Capitulo Veintiséis
Capitulo Veintiséis
NANANAHIMIK lang ako habang naglalakad kami nina Manuel at Anastasia. Hindi ako sumasali sa usapan nila dahil hindi rin naman ako maka-relate sa kanila at mukhang nawala rin sa isip ni Manuel na may isa pa silang kasama. Inasikaso niya kanina ang mga dokumento Inasikaso nila kanina ang mga dokumento ng paglilipat ng pagmamay-ari ng titulo ng Hacienda Irabon. Ngayon ay pinag-uusapan nila ang mga kondisyones ni señorita Realonzo tungkol sa hacienda. Heto naman ako, parang aso na nakasunod lang sa kanila. Na pinapanood si Manuel na sobrang sweet sa señorita habang patuloy na nababasag ang sawi kong puso. Partida, pinong-pino na ang ang pagkabasag ng puso.
Lintek talaga ang lalaking ito! Dakilang pa-fall ang ninuno ng mga masusungit at paasa.
Huminga ako ng malalim at huminto sa paglalakad. Pinagmasdan ko lang sila na papalayo sa akin. Hindi naman ako tanga. Obvious naman na may gusto si Tandang Manuel kay señorita Realonzo kahit pa ilang beses niyang i-deny iyon. Na patuloy lang niyang mamahalin ang señorita na nalalapit na ang pag-alis dito. Bakit kasi na-in love pa si Manuel kay señorita Realonzo? Pwede namang sa akin na lang. Willing akong mag-stay sa tabi niya kahit pa magkaroon na ng way para makabalik ako sa panahon ko.
"Ang tanga mo rin naman kasing ma-in love, Seraphim." Tinalikuran ko na sila at naglakad na sa direksyon pabalik sa bahay ng tita ni señorita Realonzo. Hindi ko na sila hihintayin doon. Babalik na ako sa bahay ni Tandang Manuel. At least doon pwede ako umiyak dahil kanina ko pa gustong tumangis. Lintek talaga ang tandang na 'yon. Siya ang dahilan kung bakit nagiging iyakin ako ngayon. Hindi naman ako ganito.
Bumuntong hininga ako. Hindi naman siguro mapapansin ni Tandang Manuel na wala na ako sa likuran nila. Muli akong bumuntong hininga bago nagpatuloy sa paglalakad. Nagmumuni-muni na lang ako habang naglalakad. Nadaanan ko na rin ang bahay ni Señorita Anastasia kaya sure akong pabalik na ako sa bahay ni Tandang Manuel. Huminto ako sa paglalakad nang may makita akong color pink na stargazer lily. Kaagad ko itong nilapitan.
"Ang ganda mo naman." Hinaplos ko ang bulaklak bago pumitas ng tatlong piraso. Tatlong bulaklak para 'brokenhearted ka gurl' ang meaning. Charot. Wala naman sigurong magagalit dahil pinitas ko ito. Mukhang wild flower naman. Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang pinagmamasdan ko ang bulaklak. Slowmo pa nga ang paglalakad ko dahil hindi naman ako nagmamadali at saka hindi naman ako hahanapin ni Tandang—
"Seraphim!"
"Luh! May tumawag ba sa akin?" Kumibit balikat ako at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Seraphim, huminto ka sa iyong paglalakad!"
Huminto ako sa paglalakad at dahan-dahang nilingon ang taong tumatawag sa akin. Nakita ko kaagad si Manuel na tumatakbo papunta sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang sobrang pag-aalala. Hindi ko alam kung bakit nag-aalala si Tandang Manuel. Nabaling ang tingin ko sa hawak kong bulaklak. Hala! Baka may nagmamay-ari sa stargazer lily na ito at magagalit iyon dahil pinitas ko ito! Nalintikan na.
Hinihingal na huminto sa harapan ko si Manuel. "Mabuti na lang at huminto ka sa―" Huminga siya ng malalim. "―p-paglalakad."
"Bumalik ka na kay señorita Realonzo. Pauwi naman na ako sa bahay mo."
"Uuwi ka na hindi mo ako kasama?"
"Oo. Bakit?" Tumikhim ako. "Masama bang umuwi ng mag-isa?" Ayoko naman maging sagabal sa pagmo-moment mo kay señorita Realonzo.
"Ayos lamang na mag-isa kang umuwi sa bahay kung kabisado mo ang daan."
"Tama naman ang daan na dinadaanan ko ah."
"Hindi, binibini. Ika'y papunta na sa kagubatan." Bumuntong hininga si Manuel. "Bakit mo naman nais umuwi, Seraphim. Akala ko ba'y nais mong makalabas-labas?"
Kasi ayaw ko nga'ng lalo akong masaktan habang nakikita ka na masaya sa ibang babae. Tumikhim ako. "Biglang sumakit ang puso—este ulo ko." Umiwas ako ng tingin. "Sakit ninyo kasi sa mata eh," halos pabulong kong sabi.
"Ano?"
"Wala." Ngumiti ako ng abot langit. Just to hide this freaking feeling! "Stargazer lily, gusto mo?" Pinakita ko ang bulaklak na pinitas ko. Pinagmasdan ako ni Manuel bago umiling. Napapalatak ako. Pati sa bulaklak na pinitas ko, ayaw rin ng matandang ito. Nakakainis na niya!
"Sabi mo masakit ang iyong ulo?" Tumango ako kahit hindi naman talaga masakit ang ulo ko. Hinawi ni Manuel ang buhok sa mukha ko. "Tayo'y umuwi na," masuyong sabi niya.
Walanghiya! 'Yang ganyang tono ng boses ang boses ng mga dakilang pa-fall! Isama pa ang paghawi ng buhok ko. Kuuuu! Ninuno ng mga pa-fall talaga ang lalaking ire!
"Halika na." Nang hahawakan ni Manuel ang kamay ko ay kaagad akong lumayo sa kanya. Nang tangka niya ulit na hawakan ang kamay ko'y muli akong lumayo sa kanya. "May problema ba, Seraphim?" Nakakunot-noong tanong niya.
"Wala."
"Bakit ka lumalayo sa akin?"
"Hindi mo naman kailangan na hawakan ang kamay ko, Manuel."
"Nais lang naman kitang alalayan upang kung sakaling ikaw ay mawalan ng balanse ay hindi ka matutumba sa lupa. Nag-aalala lamang ako sa iyo." Lumayo ako sa kanya nang muli niyang hahawakan ang aking kamay. "Ano bang nangyayari sa iyo, Seraphim?"
"Balikan mo na si senorita Realonzo. Kaya ko naman umuwi mag-isa basta sabihin mo lang sa akin ang daan pabalik sa bahay mo o hindi kaya ay hayaan mo na lang ako. Malay mo, makakita ako ng paraan para makabalik sa amin. Iyon naman ang gusto mo, Manuel, hindi ba?" Seryoso niya akong pinagmasdan. Tingin na kahit sino ay mai-intimidate. "Totoo naman, hindi ba?"
Walang naging tugon si Manuel at sa isang iglap ay karga-karga na niya ako.
"Hoy, Manuel! Ibaba mo ako! Ma-issue pa tayo. Kung ano pa ang sabihin sa atin kapag nakita nila tayo."
"Ika'y tumahimik muna! Masama na nga ang iyong pakiramdam, ang iisipin pa ng ibang tao ang iyong prinoblema." Nagsimula na siyang maglakad at kahit anong piglas ko'y hindi niya pa rin ako binababa.
Nakasimangot lang ako. Iba rin talaga ang galawan ni Tandang Manuel. Talagang pa-fall! Nagawi ang tingin ko sa mukha ni Manuel. Bakit kaya kahit saang anggulo ang gwapo pa rin ng matandang ito? Hindi pa naman uso ag skin care sa panahong ito pero ang kinis ng mukha niya. Halatang may dugong Espanyol kasi may feature siya ng pagiging Spanish. Kainis naman ang lalaking ito. Gusto ko sabihing pangit si Manuel dahil dakilang pa-fall siya kaso hindi pwede eh! Hindi 'to fair!
"Tigilan mo ang pagtitig sa akin, binibini. Baka mamaya ay ako'y matunaw sa labis mong pagtitig."
Umiwas ako ng tingin. "Assuming ka. Hindi kaya kita tinititigan. Delulu lang."
"Hindi ako tinititigan ngunit ilang beses kitang nahuli na tinititigan ako. Ikaw ba'y nakikisigan sa akin?"
"Hah! Asa ka! Hindi ka gwapo 'no. Masyado kang delulu."
"Hindi ko alam ang kahulugan ng delulu pero sa tingin ko'y hindi ako ganoong klaseng tao at hindi ako sumasang-ayon sa iyong sinambit. Base sa iyong pagtitig sa akin, ika'y nakikisigan sa akin."
"Luh bih, mas gwapo pa sa iyo si Cha Eun Woo, Lee Min Ho at Ji Chang Wook."
"At sino naman ang mga indio na ito?"
"Hala, indio kaagad? Bawal manghusga. Bad 'yan."
"Aba malay ko ba kung sino ang mga taong ito." Huminto sa paglalakad si Manuel at sinalubong niya ang tingin ko. "Bibigyan kita ng payo, Seraphim."
"At ano naman iyon aber?"
"Kung sakaling sila'y tunay na makikisig, huwag kang mahumaling sa kanilang kakisigan. Ika'y masasaktan lamang dahil hindi sila ang tao para sa iyo."
Gusto kong matawa sa sinabi ni Manuel. Kung alam lang niya na nahumaling ako sa kakisigan niya kaya lalo akong nahulog sa kanya. "'Yon lang?"
"Seryoso ako sa aking sinabi."
"Ok. Pwede mo na siguro akong ibaba, 'no?"
"Hindi pa rin." Nagpatuloy na si Manuel sa paglalakad.
Napasimangot ako. Grabe talaga ang lalaking ito. "Mabigat ako kaya ibaba mo na ako."
"Kay gaan mo nga. Paano ka naging mabigat? Hindi kita tinitipid sa pagkain kaya kumain ka ng marami."
Hindi na lang ako nagsalita pa. Bahala siyang mapagod sa pagkarga sa akin. Pinagmasdan ko na lang ulit si Tandang Manuel. Bumabalik sa isipan ko kung gaano siya ka-sweet kay señorita Realonzo. "Tan—Este Manuel, may tanong ako sa iyo."
"Ano?"
"May pagtingin ka ba kay señorita Realonzo?" Huminto ulit siya sa paglalakad. Halos mag-iisang minuto na pero hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko. Ganoon ba kahirap i-admit na gusto niya ang babaeng iyon. Lalo lang akong nasasaktan sa ginagawa niya.
Nagpatuloy na si Manuel sa paglalakad. "Oo," sagot niya sabay ng lalong paglalim ng sakit dito sa aking puso.
Dapat pala ay hindi ko na iyon tinanong.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top