

"Pre." Kinuha ko ang ballpen ni Mark. "Tama na 'yan. Bukas pa pasahan."

Kating-kati na talaga ako maglaro. Alam kong kakalaro lang namin kagabi, at kahapon at nung break time. Kahit nung madaling araw. Alam kong ilang araw na kaming halos walang tigil sa paglalaro pero – gusto ko lang talaga!

"Ayan na si Jethro, oh. Maglaro na kayo."

Tiningnan ko si Jethro at kumunot noo. "Baka matalo ako."

"Gago ka ah."

Umiwas ako sa pananapak ni Jethro.

Tumawa sila Mark sa sinabi ko kaya tiningnan kami nang masama ng librarian. Umupo ako at yumuko.

"Huwag niyo naman akong hayaan mag-isang kalaro si Jethro," bulong ko.

Naupo sa tabi ko si Jethro at bumulong din. "Bubulong bulong, hinayupak naririnig ko naman."

Tumawa ako. "Bano mo kasi maglaro."

"Matagal lang akong di naglalaro."

"Onga eh, sa sobrang kalawang ng laro mo kanina nahiya mga bakal sa riles ng lrt."

"Woah, trashtalk mula kay Chino," natatawang sabi ni Adam."Iba na 'yan."

Lalong lumakas ang tawanan sa table namin. Baon na naman si Jethro sa usapang DotA.

"Nag-carry pa kasi, sabi sa 'yong ipon lang muna sa offlane," sabi ko sa kanya. Nagpanggap siyang hindi nakikinig. "Tingnan mo, sobrang feeder mo pati mga bata sa Africa napakain mo na."

Humagalpak ng tawa si Adam mula sa pagsusulat. "Bano!"

"Makapagsabi ng Bano, ikaw tong nag hindi nag-wawards nang maayos," sabi ni Jethro. Binatukan niya si Adam na tumatawa pa rin. "Tsaka, walang tank na matino."

Inismiran ni Adam si Jethro. "Kwento mo sa last hits mong pulpol. Wala ka man lang nabuong gamit. Practice practice din ulit pag may time. Tagal nang nagdodota bano pa rin."

Umepal ang nananahimik na si Mark. "Buti pa yung sugat, gumagaling."

Lalo akong tumawa. "Rekt!"

Pinakyuhan kami ni Jethro dahil lubog na naman siya sa trashtalk. Kahit paano, gumaan pakiramdam ko na ganito ang usapan namin. Puro lokohan at laro – iwas sa kung anu-anong iniisip. At napapangiti rin ako dahil napapadalas ang pagtetext namin ni Aris.


Mari Solei

Wait lang ah, may klase lang ako.

To Mari Solei

Sige. Text ka na lang pagtapos. Ingat :)

Mari Solei

Cge, salamat! :D


Hindi ko namalayan na sumilip pala si Adam sa phone ko. "Aww, na-klasezoned ka, 'No."

"Lul."

Matapos naming maglaro at itrashtalk si Jethro sa pagkabano, tumambay na muna kami sa KFC. Nasa kalagitnaan ako ng kasiyahan sa pagkain ng Kikiam nang may maaninag akong pamilyar na babae.

"Ang ganda talaga niya," sabi ni Mark at bumuntong hininga.

Kinabahan ako dahil dumaan sa harap namin si Sinteya. Halos lahat ng nakatambay sa KFC-han, napalingon sa kanya. Ang hatak talaga ang aura. Lumigid ang mata ko pero mag-isa lang siya. Walang kasama. Halos isang linggo ko ring hindi nakita at nakausap 'yun – hindi rin nagtext o nangulit. Nasaan na kaya 'yung babaeng gangster na 'yun?

"'No, ayos ka lang?" Pinatong ni Jethro ang kamay sa balikat ko. Tumango ako at napangiwi bigla nang higpitan niya ang hawak sa balikat ko. "Masarap ba?"

"Aray!" Siniko ko siya. Gumaganti na 'to sa trashtalk na naganap. "Huwag ka nga, Bano."

"Porke't klasezoned ka ni Mari Solei, eh."

"Nahimik ka."

Imbis na si Jethro ang tumahimik, ako ang nanahimik. Pinagmasdan ko lang si Sinteya na may kausap na grupo ng babae. Tambay lang kami dahil close naman namin ang nagtitinda. Panay tango at iling ang binibigay kong sagot sa mga kaibigan ko.

Nasaan na kaya talaga si Unica? Nakuha na kaya niya 'yung sapatos?

Pagkauwi, pinatawag ako ni Mama sa skype at may itatanong daw sila. Sa computer ni Gio sa may sala ang ginamit ko dahil may dinadownload ako sa laptop. Pagsagot ng skype call, napaatras ako sa bumungad sa akin. Ang lapit na mukha ni Cai!

Nakng, 32 inches pa naman 'yung monitor ni Gio.

"Anong pagmumukha 'yan?!"

Para siyang may mayonnaise sa mukha na hindi ko malaman.

"Pampaganda," sabi niya.

Tinakpan ko ang mukha niya sa screen sa pagkainis at gulat. "Hindi naman gagana sa'yo 'yan."

"Wow!" Tumaas ang boses niya. Hininaan ko pa ang speakers. Ang bingi talaga ni Gio kahit kailan, nakafull blast volume. "Porke't badtrip ka na naman, sasama mo ako? Binasted ka na naman ba ni Ate Mari, no?"

Kung nasa tabi ko lang si Cai, ilang kutos na ang nakuha nito sa akin. Bakit ako mababadtrip? At hindi ako binasted ni Aris!

"Hindi ako—"

"Cai! Ino! Pati ba naman dito mag-aaway kayo?" Sumingit si Mama sa screen.

Napapikit at napabuntong hininga ako nang makitang may mayonnaise din sa mukha si Mama. Salamat at wala ako sa bahay sa Bulacan, baka sapilitan nilang ipagawa sa akin 'yon pag nagkataon.

Nakipag bangayan pa sa akin si Cai kaya napapangisi ako. Siguradong namimiss na ako ng pangit na 'yan. May mga tinanong sa akin si Mama at pinaayos sa computer sa bahay. Cellphone lang ang gamit sa skype call dahil may kung anong sira.

Sa pagkakaalam ko, Electrical Engineering ang pinag-aaralan ko. Pero sa tahanang ako lang ang nag-iisang lalaki – napag-aaralan ko na lahat ng Engineering: Mechanical, Chemical, at Computer.

"Kailan ang sembreak mo? Kailan ka uuwi rito?" tanong ni Mama. Iniiwas ko ang tingin ko dahil naiilang talaga ako sa mukha niya. Nasa background na lang si Cai, mukhang busy sa homework. "Namimiss ka na ng kapatid mo, oh."

"Yuck, Ma! Ew!"

Napangisi ako pero natahimik sandali. Ano na kayang plano kanila Deus? Tutuloy kaya sa Cordillera?

"Uh, Ma. Baka hindi ako agad makauwi. Magtetext na lang ako."

Kumunot ang noo ni Mama at napangiwi ako nang bumagsak ang mayonnaise mula sa mukha niya. Talaga namang nag-ayos pa siya ng mukha sa screen.

"Bakit? May projects kang gagawin?"

"Baka may puntahan lang."

"Kuya, magkakadate ka na?!" singit ni Cai.

Umiling ako. "Basta, magtetext ako kung anong magiging plano." Umangat ang tingin ko pagkarinig ng gate na nagbubukas. "Sige na Ma, parating na si Gio, baka gamitin na niya 'tong computer niya."

"Sige. Pakamusta ako kay Gio, ha? Naku, tularan mo ang kababata mong 'yun, ah – nakita ko sa FB nagsisimba pa rin pala siya d'yan sa Maynila."

Napangiwi ako. Oo na, ako na hindi nagsisimba kahit naturingang sacristan sa Bulacan. Pero ang tularan si Gio?

Napatalon ako nang malakas na pinaghahampas ni Gio ang pinto. "Buksan mo pinto! Naiwan ko susi ko! No! Buksan mo 'to kundi pagkakalat ko mga scandal mo!"

"Sino 'yun?" tanong ni Mama sa skype. "Anong sinisigaw n'un? Ganyan ba mga kapitbahay niyo r'yan?"

Ma, si Gio 'yan - 'yung gusto niyong tularan ko.

"Sige na, patatahimikin ko lang 'yung kapitbahay."

Panay pa rin ang kalabog ni Gio sa pinto kaya kung anu ano na rin sinabi ni Mama tungkol sa maiingay na kapitbahay. Sinigurado kong end call na bago buksan ang pintuan. Napatingin si Gio sa computer niyang nakabukas at sa laptop ko sa may table.

"Kinocompare mo ba porn experience sa laptop at computer ko? Walang panama 'yang laptop mong kasing liit ng et—"

Pinasakan ko siya sa bibig ng unang bagay na nahablot ko. Gusto kong humingi ng kapatawaran sa boteng plastic na may lamang parang mountain dew. Nagulat si Gio at biglang umubo sabay hawak sa bote bago bumagsak.

"Subo mo na lang 'yan tas manahimik ka."

Bumalik ako sa may computer para i-shut down nang kaltukan ako ni Gio.

"Aray! Ano ba?!"

"Hayup ka, ihi 'to, eh!"

"Ihi?" natatawa kong tanong. "Ba't ka umihi sa bote? Dinisplay mo pa talaga."

"Hindi akin. Dun sa chicks na kasama ko last time. Ihing-ihi na siya eh naliligo ako nun tapos—"

Tinaas ko ang kamay ko at tumayo bitbit ang laptop ko. "Hindi ko na kailangan malaman ang buong kwento."

Nakaupo ako sa sofa habang nasa tapat si Gio nang maglaro kami ng DotA. Panay ang mura niya kaya nag-earphones na rin ako na may malakas na volume ng kanta. Madaling araw na nang tumigil kami dahil nag-alarm na ang phone ni Gio. Aalis siya, mukha ihahatid pauwi yung isa pang chicks niya galing call center.

Patulog na ako nang tingnan ko ang phone ko. Nabuhayan ako nang makitang may isang nag-text. Agad kong inopen 'yun at napatitig sandali sa text.


Mari Solei

Sorry hindi ako nakapagtext ulit. May inasikaso lang. Goodnight pala. Sweet dreams :)


Gusto ko sanang mag-reply pero. . . hinayaan ko na lang.

Nawala sa isip ko na kinabukasan ay may pageant meeting kaya nagulat ako nang makita si Unica na nasa meeting room. 1 hour early ako dahil may mga aasikasuhin ako at isusulat sa board. Inuutusan nila ako dahil maganda raw ang sulat ko. O dahil tamad lang sila.

Pero hindi 'yun ang point.

Ang point ay pagpasok ko sa classroom, nandoon si Unica, nag-iisa sa may dulo at nakatingin sa kawalan. Mukhang hindi niya ako napansin kaya tumikhim ako.

Wala pa rin.

Snob lang? Wow. Siya pa talaga may karapatang hindi mamansin?

Dumiretso ako sa may board at sinulat ang pinapasulat sa akin ng student council president. Nagpasak na rin ako ng earphones na full blast ang volume. Wrong move. Dahil para akong kinuryente nang biglang may kumurot sa akin sa tagiliran.

Syempre, sino pa bang gagawa nun. Tinanggal ko ang earphones ko at kumunot noo. Tinanggal din niya ang earphones niya at ginaya ang pagkunot noo ko.

"Hindi mo sinabing nandito ka pala," sabi ni Unica.

Malamya ang pagkakangiti ko bago bumalik sa pagsusulat.

"Ay, snob si koya?" rinig kong sabi niya.

Bumuntong hininga ako. "Isusulat ko muna 'to. Mamaya tayo mag-usap."

Hindi kami nakapag-usap dahil dumating na rin ang pageant organizers at 'yung mga kasali sa pageant. Katabi niya ulit ang partner niya – malamang – kasi partners sila. At ang dikit talaga nila. May kung anu-ano silang pinagtatawanan na hindi ko marinig. Hindi rin sila nakikinig sa sinasabi ni Ginang Teodora.

Ilang beses akong nag-CR dahil hindi ko talaga natitripan ang hangin sa classroom. Nang matapos ang meeting, nagmadali akong lumabas. Narinig ko pa ang boses ni Unica na kausap 'yung partner niya sa hindi kalayuan.

Mas binilisan ko ang lakad. Pababa na ako nang may humawak sa balikat ko. Paglingon, hinihingal si Unica na pinalo ako sa balikat.

"Anong problema mo ba't ka nagpapahabol?!"

"Bakit ka kasi humabol?"

Napatayo siya nang maayos at inayos ang isang earphone na nakapasak sa tainga niya. "Woah, Kuya. PMS-ing?"

Diretso ang tingin ko sa kanya pero tumatagos ang tingin ko. Hindi ko malaman ba't hindi ako makatitig sa mata niya ngayon na kaya ko naman nung nakaraan.

"Mauna na ak—"

"Nakuha ko na pala 'yung sapatos. Ba't di ka nakipagkita? Hinassle mo pa si Ate Honey sa reception para lang sa isang sapatos."

Bumaba ang tingin ko. "Nagmamadali ako n'un, eh. Kailangan ko na umalis agad." Tapos may dalawang lalaki pang nag-uwi sa'yo na lasing na lasing ka. Napabuntong hininga ako.

"Eh—"

"Alam mo." Inangat ko ang tingin sa kanya. "Nagmamadali rin ako ngayon. Aalis na ako."

"Ah, salamat." Sumimangot siya kaya iniwas ko ang tingin ko. "Kabisado ko na pala 'yung Table of Elements."

"Oh? Weh."

Ngumisi siya. May kung ano siyang ginawa sa iPhone niya bago. Tumabi muna kami dahil harang kami sa hagdan. Tapos. . .nagsimula na siyang magsalita.

"1, Hydrogen, H | 2, Helium, He | 3, Lithium, Li | 4, Beryllium, Be | 5, Boron, B | 6, Carbon, C | 7, Nitrogen, N | 8, Oxygen, O | 9, Flourine, F | 10, Neon, Ne."

Napanganga ako sa narinig.

"Kabisado mo na talaga?"

Pero hindi niya ako pinansin. Dire-diretso siya sa pagsasalita at pinapatigil niya ako kapag may itatanong ako. Doon ako nagtaka. Nang makarating siya sa 25, pinatigil ko siya. Nagmaktol siya at dumiretso pero tinigil ko siya at kinuha ko ang earphone na nakapasak sa tainga niya.

"26, Iron, Fe| 27, Cobalt, Co." Boses niya ang nasa earphones. Dinidictate 'yung elements. "28, Nickel, Ni | 29, Copper, Cu—"

Nagkatitigan kami pagtanggal ko sa earphone. "Dinadaya mo ako."

Hinablot niya ang earphones at sumimangot. "Mahina ako sa memorization." Akala ko bubulyawan niya ako pero ang hinahon niya. Bumuntong hininga siya. "Huwag ka na nga lang sumama."

Ako ata ang nakusensya.

Tinaas niya ang kamay para magpaalam pero bago pa siya makalayo, nagsalita agad ako.

"Teka."

Nilingon nya ako.

"G-Gusto mo bang libre kita? Para sa effort?"

Ngumisi siya.

Sa Cantunan kami kumain. Canton with cheese ang inorder namin dahil ubos na ang tapa – ayaw naman ni Unica ng longganisa. Kapansin-pansin na maraming kakilala si Unica dahil wala pang 30 minutes, lagpas sampu na ang bumati sa kanya. Kaibigan din niya 'yung bantay.

Nanigarilyo pa muna si Unica kaya nanahimik ako habang nag-uusap sila. Base sa usapan, Ate Rochelle ang tawag sa kanya.

"Boyfriend mo ba 'yan, Nics? Aba. Kumekerengkeng ka na, ha."

Napangiwi ako.

"Yikes, di ko boyfriend." Tumango si Unica sa gawi ni Ate pagkasiko sa akin. "Si ate Rochelle pala."

"Chino," pagpapakilala ko. Nakipag shake hands ako, na medyo wrong move, dahil mamantika ang kamay ni Ate Rochelle mula sa canton at pagluluto.

"Alila ko," pagpapakilala sa akin ni Unica.

Tumawa si Ate Rochelle. "Bagong term sa boyfriend?"

Ngumisi at umiling lang si Unica.

Hindi kami nakaalis agad dahil nang ilang minutong tanungan, nagkwento si Ate Rochelle tungkol sa masaklap niyang love life. Dahil naaaliw na rin ako, nakinig na rin ako. Nagulat ako nang kuhanin ni Unica ang braso ko. Hinayaan ko siya.

May mga mahahabang linya siyang ginuhit sa braso ko hanggang sa magmukhang box ang mga ito. Ilang segundo pa ako tumitig hanggang sa halos mapanganga ako at hindi na masyadong maintindihan sinasabi ni Ate Rochelle sa nakita.

Table of elements.

Nagsulat sa loob ng box si Unica.

6, Carbon, C

Isa pa.

1, Hydrogen, H

At isa pa.

49, Indium, In

Hindi magkakasunod.

8, Oxygen, O

Pero alam niya kung saan ang saan.

92, Uranium, U

28, Nickel, Ni

20, Calcium, Ca

Paanong. . .

88, Radium, Ra

39, Yttrium, Y

10, Neon, Ne

31, Gallium, Ga

60, Neodymium, Nd

At sumunod pa ang iba hanggang makumpleto niya lahat.

Tinitigan ko ang braso kong may table of elements. Hindi man masyadong nababasa sa liit at. . .hindi kagandahang sulat ni Unica ang iba – pero nakng. . .

"Kabisado mo nga."

"Hindi ako magaling sa memorization pero mas magaling ako sa visuals."

Hindi pa rin ako makapaniwala. Halos napanganga na ako at tumigil na rin si Ate Rochelle sa pagkukwento nang mapansing nakatitig ako sa braso ko.

"Grabe. Nakabisado m—"

Tumawa si Unica. "Hanga ka naman."

"Sobra."

Ngiting may yabang ang binigay niya sa akin. Mangha pa rin ako nang ayain na niya akong umuwi. Titig pa rin ako sa braso ko at nakailang check na kung tama – at tama talaga!

Pinatong ko ang kamay ko sa ulo ni Unica sa sobrang bilib.

"Ang galing nito."

Tinanggal niya ang kamay ko. "Oo na, ikaw na mas matangkad."

"Pero ang galing talaga kasi nito!"

"Ganyan kita kagustong sumama sa Buscalan." Tumigil siya sa paglakad at humarap sa akin. "Bawal talkshit, ha. A deal is a deal."

Natigilan ako saglit sa sinabi niya pero nakabawi rin agad saka ngumiti. Dumiretso ulit kami sa paglakad nang ipatong ko ang siko sa balikat niya at kamay ko sa ulo niya.

"Oo na." Nangingiti kong sabi. "Naeexcite na nga akong pumuntang Buscalan, eh."

Ngumiti siya sa sinabi ko. Sabay kurot sa kamay kong nakapatong sa ulo niya. Hinatid ko muna si Unica sa sakayan niya pero pinaalis na niya ako dahil may pupuntahan pa muna siya. Nagtext naman ako kay Mama para magpaalam.


To Ma

Ma. Hindi ako makakauwi agad sa Bulacan sa sembreak. May gagawin lang akong importante.

Ma

Uyyy si kuya may date!

To Ma

Manahimik ka, Cai. Mag-aral ka nga!

Ma

Hah! :P


Magrereply na sana ulit ako nang mapangiti sa sunod na text.


Babaeng Gangster

Mukha kang baliw sa pagngiti.


Nilingon ko kung saan iniwan si Unica. Inayos ko pa ang salamin sa mata para makita siya nang mabuti. Nakangisi siyang nakatingin sa akin at tinaas ang kamay para magpaalam. Sumakay na siya ng jeep.


To Babaeng Gangster

Mukha kang baliw sa pagtaas ng kamay. Recitation?

Babaeng Gangster

Gago.


Natawa ako bigla. Pinagtinginan ako ng mga tao sa paligid kaya nagmadali akong umalis.


; x ;

Namiss ko mag update! Yay. Kbye ulit. Kitakits sa unang adventure natin sa uncensored! :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top