Kabanata 5

Kabanata 5

"You're so savage!" ang laki ng ngisi ni Sandy habang minamaniobra ang steering wheel. Ikinuwento ko lang naman sakanya ang nangyaring initan sa pagitan namin ni Jessy, at ito ngayon ang natitira kong kaibigan ay feeling proud sa sinabi ko.





"I'm not happy for what I've said, Dy. Lalo lang sumasama ang loob ko." seryosong sabi ko habang kinakain ang binili ko, tuwing napapatingin ako sa salad ay naalala ko ang inis at pikon na mukha ni Jessy.




"Well, I'm actually rooting for your savageness, imbis na magpakamukmok bakit hindi mo barahin, di'ba? Everytime na masalubong mo." aniya habang natatawa.




Wala pang limang minuto nakarating na kami sa hospital para sa check-up namin ng baby ko, this time ay sinamahan na ako ni Sindy dahil baka mawala sa isip ko ang sasabihin saaking ni Doctora at si Sindy ang second the motion ko at para mag paalala kung may nakalimutan ako.




Pumila muna kami at hindi naman kami gaanong nainip dahil mabilis lang ang naging pila. Karamihan sa mga nakapila ay malalaki na ang tiyan.




"Good afternoon, doctora." I greeted my middle-aged obygiene, she greeted me back as well.




Pinaliwanag ko kay doctora na gusto kong magpa second opinion para sigurado kung buntis nga ba talaga ako isang beses lang akong gumamit ng pregnancy test ka'ya mabuti ng sigurado.




Kinuhaan lang ako ng blood samples and we'll gonna wait for an hour or two, kinuha din ang phone number ko para mainform ako sa results. I don't know why but I'm a bit nervous about the results.

Lumabas na muna kami ng hospital at nagpunta muna sa mall pampalipas oras, sa pharmacy kami nagtungo para sa vitamins at sa restaurant dahil tanghali narin at nagugutom narin kami parehas ni Sandy.




Natutulala ako habang nakaupo, I was wondering what happened if no cheating have happened, surely I was excited with Pierre knowing we're having a baby, the baby that was once our topic.




Gusto naman talaga ni Pierre ang magkaanak kaming dalawa right after we graduated, pero ako lang ang hindi pa handa, and I was glad he understood what I wanted and planning to do for now, ang magtrabaho at mas makaipon para sa pamilyang bubuuhin namin ni Pierre, ayokong umasa sa pera ng parents ko, at ayaw ko din namang umasa si Pierre sa parents n'ya.





Hindi din kami mapera ni Pierre matapos naming grumaduate sa college two years ago so we have to apply for jobs to land a job instead on relying to our parent's money, ka'ya balak na muna namin ang makaipon at makapag saya o sulitin ang mga nalalabing araw namin bilang dalaga at binata and soon we're gonna have babies that we have to prioritize first.





"Are you thinking what's supposed your life to be if your boyfriend did not cheated on you?" nawala ako sa pagmumuni ng magsalita si Sandy matapos nitong kainin ang beef steak n'ya.





"Correction, ex boyfriend." I spat back and sip on my lemonade. Hindi na ako umorder ng maraming pagkain dahil I'm planning to go on a healthy diet not just for me but importantly for my baby as well.





"Infairness talaga ang pagiging maldita mo, huh? Mukhang bad influence yata ako for you, hindi ka naman ganyan." natatawa si Sandy habang sinasabi n'ya iyon. Napangisi na lamang ako.





Bigla kong naramdamang parang napapagod ang buong katawan ko, sumasama din ang loob ko.





Pakiramdam ko na sana false pregnancy na lamang ang nararamdaman ko dahil baka ang bata rin ang mahirapan sa huli, maghahanap ito ng tatay habang lumalaki, hindi ko naman pwedeng sabihing si Sandy ang tatay n'ya.




"Sinong kikilalaning ama ng anak ko, Dy? I was planning not to tell this pregnancy to Pierre," sabi ko.





"Pwede naman si Marc." napasimangot ako sa sinabi ni Sandy, pero narealized ko na pwede namang si Marc pansamantala lang.




"Hindi ko alam kung papayag si Marc." Baka magalit si Pierre pag nalaman n'yang ang pinagseselosan n'ya masyado e' kinilalang ama ng anak n'ya.





"O kaya aminin mo kay Pierre balang araw. Hindi mo din naman kasi maitatago sa totoong ama n'ya 'yan for life." napaisip ako sa sinabing iyon ni Sandy, totoong hindi ko ito habang buhay maitatago kay Pierre.




Karapatan n'ya ang malaman pero nasasaktan ako sa nagawa n'ya saakin.




Dalawang oras na mahigit ang lumipas ka'ya napagpasyahan na namin ni Sandy ang bumalik na ulit sa hospital, they notified me that the results were already out.





Muling bumalik ang kabang nararamdaman ko habang papalapit kami sa katotohanan, I was constantly praying for the best.






Umupo na kami sa metal chair na nasa harapan ng table ni Dra, bale magkatapat kami ni Sandy dahil magkatapat ang upuan naming dalawa.






Dra, were handling the sheet of bond paper, it was maybe the results of my blood test. Mas lalo akong kinakabahan, nanginginig ang dalawang palad ko, Sandy felt my nervousness reason why she held my hands to calm me down.





"You'll be fine, I'm here." Sandy mouthed, I smiled.






Napangiti si Dra matapos tingnan ang papel at muli saakin, tinanong lamang n'ya ako tungkol sa period ko.




"You're two weeks pregnant, congratulations." Aniya at malaki ang ngiti pero napawi ang ngiti ni Dra ng mapansing hindi parin ako ngumingiti matapos marinig ang results.



Buntis nga talaga ako.



Magkakaanak nga talaga kami ni Pierre.





Matapos kong makapagbayad para sa check-up at mainform ako kung kailan ang balik ko pati mabili ang mga kailangan ko ay nagtungo na kami ni Sandy sa kotse n'ya para umuwi.






"So? anong plano mo ngayong buntis ka nga talaga? Magw-work kapa ba?" tanong n'ya habang nagmamaneho.







"Yes, siguro kapag three months or visible na ang baby bump ko I'll file a maternal leave, uuwi muna ako kila mom at dad, bibisitahin mo ako madalas d'on. Kapag hindi ka pumunta magtatampo ako sa'yo." sabi ko na parang nagiging emosyonal na bata, napangiti si Sandy habang natatawa.






H'wag lang sana topakin si Sandy na ipagkalat ang pagbubuntis ko dahil paniguradong malalaman ni Pierre. May guy colleagues kasi akong ka-workmate na may communication parin kay Pierre.






At sisimulan ko narin magpaliwanag kay mom at lalo na kay dad na ibalita na buntis ako at si Pierre pa ang ama. I'm suddenly imagining what will dad's reaction if he finds out about my pregnancy, surely he'll go furious to Pierre.





Since I still got remaining months before I'll be announcing my pregnancy, pag-iisipan ko pa kung id-disclose ko sa parents ko na si Pierre ang ama nitong dinadala ko.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top