Simula
Prologue
"Maybe you need to get check. Pumunta ka nang clinic."
"Nagdadalawang isip ako. Saka na siguro kapag naisingit ko sa schedule ko." sagot ko habang kinuha ang mga paper note sa corkboard ko. Muntikan na akong matumba kani kanina lang dahil sa hilo at pananakit ng ulo ko. I got out of balance, pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko ka'ya nagmadali ako sa sink para sumuka.
I noticed these past few days my senses got sensitive. I wasn't like this month ago. Hindi ko nagugustuhan ang bar soap na naamoy ko kay Sandy at Jessy right after nila maligo. Hindi ko alam kung bakit biglang nagkaganto ang katawan ko.
We we're general cleaning as of now without Jessy, ginagawa lamang namin ito kapag end of the week. Kapag sinipag, mataas ang chance na maisalba sa sobrang kalat ang dormitory naming tatlo- Ako, Jessy which is my bestfriend and who I was talking to now, si Sandy.
Nagtatrabaho si Jessy as a chef sa isang famous italian restaurant dito sa taguig habang si Sandy naman ay programmer sa dito din sa taguig kaya naman ay nasa iisa kaming dormitory. Malawak ito at may sari-sarili kaming comfortable rooms. May kamahalan ang dorm namin marahil na rin sa good amenities at may kalawakan.
"Gusto mo ba macollapse habang nagtatrabaho ka?" hindi ako nakapagsalita dahil tama naman s'ya. Ilang araw na sumasakit ang ulo ko, siguro dala lang ng pagpupuyat. I'm always up till 4 in the morning.
Gumigising ako nang alasingko ng tanghali o minsan naman kapag naka-alarm clock ay mas maaga.
"Namumutla ka nanaman ngayon, teka nga 'no?" Natigilan ito sa pagpapagpag ng kumot n'ya at pinakatitigan ako nang mabuti, naniningkit pa ang mga mata n'ya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip n'ya bakit ganyan makatingin.
"Maybe you're preggy!" She said almost hysterical.
"Kailan ba huling may nangyari sainyo?" sinimangutan ko s'ya at pinagpapatuloy pa rin ang paglilinis sa iba ko pang mga gamit matapos kong linisan ang ilan.
"Kailangan ko pa ba sabihin iyon sa'yo?"
Imposibleng mangyaring buntis ako dahil nag ingat kami nang magkaroon kami ng contact ng boyfriend ko. We're using protection. Maybe I was just deprived of sleep as to why I'm having headache and got pale.
"Obviously you're having some symptoms of pregnancy, lalo pa na may boyfriend ka. Dapat alam mo 'yan para mapaghandaan ninyo ng maaga."
Pakiramdam ko ay unti unti na akong kinakabaahan na baka nga, pero isinawalang bahala ko nalang sa huli dahil tiwala akong hindi ako nagdadalangtao. Madalas na ring busy si Pierre ka'ya these past few weeks hindi na kami nagkikita. Natatandaan ko na magdadalawang buwan na kaming walang maayos na usapan. Kahapon lang kaming nagkita pero saglit lang, tho he's so sweet.
We're usually eating outside. He's oftentimes fetching me at the company where I am working lalo na kapag naisisingit n'ya sa schedule n'ya and he would ask me If I'm free as well.
He's working as a software engineer under his family's company- Nebula Web Delevopment Co. Their headquarters is in taguig which where he is working. Malapit lang ang renowned company nila kung saan ako nagtatrabaho bilang computer programmer.
Isa ako sa mga napiling applicants para sa manager interview sa NWDC right after we graduated, pero hindi ko iyon tinanggap sa kadahilanang ayaw ng ama ko ang magtrabaho sa company na iyon. At para narin maiwasan ang gulo.
My father has had conflicts with Pietro Jimenez- Pierre's father.
"Wait lang, ha." Aniya at bumalik sa room n'ya. Iniwan ang mga tinitiklop na mga kumot, pinaghahandaan ang pagpunta sa n'ya laundry.
Iniabot n'ya saakin ang nakabalot pang pregnancy test. Nakakunot ang noo kong tiningnan s'ya. "Hindi 'yan akin! Kung iyan ang iniisip mo."
"E, kanino naman Dy? Alangan namang akin? Wala akong ganito."
"Libre iyan dito sa dorm. Tho binayaran pa rin natin iyan sa monthly fee natin dito." hindi na ako nakapagsalita. Hindi ako nabibigyan ng ganito sa loob ng isang taong pananatili dito kaya hindi ko alam kung nagsisinungaling lang si Sandy. Alam kong may boyfriend s'ya na ka-workmate namin baka nahihiya lang magsabi.
"Go! There's no harm trying." aniya at tinulak ako papasok sa banyo. Pagkapasok ay s'ya pa ang nagsarado ng pintuan, pagkasara naman ng pinto ay tiningnan ko muna ang test kit at binasa ang instructions bago gamitin.
"Dapat ko ba sabihin sakanya 'to?"
Nangininginig ang dalawang palad ko habang nakaupo sa cubicle. My pants was still hanging below my knee. Hindi ko matanggal ang paningin sa pregnancy test na dalawang minuto ko na yatang pinakatititigan. I can't clearly know how to react because this wasn't our plan, my plan.
It says I'm pregnant. It's positive. I should be happy, be the happiest having this new life at the same time the blessing of women could have- but my emotion's contradicting it. Imbis na maging masaya sa resultang buntis ako ay hindi.
Naiinis ako sa sarili ko dahil ginusto ko ito. Pero paano ko naman ito sasabihin sa boyfriend ko?
Hindi dapat ako matakot na sabihin ito sakanya dahil parehas naming ginusto ang consequence nang pinaggagawa namin sa loob ng ilang taon. Pero nag-ingat naman kami
Hindi ko alam kung saan kami nagkamali.
Maybe the only big mistake I might commit is having abortion. Which wasn't going to happen, I swore.
Masasampal ko si Pierre kung sasabihin n'ya saaking ipalaglag ang anak naming dalawa. Ang anak n'ya. Napapaisip ako nang possible na maging reaction n'ya dahil hindi ito ang plano naming dalawa. Parehas naming ayaw pa ang bumuo pa ng pamilya sa ngayon.
There is incoherent as of now- in between of my father to his dad. Their both strong of will not to crosses each other's path again is still an issue as of now. Maganda ang pagkakaibigan nila years ago but it come to an end. It all started when my dad turned down Tito Pietro's responsibilities for the injured worker victims of the collapsed building for other branch of one of their business. He asked dae for some money to offer the for victims, but dad stand his firm strong not to. He believed it's none of his concerned.
Sa pagputol ng kanilang relasyon ay nakaapekto iyon sa relasyon naming dalawa ni Pierre, pero hindi namin hinayaang makaapekto ang nasirang pagkakaibigan ng mga ama namin sa relasyon namin hanggang ngayon.
Mayaman man ang pamilya namin both sides ay hindi pa rin pwede o hindi kami naging handa sa bagay na ito.
"Bakit ba ang tagal mo!" mabilis kong isinuot ang undergarments ko sa pang ibaba at pati ang pants para lumabas. Halos sipain na ni Sandy ang pintuan para lang lumabas ako.
"Sampung minuto pa lang ako nasa loob Dy!" naiiritang sigaw ko sakanya. Binuksan ko ang pintuan at naiinis na mukha n'ya ang tumambad. The moment I saw her irritated face, my mood got better I was annoyed a second when she's bugging me. Pinaglilihian ko pa yata si Sandy.
"Buntis ka nga talaga!" inagaw n'ya ang test kit saakin. Tila natutuwa pa s'ya.
"Bakit ba hindi ka masaya? Both of you have stable job and salary. You can raise the baby with the money you have." aniya habang hawak parin ang test kit na mabilis kong kinuha sa pagkakahawak n'ya. Tiningnan ko iyon. Masaya ako pero nanlulumo.
"You know the situation, Dy."
"Malay mo naman bumalik sa dati ang friendship nila dahil sa apo nila, right? That shouldn't stress you at all, everything happens and for sure that thing also happened to you not just to make you blessed but to make things up between your father and Pierre's dad."
Hindi ko na lang sinabi na hindi pa talaga kami handa sa great responsibility na ito dahil baka mabatukan lang ako ni Sandy at isiping hindi ako masaya sa magiging anak ko. I am happy, it's just that I am not really ready for this.
"Sinong buntis?"
Nabaling ang tingin namin sa kadarating lang na si Jessy. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin saamin at tila natigilan. Bumaling ang seryoso n'yang tingin saakin, nagulat ako kung paano n'ya ako tingnan.
What shocked me more is the polo she's wearing. The favorite polo of my boyfriend, pero hindi ako sigurado kung si Pierre ang nagmamay-ari n'on, kaso masyadong malaki iyon para kay Jessy.
"Ako, Jess. I'm pregnant." sagot ko dahilan para lumapit s'ya saakin. Hinawakan n'ya ako sa magkabila kong braso dahilan para ikagulat ko. Mabilis kong tinanggal ang madiin n'yang hawak saakin.
"It is Pierre's?" tila nabasag ang boses na tanong n'ya. I can feel the score between her and my boyfriend. Sa reaction n'ya sa magiging anak namin at sa paboritong polo ni Pierre na ngayon ay suot suot n'ya.
Ang amoy nito na nanggaling sa body scent ni Pierre na gustong gusto kong amuyin noon pero ngayon ay ikinaiirita ko marahil sa pagbubuntis ko.
"Ano bang problema mo, Jess?" iritableng tanong ni Sandy, pero hindi s'ya nito pinansin dahil nasa akin ang mga mata n'ya. Matangkad lang ako ng kaunti kay Jessy kaya medyo hindi tugma ang lebel ng mga mata namin.
"That shouldn't happen! That should be me, Vien!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top