Kabanata 7

Play the song deja vu - by Olivia Rodrigo
(on the media above)



***

Kabanata 7



Mabilis akong tumayo dahilan naman para dahan dahang tumayo si Marc sa kinauupuan nito. Nabaling ang tingin ko kay Pierre na nasa kabilang table lang namin. Nagtama ang seryosong tingin namin sa isa't isa, pero mabilis akong naglihis ng tingin dahil pakiramdam ko biglang sumama ang loob ko.




Kaaalis lang ng waiter, kasama nito ang lalaking hindi ko kilala, well technically I don't know his name yet.




"Why? What's the matter?" Nag aalalang tanong ni Marc pagkatayo, hilaw akong ngumiti kay Marc na nakatayo na'rin ka'ya naman ay naharangan n'ya ang view ko kay Pierre, well it's a good thing tho, dahil ayaw kong nakikita ng matagal ang pagmumukha ng ex ko at oo ang ama ng magiging anak ko.




I can't keep my composure seeing Pierre in here, ang daming ala alang bumabalik, kasabay ng pagbabalik ng mga ala ala ang sakit ng pagtataksil n'ya saakin.




"Let's call it a day, gusto muna bumalik sa cubicle. Medyo sumama ang pakiramdam ko." pag amin ko ka'ya bumakas ang pag aalala kay Marc.




"Gusto mo ihatid na kita sa hospital? Malapit lang naman. You looked so pale."




"Hindi na Marc, bumalik nalang ta'yo sa company." sabi ko.




"Alright, let's go then." aniya at iginaya ako palabas, pero hindi pa kami nakalalabas ng makasalubong namin si Jessy.




Nakataas ang kilay nitong back and forth ang tingin saaming dalawa ni Marc, at tila may kung anong malisyang iniisip dahil sumibol ang ngisi sa gilid ng kanyang labi, matapos ay nagcrossed arms at dahan dahang lumapit saamin.



"Ohh..." she said mockingly while still crossing her arms. Paniguradong pumunta s'ya dito dahil nandito rin si Pierre.





"I guess, he might be the real father of your child." aniya at mas lalong lumalaki ang sarkastikong ngisi habang nakatingin saakin. Hindi naman ako nagpatalo ng masamang tingin sakanya.





"You know nothing." kalmado ngunit mariing sinabi ko sakanya. Nagtataka namang salit salit ang tingin saamin ni Marc na nakakunot na ang noo.





"What do you mean?" tanong ni Marc kay Jessy at sumunod ay muli akong binalingan ng tingin para magtanong. "Are you pregnant, Vien?" medyo hindi makapaniwalang tanong ni Marc, pero hindi ako nagsalita kaagad.





"Mukhang hindi alam ng daddy, huh?" mapang-asar parin na sinabi ni Jessy na nakatingin na ang nang aasar na tingin sa katabi kong si Marc.




"Huh?" hindi parin yata mahinuha ni Marc ang pinagsasabi ni Jessy.




"It's sad for you, Marc, you didn't knew." Jessy state just adding confusions to Marc, sinasagi nito ang balikat ko ng palihim para magtanong. "Ano ba ang pinagsasasabi n'ya?"





Hindi ko nasagot kaagad ang tanong ni Marc dahil dumating si Pierre kasama ang lalaking nakamake out ng kaibigan ko, ugh! Sa tuwing iniisip ko ang pinagagagawa ni Sandy sa dormitory namin ay parang nagtataasan ang balahibo ko, as if namang hindi ko rin naranasan at as if naman ding hindi kami muntikan mahuli sa milagro namin ni Pierre n'on sa dorm.




Hindi ko alam pero kinikilabutan talaga ako sa lalaking ito at kay Sandy.





"Hello, Baby." ani Jessy at umangkla sa braso ni Pierre, umigting lang ang panga ni Pierre na nakaatingin parin saamin ng katabi ko, ang laki ng ngiti ni Jessy pero isang beses lang naman s'yang binalingan ng tingin ni Pierre dahil nagtagal na ang tingin nito saamin ng katabi kong si Marc na nagtataka pa rin hanggang ngayon.





"Babe, Brandon. Let us congratulate them both! They're having baby soon." walang pag aalinlangang sinabi ni Jessy, dahilan naman iyon para mabulunan sa sariling laway si Marc habang ako ay masamang tinitingnan si Jessy na sarkastiko lang na nakangisi saakin.





Halos magdikit na ang dalawang kilay ni Pierre at nakatingin saakin sumunod sa tyan ko, habang yung Brandon naman ay nakangiti saamin.





"Congratulations! By any chance are you a friend of Sandy?" tanong ni Brandon. Gusto ko sanang sabihin na s'ya ang nahuli kong ka make out ng kaibigan ko pero hindi ko sinabi dahil nakakahiya naman.



"Oo, Thank you." sabi ko.




"I'm Brandon Cabrera, Pierre's business partner. Anyways, sorry the last time." aniya at kumindat dahil pinapahiwatig ang dahilan ng paghingi n'ya ng tawad, nag alok ito ng shake hands na dahan dahan ko namang ibot ang kamay n'ya.





"Vienna Davidson." Pagpapakilala ko kay Brandon.





"Are you pregnant?" mariin at mahinang tanong ni Pierre, kagaya parin s'ya ng dati, napaka intimidating pa'rin, although nuong kaming dalawa lang ang magkasama ay ibang iba ang mood n'ya. Palagi s'yang nakangisi at madalas na tumatawa sa biruan at bonding naming dalawa.




Oh, crap, I shouldn't reminiscing now.




"Oo, excuse us." sabi ko at nauna ng umalis, sinundan ako ni Marc.




Hindi ko na ginawang lumingon sa gawi nila dahil pakiramdam ko maduduwal ako. Sumasama ang pakiramdam ko dahil naaalala ko kung paano inangkla ni Jessy ang kamay sa braso ni Pierre na dating ako lang ang gumagawa.





I can't believe how close they are earlier. Sobrang sakit, akala ko pag nakita ko silang gan'on kasweet sa isa't isa ay hindi ako masasaktan.



Those kinds of circumstances that me and Pierre used to do back when we we're together. Hindi ko mapigilang isipin kung ano masasayang ala ala ba namin ni Pierre ay ginagawa din nila.




Hindi ko matanggap, hindi ko mahinuha kung gaano kabilis nagpalit ang pwesto namin ni Jessy na bestfriend ko pa sa piling ni Pierre.




Napahawak ako sa dibdib. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Marc ng maabutan akong lumabas, napansin din yata n'ya ang paghimas ko sa naninikip kong dibdib.




Pinagbuksan ako ni Marc ng pinto ng passenger seat ng kanyang kotse at dahan dahan naman akong pumasok dahil medyo nanghihina pa ako, pakiramdam ko nawala ang lakas ko sa eksena kanina.




Umikot si Marc para buksan ang driver's seat, nilingon n'ya ako pagkaupo n'ya at nag aalalang nakatingin saakin.



"You're pregnant? Is that Pierre's child?" dahan dahan akong napatango.




"That bastard." mahinang bulong ni Marc.




"If someone asks you who's the father don't tell its Pierre's." paghingi ko ng favor sakanya, nilingon n'ya ako saglit at minaniobra ang steering wheel ng sasakyan n'ya.




"Gusto mo ba itago ang pagbubuntis mo kay Pierre?" ilang segundo akong hindi nakapagsalita o tinugon ang tanong ni Marc, dahil sa loob loob ng puso ko ay gusto ko paring malaman ni Pierre na s'ya ang ama ng dinadala ko, pero kasalungat non ang sakit na ginawa n'ya saakin na maaaring makaapekto sa anak ko balang araw.



"I can be your child's father, Vien." gulat kong nilingon si Marc na nasa kalsada ang tingin dahil nagmamaneho.





"Hindi Marc, ayoko namang madamay ka pa sa issues ko." malambing na ngumiti saakin si Marc at inabot ang palad ko.



"I'm dead serious right now, Vien."



Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa, tumingin ulit s'ya saakin habang nakangiti, ngunit dahan dahan kong tinanggal ang palad ko.




"I liked you since I don't remember. I love you and I always have." aniya sa malambing na tono.



"I'm sure you're amazing in many ways, but I am really in a tight spot right now and I'm not ready yet. I would really love it if we can still be friends, I hope you understand." I said, rejected him in a nice way.




Dahan dahan n'yang inalis ang palad sa marahang pagkakahawak saaking palad. Kinagat ko ang aking labi, pakiramdam ko ay naguguilty ako ng kaunti sa pag reject sakanya.





Marc is a good man, pero hindi pa talaga ako handa sa ngayon. Hindi ako ang para sakanya, hindi rin ako ang deserving na babae para sakanya, maybe soon he'll understands why he got rejected.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top