Kabanata 1




Kabanata 1

"Paborito ni Pierre ang polo na 'yan, ako din ang nagregalo sakanya, pero ngayon suot mo." sabi ko habang nakakuyom ang dalawang palad ko, gusto ko s'yang sigawan pero kailangan ko ng mag doble ingat para sa dinadala ko. Nitong nakaraang araw ay palagi akong puyat kaya baka mapano ang nasa sinapupunan ko.






"That's the reason why I wore this, sinamahan pa nga kitang bilhin ito." nararamdaman ko ang sarcasm sa pananalita nito.






"Anong sinasabi mo, Jessy?" Nauna pa iyong itanong ni Sandy kesa saakin. I wasn't ready for what she's about to reveal.







Hindi ko din magawang magalit at pisikalin si Jessy dahil masama ang pakiramdam ko sa ngayon, maybe because of my pregnancy, the sleep deprivation and realization of my long time boyfriend cheated on me with my bestfriend hits really hard, pakiramdam ko naitulos ang dalawang paa ko sa kinatatayuan ko.






Tanging si Sandy lang ang maingay sa pagitan naming dalawa ni Jessy, demanding for answers she's not aware about, mag-iisang taon pa lang naming kilala ni Jessy si Sandy.






Hindi man ako makapag react o gawing sugurin si Jessy ay nararamdaman kong tumutulo ang luha sa magkabilaang pisngi ko.







I wasn't just jumping to conclusions. When I saw the evidence, I knew my boyfriend's cheating me with my bestfriend, kahit sinasampal na ako ng katotohanan gusto ko parin ng sagot, gusto ko marinig sakanilang dalawa, pero gusto kong sabihin nila parehas na hindi ito totoo.







I wasn't ready for this cheating issues, and for the baby I was carrying right now, but I did not regret having this new life on my womb.







Why would it has to be the persons who has been with me for the very long time! I have loved both of them dearly.







"Bakit naman ikaw ang dapat buntis? Saka teka nga! Bakit ba ang tahimik mo d'yan, Vien!" Nagtatakang sigaw ni Sandy at salit salit ang tingin saamin ni Jessy na nakatayo lang sa harapan namin.






Hindi ko pinapakitang nasasaktan ako o ano habang si Jessy naman ay may bahid ng lungkot ang expression ng mukha nito.






"H'wag mo nalang sabihin kay Pierre na buntis ako. He doesn't deserve to know, anyway." Pilit kong pinapatatag ang boses ko ng sabihin ko iyon. Hindi ko din gustong ipagsiksikan pa kami ng anak ko sa lalaking iyon, he already cut any of his rights to be the father of my child.







"Nagloloko ba si Pierre at ikaw ang babae n'ya?" Nakataas na ang kilay ni Sandy at nakapamewang sa harapan ni Jessy, tumaas naman ang kilay ni kaharap.







"Ano naman, Sandy. It's none of your concern," ani ni Jessy at binalingan ang t'yan ko.





"I will be a good stepmother of your child, Vien."





"You don't have to Jess. Hindi n'yo na rin naman makikita ang anak ko." sabi ko kahit nanggigigil ako sa sinasabi n'ya. Hindi ko babahiran ng dumi ang mga palad ko sa pamamagitan ng pananakit sakanya.






"Nakakainit ng dugo pinagsasasabi mo, Jessy. Parang hindi na kita kilala." Seryosong sinabi ni Sindy, at mabuti nalang ay hindi sumusugod.




"He wasn't happy with you anymore, Vien, the very reason why he choose me." Kinuha nito ang cellphone sa purse at may pinakitang picture nila ni Pierre.






She's kissing his left cheek, ang sofa na inuupuan nila ay nasa penthouse ni Pierre, mayroon ding lampshade sa gilid nito.







Kinagat ko ang labi ko dahil nagpipigil ako ng galit. Sa loob ng tatlong taong relasyon namin ni Pierre ay hindi ko naman naramdaman nagsasawa na s'ya, but maybe because of our hectic schedules we wasn't able to spend time for each other. Or it's maybe because of the issues of our fathers.







"I can't believe you did this to your bestie, Jess. Umalis ka na dito." seryosong sinabi ni Sandy, hinawakan ko ito sa balikat upang pigilan sa kung ano mang pwede n'yang gawin kahit alam ko namang mababa ang chance na masaktan n'ya si Jessy.






Walanghiya talaga s'ya, talagang ipinasuot pa n'ya kay Jessy ang first ever gift ko sakanya nu'ong mag first anniversary kami no'ong fourth year college kami, parehas pa naming gusto ang kulay black na kulay naman ng polo.







Kung may utak lang ang polo at nakakapagsalita ay saksi siguro ito kung gaano ni Pierre kagusto ang polo na iyon, he even wore it when we celebrated our second year anniversary. Iyon din ang suot n'ya ng makuha ang first paycheck n'ya sa work.







Sinubukan kong patatagin ang sarili ko dahil walang mangyayari saakin at sa baby ko kung panghihinaan ko. Hindi ko alam kung ilang buntong hininga ang ginawa ko bago magdesisyong bigyan ng closure ang pagitan namin sa isa't isa.






Nagtungo ako sa room ko habang paunti unting naglalandas ang mga luha sa pisngi ko pero mabilis ko lamang ang mga iyon pinalis.







Nararamdaman kong sinusundan ako ni Sindy, pero hindi ko s'ya pinapansin.






"Vien, I'm sorry for what happened." mapait akong ngumiti sakanya.







"Aalis lang ako, Dy." Kumuha ako ng ibang pang palis ng lamig sa cabinet. Hindi ko na pinalitan ang white skirt kong above the knee, fitted shirt naman ang dami ko pang itaas at ipinatong ko ang cardigan, open toes sandals naman ang pang paa.






"Saan? Samahan na kita, ako na magd-drive."





"Alam kong on duty ka na within three minutes. Ako nalang mag-isa."





"Magpapacheck-up ka ba?" Hindi kona sinagot si Sindy na halos isigaw na pangalan ko sa katatawag saakin. Nagmadali akong lumabas patungo sa elevator at tinungo ang parking lot.







I was on my way to Pierre's penthouse, alam kong ngayong oras ay wala na s'ya sa trabaho.
pinipilit kong patatagin ang loob ko mula sa sakit na kinikimkim ko kanina ng malaman ko ang lahat.





Binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse sa sobrang galit ko pero mabilis ko paring kinalma ang sarili ko dahil sa batang dala ko. Maybe because speeding the meter did not bothered me because I was driving on a free way and the traffic isn't much.



I checked the rear mirror, there was only a black car behind. Nagulat ako sa malakas at tuloy tuloy nitong pagbusina, hindi ko itinigil ang kotse.






Ano kayang binubusina nito 'e, hindi naman traffic at isa pa maluwag ang daanan. Siguro ay kung sino lang na walang magawa. Binilisan ko ang pagpapaaandar dahil sa sobrang galit ko sa lakas ng busina nito, pero humahabol parin.





Nakahabol ang kotse sa gilid ko at paunti unting binabangga ang gilid ng kotse ko papunta sa side road. Inararo nito ang kotse ko at tuluyan ng gumilid ang sasakyan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top