u n c n s r d 02

u n c n s r d 02

"Kinakabahan ako. Dahil ba sa kanya?"


"Nine." Si Mark.

Si Adam sunod kong narinig. "Sakto. Mga eight."

"Uy."

Nabigla ako sa pagsiko ni Mark sa akin. Tae. Nagulo na sinusulat ko. Gumanti rin ako ng siko bago sumagot. "Ano?"

Tinuro ni Mark ang grupo ng mga babaeng nagkukwentuhan sa tapat na table. Nasa library kami pero rinig na rinig ang pinag-uusapan nila tungkol sa crush nilang professor. Kausap kasi ng librarian si Sir Marco, at obvious silang nakatingin kay Sir.

"Tingnan mo 'yung babaeng may ribbon sa buhok," turo niya. Sumunod ako. "Anong rating?"

"Six."

"Anla!" Tinulak ako ni Mark kaya nagtawanan kami. "Hindi pa ba chicks 'yan sayo?"

"Kapal ng make up," sabi ko na lang at bumalik sa pagsusulat ng notes.

"Ang kabitteran ni Chino Alejandro." Tumawa si Sandy. "Featuring pagluluksa dahil hindi pa rin nagtetext si Mari Solei post-date."

Sinamaan ko ng tingin si Sandy. Mas lalo silang tumawa.

Kumunot lalo ang noo ko nang sikuhin ako ni Mark. "Uy tae nakatingin sa atin 'yung chicks!"

Napangisi na lang ako sa pagkawala ng ngiti ni Mark dahil lumapit sa amin si Sir Marco – dahilan kaya napatingin sa amin ang grupo ng babae.

"Sir," bati namin sa kanya.

Ngumiti si Sir. "O, bakit si Chino lang nag-aaral nang mabuti?"

"Basted kasi 'yan, kaya ginugugol na lang sa pag-aaral pagiging heartbroken."

Tiningnan ko nang masama si Jethro.

"Basted si Chino? May nililigawan ka?" tanong sa akin ni Sir.

"Wa—"

"Wala, Sir." Sumingit si Jethro.

Sumunod naman si Sandy. "Hindi kasi pinayagan. Nawalan na ng chance sa second date."

"Boom basted!"

Lalong nagtawanan mga kaibigan ko sa sinabi ni Mark. Napatingin ako sa grupo ng babaeng may gusto kay Sir Marco at nag-iwas ng tingin dahil natatawa rin sila.

Buhay.

Buti na lang talaga hindi nag-aaral dito si Gio.

Isa pa 'yun, eh.

Sabi kasi nila, kapag gusto daw ng babae ang lalaki, magtetext daw sila pagtapos ng date. Pero matapos ng isang araw, wala pa ring text. Kahit sa Facebook, walang paramdam. Sinabi ko sa kanilang busy lang siguro si Aris. Panay naman kantyaw ang mga adik na busy sa ibang lalaki  kasi hindi ako ang gusto.

Ah, ewan.

Nagulat na lang ako nang biglang may tumulak sa akin mula sa likuran. Nasubsob ako kaya natanggal ang salamin ko sa mata at bumulong si Adam. "May nakasalubong akong dalawang chicks kanina. Ang ganda!"

"Rating?"

"Ten! Magkaibigang ten!"

Nagkakumosyon sa table namin at parang hindi na inintindi si Sir Marco na busy rin namang kumakausap ng ibang estudyante. Hindi pa nga nag-iinit pwet ni Adam sa pagkakaupo, panay na ang describe niya sa dalawang babaeng nakasalubong niya.

"Parang mga model."

Natatawa ako sa itsura ni Adam. Manghang-mangha, eh.

"Mukhang manikin 'yung isa tapos 'yung isa ang astigin, paghawi niya ng buhok may tattoo sa leeg at ear piercings."

Napakunot ang noo ko sa naalala at napangisi. Hindi ko nakwento sa mga kaibigan ko 'yung tungkol sa babaeng nagbalik ng bag ko sa akin. Baka kasi isipin nila dahil broken ako kay Aris kaya sa ibang babae na ako nakatingin.

Mga ugok pa naman 'to.

"Sir Marco!"

Nanigas ako sa narinig na pamilyar na boses.

Sinita ng librarian yung nagsalita. Napalingon si Adam sa likuran namin at biglang humarap ulit. Nanlalaki ang mata. Bumulong siya.

"Yung isang babae." Pasimple niyang tinuro 'yung likuran namin. "Yung astigin."

Tumingin ang mga kaibigan ko, pwera sa akin, sa likuran kung nasaan si Sir Marco at ang bago niyang kausap. Boses babae, pero malalim, na tumataas din.

"Ano na, Sir, gaano kalakas pa ba dapat itulak ko sa'yo para gumalaw ka?" sabi ng babae. May kung anu-anong senyas ang ginawa ng mga kaibigan ko. Nagtaas-taas ng mga kilay na parang mga manyak. "Kulang na lang i-lock ko na kayo sa freezer par—"

"Unica," pagputol ni Sir sa babae. "May klase pa ako."

Mabilis akong lumingon sa likuran ko. Una kong nakita si Sir pero napatingin din ako sa babaeng kausap niya. Mas maamo ang itsura niya kapag maliwanag. Mukhang natagalan ang pag-sink in sa utak ko kaya napatingin pa muna sa akin ang babae, bago nanlaki ang mata ko at agad na tinuon ang pansin sa notes ko.

Siya 'yung babaeng astig! Schoolmate ko siya?

Napaupo ako nang maayos sa pagtapik ng kamay sa balikat ko.

"Alis na ako, may klase pa."

Lumingon ako kay Sir Marco para magpaalam. Ganun din ang mga kaibigan ko. Bago mabalik ang tingin ko sa notes ko, napalunok ako nang makitang pinagmamasdan ako ng babae. Mga ilang segundo pa bago ko naiwas ang tingin ko at nagbalik sa pagsusulat.

Kinakabahan ako. Dahil ba sa kanya?

Hindi na ako lumingon pa ulit. Mukhang nawala na rin siya dahil nagsimula na siyang pagkwentuhan ng mga kaibigan ko.

"Totoo ba 'yung boses niya?" natatawang sabi ni Mark. "Ang anghel ng mukha pero tunog barako."

"Loko," natatawang sabi ni Jethro. "Malalim lang. Maka-barako 'to, para namang pang kargador boses eh."

"Mas malalim pa sa boses ko," singit pa ni Adam.

Tinawag ako ni Sandy. "Nakita mo ba 'yung chicks? Tutok ka masyado d'yan sa notes mo hindi ka naman matapos-tapos."

"Nakita ko," sagot ko. Mukhang naghintay sila ng iba ko pang sasabihin kaya nagkibit balikat ako. "Ayos lang."

"Ayos lang?" react ni Adam. Kinuha niya ang salamin ko sa mata kaya nahilo ako saglit. "Anong problema ng salamin mo, anong ayos lang?"

Kinuha ko ang salamin ko at napangiwi. Hinawakan ba naman 'yung lens! Puro fingerprints na tuloy.

"Huwag niyong tanungin ng ganyan 'yan, puro Mari Solei bukambibig niyan, eh," sabi ni Jethro.

Tumawa si Mark. "Baka kaya ayaw tayo papuntahin sa kwarto kasi ayaw niyang pakita 'yung shrine na ginawa niya para sa kanyang. . ." Sumuntok sa hangin si Mark. Napangiwi ako. "All-time super crush!"

Tawanan. Pwera sa akin.

"Pero mga tol, Yung astigin na ata pati kaibigan niya pinakachicks na nakita ko sa school. Unica ata pangalan? Tawag ni Sir sa kanya?" ngiting sabi ni Adam. "Sana nga lang hindi malalim boses kaibigan nung Unica para plus point."

"Nobody's perfect," kumento ni Sandy. "Baka magulat tayo ipit boses nung isa. Tepes genete meg selete."

Tawanan ulit.

Hindi ko malaman kung dahil ba sa lamig kaya naninginig ang kamay ko. Pinapasmado na rin ako kaya nag-CR ako para mahimasmasan sa lamig.

Pagbalik sa library, kusang tumigil ang paa ko sa paglalakad dahil nakita kong lumabas sa entrance ng library 'yung babaeng tinawag ni Sir na Unica. Gusto kong lumiko at bumalik sa CR pero nanatili pa ako sa tinatayuan ko na parang tanga.

Mabilis akong nag-isip, at ang una kong naisip ay magpunta sa baggage counter para kuhanin ang bag ko.

Wrong move pala.

Kasi doon din ang punta nung babae.

Para na talaga akong tanga kaya nung binigay sa akin ang bag ko, kinuha ko lang ang flashlight sa bag ko at binalik ulit sa baggage counter. Napansin kong napatitig 'yung babae sa bag ko. Bago pa ako makaalis, narinig ko ang boses niya.

"Hoy ikaw."

Tiningnan ako ni Kuya Kurt, yung bantay sa baggage counter, at sinenyasan ako gamit ang mata.

Nilingon ko 'yung babae. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin habang nilalagay ang libro sa bag niya.

"Ako?" tanong ko.

"Bakit ka nandito?" pagtataka niya. "Bawal mga highschool dito, ah?"

What the.

Natawa bigla si Kuya Kurt.

Kung ire-rate ko siya sa ganda nang maliwanag na at static lang siya, ten nga siguro talaga. Sa ganda ng pagbagsak ng unat niyang buhok, at sa medyo singkit niyang mata na nagpapaamo sa kabuuan niyang mukha. Mukha pa siyang matino dahil naka-uniform siya imbis na last time ay sando, jeans na sira-sira lang ang style.

Walang halong biro na perfect ten siya tulad ng sabi ni Adam.

Minus one lang hindi dahil sa boses kundi sa iniinsulto talaga niya ako. Mas matangkad at malaki ako sa kanya, kitang-kitang mas matanda ako, pero highschool tingin niya sa akin?

Nakakaloko 'tong babaeng 'to.

Umiling na lang ako at hindi na siya pinansin. Pumasok ako sa library nang mapahigpit ang hawak ko sa flashlight sa kabastusan ko. Hindi man lang ako nagpasalamat para sa pagtulong niya sa akin nung nakaraan? Napabuntong hininga ako.

Palapit na ako sa pwesto namin nang matigil ako sa pagharang ng babae. Hindi na ako nakapagsalita nang ibigay niya sa akin ang isang papel. Tumingala siya para tingnan ako nang masama. Mas nakita ko ang sumisilip na tattoo sa leeg niya.

"Gawin mo paper ko kapalit ng bag mo," sabi niya na pinagtaka ko. "Kapag hindi mo binigay sa akin bago ang deadline. . ."

Bakit niya ako tinatako—natulala ako sa tinaas niya habang nakangisi.

Baggage number ko ba 'yun para sa bag ko?

Bakit nasa kanya?!

; x ;

Q: Anong official hashtag ng Uncensored?

A: #uncnsrd (alisin vowels except U)

Q: Kailangan ko bang basahin NagpaSeries (Nagpatukso at Nagparaya) para maintindihan 'yung Uncensored?

A: Nope. You can read each stories as is. They're all parallel with each other and their lives might intersect from time to time pero may sari-sarili silang kwento.

PERO!!!

1. Mababanggit from time to time characters ng NagpaSeries.

2. Dahil halos sabay-sabay ng timeline, may glimpse ng NagpaSeries scenes dito pero hindi sila ang focus. GLIMPSE lang.

3. Napansin kong may mga readers na ayaw ma-OP sa comments so ayun, don't read comments na lang. (Plus spoilers. Spoilers everywhere. If you don't like spoilers, close your eyes.)

4. Nilagyan ko ng 4 para may 5.

5. Wala na talaga . . . gusto ko lang may 5.

Salamat sa mga nagbabasa <3

- Rayne (pilosopotasya)



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top