Capitulo Treinta y Tres





Capitulo 33







NANANAHIMIK lang ako sa tabi ni Manuel habang naghahanap kami ng mga pinabibili ni Aling Martha. Nawalan ako ng gana na tumingin-tingin ng mga binibentang produkto rito dahil sa matandang kasama ko. Na-friendzone ako ng wala sa oras. Sino ba namang tao ang matutuwa kapag unexpected kang na-friendzone?

Lumingon sa akin si Manuel. "May nais ka bang bilhin, Seraphim?" Umiling ako. "Hindi pa rin nawawala ang kalungkutan sa iyong mga mata. Ano bang dapat kong gawin upang mawala ang kalungkutang iyong nararamdaman?"

"Wala." Try mo akong mahalin, sigurado mawawala ang lungkot ko. Binaling ko na lang ang tingin ko sa mga tinitindang accessories ng isang Chinese na babae. Naniniwala na talaga akong noon pa man ay nakikipagkalakalan na ang mga Pilipino sa mga Chinese. Huminto ako dahil sa nakita kong kuwintas. Ang ganda. Huminto sa tabi ko si Manuel at tulad ko, tumitingin din siya sa mga tinda ng Chinese.

"Para sa iyo, alin sa mga kuwintas ang tiyak na magugustuhan ninyong mga babae?"

Binaling ko ang tingin ko ulit sa isang kuwintas. Gold ang mga beads then ang pendant ay oval shape na may mga nakaukit na bulaklak. "Sino ba ang reregaluhan mo?"

"Si Señorita Anastasia."

Nahinto ako sa tangkang pagkuha ng kuwintas na gusto ko. "Lahat naman ng kuwintas ay tiyak na magugustuhan ni Señorita Anastasia."

"Ngunit para sa iyo, ano ang magugustuhan mo d'yan?"

Basta na lang ako kumuha ng kuwintas. May pagkatulad ito sa nagugustuhan kong kuwintas. Ang pinagkaiba lang, parang sun rays ang design ng pendant. "Iyan, tiyak akong magugustuhan niya iyan." Walang sabi-sabing iniwan ko si Manuel. Manhid din ang taong 'to. Hindi man lang inisip na nasasaktan ang feelings ko sa ginagawa niya. "Ang sarap ibato sa Bulkang Mayon para matunaw ang pagiging manhid ng utak niya."

"Señorita Santiago!"

Nanhinto ako sa paglalakad dahil nasa harapan ko ngayong ang babaeng sobrang iniibig ng lalaking mahal ko. Napilitan akong ngumiti. "Señorita Realonzo! Kumusta ka na?"

"Mabuti naman. Ikaw? Kumusta ka na?"

"A-Ayos lang." Hindi nang dahil sa iyo.

"Mabuti naman." Ngumiti ito sa akin ng pagkatamis-tamis. "Sino ang kasama mong pumunta rito?"

"Si Manuel. Mag-isa ka lang?"

Kaagad na umiling si señorita Realonzo. "Kasama ko ang aking criada. Tumitingin ako ng magandang ireregalo para sa darating na Pasko."

"Aaah." Tumango na lang ako. Siguro si Manuel ang reregaluhan ni señorita Realonzo. Magpapaalam na sana ako rito nang marinig ko na tinawag ni Manuel ang señorita.

"Señorita Realonzo! Masaya akong makita ka."

Hindi ko nilingon si Manuel kahit pa nasa tabi ko na siya. Bakit pa ako lilingon sa kanya kung hindi naman niya ako mapapansin? Nakatitig lang ako sa sahig habang sila'y nag-uusap.

"Señor Saenz, masaya rin akong makita ka."

"Ikaw lamang ba mag-isa rito?"

"Hindi. Kasama ko ang aking criada."

"Malapit na ang pasko. Saan ka magpapasko, señorita Realonzo?"

"Hindi ko pa alam, señor. Baka sa bahay na lamang ni Tiya Lucita. Ayaw kong sa bahay namin ako magdidiwang ng Pasko dahil wala naman ang akin mga magulang doon."

"Nasaan sila?" Hindi ko napigilang magtanong. Curious lang kasi ako.

"Nasa Inglatera sila ngayon. Tiyak akong hinahanap nila ang aking Kuya Gabriel at ang esposa nito na si Ate Keira."

Sasabihin ko sana na paano nila mahahanap ang mga 'yon, eh, nasa year 2020 sila ngayon kaso inunahan ako ni Tandang Manuel.

"Kung ganoon? Iniimbita kita na sa amin ka na lamang magdiwang ng noche buena upang hindi ka mapag-isa."

Pinigilan ko ang sarili ko na mapasimangot. In-invite pa talaga ni Tandang Manuel si señorita Realonzo. Manhid talaga ang matandang ito! Ang hilig manakit ng feelings. Kainis!

"Hindi kita pinipilit, señorita. Iyon ay kung nais mo lamang."

"Maaari ba akong sumali sa inyong noche buena, señorita Santiago?" Binaling sa akin ni señorita Realonzo ang kanyang tingin. Asking permission to me.

"H-Ha?"

"Ayos lamang ba iyon sa iyo? Na sa inyo ako magdidiwang ng noche buena?"

Umiwas ako ng tingin. "Oo naman. The more, the merrier—este mas marami, mas masaya ang noche buena." The more heart pain, girl. Sino ba ako para kumontra sa gusto ni Manuel? Gusto niya makasama sa noche buena ang babaeng mahal niya, go! Wala naman akong masasabi pa roon at saka wala rin akong karapatan na humindi. Nakikitira lang naman ako sa bahay ni Manuel.

Ngumiti sa akin si señorita Realonzo. "Titingnan ko kung ako'y makakarating, señor."

Tumango si Manuel. "Maraming salamat, señorita Realonzo."

Nagpaalam na sa amin si señorita Realonzo nang dumating ang katulong nito. Nagpatuloy naman kami ni Manuel sa paghahanap ng iba pang pinabibili ni Aling Martha. Tumatango lang ako kapag may tanong siya sa akin. Masyadong occupied ang isipan ko para masagot ang ibang tanong ni Manuel. Iniisip ko kung huwag na lang kaya akong sumama sa noche buena. For sure naman na maa-out of place ako at masasaktan lang din ako on the same time. Syempre, makikita ko kung gaano pagtuunan ni Manuel ng pansin si señorita Realonzo.

Ayaw ko namang magpakatanga para saktan ang sarili ko. Sobra-sobra na ang sakit na binibigay sa akin ni Manuel. Ayaw ko na umabot na sa puntong kamuhian ko na siya sa labis na sakit na pinaramdam niya sa akin.







"SERAPHIM!"

Huminto ako sa paggaganchilyo ng isang scarf. Tatlong gabi ko na itong pinagpupuyatan. Nakakita ako ng isang yarn at crochet hook sa kwarto ng ate ni Manuel. Wala naman nang gagamit nito kaya kinuha ko na lang. Ako ang nag-volunteer na maglinis doon kaya nakapasok ako sa loob. Syempre hindi iyon alam ni Tandang Manuel. Inisip kong wala pa akong maireregalo sa kanya kaya nagganchilyo na lang ako ng scarf. For sure, pupunta at pupunta siya sa Spain dahil nandoon ang love of his life niya.

"Seraphim!"

Nagmadali akong niligpit ang mga ginagamit ko sa paggaganchilyo bago pa makita ito ni Manuel. Nilingon ko siya at prenteng nakasandal sa frame ng pintuan. "Bakit?" Ginabi na ito ng uwi.

"Sabay tayong magmeryenda."

"Midnight snack?"

"Kung 'yan ang ibig sabihin ng magmeryenda sa kalagitnaan ng gabi, oo. May pasalubong ako sa iyong bibingka. Hindi ba't paborito mo iyon?"

Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa sinabi niya. Gumanti ng ngiti sa akin si Manuel. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang kamay ko at marahan akong hinila papunta sa azotea. Nakahain na roon ang bibingka at hot cocoa. Pinaghila pa ako ni Manuel ng upuan. Hindi ko alam kung anong nakain ng matandang ito at bigla na lang naging gentleman sa akin.

"Tikman mo ang bibingka. Tiyak akong magugustuhan mo ang gawa ng pinakamasarap na magluto ng bibingka na si Aling Glenda."

Tinanggap ko ang inabot niya sa akin na platitong may bibingka. Tinikman ko kaagad ang pagkain at napapikit ako sa sarap. Napangiti ako. "Ang sarap!"

"Sabi ko sa iyo." Sumubo na rin si Manuel ng maliit na hiwa ng bibingka.

"Bigla ko tuloy naalala si Mother Superior Adelina." Nakadama ako ng lungkot.

Nahinto sa ere ang kutsarang hawak ni Manuel. "Bakit?"

"Ganitong-ganito kasi ang lasa ng luto niyang bibingka. Kung nabubuhay lang siya ngayon, baka iisipin kong siya ang gumawa nito." Dahan-dahan akong humigop ng hot cocoa para hindi ako mapaso. "Si Mother Superior Adelina ang dahilan kung bakit naging paborito ko ang bibingka." Matipid akong ngumiti. Binaling ko ang tingin ko sa platito at bumuntong hininga. Nami-miss ko na si Mother Superior Adelina. Umangat ang tingin ko kay Manuel nang hawakan niya ang kamay ko.

"Huwag ka nang malungkot. Ako'y nalulungkot dahil nakikita kitang malungkot." Hinaplos niya ang mukha ko na dahilan kung bakit mas bumilis ang tibok ng puso ko. "Tiyak akong binabantayan ka niya kaya marahil binulungan niya ako na bumili ng bibingka kay Aling Glenda upang ika'y maging masaya."

"Siguro nga. Salamat Manuel." Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.

"Lalo kang gumaganda sa tuwing ika'y ngumingiti."

Umiwas ako ng tingin. Heto na naman siya. Binobola na naman ako. "Bukas na pala ng gabi ang noche buena?" Halos hindi ko napansin na magpapasko na dahil kinain ako ng sistema ng kabiguan sa pag-ibig.

"Tama ka."

Binaling ko ang tingin ko sa labas. Siguro alas diez na ng gabi at siguradong kami lang ni Manuel ang gising sa bahay na ito. Tumingin ako sa kalangitan. Ngayon lang ulit naging maliwanag ang langit at kitang-kita ang buwan at mga bituin. "Alam mo bang kapag humiling ka sa isang makinang na bituin, matutupad ang iyong hiling?" Nilingon ko si Manuel na seryosong nakatingin sa akin. "Sabi sa akin ni Mother Superior Adelina, kung may hiling ako na matagal ko nang minimithi, hilingin ko lang daw sa pinakamakinang na bituin sa langit at siguradong matutupad ang hiling ko." Bumalik ang tingin ko sa kalangitan.

"Nakapaghiling ka na ba sa nakitang mong pinakamakinang na bituin sa langit?"

Umiling ako. "Lahat ng hiniling ko noon ay hindi natupad. Unang hiling ko, sana balikan ako ng mga magulang ko. Hindi iyon natupad. Pangalawang hiling ko, sana gumaling na si Mother Superior Adelina. Hindi siya gumaling. Iniwan niya ako. Pangatlong hiling ko, sana may mag-ampon sa akin para hindi ko na maranasan ang pangit na trato sa amin ng nag-aalaga sa amin sa ampunan. Umalis ako sa ampunan na hindi iyon nangyari. Wala ni isa ang natupad." Mapait akong ngumiti. "Siguro ang natupad lang sa mga hiniling ko ang makaalis ako sa bahay na ito roon sa panahon ko. Humiling ako sa suot kong kuwintas na may pendant na bituin. Noong mga oras na iyon, sobrang kinang ng pendant na iyon. Kaya siguro natupad ang hiling ko," Huminga ako ng malalim at humigop ng hot cocoa. "Dahil nakita ko na ang pinakamakinang na bituin."

"Sobra kang nahirapan sa naging buhay mo sa iyong pinanggalingang panahon." Inabot niya ang kamay ko at marahang pinisil ito. "Lahat iyon ay hindi mo dapat naranasan sa murang edad."

"Ganoon siguro talaga ang tadhana ng buhay ko. Sabi nga nila na ang mga nangyayari sa buhay ng isang tao ay may dahilan. Siguro sa akin kaya ko naranasan iyon upang maging matatag ako sa aking buhay." Huminga ako ng malalim. "May dahilan din kung bakit ako napunta rito. Humiling ako sa kuwintas kaya ako nasa panahong ito. Tinupad nito ang hiling ko." Biglaang may pumasok na ideya sa isipan ko. "Sa tingin ko, kailangan kong hanapin iyon."

"Anong gagawin mo sa oras na makita mo ang kuwintas na iyong sinasabi?"

Nadako ang tingin ko sa pagpasok ng kamay niya sa bulsa ng suot niyang slacks pero kaagad din akong umiwas ng tingin. "Hihiling kaagad ako."

"Ano ang iyong ihihiling sa kuwintas?"

"Ang makabalik sa panahon ko." Sinalubong ko ang tingin ni Manuel. Hindi ko alam kung bakit nakikita ko sa mga mata niya ang sakit. "Iyon kasi ang gusto mo. Ang makaalis na ako sa panahon na ito dahil isa lamang akong sagabal sa iyong buhay at saka, hindi naman talaga ako taga rito kaya kailangan ko na rin makabalik doon."

"Hindi iyan totoo, Seraphim."

Mapait akong ngumiti. "Hindi mo naman kailangan sabihin iyan, Manuel." Sumubo ako ng bibingka. "Ang sarap talaga nito."

"Seraphim—"

"Natupad ba ang mga hiling mo, Manuel?"

"Se—"

"Natupad siguro ang mga hiling mo."

Bumuntong hininga siya. "May mga hiling ako na natupad at may mga hiling na hindi. Nagkataon na karamihan ng hiling ko nitong mga nakaraang buwan ay naging makasarili ako."

"Ano 'yon?"

"Na manatili sa tabi ko ang taong napakamahalaga sa akin."

"Anong nangyari sa inyong dalawa?" Bigla akong na-curious sa taong iyon.

"Nakita kong labis siyang nahihirapan. Labis siyang nangungulila sa taong kanyang iniibig kaya binitawan ko na siya kahit pa alam kong magiging mag-isa na naman ulit ako mundong ito. Hiniling kong makasama niya ulit ang lalaking iniibig." Matipid na ngumiti si Manuel. "Ngayon, alam kong labis na siyang masaya ngayon."

Nakadama ako ng sobrang lungkot para kay Manuel. Inabot ko ang kamay niya para i-comfort siya kahit papaano.

"Sa tingin ko'y magiging makasarili ulit ako ngayon."

"Bakit?"

Ngumiti lang ulit siya sa akin bago haplusin ang mukha ko. "Matulog ka na, Seraphim. Huwag kang magpupuyat nang dahil lamang sa iyong ginagawa." Mayamaya'y tumayo na siya at iniwan ako.

Kumunot ang noo ko. Mas na-curious ako sa ibig sabihin ni Manuel na sa tingin niya'y magiging makasarili ulit siya ngayon. Anong ibig niyang sabihin doon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top