Capitulo Trece


Capitulo Trece




NILIBOT ko ang paningin ko sa loob ng bahay na magsisilbing tirahan namin ni Manuel ng dalawang araw. Hinatid lang niya ako rito dahil may kailangan daw siyang asikasuhin kaagad. Walang katao-tao rito sa loob pero malinis ang mga gamit kaya sigurado akong may taong naglilinis dito once a week.

Iniwan ko ang mga maleta namin para libutin ang bahay. Hindi ako sure kung ito ay nag-e-exist pa sa panahon ko. Pero ang astig lang kung sakaling nakatayo pa ito roon sa year 2020. Two-storery house, may limang kuwarto sa second floor at may dalawang kwarto rin sa main floor. Puwede na tirhan ito ng isang pamilya na may limang miyembro.

"Bukod kaya sa bahay na ito at sa San Pablo, may iba pa kayang bahay si Manuel?" Bumalik na ako sa sala upang kunin ang maleta ni Manuel at ilalagay ko na ito sa Master's bedroom. Nang maipasok ko na sa silid ang maleta ni Manuel, sa akin naman ang kinuha ko. Bahala na raw ako kung anong kuwarto ang gagamitin ko kaya ang pinili ko ang kuwartong katabi ng kwarto ni Manuel.

Inayos ko kaagad ang mga damit na dala ko. Lahat naman ng damit na ito ay hiram ko sa namayapang ate ni Manuel. Mabuti na nga lang hindi ako minumulto nito. Nang matapos ako sa ginagawa ko, napagdesisyunan kong tumabay sa sala ng bahay. Malakas ang hangin doon kaya masarap tumambay. Humiga ako sa sofa at pinagpatuloy ko na ang pagbabasa ko ng The Decameron.

"Seraphim, Seraphim..."

Unti-unting nagising ang aking diwa nang dahil sa mahinang pagyugyog at pagtawag sa pangalan ko. Pagdilat ko ay bumungad sa akin ang pinakagwapong lalaki na nakita ko sa tanang ng buhay ko. "Hi Manuel!"

"Bakit dito ka natutulog, Seraphim?"

Nilibot ko ang paningin ko. Nasa sala pa pala ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pagbabasa. Nagmadali akong umupo sabay ng paghulog ng libro. Hindi ko inaasahan na sasabay si Manuel sa pagkuha ng libro kaya nahawak ko ang kamay niya. Tumingin ako sa kanya at sinalubong niya ang tingin ko. Naging eratiko ang tibok ng puso ko. Binitawan ko kaagad ang kamay niya sabay iwas ng tingin. Ano ba itong nangyayari sa puso ko? Magkakaroon pa yata ako ng heart disease dito ng wala sa oras.

Si Manuel na ang kumuha ng libro at ipinatong niya iyon sa mesita. "Kumain ka na ba ng hapunan?"

"Hapunan? Ang advance mo naman mag-isip, Manuel. Late lunch siguro-" Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong madilim na sa labas. "Hala! Napahaba ang tulog ko."

Ngumiti sa akin si Manuel at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha ko. "Marahil ay labis kang napagod sa biyahe kaya napahaba ang tulog mo. Hindi ba masakit ang iyong katawan?"

Pinakiramdam ko ang sarili ko. "Nangalay lang ng kaunti itong braso ko pero kakayanin naman."

"Mabuti kung ganoon. Sa labas na lamang tayo kumain ng hapunan dahil pareho tayong hindi kakayanin na makapagluto ngayong gabi."

"Hala! Marunong kang magluto?"

"Sa tingin mo sino ang nagluluto ng pagkain natin nitong tatlong araw?"

"Chef mo?" Sinamaan ako ni Manuel ng tingin. "Sorry na. Tagapagluto pala."

"Wala akong tagapagluto, binibini. Natuto akong magluto ng sarili kong pagkain simula nang pinaalis ko lahat ng criada namin."

"Criada?"

"Isang wikang Espanyol na ang ibig kahulugan ay tagasilbi o katulong. Hindi ka ba nakakaintindi ng wikang Espanyol?"

"Hindi. Matagal nang walang Spanish subject sa college kaya hindi ako marunong mag-Spanish."

"Ganoon ba? Sayang naman." Tila biglang may pumasok na kung ano sa isipan ni Manuel at mayamaya'y ngumisi siya sa akin.

Parang hindi ko gusto ang ibig sabihin ng ngisi na iyon. "Manuel, parang hindi ko gusto ang susunod na sasabihin mo."

"Na ano?"

"Pakiramdam ko hindi ko na maiintindihan ang susunod mong sasabihin. Magsasalita ka na n'yan ng wikang Espanyol dahil sa nalaman mo."

"No pensé nada de eso en ese momento."

"Sabi na nga eh!" Iyan na nga ba ang sinasabi ko. May plano ang lalaking ito na pasakitin ang ulo ko sa mga susunod na oras.

"¿Qué?"

"Isa!"

"Voy a hablar en español." Hahampasin ko sana siya sa braso pero kaagad niya iyon nasalo. "Te ves hermosa como siempre."

"Manuel! Kapag hindi maganda ang kahulugan ng mga pinagsasabi mo, lagot ka na talaga sa akin. Lintik lang ang walang latay!"

"Wala naman akong sinasabing masama sa iyon. Nagugutom ka lang kaya kung ano-ano na lang ang iyong iniisip. Umalis na tayo para makakain na tayo."




ELEGANTE. Iyan ang tamang description sa kainan na pinuntahan namin ngayon. Nagsusumigaw sa paligid na isa itong fine dining restaurant at puros rich kid lang ang kumakain rito. Hindi ko naman alam na rito ako dadalhin ni Manuel. Akala ko sa karinderya lang kami pupunta. Bigla tuloy akong nahiya dahil hindi man lang ako nakapagpalit ng damit.

Pinaghila ako ni Manuel ng upuan na hindi ko ine-expect na gagawin niya. "Salamat,"

Ngiti lang ang sinukli sa akin ni Manuel bago siya umupo sa katapat kong upuan. Sumenyas siya at lumapit kaagad sa amin ang isang waiter.

"Buenas noches, señor y señorita. ¿Cómo puedo ayudarle?"

"Pakidala na rito ang pagkain na pinaluto ko."

Tinanguhan kami ng waiter bago ito umalis. Kaagad namang naipadala sa amin ang mga pagkaing in-order ni Manuel. Una ay ang Ensaladilla Rusa as appetizer. Never pa akong nakakain nito. Its a potato salad. Then next is Paella. My favorite!

"Mukhang nagustuhan mo ang pagkain nila. Hindi ako nagsisising dito kita dinala."

Tumango ako bago lunukin ang sinubo kong pagkain. "Wag kang mag-alala. Sulit ang binayad mo rito dahil susulitin ko rin ang pagkakataong kumain sa isang primera clase na kainan."

"Hindi ka pa nakakakain sa ganitong klase ng restaurante?"

Umiling kaagad ako. "Hindi ba sinabi ko sa iyo na hindi naman maganda ang buhay ko sa panahon ko?"

Natigil si Manuel sa pagsubo. "P-Paumanhin sa aking naging katanugan."

"Wala iyon." Sumubo ulit ako ng Paella. "Ang sarap ng Paella nila ah. Ano kaya ang recipe nila rito?"

"Nais mo bang maglibot dito sa Intramuros bago tayo umalis bukas ng gabi?"

"Pwede ba?"

"Pwede naman kung nais mo lang naman."

"Syempre gusto ko. Ito na ang pagkakataon kong libutin ang Intramuros sa panahong ito. Gusto kong malaman kung legit ba ang larawan na nakikita ko sa panahon namin."

Marahang tumango si Manuel. "Kung iyan ang gusto mo, maglilibot tayo bukas."

Napangiti ako. Ang bait ni Manuel sa akin ngayon. Hindi ko alam kung anong nakain niya kaya naging maganda ang treatment niya sa akin ngayon. Sana lang hindi na magbago ang mood niya at nang hindi ako sungitan.

"Maaga dapat tayong umalis bukas upang matapos nating ilibot ang Intramuros..."

Tinititigan ko lang si Manuel habang nagsasalita. Nagkuwento na rin siya tungkol sa magagandang lugar dito sa Intramuros. Hindi ko na nga maintindihan ang ibang sinasabi niya dahil naka-focus lang ako sa pagtitig sa mukha niya. Sumalumbaba ako.

"Seraphim, nakikinig ka ba sa akin?"

"Anong skincare mo kaya ganyan ka kagwapo? Parang hindi ka dinadapuan ng blackheads at whiteheads. Ang kinis pa ng mukha mo."

Umiwas ng tingin sa akin si Manuel. "Hindi ko mawari ang iyong sinasabi mo. Ang masasabi ko lamang ay natural lang ang pagiging makisig kong binata."

Sumimangot ako. "Ang hangin mo rin 'no?"

Kumibit balikat lang si Manuel bago nagpatuloy sa pagkain kaya hindi na ako nagsalita pa. Well, mukhang totoo naman ang sinabi niya dahil hindi pa naman yata uso sa panahong ito ang skincare. Natural lang na makinis ang mukha. Samantalang ako, kailangan ko pa magtipid ng pera para kahit papaano may maipambili ako para sa matipid na version ng skincare. "Ang swerte mo naman."

"Ano?"

"Wala. Ang sabi ko lang ang swerte ng lugar na ito dahil mukhang palaging dinadayo ng tao."

Tinitigan ako ni Manuel na para bang sinasabi niya hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "Maswerte sila dahil masarap ang kanilang pagkain."

Tumango na lang ako kahit hindi naman talaga sa restaurant ang iniisip ko. "Yeah right."



----


Spanish Words/Sentences/Terms used in this Chapter:

*No pensé nada de eso en ese momento.- I didn't think any of that at this moment*¿Qué? - What?*Voy a hablar en español. - I'm going to speak Spanish*Te ves hermosa como siempre. - You look beautiful as always

*Buenas noches, señor y señorita. ¿Cómo puedo ayudarle? - Good evening sir and ma'am. How can I help you?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top