Capitulo Veintisiete
Capitulo 27
NAKATINGIN lang ako sa pari na parang naiintindihan ko ang sinasabi nito. Dios mio naman! Spanish ang wikang ginagamit ni Father. Malay ko ba sa Spanish Language. Tuwang-tuwa pa ako dahil simbang gabi na. Gusto ko kompletuhin ang siyam na simbang gabi para matupad ang wish ko. Kaso paano ko naman maisasapuso ang pagsisimba at paggising ng sobrang aga kung hindi ko naman maintindihan ang sinasabi ng pari?
Nilingon ko si Tandang Manuel. Sobrang nakatuon ang atensyon sa homily ni Father. Minsan tumatango pa siya na parang agree sa sinasabi ni Father. Okay! Siya na nakakaintindi ng Spanish. Ni hindi man lang tina-translate ng very, very light ang sinasabi ng pari para naman maka-relate ako. Kapag ang matandang ito nagawi sa panahon ko at nagkataong English Language ang sinasabi ng pari na nagmimisa, hindi ko rin ita-translate ang sinasabi ng pari para maranasan niya ang feeling ng napu-frustrate dahil hindi naiintindihan ang sinasabi ng nagmimisa. Gantihan lang! Akala niya ah!
Palihim akong napa-peace sign. Baka magalit si Lord sa akin dahil sa masama kong iniisip. Sorry po, Lord.
Nang nagsiupo na sila, umupo na rin ako. Gusto kong humikab pero hindi ko magawa. Ayaw ko namang ma-offend si Father kapag nakita ako nito na humihikab. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang pamaypay. Grabe! Inaantok talaga ako.
"Seraphim, umayos ka ng upo. Nakatingin sa gawi natin si Padre Argoncillo," bulong sa akin ni Manuel.
Umayos kaagad ako ng upo. Nabaling ang tingin ko sa kamay ko nang hawakan ito ni Manuel. Sinubukan kong bawiin ito kaso lalo niyang hinigpit ang pagkakawak nito. "Manuel, ang kamay ko." Hindi niya ako pinansin at nakatuon na ulit sa pari ang atensyon niya.
Pinagmasdan ko ang magka-holding hands naming kamay. Masasabi kong mas bagay na kaming dalawa ang magka-holding hands kaysa naman sila ni señorita Realonzo ang magkahawak-kamay. Binaling ko na sa pari ang tingin ko at hinayaan ang sarili ko na i-enjoy ang moment na ito. Naku! Ang landi lang, Seraphim! Nasa loob ka ng simbahan, oh!
"Anong sabi niya?" bulong ko kay Manuel.
"Huwag daw magpadala sa tukso na nasa paligid natin."
Naku! Paano ba 'yan? Nagpadala na ako sa tukso. Malaki kasing tukso itong matandang ginoo na nasa tabi ko at patuloy na hinahawakan ang kamay ko. Ang rupok lang, Seraphim!
"Isang malaking sagabal sa ating buhay ang mga tuksong ito."
Naku! Hindi po sagabal sa buhay ko si Tandang Manuel. Tumango na lang ako. Nawawala na sa pari ang atensyon ko. Well, wala naman kasi talaga rito ang attention ko kundi sa kamay namin ni Tandang Manuel. Natapos ang buong misa na wala akong masyadong naintindihan kahit na tr-in-anslate pa iyon ni Manuel.
"Señor Saenz!"
Biglang binitawan ni Manuel ang kamay ko at nilingon ang tumawag sa kanya. Napasimangot ako nang makita ko si señorita Realonzo na papalapit sa amin. Wala ba itong kasama kaya guguluhin nito ang sweet moment ko kay Tandang Manuel? Ito namang matandang ito, nakita lang si señorita Realonzo, nakalimutan na ako. Parang may malakas na virus ako sa way ng pagbitaw niya sa kamay ko.
"Señorita, hindi ko inaasahan na ika'y dadalo ng misa."
Palihim kong inirapan ang señorita sabay lakad palayo sa kanila. Makakalimutan na naman ulit ni Tandang Manuel na may kasama siya dahil kasama na niya ang gusto niyang babae. Sarap dukutin ang mata para hindi na niya makita si señorita Realonzo. Kagigil!
"Nais kong maranasan ang huling simbang gabi ko rito sa ating bayan. Hindi ba't naikuwento ko na sa iyo na sa España na ako mamamalagi?"
"Tama. Huwag ka na bumalik dito. Epal ka lang sa buhay namin," bulong ko. Naiinis talaga ako sa babaeng ito.
"Ano ang iyong sinabi, señorita?"
Nilingon ko si señorita Realonzo at ngumiti ako ng abot tenga na sobrang plastic. Sa sobrang plastic ng ngiti dadaigin ko pa ang plastic na prends ng kung sino man. "Ang sabi ko huwag na lang kaya ako bumalik."
"Bumalik saan?"
"Sa outer space."
Gumuhit ang pagkalito sa mukha ni señorita Realonzo at napailing naman si Tandang Manuel. "Awter ispeys?"
"Sa planet Mars ba. Kung saan nakatira sina E.T, Kokey at napagwapong oppa na si Matteo Do."
Gumuhit ang ngiti sa labi ng señorita. "Naaalala ko sa iyo si Ate Keira."
"Eh 'di wow."
Marahan itong tumawa bago binaling ang tingin kay Tandang Manuel. "Nakagigiliw ang iyong novia. Ika'y maswerte dahil nakilala mo siya."
Maswerte siya kaso bulag eh. Ikaw nakikita ang niya imbes na ako.
Mahinang tinapik ni señorita Realonzo ang aking balikat. "Bueno, ako'y aalis na. Pupuntahan ko pa ang puntod ni Florentino."
"Ngunit maaga pa, señorita Realonzo, upang siya'y dalawin. Hindi ba maaaring sa hapon ka na lamang dumalaw sa kanya?" bakas sa boses ni Manuel ang pag-aalala para sa señorita.
"Nais ko siyang dalawin tuwing matatapos ang simbang gabi. Sinusulit ko ang mga araw na siya'y aking madadalaw pa. Wala kang dapat ipag-alala, señor Saenz. Tiyak akong binabantayan ako ni Florentino. Ako'y mauuna na." Kumaway ito sa amin bago maglakad palayo sa amin.
"Sino si Florentino?" Hindi ko napigilang itanong kay Manuel. Para kasing important person iyon kay señorita Realonzo.
"Novio niyang namayapa na, limang taon na ang nakalipas." Bumuntong hininga si Manuel. "Hindi siya ganyan kalungkot kung hindi namatay si señor de Guzman. Kung hindi lang naging biktima ito ni Kuya Matias sa labis na kabaliwan sa pag-ibig, malamang ay sila'y kasal na't may mga supling na rin."
Hindi na ako nagsalita pa. Kita ko na affected si Manuel sa sobrang lungkot ni señorita Realonzo. Malamang mahal niya ito at ayaw naman niya na makitang malungkot ang babaeng minamahal. Pansin ko nga'ng sobrang lungkot ng mga mata ng señorita pero hindi pa rin mawawala ang fact na naiinis ako rito.
"Hindi rin sana aalis ng Filipinas ang señorita at siya'y labis na masaya." Kitang-kita ko ang labis na pagkalungkot niya. Naglakad na papalayo sa akin si Manuel.
Ako naman ay parang napako sa kinatatayuan ko. "Talagang mahal mo siya," bulong ko at hindi ko napansin ang pagtakas ng luha sa mga mata ko dahil sa labis na sakit na nararamdaman ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top