Capitulo Veintitrés
Capitulo 23
"SERAPHIM?"
Tulala lang ako sa kawalan. Hindi ako nagsasalita kahit pa ilang beses na akong niyugyog ni Manuel.
"Seraphim, anong nangyayari sa iyo?" bakas sa boses ni Manuel ang labis na pag-aalala.
Dahan-dahan kong hinawakan ang aking mga labi bago ibaling ang atensyon kay Manuel. Hinayaan kong nakawin ng lalaking ito ang first kiss ko! Tumili ako. Kaagad na tinakpan ni Manuel ang bibig ko na naging dahilan kung bakit nawalan ako ng balance kaya pareho kaming natumba. Naitungkod niya ang kanyang braso kaya hindi siya nasubsob sa akin. Pero hindi rin nakatulong iyon dahil ang lapit pa rin ng mukha niya sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong titigan ang kanyang mukha. Bakit ba kasi ang gwapo ng lalaking ito?
Iba't ibang emosyon ang nakikita kong dumadaan sa mga mata ni Manuel. Nahihirapan akong alamin kung ano bang nasa isipan niya ngayon. "Binibini, ako'y humihingi ng paumanhin sa aking ginawa at gagawin." Sa ikalawang pagkakataon, muli niya akong hinalikan sa labi. Heto naman ako, hinayaan lang siya sa ginagawa niya ngayon.
Marupok ka gurl!
Unti-unting lumayo ang mukha ni Manuel sa akin at masuyo niyang hinaplos ang mukha ko. "Ano bang mayroon sa iyo, Seraphim? Labis ang pagkabighani ko sa iyo?"
Hinaplos ko rin ang kanyang muk. "Anong mayroon din sa iyo at nagagawa mong guluhin ang sistema ko ngayon?"
"Hindi ko alam. Tila ba'y pareho lamang tayong nabighani ang isa't isa." Inalalayan niya akong makaupo. Muli na naman niyang hinaplos ang mukha ko.
"Mamaya, in love ka na sa akin kaya ka nahuhumaling sa akin." Biglang dumulas sa bibig ko ang mga katagang iyon.
Kumunot noo si Manuel. "In lab?"
Napakagat labi ako. "Umiibig ka na sa akin."
"Umiibig?" Umiwas ng tingin si Manuel at lumayo siya sa akin. Para siyang napaso sa pagkakahawak sa akin. "Napakaimposible ng bagay na iyon."
Umiwas din ako ng tingin. Parang piniga ang puso ko dahil sa kanyang mga sinabi. Bakit ko pa kasi tinanong iyon? Nasasaktan tuloy ako ng walang dahilan. "Sa tingin ko kailangan na nating bumalik sa inyo."
"Sa tingin ko rin."
Hindi ko na hinintay na alalayan pa ako ni Manuel na makatayo at iniwan siya ng walang paalam. Napasapo ako sa aking dibdib. Sobra akong nasasaktan ngayon. Imposible naman kasing ma-in love sa akin si Manuel. I'm not a special girl for him. Palagi nga siyang naha-highblood sa akin. Ayaw niya sa katulad kong sobrang kalog, magaslaw at madaldal. Huminga ako ng malalim.
What kind of feelings is this? Bakit ako nasasaktan?
"Seraphim! Hintayin mo ako!"
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad na hindi man lang tinitingnan ang dinadaanan ko. Masyado nang malayo ang nilalakaran ko at hindi ko alam kung nasaang lupalop na ako ng San Pablo. Masyadong okupado ng nararamdaman ko ngayon ang isipan ko. Ni hindi ko napansin na mahuhulog na pala ako sa isang bangin na ikinatili ko. Nahawakan kaagad ni Manuel ang kamay ko bago ako tuluyang dumausdos pababa. Nabaling ang tingin ko sa baba. Ang taas! "M-Manuel..."
"Huwag mong bibitawan ang aking kamay." Pinipilit niya akong hilahin pataas.
Muli akong tumingin sa baba. Mariin akong pumikit dahil lumuluwag na ang pagkakahawak ko sa kanya. "Mamamatay na yata ako." Pagak akong tumawa. Kung kailan nagda-drama ang puso ko saka pa ako mamamatay. Wrong timing naman!
"Huwag mo ngang sabihin iyan! Sa akin ka lamang tumingin." Sinunod ko ang sinabi niya. Binaling ko ang tingin ko kay Manuel. Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Dahan-dahan niya akong hinila pataas hanggang sa tuluyan na niya akong nailayo sa bangin. "Bakit ka ba hindi ka tumitingin sa iyong dinadaanan?" pasigaw niyang tanong sa akin. "Tingnan mo iyan? Nalagay ang iyong buhay sa panganib. Paano na lamang kung hindi ako nakasunod sa iyo kaagad? Malamang ay wala ka na sa mundong ito!"
Yumuko ako at napakagat-labi ako. Hindi ko na napigilang umiyak. Kasalanan ko naman kasi kung bakit hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko pero sana naman ay huwag niya akong sigawan. Kagagaling ko lang sa isang sitwasyon na muntik ko na ikamatay. Na nag-fifty-fifty ang buhay ko ng wala sa oras.
"Ngayon ay iiyak-iyak ka?"
"Sorry." Wala akong narinig na komento mula kay Manuel kaya dahan-dahan akong umangat ng tingin.
Napailing na lang siya at hinila ako para yakapin. "Tumahan ka na." Tinapik niya ang likod ko.
"Akala ko mamamatay na ako."
"Hindi iyon maaaring mangyari, Seraphim."
Hindi na ako nagsalita at gumanti na lang ako ng yakap sa kanya, Hindi na rin ako umiiyak dahil naramdaman ko na safe ako kay Manuel. Siya ang nagligtas sa buhay ko. Kung hindi niya pala ako sinundan, malamang patay na talaga ako.
"Wala bang masakit sa iyo?"
Umiling ako. Nawala ng parang bula ang sakit na nararamdaman ko dahil sa kanya. "Salamat, Manuel."
"Umuwi na tayo para makapagpahinga ka na." Tumango na lang ako at hinayaan si Manuel na alalayan ako sa paglalakad. Basta sa oras na ito, sa kanya lang ako magtitiwala ngayon.
Walang nagsasalita sa aming dalawa hanggang sa makasakay kami ng kalesa. Tahimik lang akong nakatingin sa labas at ganoon din si Manuel. Mayamaya ay naramdaman kong hinawakan ni Manuel ang kamay ko kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.
"Huwag mo na uulitin iyon, Seraphim."
"Manuel..."
"Labis ang aking pag-aalala nang makita kang dumausdos sa gilid ng bangin. Hindi ko alam ang aking gagawin kung hindi kita kaagad nahawakan ng mga oras na iyon." Humarap si Manuel sa akin. "Kaya huwag mo na ulit iyon gagawin. Ipangako mo iyon sa akin."
Matamnam ko siyang tinitigan. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pinaghalong takot at pag-aalala. "Pangako, Manuel."
"Salamat." Huminga si Manuel ng malalim bago umayos ng upo. Binaling niya ulit ang tingin sa labas. Nang babawiin ko na ang aking kamay ay mas humigpit pa ang pagkakahawak niya rito. Na para bang takot siya na mawala ako sa tabi niya.
Nang makarating na kami sa bahay ni Manuel ay kaagad niya akong hinatid sa kwartong ginagamit ko. Kahit papaano mukhang gumaan na ang pakiramdam niya.
"Magpahinga ka na. Alam kong labis kang napagod sa araw na ito."
"Ikaw rin." Nang isasara ko na ang pintuaan ay kaagad na hinarang ni Manuel ang kanyang sarili. "Bakit?"
"Kung may masakit sa iyo sabihan mo kaagad ako."
Matipid akong ngumiti. Kung may masakit man sa akin, hindi iyon pisikal na sakit kundi emosyonal. "Opo. Huwag kang mag-alala. Walang masakit sa katawan ko."
"Nais ko lamang makasigurado."
Tumango na lang ako. Sobra talaga ang pag-aalala niya sa akin ngayon. Tinitigan ko si Manuel dahil hindi pa rin siya umalis sa daanan. "Uhm, Manuel."
Tumikhim siya. "Ako'y aalis na. Nasa silid lamang ako kung sakaling sumama ang iyong pakiramdam." Masuyo niyang hinaplos ang aking pisngi. "Magpahinga ka na." Tinitigan pa niya ako ng ilang minuto bago lumabas ng kwarto.
Sinundan ko lang siya ng tingin. Nang makita ko siyang pumasok ng kwarto niya, saka ko lang sinara ang pintuan ng kwarto ko. Hindi ko napigilan ang sarili na ngumiti. Masaya ako dahil nalaman kong may pakialam pala sa akin si Manuel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top