u n c n s r d 08
u n c n s r d 08
"Huwag mong takpan!"
Sa dalawampu't isang taon at kalahati ko sa mundong ibabaw, wala sa isip kong mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. May lakas naman akong tumanggi, o kahit man lang umalis na rito dahil sa katotohanang strangers kami sa isa't isa ng babaeng nasa harap ko.
Pero ito ako ngayon, nakatayo.
Hiyang-hiya.
Magpapakamatay na pagtapos.
"Huwag mong takpan!" suway niya. "Lumayo ka nga kaunti sa electric fan. Ang init-init, eh."
Sumimangot ako, umusog kaunti at dumiretso ng tayo.
"Ang stiff naman."
Tiningnan ko siya nang masama. Gumalaw na ako dahil nangangalay na rin ako at naupo sa tabi niya sa sofa. Ilang beses siyang nagreklamo pero hinayaan ko siya. Isang oras na rin akong nakatayo na parang tanga.
Mabuti at nag-jo-joke lang siya sa nude painting. May damit naman pala talaga dapat. Pwede akong humindi pero na-curious din ako sa kung anong painting ang gagawin niya.
"Walangya! Bakit umalis ka dun!"
Sinilip ko ang ginagawa niya. Pinigilan kong humanga at baka masyadong matuwa ang babaeng 'to. Sa isang oras na pagtayo ko, nakuha niya agad ang tindig, mukha at kahit lukot ng uniform ko. Kulang na lang ang ilang detalye.
"Pwede mo naman akong picturan," sabi ko. "Bakit hindi mo ginawa 'yun?"
Tiningnan niya ako sandali.
"Para mahirapan ka."
Tumawa siya. Inusog niya ang mga gamit at tumayo para mag-stretching. Umiwas ako ng tingin dahil tumataas ang pantaas niya. Pinatunog niya ang mga daliri niya.
Siguro hangin ng electric fan ng condo ni Unica kaya nagkaroon ako ng lakas para magsalita at magtanong na hindi ko normal na gawain lalo na sa babae.
"Bakit ba ako pinagtitripan mo? Hindi naman tayo magkaki—"
"Uy, hindi kaya kita pinagtitripan!"
Natahimik kami at nagkatitigan. Seryoso lang ang mukha ko. Umirap siya.
"Fine." Kumuha siya ng slice ng pizza na inorder niya kanina. Na ako ang nagbayad dahil na-freeze ang account niya. Habang ngumunguya, nagsalita siya na parang bata. "Para ka kasing uto-uto."
Alam kong hindi 'yun compliment.
Ngumisi siya, halos tumawa na. "Tama naman ako."
Napasuklay ako sa buhok ko bago tumayo at sinukbit ang bag sa balikat. Inayos ko rin ang salamin ko sa mata.
"Oy teka!" Hinawakan niya ang braso ko. "Saan ka pupunta?"
"Uuwi na."
"Hala, hindi pwede. Kailangan ko muna tapusi—"
Ngumiti ako habang tinatanggal ang hawak niya sa akin. Medyo napangiwi pa dahil mamantika pa ang pinanghawak niya sa aking kamay. "Miss." Pagdiin ko. "Hindi naman tayo magkakilala talaga. Ilang beses lang tayong nagkita at nagkausap. Bakit. . ."
Natigil ako sa pagsasalita dahil sa seryoso niyang titig. Hindi siya nakangiti habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Nawala yung playfulness.
Bigla akong nahiya sa sinabi ko.
"Ah—ibig kong sabihin—ano—"
"Okay. Hindi nga pala tayo magkakilala talaga." Binuksan niya ang pintuan palabas. "Sorry sa abala. Alis na."
Ganun lang 'yun?
Lutang akong lumabas ng condo niya. Pinagsarhan niya ako. Tumitig ako sa pinto. Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag at ilang beses kumurap habang naghihintay ng elevator. Napapalingon ako sa pintuan ng condo ni Unica, iniisip na hahabulin niya ako kasi malakas trip niya at siguradong pinagtitripan ako pero wala.
Pagbukas ng elevator, tinitigan ako ng matandang Chinese – hinihintay pagpasok ko – pero nanatili akong nakatayo.
"Down?" sabi ng matanda.
Lumingon ulit ako sa pintuan ng condo ni Unica. Hindi ba talaga siya lalabas? Paano 'yung painting niya? Hindi pa tapos 'yun, ah.
Napabuntong hininga ako.
"Down?"
Yumuko ako sa matandang Chinese para humingi ng paumanhin saka umiling. Pagsara ng elevator, dumiretso ako sa harap ng pinto ng condo ni Unica saka kumatok. Ilang beses pa ang pagkatok ko.
"ZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzz. . ."
Ano 'yun?
Nilakasan ko lalo ang katok.
"ZZZzzz nga di ba! Marunong ka ba sa sounds? Natutulog na 'yung tao. Balik na lang bukas!"
Napangisi ako at napailing. Baliw talaga ang babaeng 'yun. Hindi ako tumigil sa pagkatok. Inasar ko pa siya sa pagkatok ko sa tono ng Lupang Hinirang.
"Anak ng tokwang papatayin ko na."
Kinabahan ako sandali sa narinig pero gusto ko ring matawa. Lumakas ang yabag palapit. Hindi pa rin ako tumigil sa pagkatok hanggang sa pagbuksan niya ako.
Nawala ang kunot ng noo niya pagkakita sa akin. Tumaas ang kilay niya. Napatingin ako sa tattoo niya sa gilid ng leeg dahil nakatali na ang mahaba niyang buhok.
"Who you?"
Seryoso bang sineryoso niya 'yung hindi kami magkakilala talaga? Ang baliw talaga!
Wala akong ideya kung saan ko nakuha ang trip na ito. Hindi naman ako palasalita o palakaibigan lalo na sa babae pero iba kasi ang babaeng ito. Para siyang tropa na walang kahit anong arte.
Walang delikadesa
"Ako nga pala si Chino." Inabot ko ang kamay saka ngumiti. "Ako 'yung model mo sa painting para sa midterms na kailangan mo nang tapusin."
Tinitigan lang niya ako saglit. Medyo nangangalay na ang kamay ko – pero hindi ko inaakala ang sunod niyang ginawa:
Sinara niya 'yung pintuan!
NAKNG TOKWA.
Yung kamay ko!
"Aahh, ang sakit!"
Gusto kong maiyak sa sobrang sakit ng pag-ipit niya sa kamay ko. Nakangiti lang siyang tinitingnan ako. Napaka sadista ng babaeng 'to!
"Akala ko ba hindi tayo magkakilala. Bakit bumalik ka pa. Natutulog na 'yung tao, eh."
Kinagat ko ang daliri kong napuruhan sa pagsara niya ng pintuan. Inayos ko pa ulit ang salamin kong nagulo sa halos pagtalon. Ang sakit talaga! Hinipan ko pa ito pero walang epekto. Napahinga ako nang malalim habang ginagalaw ang kamay.
"OA nito, ah."
Napa-aray ako sa pagpalo niya sa kamay ko. "Nakng, masakit sabi!"
Tumawa siya. "Wow. For the first time narinig kong medyo nag bad word ka. Hanggang nakng lang ba kaya mong medyo bad word?"
Kumunot ang noo ko. Badtrip.
"Hindi ako nagmumura."
"Obviously. O ito halo." May hangin siyang pinatong sa ulo ko. "i-ve-verify ko na pagiging santo mo bukas." Naglakad siya papuntang sofa. "Sara mo kung papasok ka man o hindi."
Pulang-pula ang kanang kamay ko kaya kaliwang kamay ang ginamit ko para isara ang pintuan pagpasok sa loob. Hindi ko malaman kung masama ba ang loob ko o magaan na rin dahil natulungan ko ang isang estrangherang gangster para sa midterms.
Madaling araw na ako nakauwi sa apartment pero naabutan ko pa ring gising si Gio. Nantatrashtalk sa tapat ng computer habang nagdo-DotA.
"Kupal to nangunguha ng kill amputa!" Lumingon si Gio sandali sa akin pagpasok ko. "Musta sex?" Hindi ako sumagot, at buti na lang badtrip siya sa paglalaro. "PAKAMATAY KA NA LANG UGOK!"
Umakyat ako sa kwarto para magbihis nang mag-ring ang telepono. Dahil rinig ko pa rin ang trashtalk ni Gio mula sa taas, ako na ang sumagot na siguradong si Ate Gertrude ang tumatawag.
"Pakausap naman sa kapatid ko, oh?"
No choice. Bumaba pa ako para sabihing si Ate Gertrude ang tumawag. Hinampas niya ang keyboard "mga walang kwentang support!" bago inexit ang game. Pagkakuha ng wireless telephone sa kamay ko, kunot noo pa rin siya.
Tapos biglang. . .
"Hello po, ate?"
Naging anghel ang mahabaging Giuseppi.
Natawa ako.
Tinaas niya ang gitnang daliri sa akin.
"Opo. Nabayaran ko na po." Bumulong siya ng ulol ka sa akin bago ako umakyat.
Humupa na ang pamamaga at pamumula ng kamay ko kinabukasan. Naging normal naman ang buong araw ko. Ilang beses din akong pinagtutulak ng mga kaibigan ko dahil nakatext ko si Aris buong araw. Syempre, hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
To Mari Solei
Sasamahan kita dito sa school.
Mari Solei
Nakakahiya kasi :(
To Mari Solei
Ayos lang. Promise.
Hinigit ni Mark ang phone ko at nagwala sa cafeteria nang magtext siya kay Aris!
To Mari Solei
See youoi :* ;)
Tawanan ang mga ugok kong kaibigan.
"Bakit mo sinend!" Binatukan ko si Mark. "Ano nang iisipin sa akin ni Aris!" Nagtext ako ulit para sabihing hindi ako ang nag-send ng huling message.
"Iisipin ng anghel mo, manyak ka," natatawang sabi ni Adam.
Isang batok para sa kanya.
Dahil may susunod pa silang klase para sa gabi, dumiretso ako sa meeting para sa pageant. Ilang beses din akong tumingin sa phone ko pero hindi na nagreply si Aris.
Ano na kayang iniisip niya sa akin? Mga siraulo kasi sila Jethro, eh.
Nasa gitna ako ng pag-iisip kung magtetext pa ba ako kay Aris para mag-explain o huwag na lang dahil mukhang defensive pagpasok ko sa classroom kung saan ginaganap ang meeting. Nagsisimula na ang pagbibigay ng schedules at themes para contestant nang biglang nagbukas ang pintuan.
Binalot ng angas ang buong classroom pagpasok ni Unica Fae Valentine. Kahit nakauniporme, ramdam pa rin 'yung pagkaastig. Magkahalo ang pagtataka at pagkagulat ko kung bakit nakikita ko siya nang magsalita si Ginang Teodora.
"Balentino, mabuti naman at nakapagdesisyunan ka na."
Nilingon ni Unica si Ginang Teodora at ngumisi. "May choice ba ako?" Umupo siya sa tabi ng partner niya para sa pageant.
Doon ko naintindihan na kasali na nga sa pageant si Unica. At dahil ba ito sa suggestion ko? Mukhang hindi niya ako nakita nang magpatuloy ang meeting. Napapalingon ako minsan sa kanya na tahimik lang sa umpisa, tapos kinakausap na niya 'yung partner niya.
Wala pang sampung minuto, nagtatawanan na sila nung lalaki.
Pagtapos ng meeting, lumapit ako sa inuupuan ni Unica.
"—sure kang ayaw mo?" tanong niya sa partner niya.
Tumango yung lalaki. "Next time na lang."
"Alright. Hindi naman kita mapipilit kung hindi ito ang tinitibok ng puso mo."
Tumawa 'yung lalaki habang nag-aayos ng gamit. Pagtayo ni Unica, napaatras siya nang makita ako.
"What the fuck. Ang hilig mo talagang gulatin ako, no?"
Gusto ko rin sana tanungin sa kanya 'yun.
Ngumiti ako. "Kasali ka pala sa pageant?"
"Unfortunately." Nagpaalam siya sa partner niya. Sinundan ko ng tingin ang paglabas ng lalaki. Nagpaalam din sa akin ang ilan pang kasamahan ko sa organization. "Kasali ka rin ba?" Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo. "No offense."
Ngumisi ako at nagtaas ng kamay. "None taken."
Lumabas kami ng classroom na ineexplain ko sa kanyang kasali lang ako sa volunteers na nag oorganize ng pageant. Nag-rant naman siya kung paano siya binlackmail ni Ginang Teodora sa pagsali sa pageant. Ilang beses akong napalunok sa kaba, nananalangin na sana hindi niya malamang ako ang nagbigay ng idea kay Ma'am.
Para kaming matagal nang magkakilala kung mag-usap.
Weirdo.
Hindi ako makakuha ng tyempo para magpaalam nang makalabas kami sa gate 1. Nahiya kasi akong iwan siya. Pero nang makarating kami sa tapat ng statwa ni Lolo, natigil ako sa bigla niyang tinanong.
"Gusto mong mag-sex?"
Sa dalawampu't isang taon at kalahati ko sa mundong ibabaw, ngayon lang ako kinabahan nang todo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top