Capitulo Veintiocho
Capitulo 28
"TILA'Y napakatahimik mo ngayon, binibini."
Umangat ako ng tingin. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Manuel. Binalik ko ang tingin ko sa kawalan. Nawala yata ang positive vibes sa katawan ko simula noong makita ko kung gaano kaapektado si Manuel sa nararamdaman ni señorita Realonzo. Kaya ako nandito sa azotea nila para magmuni-muni kaso bigla namang lumitaw ang lalaking ito. Bakit ba kapag iniiwasan ko siya, saka naman siya sumusulpot?
"Masama ba ang iyong pakiramdam?" Umiling ako. Umupo sa katabi kong upuan si Manuel at nakikita ko sa peripheral vision ko na sinusubukan niyang tingnan kung ano man ang tinitingnan ko. "Kung hindi, bakit ang tahimik mo?"
Bumuntong hininga ako. "Wala lang 'to." Alangan namang sabihin kong siya ang dahilan kaya ganito ako.
"Alam mo ba kung anong pumapasok sa isip ko sa tuwing nakikita ko ang isang tao na matagal nang tumira rito tapos biglang mananahimik sa isang tabi at sa malayo nakatingin?"
Nilingon ko siya. "Ano?"
"Nais ng taong iyon na umalis na sa bahay na ito."
"Hindi ba iyon naman talaga ang gusto mong gawin ko? Ang makaalis na rito? 'Yong umalis na ako sa buhay mo dahil sagabal lang ako sa plano mo?" Hindi umimik si Manuel at binaling ang kanyang tingin sa labas. "Alam ko naman kung bakit naging sagabal ako sa plano mo sa buhay. Ayaw mo naman na maging hadlang ako sa nais mong makapiling si señorita Realonzo lalo na't ang tingin niya sa akin ay nobya mo ako. Isang problema nga naman na makapiling ang binibining nais kung may ibang babae na nanirahan sa bahay mo na hindi mo naman kaano-ano."
"Pupunta ako sa San Carlos. Dadalawin ko si señor Pelaez at ang kanyang mag-ina. Nais mo bang sumama?"
Umayos ako ng upo. "Huwag na lang. Dito na lamang ako." Baka lalo akong ma-attach sa iyo.
"Bakit naman? Ito na ang pagkakataon mo para makapunta sa ibang bayan. Huwag kang mag-alala. Ililibot kita sa San Carlos."
"Hindi na, Manuel."
"Hindi mo ba nais na maglibot doon? Kung gayon, dito na lang—"
"Ayaw ko, Manuel."
"Nag-aalinlangan ka ba dahil iniisip mong mapapagod ka sa paglalakad? Hayaan mo, sasakay tayo—"
"Ayaw ko nga sabi, Manuel!" Hindi ko napigilang humarap sa kanya. "Hindi mo ba maintindihan na ayaw kong sumama sa iyo?" Hindi ko na napigilang tumaas ang boses ko. Ang kulit naman kasi eh. Sinabi na nga'ng ayaw, nagpupumilit pa rin.
Ilang beses kumurap si Manuel. "Bakit ayaw mong sumama? Hindi ba't nais mong lumabas-labas ng bahay?"
"P'wes hindi ngayon. Ayaw kong sumama sa iyo. Ayaw kong lumapit muna sa iyo. Ayaw ko na makikita kang masaktan sa oras na makita mo si señorita Realonzo dahil hindi natin maiiwasan na makita siya. Ayaw kong nakakalimutan mo na kasama mo ako dahil nakita mo lang siya. Ayaw kong mahulog ang loob ko sa iyo dahil sa bawat oras na nakakasama kita, lalong nahuhulog ang loob ko sa iyo." Halos hingalin ako sa sunod-sunod na pagsasalita ko.
Nainis ako kay Tandang Manuel dahil ang haba-haba ng sinabi ko tapos wala mang lang siya ni isang comment. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Sarap bigwasan ng sobrang lakas.
Tumayo ako sa sobrang inis sa kanya. "Lintek ka naman kasi! Bakit ka ba bulag? Nasa harapan mo na, hindi mo pa nakikita! Sarap mong ibitin patiwarik sa puno na puno ng antik baka sakaling makita mo ang katotohanan na kahit anong gawin mong pakikipaglapit sa taong gusto mo, hindi ka pa rin no'n mamahalin. Baka sakali ring makita mo 'yong taong nararapat sa iyo!" Umangat ang kamay ko na parang gustong-gusto ko talaga siyang bigwasan kaso mahal ko kaya hindi ko magagawa iyon. Ang unfair lang talaga!
"Hindi kita maintindihan."
"Tagalog ko na nga'ng sinabi, hindi mo pa rin naintindihan? Grabe ka naman!"
"Ano ba ang iyong ibig sabihin? Hindi kita mawari." Halata na sa mukha ni Manuel ng sobrang pagkalito.
Hinila ko ang kwelyo ng suot niyang barong para mapalapit siya sa akin. "Hindi ba halata? Tanga ka ba? Hindi mo ba pansin na nagpapakadalagang Pilipina ako para sa iyo? Kasi gusto kong maisip mo na babagay rin ako sa panahong ito. Na nararapat din ako mamuhay rito kasama ka." Lalo akong nainis kay Manuel dahil obvious na hindi pa rin niya gets ang sinasabi ko. Gustong-gusto ko na siya iumpog sa barandilya ng bintana. "Mahal na kita, Manuel! Oo, mabilis pero alam kong dito sa puso na mahal na kita. Nandito na ako sa harapan mo. Ewan ko ba kung bakit hindi mo makita iyon!"
Hindi ko alam kung tuwa ba ang dumaan sa mga mata ni Manu o guni-guni ko lang iyon. Basta hinawakan na lang niya ang kamay ko at kinalas sa pagkakahawak sa kwelyo niya. "Seraphim, tumigil ka sa iyong kalokohan."
"Sa tingin mo ba nagloloko lang ako? Hindi ito joke. Seryoso ako, Manuel. Naninibago ka kasi ngayon mo lang naranasan na may babaeng naunang mag-confess―maghayag ng damdamin sa isang lalaki. Well take note, Manuel. Hindi lang naman lalaki ang nauunang umamin ng feelings, pati rin naman kaming mga babae. Kaya huwag mo akong sasabihan na kalokahan lang ang sinasabi ko dahil totoong mahal kita." Hinawakan ko ang mukha niya. "Mahal na mahal kita, Manuel. Sana makita mo iyon ngayon."
Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanya at umiwas siya ng tingin sa akin. "Paumanhin, Seraphim, ngunit hindi ko matutugunan ang iyong damdamin. Katulad ng sabi ko sa iyo noon, kailangan mo nang makabalik sa panahon mo. Na kahit anong sabi mo sa iyong nararamdaman sa akin, hinding-hindi ko iyon matutugunan. Sa paningin ko'y isa ka lamang sagabal sa mga plano ko sa aking buhay."
Napayuko ako. Nag-unahang tumulo ang mga luha sa pisngi ko. Parang gusto kong sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Sana nga'y wala ka na bukas para bumalik na sa dati ang takbo ng aking buhay." Tumayo si Manuel. Ilang segundo siyang nakatayo sa harapan ko bago ako iwanan.
Napasapo ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit at humagugol. Bakit ganito sa akin si Manuel?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top