Capitulo Veintiuno
Capitulo Veintiuno
NAKATUON ang atensyon ko kay Seraphim na abalang kumakain ng bibingka na binili ko kanina sa pamilihan. Mukhang nagustuhan niya ang pagkain dahil tila ba'y may sarili na siyang mundo ngayon.
"Da best itong bibingkang binili mo, Manuel. Ang sarap!" Sumubo ulit si Seraphim. Hindi ko napigilan ang aking sarili na sumalumbaba dahil labis akong natutuwa sa aking nakikita. "Malasang-malasa at halatang hindi tinipid sa rekados. Worth it ang pagbili mo. Hindi tulad kay Aling Lumeng. Nakow! Tinipid na nga ang sangkap, ang liit pa ng bawat hiwang binebenta. Itong ganito kalaking bibingka." Tinuro niya ang isang subong hiwa ng bibingka. "Sampung piso na ito sa kanya. Partida, ang tabang pa. Ang mahal ng benta pero hindi naman masarap." Lumingon siya sa akin at nawala ang ngiti sa mga labi. "Alam mo bang tinataboy mo ang biyaya ni Lord dahil sa pagsalumbaba mo. Umayos ka nga ng upo."
Kaagad kong sinunod ang utos ni Seraphim. Kahit papaano ay naiintindihan ko na ang ibang salitang binibigkas niya. Sa araw-araw pa naman niyang binibigkas ang mga salitang iyon, imposible pang hindi ko siya maintidihan.
"Bakit hindi ka kumakain ng bibingka?"
"Naisip ko kasing baka kulang pa sa iyo iyan kaya hindi na ako kumain."
Nanlaki ang mga mata ni Seraphim. "Sinasabi mo bang matakaw ako at kaya kong ubusin ang isang bilao niyan?"
Kumibit balikat ako. "Ikaw ang nagsabi no'n. Hindi ako."
Malakas akong pinalo ni Seraphim sa balikat. "Ang sama mo. Hindi ko kayang ubusin 'yan!"
"Biro lamang." Marahan akong tumawa bago ako kumuha ng isang hiwa ng bibingka. Gaya ng sabi ni Seraphim ay napakasarap ng bibingka. Sayang nga lamang dahil hindi niya matitikman ang bibingkang gawa ng aking kapatid. Primera clase ang mga luto ni Ate Victoria. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking mga labi sabay ng pagdaloy ng kalungkutan sa aking sistema.
"Hoy! Ang lungkot mo naman kaagad. Parang ikaw itong inasar. Dapat ako 'yong nalungkot."
Napilitan akong ngumiti at binigyan ko siya ng isang hiwa ng bibingka. "Ubusin mo iyan. Binili ko talaga ito para sa iyo dahil gusto kong ipatikim sa iyo ang isa sa pinagmamalaking pagkain dito sa San Pablo."
"Naks naman. Kahit binobola mo pa ako ay thank you pa rin." Hindi na ako tumugon pa at patuloy ko lang siyang pinagmamasdan. Naging abala na naman siya sa pagsubo ng pagkain. "Napag-usapan naman na natin ang tungkol sa bibingka ni Aling Lumeng, may ikukwento ako sa iyo. 'Di ba matabang ang lasa no'n? Isang araw bumili ako ng bibingka niya kasi tinatamad akong magluto ng almusal at mahuhuli na ako sa klase. Noong naglalakad na ako papunta sa UST ay may nadaanan akong mga batang pulubi. Nanghihingi sila ng limos."
"Tapos anong ginawa mo?" Taimtim ko siyang pinagmamasdan kahit pa napupunta sa dumikit na malagkit na kanin sa gilid ng kanyang labi ang aking atensyon. Nais kong ako ang magtanggal ng duming iyon.
"Una hindi ko sila pinapansin kasi wala naman akong pera nang mga oras na iyon. Pamasahe lang ang mayroon ako at ang bibingka ni Aling Lumeng. Pero makulit talaga sila at naaawa ako kasi naranasan ko rin 'yong ganoong sitwasyon. Kaya ang ginawa ko ay binigay ko sa kanila 'yong almusal ko. Naisip ko kasing baka wala pa silang kain kaya mas mainam na pagkain na lang ang ibigay sa kanila."
Mabait na dilag.
"Nagpasalamat naman kaagad sila sa akin at kinain kaagad nila ang bibingka. Nakangiti ako habang pinapanood silang kumain habang ako ay gutom naman." Mahinang tumawa si Seraphim.
Hindi ko napigilang ngumiti. Napakasarap pakinggan ang kanyang mga tawa na tila musika sa aking mga tenga.
"Pero alam mo kung anong ginawa nila?"
"Ano?"
"Lokong mga bata, binato sa akin ang bibingka dahil hindi raw masarap. Gigil na gigil ako sa kanila at pinipigilan ko lang sila batukan dahil mga bata sila. Ang pangit naman kung papatol ako sa mga bata."
"Anong ginawa mo pagkatapos ng insidenteng iyon?"
"Umalis na lang ako. Kahit masama ang loob ko sa kanila ay sinama ko na lang sila sa dasal ko noong araw na iyon. Kasi at the end of the day ay nararanasan pa rin nila sa murang edad ang kalupitan ng mundo."
Tunay na napakabait na binibini. Kusa kong tinanggal ang dumi sa gilid ng labi ni Seraphim na ikinatigil niya. "Isa kang mabuting tao, Seraphim. Natitiyak kong pagpapalain ka ng Poong Maykapal."
"Hindi pa ba pagpapala ang napunta ako rito sa panahon mo at nakaranas ako kahit papaano ng kaginhawaan kahit pa hindi ito permanente?"
"Natitiyak kong may mas malaking pang biyayang ibibigay Siya sa iyo." Sumubo ako ng pagkain. Sana nga hindi lang itong pansamantalang nararanasan ni Seraphim ang biyayang binigay sa kanya. Sana'y maranasan niya ang tunay na kaginhawaan ng buhay. Naisin ko man na kung maaari ay buhay na natatamasa rito ni Seraphim ay permante na. Pero alam kong hindi naman maaaring mangyari iyon dahil hindi naman talaga siya galing dito. Nagmula siya sa hinaharap. Bumuntong hininga ako. Habang nandito pa si Seraphim ay lulubos-lubusin ko na kasama siya. "Seraphim."
"Hmn?"
"Nais mo bang mapuntahan ang mga magagandang tanawin dito sa San Pablo?"
Nagningning ang mga mata ni Seraphim na tila ba'y nakarinig siya ng isang balita. "Pwede ba?"
"Oo naman. Sasamahan kitang puntahan ang mga lugar dito sa San Pablo na natitiyak kong ikatutuwa mong makita."
"Ibig sabihin ay hahayaan mo na akong makita ng ibang tao rito sa San Pablo?"
Bigla akong nakadama ng konsensya. Natakot akong makita si Seraphim ng ibang tao kaya sinabi kong bawal siyang lumabas ng bahay wala kong pahintulot. Dapat ay hinayaan ko siyang maglibot dito. Matamnam ko siyang pinagmasdan. "Oo, Seraphim."
"Wow! Hindi na ako mababagot! Salamat, Manuel." Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi at mabilis akong nahawa sa kanya. "So, ano ang una nating pupuntahan dito sa San Pablo?"
"Ikaw ay aking susurpresahin. Mamayang alas cuatro tayo pupunta roon." Kinuha ko na ang platitong kinain ni Seraphim. Natitiyak akong magugustuhan ni Seraphim ang lugar na pupuntahan namin ngayon. Isa ang lugar na iyon sa nagpapakalma sa akin sa tuwing ako ay problemado sa hacienda. "Ang iyong dapat gawin ngayon ay magpahinga at maghanda sa ating pag-alis mamaya. Ako na ang bahala rito."
"Sige, maghahanda na ako." Nagmadaling tumayo si Seraphim at lumabas ng kusina.
Nakakatuwang dilag. Sinimulan ko na ligpitin ang pinagkainan namin para malinis na ito bago ako maghugas ng platito. Kahit na ako'y isang binata, sanay naman ako ng mga gawaing bahay dahil ako na lamang ang nakatira mag-isa rito bago pa dumating si Seraphim.
"Manuel!"
Kaagad akong humarap sa direksyon ng pinanggalingan ng boses. Labis kong ikinagulat nang salubungin ako ni Seraphim ng isang yakap. "S-Seraphim..."
"Maraming salamat sa lahat, Manuel."
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa aking mga labi at gumanti na ako ng yakap sa kanya. Wala na. Hindi ko na maitatanggi pa.
Tuluyan na akong nahulog sa binibining nakakulong sa aking mga bisig.Capitulo Veinte-Uno

Tuluyan na akong nahulog sa binibining nakakulong sa aking mga bisig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top