u n c n s r d 03
u n c n s r d 03
"Isang babae lang ang pumasok sa isip ko pagbanggit ng astig. Gangster siya?"
Unica Fae Valentine | FA-206 A
Philosophy of Art Finals Exemption Paper:
Choose 10 art movements and explain each using your own knowledge, opinion and words. Do not copy and paste a word per word sentence on the World Wide Web. I will check. Answers to be typewritten with a minimum of 3000 word count, double space, justified paragraph with indention, font style: Times New Roman; size: 12 printed in short bond paper with a title page (Title of Work. Name. Section. Date submitted. Center alignment.) compiled in a folder with your designated class color.
Marami akong dahilan para hindi gawin ang paper niya. Una, anong alam ko sa art? Anong pakialam ko rito? Seryoso bang babasahin ng prof yung word count? Si Mari Solei nga, hindi nagpapatulong sa akin – itong si Unica, ni hindi nga kami close, ipapagawa ako ng ganito?
At inuulit ko, anong alam ko sa art?
Pero pwede rin naman akong magpakain sa kunsensya dahil binigay pala nung Unica 'yung number kay Kuya Kurt kaya nakauwi akong may bag. Tapos, may papel na nakaipit sa bulsa.
Ang nakalagay? Cute na drawing ng mukha niya. Nakasimangot at malaking mata na may thought bubble:
Ikaw na lang maaasahan ko. Pleeaaassee.
Buhay. Nagpakain ako sa kunsensya.
Bakit? Malay.
Pati. . .sophomore pa lang pala siya? May lakas din siyang tawagin akong bata, eh mag-4th year na ako? Pero itong "batang" ito para sa kanya, napuyat sa paggawa at pamimili ng art movement kaya ang bigat ng ulo ko pagkagising. Nananakit pa ito dahil sa malakas na pagkatok ni Gio.
"'No! May problema tayo! Tama na wet dreams!"
Wala talagang matinong lumalabas sa bibig ng kumag.
Minamasahe ko ang ulo kong bumangon pagkabukas ng pintuan. At bago pa ako mahimasmasan, bigla na lang akong tinulak ni Gio habang nagpapanic.
"Nasa baba si Girley! Kausapin mo!"
Pinipigilan ko siya. "Bakit ako—"
"Dali na!"
"Magbibihis muna ako." Pabalik na ako sa kwarto pero nilakasan ni Gio ang hila sa akin papuntang hagdanan. Muntik na akong malaglag!
"Huwag na ayos na 'yan!" sigaw niya. "Pakiusapan mo. Hindi pa nagpapadala si ate Ger."
Hindi na ako makabalik sa kwarto para magmukhang presentable. Naka boxers lang akong bumaba pero dahil may hiya pa naman ako sa katawan, hinila ko ang nakakalat na twalya sa sahig para ipulupot sa baywang ko. Uminom din muna ako ng tubig pero nalunod kaunti sa paghila ni Gio.
Panay ang ubo ko paglabas para kausapin si Girley.
"Chi—no," tawag ni Girley pagkakita sa akin.
Ngumiti ako kahit nahihiya sa katawan. "Good morning, Girley."
Itong si Gio, nasa likuran ko. "May sasabihin sa'yo si Chino."
Lumunok si Girley. Mula sa mukha ko, bumaba ang tingin niya kaya napatingin ako sa ibaba. Niluwagan ko ang harap pero nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Narinig kong tumawa si Gio.
Namula si Girley. Gusto kong alisin ang twalya sa akin pero huli na ang lahat!
"A-Ano kasi, Girley." Bahala na. Umangat tingin niya sa akin. "Wala pa kasing padala si Ate Gertrude kay Giuseppi—agh." Sinamaan ko ng tingin si Gio na siniko ako. "Wala pa kaming mababayad sa renta?"
Tumitig lang si Girley sa akin hanggang sa umiwas siya ng tingin at ngumiti.
"Sige, sige. Sabihan niyo na lang ako kapag may bayad na?"
"Sige," ngiti ko. Iniikot ko ang twalya para hindi na niya makita kababuyan ni Gio. "Salamat, ah?"
"No prob."
Sinundan namin ni Gio ng tingin pag-alis ni Girley na nagtakip ng mukha.
"No prob daw," sabi ni Gio. "Eh kanina halos magbuga na ng apoy nung ako nakausap." Pinalo niya ako sa balikat. "Iba talaga charms mo Chino boy!"
Umiling ako. Binato ko sa kanya 'yung twalya. "Hindi mo man lang sinabing ginamit mo 'yang twalya?"
Tumawa siya. "Grabe to oh. Para namang hindi ka nagpupunas."
Pinipilit niyang ilapit sa akin ang kamunduhang twalya niya pagpasok ko sa sa apartment. Pinapaamoy sa akin! Nakng.
"Kung manonood ka ng porn, sa banyo na lang!" Binato ko palayo sa akin ang twalyang nilalapit niya. "Hindi yung nagpupunas ka ng mga twalya."
Tumawa siya lalo. "Dinadamay mo na naman ako sa mga gawain mo. May babae ako. Hindi kailangan ng porn."
Umiling na lang akong nag-ayos para sa school. Tinitigan ko pa ang pinagpuyatan kong school work na hindi naman akin habang nagbibihis ng uniporme.
Bakit ko nga ba ginawa 'to?
At talaga naman, hindi pa ako natauhan – bumili pa ako ng folder. Naglipat pa talaga ako ng bookstore dahil wala akong makitang kulay na naka-assign sa klase niya.
Ewan.
Sa klase, habang nagsasalita prof namin, ilang beses akong napatanong. May load kaya si Aris? Hindi pa rin kasi siya nagrereply. At saan ko kaya mahahanap yung Uniac? Hinihintay kaya niya 'yung paper?
Pagkadaan ko sa cafeteria pagtapos ng klase, nasagot ang isa kong tanong.
Kinabahan ako pagkakita kay Unica na prenteng nakaupo sa pwesto, nakataas pa isang paa, na kumakain ng chicken. May kausap siyang isa pang babae – kung hindi ako nagkakamali, ito 'yung sinasabi ni Adam: magkaibigang ten.
Huminga muna ako ng malalim at inayos ang salamin sa mata bago lumapit. Habang naglalakad, pakiramdam ko wala akong karapatang lumapit sa kanila.
Parang silang dalawa lang ang may karapatang magkaroon ng mundo.
Narinig ko ang ilang pag-uusap nila dahil sa lakas na rin ng boses nung Unica. "—ikipaglandian ka ba kay Javier?"
"Hell, no!"
Napangiti ako. Maganda boses, hindi ipit at hende genete megselete. Kailangan ko tong ibalita kanila Adam.
"Ayun naman pala, eh."
"But—" Napatingin sa akin 'yung babaeng wavy ang buhok. Mas lalo akong kinabahan. Ang ganda naman nito sa malapitan!
Nag-iwas ako ng tingin sa mukhang manika. Tapos nilingon ako ni Unica kaya sa kanya ang atensyon ko.
"Oh, andyan ka na pala!" sabi niya. "Nasaan na pinapagawa ko sa'yo?"
Inaasahan nga niya ako.
Kinuha ko ang paper sa bag ko. Pagkabigay, dapat umalis na ako. Pero nanatili akong nakatayo sa likuran nung Unica habang tinitingnan ang gawa ko.
Napangiti siya.
"Solid nito! Nagawa mo ng dalawang araw lang?" sabi niya habang naglilipat ng page. "Hanep." Hindi pa rin siya tumitingin. "Pwede ka na umalis."
Teka. Ayun lang?
Imbis na magsalita, nahihiya akong ngumiti saka lumayo sa kanila. Balak ko pa sanang bumili ng makakakain pero huwag na lang.
"Hoy!"
Napahinto ako. Tumingin ang ilang tao sa likuran kaya lumingon din ako.
"Oy ikaw!" Seryoso ba siyang sumisigaw siya sa dami ng tao?! "Tara dito!"
Tumingin ako sa paligid, nakatingin sila sa akin. Tinuro ko sarili ko – nagbabakasakaling hindi ako ang tinatawag niya.
Asa pa.
"Oo, ikaw nga. Tara dito nananakit na ngalangala ko sa pagsigaw!"
Bakit kasi sumisigaw?!
Imbis na magreklamo, paglapit ko – parang tangang uutal-utal akong nagsalita. "B-Bakit?"
"Ano nga ulit pangalan mo?"
"Uh. . ." Tumingin ako sa kasama niyang babae na nakangiti sa akin. Intimidating silang parehas pero mas may angas itong si Unica. "Chino."
"Ano? China?"
China?! Nananadya ba talaga to?
"Really, Unica. China for a guy's name?" natatawang sabi ng kasama niya.
"Aba, malay ko ba kung malakas trip ng magulang nito." Ikaw ata malakas ang trip. "Kamusta na 'yung kapatid mong si Japan?"
Tumawa ulit 'yung isang babae. Nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan. Ano bang problema ng Unica na 'to sa akin?!
"Chino." Bigla akong nahiya pagbanggit ng babaeng maganda sa pangalan ko. "Hayaan mo na 'tong babaeng 'to." Ang ganda naman ng ngiti niya. "Nice meeting you, I'm Sin."
Yumuko ako at ngumiti. Kakaibang pangalan.
"Ah, Chino!" biglang sabi nung Unica. "Makes sense. Lalaki ka kasi." Kumagat siya sa hawak na chicken. Bakit niya kinakamay? "Saan 'yung kambal mong si China?"
Nanatili akong tahimik sabay tawa naman niya nang malakas na akala mo nakakatawa ang joke.
"Sige na, layas na ulit, Tsinoy."
Hindi ko malaman kung maaasar ba ako sa kanya o matutuwa eh.
Wala man lang pasalamat? Katangahan ko rin kasi – bakit ginawa ko pa?!
Tahimik ang ilang araw ko pagtapos. Hindi ko na rin kinulit si Mar—Aris dahil baka busy sa school. At hindi ko na rin nakikita yung Unica at si Sin. Pero hindi ata ako tatantanan ng balita tungkol sa kanya.
"Pre, pre," tawag sa amin ni Adam pagdating niya sa table namin sa library. May kanya kanya kaming ginagawa pero hindi ata makatagal sa katahimikan ang loko. "May tanong ako. Mamaya na 'yang assignment."
"Ano na naman ba 'yang kalibugang tanong na 'yan, 'Dam," sabi ni Mark. "Kung ayaw mong pumasa sa subject, wag kaming idamay."
"Di, may tanong lang ako!"
"Itanong mo na lang," sabi ko, naiinip.
"Uso ba gangster ngayon?"
Nagkatitigan kaming lahat. Natahimik. Hanggang sa tumawa kaming apat pwera kay Adam. Pinatahimik kami ng librarian.
"Ba't ganyan 'yung tanong mo?" natatawang sabi ni Jethro. "Gangster? Kung anu-ano na naman pinapanood mong Pinoy films."
"Hindi! Nakita ko kasi kagabi 'yung astig na parang. . .nakikipag away. Sa tapat ni Lolo?"
"Astig? Sino?" pagtataka naman ni Sandy. "Sinong astig?"
Isang babae lang ang pumasok sa isip ko pagbanggit ng astig. Gangster siya?
Ilang araw ko ring pinagtakahan ang pangyayaring 'yun hanggang sa ako mismo ang nakakita sa kanya sa cafeteria. Dahil wash day, nakalong sleeves siya – mukhang may tinatago. Pero kita ko agad ang pasa at sugat niya sa mukha.
Paalis na sana ako sa cafeteria, natatakot sa kung ano man mangyari – nang marinig ko ang sigaw niya.
"Hoy ikaw China, tara dito!"
Hindi ko malaman ang gagawin ko. Kasama pa rin niya si Sin. Hinatak ako ni Unica, kahit ang dumi ng kamay niya sa pagkamay ng pagkain, paupo sa tabi niya.
Ngumiti sa akin si Sin. Pero nakakunot noo si Unica sa akin.
"Akala mo siguro matatakasan mo ako?"
Teka. Ano na namang ginawa ko? Di kaya gangster talaga siya? At napasama ako sa mga target niya? Seryoso? Dahil sa lapit, mas nakita ko ang sugat niya sa mukha at leeg. Mukhang mayroon din sa braso niya kaya siya naka long sleeves.
Hiningi niya sa akin ang phone ko. Hindi na ako nakapagtanong o kung ano man pagkakuha niya. Nag-dial siya tapos kumunot ang noong tumingin sa akin.
"Wala kang load? Ano pang saysay ng phone na 'to?" Pambato?"
Nasaktan ako para sa phone ko. "H-Hindi—"
Binigay niya sa akin ang mamahalin niyang phone. iPhone. "Number mo nga."
Nanginginig pa ang mga kamay kong nilagay ang number ko. Binalak ko pang ibahin ang number, para lokohin siya – pero paano kung totoong gangster siya at nalaman niyang hindi totoo ang number ko?
Putspa. Baka ipakain ako nito sa lion.
"Ang cute niyo."
Nag-init pisngi ko. Nag-angat ako ng tingin kay Sin. Nakatingin siya sa amin ni Unica habang nakangiti.
Kumunot noo ni Unica at sumimangot. "Oo, ang cute niya sapakin."
Ang gaspang ng ugali nito.
"Ms. Valentine, bakit may mga pasa ka?"
Napalingon ako sa pormal na boses ni Sir Marco. Wew. Salamat Sir! Saved by you.
"Wala po, Sir," nakangiting sabi ni Unica tapos tumingin kay Sin. "Si Sinteya ba, Sir. Hindi mo kakamustahin?"
May kung anong tinginang ganap kay Unica at Sin na Sinteya ata ang tunay na pangalan bago tumayo si Sin. "Gotta go," sabi niya sabay alis.
Napansin kong sinundan ni Sir Marco ng tingin si Sin.
"Anong meron?" tanong ko Napatingin sila Sir at Unica sa akin.
Ngumiti si Sir. "Magkakilala pala kayo ni Unica?" Tinapik niya ang balikat ko. "Sige, mauna na ako. Marami pang gawain."
"Sige, Sir. Ayos 'yan," sabi ni Unica habang palayo na si Sir. "Mag-iwasan lang kayo para cute."
Tahimik ako nang ilang minuto hanggang sa nagpatuloy sa pagkain si Unica. Hindi ko malaman kung aalis na ba ako. O kung magpapaalam ba ako o huwag na lang. Pero napunta ako sa pagtatanong. Tutal nandito na, bahala na.
"Uh. . ."
Hindi niya ako pinansin. Napalunok ako. Ang dami kong gustong tanungin. Kung bakit may pasa siya. May sugat. At kung feeling close na ba ako o siya ang feeling close sa akin. Pumasok din sa isip kong kumustahin yung paper niya. At kung kailan siya magpapasalamat.
Sa dami ng tanong, isa ang lumabas sa bibig ko:
"B-Bakit mo nga pala kinuha number ko?"
Patuloy lang siya sa pagkain habang palingon-lingon ako sa ibang lugar pwera sa kanya. Napansin kong may gasgas ang palad niya. Saan galing 'yung mga 'yun? Nakikipagpatayan ba 'to sa gabi?
Ah bahala na. Hindi naman kami close. Tumayo na ako.
"Crush kasi kita," kaswal niyang sabi. Napatigil ako at napalingon sa kanya. Nagkatinginan kami sandali saka siya umiling at ngumisi. "Duh."
; x ;
Baka gets na ng iba kung saan school nila. Walang Fine Arts ang school na ito in real, so tinweak ko ang school system at nilagyan ng Fine Arts. Haha!
PS: I hope you're reading Uncensored because you're interested with Chino Alejandro, and not with the mention (if ever) of Miko's name. Move on na muna tayo kay Miko. Magseselos si Chino kung nandito tayo sa kwento niya tapos si Miko pa rin ang focus.
Still, thanks sa mga nagmamahal kay Miko. Pero wag ditoooo. Masakit para kay Chino baby. Hahahaha salamat sa mga nagbabasa at nagkocomment <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top