u n c n s r d 05

u n c n s r d 05

"Tanginang sorry 'yan, mapapawi ba n'yan yung sakit ng puso ko?"


Babaeng Gangster

San ka?


Nagulat ako sa text na nabasa ko pagkagising. Matapos kasi nung nalasing si Unica, hindi na kami nagkita ng halos isang linggo. Nasa bag ko nga lagi ang sapatos niya incase na magkrus landas namin sa school. Pwede kong iwan sa receptionist ng condo niya pero nahihiya akong tumapak. Mukha akong gusgusin sa pagka-engrande nung chandelier sa lobby.


To Babaeng Gangster

Nasa bahay? 5am pa lang. kakagising lang.


Bumangon ako at nag-ayos dahil maaga pa ako sa school para sa mga gawain sa radio booth. Panay naman ang tingin ko sa phone ko pero wala akong nakuhang text.

Anong nangyari? Hindi na nag-text.

Imbis na parang tangang naghihintay ng text, sinimulan kong itext si Aris ng good morning. Pagkatunog ng phone, kinabahan ako. Para akong natakot? Pero bakit ako matatakot sa reply ni Aris?

Napalunok ako nang makitang si Unica ang nagreply.


Babaeng Gangster

Anong paki ko?


Napatitig ako sa screen hanggang sa napasapo ako ng noo at natawa. Baliw talaga ang babaeng 'yun. Napalingon ako sa pinto pagkarinig ng sigaw ni Gio sa kabilang kwarto.

"Manahimik ka 'No! Kung manonood ka ng porn, patulugin mo ako! Tawa-tawa pa. . ."

Napailing ako. Puro talaga kabastusan bukambibig ng loko.

Diretso gawa kami ng mga kaibigan ko sa radio booth pagkarating ng school. Nang medyo dumarami na ang tao, napagdesisyunan naming kumain muna sa Walls. Kwentuhan tungkol sa laro namin sa DotA2 kinagabihan ang naganap. Pinag-usapan din naman 'yung balak ligawan ni Sandy at best friend ni Jethro na nagtapat sa kanya.

Ang pogi problems lang ng datingan.

Hinihintay na lang naming matapos kumain si Mark dahil nag-apat na kanin pa siya nang mapalingon kami sa narinig. Dumaan sa tapat namin ang grupo ng mga nag-i-skateboard na nagtatawanan at sigawan sa gitna ng daan, mapa-babae man o lalaki.

Agad naghanap ang mata ko sa mga mukha kung may pamilyar. Wala.

"Akala mo kung sinong mga hari," sabi ng bantay sa kinakainan namin. Nagkatinginan kaming magkakaibigan pero diretso lang sa usapan. "Huwag kayong lalapit sa mga ganyan, iho, ah?" Kami ang kinakausap. "Mga bastos. Ke-aga-aga, nag-iingay. Mga hindi naman pumapasok sa ekswelahan."

"Nay, hayaan niyo na sila," pagpapakalma ni Adam sa bantay. Nambola pa siya, akala ata ay lulusot para makalibre sa pagkain kaya tinawanan namin nang singilin na siya sa kinakin.

Nakatayo lang akong tulala nang mapalingon sa babaeng paakyat ng Walls. Hindi ko alam bakit kinabahan ako nang makita ang mahaba, unat at itim na buhok ng babaeng hinahangin pa. Nagtaka pa ako dahil mag-isa lang siyang paakyat nang itulak ako ni Mark para maglakad na.

Nawala na sa paningin ko 'yung babae pagkapasok sa gate 2.

Hindi ako mapakali sa ginagawa. Iniisip ko kasi 'yung babae. Si Unica ba 'yun? Pero. . .anong pakialam ko kung si Unica nga? Ano namang gagawin ko kung siya man o hindi? Napatingin ako sa bag ko, at napangiwi dahil hindi ko pala dala ang sapatos na hinubad niya last time.

Nagpaalam ako kanila Jethro na mag-CR. Tumango lang sila.

Habang naglalakad sa hallway, nakita ko na lang ang sarili kong lumabas ng gate 1 at umakyat ng Walls. Kung hindi si Unica, eh di hindi. Kung siya. . .anong gagawin ko kung siya nga?

Lumibot ang paningin ko sa buong tambayan habang kinakabahan sa hindi malamang dahilan. Sa gilid, may magtotropa na naglolokohan. Sa kabila, may mag-girlfriend boyfriend na nag-uusap. Sa may gitna, may grupo ng mga estudyante na nakapabilog at nagkakantahan.

Sa parteng gilid kung saan tanaw ang gate 2 ko siya nakita. Si Unica. May hawak siyang papel at ballpen at parang may sinusulat o dinodrawing habang patingin-tingin sa grupong nagsasaya at kumakanta ng Christian songs sa gitna.

Kung bakit ako lumapit sa kanya - no idea.

Basta ang alam ko lang ay diretso ang paa ko papunta sa pwesto niya at tahimik na tumabi habang nakatingin sa grupo ng mga nagpapalakpakan habang kumakanta.

Nakita ko sa peripheral vision kong napatigil siya sa ginagawa. Lumingon siya sa akin. At kung nagulat siya sa presensya ko, pinaramdam niya talaga sa akin 'yon. Sobra.

Tinulak ba naman ako sabay sigaw ng, "ay putangina!" Siniko pa niya ako sa braso. "Puta, akala ko kung sino!"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o masasaktan sa pang-haharass niya sa akin. Tinusok pa niya ako ng hawak na ballpen. Pinigilan ko siya dahil napapatingin na sa amin 'yung mga nagkakantahan sa gitna.

"Sorry na, sorry na!"

"Tanginang sorry 'yan, mapapawi ba n'yan yung sakit ng puso ko?" Pinukpok niya ang dibdib niya. Pinagmasdan ko ang ilang beses niyang paghinga nang malalim. Natatawa ako. "Putspa nagulat talaga ako," sabi niya sabay hingang malalim.

"Obvious nga, e."

Hindi ko alam saan nanggaling lakas ng loob kong kausapin siya. Siguro kasi naaalala ko 'yung pagpapa-cute niya nung nakaraang linggo nung lasing. Sinong mahihiya sa babaeng ganoon? Parang bata.

"Wow, lakas!" Natawa siya bigla at tinaasan ako ng kilay. "Close tayo?"

Doon ako natahimik.

Close nga ba kami?

Bakit nga ba kami nag-uusap?

Imbis na sagutin 'yon, kinuha ko ang papel na nahulog sa lapag kanina. Napatitig ako sa nakadrawing doon. Sketch nung mga taong nakapabilog sa gitna.

"Ang galing naman nito."

Kinuha niya sa kamay ko ang papel at umirap. "Hanga ka naman."

Napangiti lang ako sa sinabi niya. Sa ilang sandaling katahimikan, pinagmasdan ko ang pagtuloy niya sa drawing. Noong una, ayaw niyang manood ako pero nung ilang beses akong sumilip, tinulak niya sa akin 'yung papel.

"Ayan na, tingnan mo na! Bwisit."

Napangisi ako. "Tuloy mo na."

Hinayaan na niya akong panoorin siya sa pagdrawing. May drafting kami nung first year, pero kaya naipasa ko 'yon nang may mataas na grado dahil sa may measurements ang lahat. Siguradong may tamang itsura at sukat na magiging dahilan para maging perpekto.

Pero ang pagdrawing ni Unica ay iba. Sobrang free will. Lumalagpas ang mga linya at medyo marumi pero kapag tinitigan pa nang matagal, makikita na 'yung imahe, at kung paano ma-capture ng mabilis niyang kamay 'yung saya sa itsura ng mga tao sa bilog.

Nagulat ako nang paluin ni Unica ang baba ko paangat.

"Oh, tulo laway ka na d'yan."

Umiling akong nakangiti. Pagkatapos ng tatlong kanta, nagdasal muna sila na rinig naming lahat bago nagdisperse. Natapos na rin ni Unica ang drawing niya. Nabigla ako nang lukitin niya 'yun at tinapon sa malaking paso.

"Bakit mo tinapon?"

Sumimangot siya. "Napaka good boy mo naman. Sorry, ah. Ito na." Kinuha niya ang papel. "Itatapon ko na sa tamang basurahan."

Napaatras ako sa gulat paghatak niya ng zipper sa kanang bulsa ng polo uniform ko sa kanan. Pagbukas ng bulsa, doon niya tinapon 'yung papel na nilimukos.

"What the-" Kinuha ko ang papel at inunat ito. Mukhang alam ko na dahilan kaya niya nilagay ang papel sa bulsa ng polo ko kaya hindi ko na tinanong ang parteng 'yun. "Bakit mo itatapon 'tong drawing? Sayang naman!"

"Ang pangit eh."

Tiningnan ko. "Hindi naman."

"Tsaka may germs na 'yan. Hinawakan mo na, eh."

Hindi ko malaman kung nagjojoke ba siya o seryoso sa sinabi. Pababa na siya ng Walls kaya sumabay ako habang inaayos ang pagtiklop sa papel at binulsa.

"Magpapaviolation ka?" tanong ko pagkababa namin dahil hindi siya naka-uniform.

"Hindi. Hindi ako papasok."

"Wala kang pasok?"

"Meron." Tiningnan niya ako. "Kaya lang 'yung sapatos ko kasi pang pasok, one week nang nawawala sa akin. Isa pang violation, baka patalsikin na ako sa school."

Gusto kong sabihin, eh bakit mo kasi hinubad mo last time! pero nanatili akong tahimik. Kakaiba talaga ang babaeng 'to, at hindi ko rin malaman bakit panay ang kausap ko sa kanya.

"Ibabalik ko 'yung sapato-"

"Nagpupunta ka ba sa mga parties?"

"Parties?"

"Ay seryoso, sa sobrang geeky mo hindi mo alam ibig sabihin ng parties?"

Natahimik ako sandali at sinamaan siya ng tingin. Tinawanan lang niya ako. "Ibig kong sabihin, anong klaseng party?"

"Birthday party."

"Uh. . ." Hinanap ko sa memorya ko ang parties na nadaluhan. Video game party. Debut ng kapatid ni Sandy. "Oo?"

Tumigil siya sa paglakad. "Good. Balik mo sa akin 'yung sapatos ko sa August 24."

"Anong mayroon?"

"Birthday ko."

Bigla akong kinabahan at nahiya.

"I-iniinvite. . . mo ba ako?"

Narealize ko lang bigla na mukhang mayaman naman siya. Pwedeng-pwede siyang bumili ng panibagong sapatos. Baka nga kung trip niya lang ay kaya niyang bumili ng sapatos araw-araw. Yun ay kung iisipin ang pagka-engrande ng chandelier sa lobby ng condo nila.

Hindi na ako makaraos dun sa chandelier, ah.

Tumaas ang kilay niya sabay tawa dahilan ng pagtingin sa amin ng nakakarinig. Ang lakas pa naman ng tawa niya. Hindi rin mahinhin.

"Duh. Ano ka, feeling? Dalhin mo lang 'yung sapatos ko tapos makakaalis ka na."

Hindi kailanman pumasok sa isip ko na makakausap o makakakilala ng babaeng katulad ni Unica. Tipo ng babae na kayang kaya akong pagtawanan sa mukha ko, at pahiyain ako nang walang kahirap-hirap. Pakiramdam ko ay lumulubog na ako sa tinatayuan kong lupa sa pagtawa niya.

Para siyang lalaking pinaganda at pinaamo ang mukha.

"Joke lang, 'to naman." Siniko niya ako sa gilid. "Iniinvite kita nang ma-experience mo naman ang mag-party kahit isang beses lang sa talambuhay mo."

"N-Nagpupunta ako sa mga ganoon."

Ngumisi siya, mukhang na-amuse. "Oh? Anong klase? Slumber party?"

"Hind-"

"Huwag na mag-explain," pagputol niya sa akin. "Sa Sunday, ha?" Nagulat ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko at may sinulat sa braso ko. Ilang beses pa akong umaray sa diin ng pagkakasulat niya pero balewala lang sa kanya.

Sinulat niya 'yung detalye sa kamay ko.

"Yung sapatos ko, ah."

Tumalikod siya at tinaas ang kamay bago naglakad palayo habang ako naman ay napapatitig sa braso ko habang papasok ng gate 2. Bumalik ako sa radio booth para mag-ayos nang medyo pawisan dahil sa tirik na araw sa labas.

"Anak ng, si Chino natin, binata na!" sabi bigla ni Mark para mapatigil kaming lahat. Nag-text muna ito bago tinuon ulit ang pansin sa amin.

"Anong pinagsasasabi mo?" sabi ni Jethro.

"Pare!" Lumapit sa akin si Mark at ngumisi. Bagay na bagay silang magkaibigan ni Gio. "Bakit pawisan ka?"

"Mainit?" sagot ko.

"Sa CR? Halos trenta minutos ka ring nawala!"

Hinawakan ni Sandy ang braso ko. "Mga tsong, may address sa braso ni 'No!"

Nagsimula silang magtanong at mangantyaw habang panay ang pagtanggi ko. Anong akala nila sa akin? Batok tuloy ang abot nila mula sa akin.

Mga madudumi isip.

"Wala lang 'to! May nakausap lang ako-"

Tumawa si Jethro. "Oo sige." Nag-quote siya sa hangin. "Nakausap lang."

Ilang beses akong nagpaliwanag pero hindi ko malaman bakit hindi ko masabing si Unica ang babaeng nakausap ko. Kinakahiya ko ba siya? Siya? Ikahihiya kong nakakausap? Pribilehiyo na nga atang makausap siya kahit ganito lang ako. 

Pero bakit hindi ko sinabi?

Kinapa ko sa bulsa ko ang papel na pinagdrawingan ni Unica. Napangisi rin ako nang titigan ang braso sandali. Namumula pa nga dahil sa diin ng pagkakasulat sa balat ko.

Totoo talagang nangyari 'yun.

Habang nag-aayos at panay ang pang-aasar ng mga kaibigan ko, may mag-text. Kinabahan pa ako dahil akala ko si Unica.


Gio

Naunahan mo pa akong #SchoolCRSexperience? Iba ka talaga! Iba kang ulul ka! Kunwaring tahimik pa! gudjob!

To Gio

Nakng

Gio

Hahahahahaha! Teach me master! hayup


; x ;

i haz no excuse for not updating lagi coz my school life is like, destroying my writing life and it sucks. i just really hope i get to write faster while doing my road to forever graduation. huhu. like, omg talagaaAahh.

// para sa mga nagrambol rambol ang words sa 04, please re-add uncensored to your library. naayos ko na yung glitch. //

salamat sa mga naghihintay (kahit hindi na ako everyday update di tulad noon </3) at sa mga nagbabasa at nagkukumento. u rock!




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top