Capitulo Doce
Capitulo Doce
"SERAPHIM,"
Huminto ako sa pagtatahi. Napag-isipan ko kanina na pagkialaman ang drawer dito sa sala. May nakita akong isang hindi tapos iburda na tela at dahil sobra akong nababagot, tinuloy ko na lang. Tutal marunong naman ako magburda kaya nasunod ko ang embroidery style ng kung sino man ang nagbuburda nito. "Bakit?"
Sandaling nagawi ang atensyon ni Manuel sa ginagawa ko bago ibaling ulit sa akin ang tingin. Mukhang may pupuntahan siya base sa outfit niya ngayon. Kapag kasi ang ayos niya ay mala-Crisostomo Ibarra ang datingan, may mahalaga siyang pupuntahan. Its possible that he will attend a party or important meeting with his amigos in the field of business. "Tayo'y pupunta ng Maynila. Naipahanda ko na sa aming criada na si Aling Martha ang iyong gagamiting mga damit kaya maaari na tayong umalis-"
"Teka lang! Anong sabi mo? Pupunta tayo sa Maynila?" nakakunot noo kong tanong. Para yatang namali ako ng rinig.
"Kasasabi ko lang, hindi ba?"
"Bakit tayo pupunta roon? Sino si Aling Martha? Paano siya nakapasok dito ng hindi ko napapansin? Anong inayos niya?" Dalawang oras lang ang nakalipas noong pag-trip-an ako ni Manuel doon sa kusina dahil napagkamalan ko siyang bakla tapos ang dami na kaagad naganap.
"Maghinay-hinay ka sa iyong mga katanungan. Nag-iisa lamang ako upang sagutin ang mga iyan." Bumuntong hininga si Manuel. "Marahil nabigla ka sa pagplano kong pumunta tayo sa Maynila kaya marami ang iyong mga katanungan."
"Kahit sino talagang mabibigla sa sinabi mo. Ikaw pa naman bigla mong sasabihin na pupunta tayo sa Maynila. Paano kung hindi pala ako handa o ayokong lumabas ng bahay ngayon? Hindi natuloy ang plano mo. Naging drawing ang paggala mo."
"Ang dami mo namang sinabi, binibini. Pinaayos ko na kay Aling Martha ang iyong mga gamit kaya handa na ang gagamitin mo."
"Paano siya nakapasok dito nang hindi ko nakikita?"
"Hindi mo talaga siya mapapansin dahil masyado kang abala sa binuburda mong tela. Binati ka pa nga niya at tango lamang ang iyong sinagot."
"Talaga?" Parang ayokong maniwala kay Tandang Manuel kasi malakas ang pakiramdam ko kapag may ibang tao sa paligid ko. Perks of being former member of akyat-bahay.
"Kung ayaw mong maniwala sa aking sinabi, bahala ka sa nais mong paniniwalaan. Basta, totoong pumunta rito si Aling Martha. Maaari na tayong umalis ano mang oras." Pinasok ni Manuel ang kaniyang kamay sa bulsa ng suot niyang slacks.
"Pero-"
"Mukhang ayaw mo namang sumama sa akin. Maaari ka namang maiwan dito mag-isa kaso may mga multong gumagala rito sa tuwing nag-iisa lang ang tao rito. Ikaw rin, baka ikaw ay kanilang bulabugin lalo na't dayo ka rito."
Kaagad akong tumayo dahil sa sinabi niya. Ayokong maiwan dito baka multuhin pa ako ng mga ninuno ni Manuel. "Sabi ko nga aalis na tayo. Ready na ba lahat? Baka hindi pa ayos ang mga damit mo. Ako na ang bahala."
Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya bago tumango. Parang natutuwa pa siya sa mga tanong ko sa kaniya. "Ayos na ang lahat, Seraphim. Ikaw na lamang ang hinihintay. Iwanan mo na lamang d'yan sa mesita ang iyong binuburda."
"Aaah, ganoon ba?" Kaagad kong sinunod ang sinabi ni Manuel at matamis na ngumiti sa kanya. "Umalis na tayo."
Magkasabay kaming dalawa na lumabas ng bahay niya. Inilahad ni Manuel ang kaniyang kamay para maayos akong makasakay ng kalesa. Nang masiguro niya na ayos na ang maleta naming dalawa, saka lang kami umalis. Naikwento sa akin ni Manuel na limang oras ang biyahe mula sa San Pablo hanggang Maynila. Medyo mahabang biyahe rin.
Tumitingin-tingin ako sa labas habang abala naman si Manuel sa pakikipag-usap sa kutsero. "Manuel, talaga bang limang oras ang ibabiyahe natin papunta sa Manila? Hindi ba pwedeng pabilisin pa ang takbo ng kabayo? Kasi nakakabagot at nakakapagod umupo rito habang bumabiyahe tayo."
"Hindi naman aabutin ng limang oras ang biyahe natin papunta sa Maynila. Sasakay tayo ng tren papunta ng Maynila kaya mga dalawang hanggang tatlong oras na lamang ang ibabiyahe natin."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "Hala totoo? May tren na sa panahon na ito? Akala ko sa panahon-" Naputol ang sasabihin ko nang takpan ni Manuel ang bibig ko. Malakas kong pinalo ang braso niya para mabitawan ako. Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo bang bastos ang ginawa mo?"
"Hindi ko sana ginawa iyon kung hindi ganoong mga kataga ang lumalabas sa iyong mga labi. Maghunos dili ka nga sa iyong mga sinasabi. Hindi maaaring marinig ng mga tao sa paligid natin kung anong kaganapan sa hinaharap," bulong sa akin ni Manuel. "Tiyak na ikaw ay pagkakaguluhan kung sakaling marinig ka nila. At saka, hindi mo ba narinig na sinabi ko kaninang sa tren tayo sasakay? Bakit? Hindi ba naturo ng inyong mga maestro o maestra sa hinaharap na nagkaroon na ng tren sa panahong ito?"
"S-Sorry naman. Huwag ka na magalit." Ang sungit talaga. Pasensiya naman hindi ako nakinig sa Araling Panlipunan teacher ko.
Bumuntong hininga si Manuel. "Sa susunod ay pag-isipan mo munang mabuti ang iyong mga sasabihin. Wala ka sa inyo para bigkasin ang mga bagay na nais mong isambit."
Hindi na ako nagsalita pa at tumango na lang ako. Tama naman si Manuel. Dapat think before I speak muna. Mayamaya ay huminto na ang sinasakyan naming kalesa. Napagtanto ko na nasa isang terminal kami. Maraming tao sa paligid at may kaniya-kaniyang business. Abala lahat.
"Wow!" bulalas ko. Hindi ko aakalaing makakapunta ako sa ganitong lugar. Bigla tuloy akong na-excite na makasakay sa sinaunang version ng LRT.
"Tayo ay pumunta na sa tren na sasakyan natin," aya ni Manuel. Dala-dala na niya ang maleta naming dalawa. "Humawak ka sa aking braso upang hindi ka mahiwalay sa akin."
Sinunod ko naman kaagad si Manuel. Magkasabay kaming pumunta sa platform ng tren na sasakyan daw namin. Pinakita ni Manuel sa lalaking nagpapapasok ng mga pasahero ang ticket naming dalawa. Sinamahan kami nito papunta sa upuan namin. Nalaman kong VIP seats ang biniling ticket ni Manuel at konduktor ng tren ang lalaking naghatid sa amin. Bongga, uso na pala ang VIP seat sa mga tren.
Umupo sa kaharap kong upuan si Manuel nang matapos niyang ilagay sa overhead locker ang maleta naming dalawa. "May nais ka bang kainin?" Umiling ako. Marami akong kinain na pagkain kaninang umaga kaya medyo busog pa ako. "Medyo matagal ang biyahe natin kaya maaari kang umidlip."
"Hindi ko magawang makatulog. Medyo natutuwa ako sa pagsakay ng sinaunang version ng tren. Ang galing lang."
Napangiti sa akin si Manuel. May kinuha siyang libro sa dala niyang sling bag. "Sa tingin ko'y magugustuhan mo ang librong ito." Pinakita niya sa akin ang libro.
"The Decameron!" Kaagad kong kinuha ang libro. Hindi ko napigilang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko at hinaplos ko ang book cover ng libro.
"Nakita ko iyan sa silid-aklatan. Isa sa mga koleksyon ni Kuya Matias na mga librong sumikat sa Europa na nakasalin na sa wikang Ingles. Dinala ko lang dahil nagbabaka sakali lang ako na baka gusto mong basahin."
"Paborito kong libro ito dahil ang ganda ng kwento. May ganito akong libro noon na niregalo sa akin ni Madre Superyora. Sa kasamaang palad lang, sinunog ng tagapangalaga namin sa ampunan ang libro ko dahil lang nakita niya na binabasa ko ang The Decameron sa kalagitnaan ng gabi." Nalungkot ako nang maalala ko kung paano inagaw sa akin ni Miss Soriano ang libro ko at sa harapan ko mismo sinunog ang libro. Napatingin ako kay Manuel nang hawakan niya ang kamay ko.
"Mula sa araw na ito, sa iyo na ang librong iyan."
"Sigurado ka? Hindi ba sa kuya mo ito?"
"Oo. Natitiyak kong ikatutuwa ni Kuya Matias kung mapapasa'yo iyan dahil alam niyang iingatan mo iyan katulad ng pag-iingat niya."
Muling bumalik ang ngiti sa mga labi ko. "Maraming salamat, Manuel."
"Walang anuman." Mahina niyang pinisil ang aking pisngi. "Mas mainam na nakangiti ka kaysa sa nakasimangot. Mas maganda ka kapag nakangiti."
Biglang sumikdo ang puso ko dahil sa sinabi ni Manuel. Kaagad akong lumayo sa kanya at itinuon ang tingin sa libro. Mainam na ibaling ko sa libro ang atensyon ko para umayos na ulit ang tibok ng puso ko.
"Gusto mo bang uminom ng kape? Masarap kapareha sa pagbabasa ng libro ang pag-inom ng kape."
"H-Hindi na." Sinimulan ko na basahin ang libro hanggang sa unti-unti na akong tinatangay ng binabasa ko. Hindi ko alam kung kinakausap pa ba ako ni Manuel o hinayaan na niya akong magbasa. Basta ang alam ko, nand'yan lang siya sa paligid ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top