PROLOGUE
UN-GIRLFRIEND MATERIAL?
***
It always starts with this:
“She was too good for me.”
“Gusto ko siya, gustong-gusto pero ang hirap niyang abutin.”
“She deserves more.”
“She’s just high up there.”
“She was always the, ‘too good to be a true girl’ and not enough to pursue.”
“She’s always a choice but never chosen.”
“She’s so busy being too good, ang hirap makipaglaban sa career niya.”
“She’s too much.”
Yup, that’s me. The too good to be true, the liked but never been pursued the un-girlfriend material. Ako yung laging kagusto-gusto pero hindi sapat para jowain, hindi sapat para tawaging girlfriend, hindi sapat para ipakilala sa magulang, hindi sapat para sa pag-ibig.
Because I’m just UN-girlfriend Material.
‘She’ is me, Macky Flores, and my story goes like this.
“Sorry Macky, it’s not you, it’s me. Nahihirapan kasi akong sabayan ka, you’re too perfect. Nanliliit ako sa sarili ko. Sorry it’s not you.” Ganun na lang yun? After a few months of talking?! A few months ng pagpupuyat, few months ng pag text ng good morning kumain ka na ba? And goodnight sweet dreams. Ganun na lang yun?!
Bagsak balikat akong umupo sa isang bench na malapit sa pwesto ko, huminga ng malalim bago tumingala, pinagmasdan ang kalangitan.
Malakas ang simoy ng hangin dito sa rooftop ng kumpanya, ipinikit ko ang aking mga mata at dahan-dahan gumuhit ang ngiti sa aking labi.
“Lord, grabe ka na ah, pang two hundred fifty one na na lalaki ang nagsabi sa akin ng linyang iyon. Hindi na ba talaga mababago ang takbo ng love life ko? Laging it’s not you, it’s me?” parang joke na lang talaga ang buhay ko sa plot na sinulat ni lord. Laging gusto kita pero hindi naman ako kayang panindigan.
Laging panimula pero hindi kasama sa happy ending.
“Lord, ganito ba ako ka un-girlfriend material, sobra naman yun lord. Ang O.A. na ah.” umupo ako ng maayos, para na akong baliw dito, pero alam kong naririnig ni Lord ang sinasabi ko. Hindi ko lang alam kung bakit wala pa ‘rin siyang ginagawang changes sa plot ng story ko.
“Hay, bahala na nga, nasasayang lang ang oras ko, mula ngayon hindi na ako tatanggap ng lalaki sa buhay ko tutal hindi naman talaga ako kapursue-pursueng tao! Hmf. Tama na ang drama, talagang period na Lord. No man is allowed, promise ‘yan!” tumayo at naglakad ako papasok sa kumpanya at bumalik sa aking trabaho.
“Macky, may naghahanap sayo sa lobby! Dali!!!” sigaw ng ka officemate slash best friend slash assistant ko na si Trisha. “Huh? Sino naman iyan?!” Hindi nito sinagot ang tanong ko basta-basta na lamang ako nitong hinila palabas ng office at kinaladkad papunta sa lobby na parang wala akong karapatan sa sarili kong mga paa at desisyon ko sa buhay.
“Hoy! Sino ba yun?!” tanong ko ng palapit na kami sa lobby. “Tanga, hindi sino iyon! Sino sila!” sambit nito, hindi na nagkaroon ng time mag-sink in sa aking isip ang sinabi nito ng itulak niya ako sa tapat ng front desk at sumigaw. “Ito na si Macky!”
Hindi ko nagawang gumalaw ng tatlong lalaki na nakaupo sa waiting area ng lobby ang lumingon at dumako ang tingin sa akin na may ngiti sa kanilang napakagwapong mga mukha. Ano ito!
“Hi Miss Flores, remember me?”
“Macky, you left this in my condo last night.”
“Macs, musta?”
Akala ko ba Lord may usapan tayo! Ang O.A.! Binago agad ang plot ng story ko!!!
Madrama dapat ito!
Un-girlfriend material nga eh!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top