Kabanata 6

Kabanata 6

"Morning, Vienna. Better get your coffee. Did you see the email I sent to you this morning?" mabilisang sinabi ni sir Raffy matapos nitong dumaan at tumigil sa cubicle ko.


"Yes, sir Raf." sagot ko at matapos ay may inabot ito saakin may kakapalang papeles na mabilis ko namang inabot para kuhain at iiscan.


"Here is a new task, you need to make a new module. I’ve scheduled 7 days for it." seryosong sinabi ni sir Raf at mabilis ng nagtungo sa office n'ya.

Napangiwi ako saglit matapos nitong makaalis.

Two weeks have passed, I've been feeling unwell lately since I don't remember, really perks of being pregnant.

Naging normal naman ang mga araw ko sa trabaho, pero sa gabi ay nakakaramdam ako ng sobrang pagod at lungkot but I did was to think of my baby to relieve my pain that hurts me from heartbreaks and the thought of my baby not having a complete family it deserves.

Everytime I was thinking of them the sudden feeling of extreme pain bugging me and sometimes the reason why I'm not on focus while working.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako masasaktan, pero alam ko naman na ilang buwang iyak lang maayos na ako.


Masyado na akong busy these past few days at wala na dapat puwang ang walang kwentang bagay kagaya ng pagmumukmok dahil lang sa niloko ako, I should be preoccupied on the important errands to run to.

"Vien, it's lunchtime. Sa labas ta'yo kakain, it's my treat today." ani Marc saakin dahilan para mawala ako sa iniisip ko at sa computer ko.

"Still debugging? Come on, h'wag ka magpalipas ng gutom baka sermunan ka nanaman." hilaw akong napangiti kay Marc at dahan dahang tumayo matapos kong kuhain ang pouch ko.


Paano ay nasermunan ako ng team leader namin dahil madalas pumapalpak ang codings ko. I can't blame sir Raffy cause he's right for him to confront me and say the things I should do right.

Aminado ako sa pagkakamali ko.

Nabaling ang tingin ko kay Sandy na nasa cubicle pa rin n'ya at focused na focused sa computer, ni hindi ata n'ya namalayang lunchtime na o kami nalang tatlo ang nandito sa third floor.

"Dy? Lunchtime na."

"Maybe, lunch at her desk reading Geek.com." nakangising sinabi ni Marc ka'ya binalingan ko ito kaagad ng tingin. Hindi parin ako umaalis at finally napansin ata ni Sandy na nandito parin kami dahil tiningnan n'ya kami.

"I'm preparing for the planned email migration and server maintenance updates." seryosong sabi nito kaya napahimas ako sa sentido ko.

"Okay. Mag lunch ka nalang dito sa cubicle mo." sabi ko at kinuha ang bento box na ginawa ko kanina at inilagay sa table n'ya.

"Thank you, Vien."

Hindi ito tumingin saakin ang winagayway lang saglit ang palad saamin ni Marc.

"Seems like there will be the employee of the month." Marc chuckles as he said that while looking at Sandy.

"Let's go?" nakangiting tumango ako kay Marc.

Hindi pa alam ni Marc na buntis ako, saka nalang siguro n'ya malalaman kapag may makulit na akong dadalhin sa office.


Sa isang fine dining restaurant kami nagtungo malapit lamang sa company na pinagtatrabauhan namin. Dito din kami madalas kumakain noon ni Pierre, pumupunta kasi ito sa cubicle ko kapag lunchtime at ihahatid naman ako kapag oras na ng trabaho at saka s'ya babalik sa company nila.


Madalas kaming usap usapan noon dahil narin sa mataas na posisyon ni Pierre sa company nila, pero ngayon ay tila tahimik at natutulog na ang usap usapan tungkol saamin dahil naring hindi na ako pinupuntahan ni Pierre kada lunchtime para kumain sa malapit na restaurant.



At ngayon naman si Marc na ang kasama ko dito but we're just eating as a friend and that's all, since there will be no Pierre who's jealous everytime I'm with Marc.


Pagkaupo namin sa two sitter chair ay umorder lang ako ng light meal ng dumating ang waiter para sa menu. Balak kong kumain nalang ng maramu pag-uwi ko sa dormitory, nagbaon din ako ng salad pero hindi ko namalayang pinaglalaruan ko lang pala ang salad sa plastic container, nilagay ko na nga ang dressing pero hindi ko parin kinakain. Naalala ko nanaman tuloy ang mainit na usapan namin ni Jessy nuong nakaraan.


"Balak mo ba kumain Vien? Okay ka lang ba?" napabalik ako sa aking wisyo ng magsalita si Marc.

"Okay naman ako." hilaw akong napangiti.

"Really? You looked so pale." nag aalalang sinabi ni Marc ka'ya pilit kong pinasigla ang mood ko para hindi n'ya mapansing hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Isa pa ay ayaw ko namang mag alala ito saakin.


"I know you're stressed out isama pa na napagalitan ka ni sir Raffy." napabuntong hininga si Marc ng sabihin n'ya iyon.

"But still, you should start prioritizing and reading emails on project updates, production changes, industry newsletters, new bug reports, new tasks in the backlog, and other admin tasks." seryosong sinabi ni Marc.

Sobrang naaappreciate ko ang pagtatama saakin ni Marc dahil tama naman s'ya hindi kona din kasi nagagawa ng maayos ang trabaho ko. That might be the root of my burned outs even worse.

"I was, I'm just preoccupied these days." mahinahong sagot ko.

"Tungkol ba ito kay Pierre?" dahan dahan akong napasipsip sa lemonade ko.


"I heard he has his new girlfriend." humina ang huling sinabi ni Marc, pero napangiti lang ako ng ulit ng hilaw, mukhang alam na ng mga officemates ko ang bagay na iyon hindi lang nila binabanggit saakin.

"Sorry for spoiling our lunchtime," pauliy ulit na humingi ng pasensya si Marc.

"It's okay. I'm good." sabi ko at sinubo ko nalang ang salad kahit hindi naman ako gaanong nagugutom.

"Wait," nabaling ang tingin ko kay Marc ng nagsalita ito at nakatingin sa labi ko, kumuha s'ya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko marahil sa dressings ng salad na kinakain ko.

I smiled awkwardly while Marc's wiping the side of my lips, but the smile vanished when I saw Pierre looking at us fiercely.

As usual he's wearing his corporate office attire. Damn, he's still so hot, the neat professional style of his hair and how tall he is. Napakaganda ng genes ng magiging anak ko dahil ito ang tatay n'ya.

Bigla tuloy akong napapaisip kung ano ang magiging mukha ng anak ko lalo na kung ito ang tatay n'ya, ang kinababaliwan ng maraming babae, even the gays.

Nawala sa isip ko ang bagay na iyon dahil sa madilim nitong tingin sa gawi namin ni Marc. Iyon ang mga tingin n'ya noong nagseselos s'ya kapag kasama ko si Marc, and the last time I remembered he got so jealousy.

Nabaling din ang tingin ni Marc sakanya ng mapansing matagal ko itong tiningnan na ngayon ay umalis na kasama ang matangkad at maputi ding lalaki na nakita kong kasama n'ya ng inararo n'ya ang sasakyan ko.

Pero unti unti kong naaalala ang mukha ng lalaki.

It was the guy Sandy make out with. Hindi ako nagkakamali, iyon ang lalaking kasama ng kaibigan ko na gumagawa ng milagro sa living room ng dormitory namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top