CHAPTER THREE - MR. SMITH, POGI AND G*GO
"Oh, San Felipe na, miss San Felipe na, gising."
"Ano ba ang ingay naman, hmm natutulog yung tao eh." ang sarap-sarap ng tulog ko eh, gigisingin agad. Tinalikuran ko ang kung sino 'man ang nagtatangkang gisingin ako. "Miss, nasa San Felipe na tayo, kung hindi ka pa gigising dyan, sa Iba ka na namin ibababa." ang ingay talaga niya oh, ayaw magpatulog.
"Shut up." sambit ko, grabe malapit nang magising ang diwa ko sa kakagising nito sa akin.
"Aba Miss, ikaw itong nagmamakaawa na ibaba ka namin sa San Felipe kanina, tapos ngayon ayaw mo gumising dya—-." nag-unat ako at di sinasadyang na sapak ko ang taong gumigising sa akin. "Aray!" sigaw nito, dahil sa lakas ng boses niya, doon ako natauhan, wala nga pala ako sa bahay.
Iminulat ko ang aking mga mata, halos mawarak ang aking labi sa sobrang pag-nganga, nasapak ko si Kuya. Boom Black eye! "Ay, kuya sorry, sorry!!!" hindi ko alam ang aking gagawin, "Miss, ginigising lang kita, bakit mo naman ako sinapak?!"
"Sorry kuya, pag nagigising kasi ako na kakasapak talaga ako, pasensya na ho, nasaan na ho ba tayo?" tumingin ako sa paligid habang hawak ang braso ni Kuya, "San Felipe na!" this time, mukhang bad mood na si kuya bases sa tono ng boses nito. Ikaw ba naman masapak, nagmamabuting loob ka lang. Tanga mo talaga Macky!
"Ay nandito na pala tayo kuya sana sinabi mo," sambit ko. Hindi makapaniwala ako nitong tiningnan. Bababa na ako ng victory ng maalala ko na may Jollibee Burger pa pala ako sa bag, kinuha ko ito at inabot kay kuyang konduktor. "Ito kuya, burger para bida ang saya, sorry po." sambit ko sabay takbo pababa ng victory.
"Ate, saan po ba ang sasakyan para makapunta sa Liwliwa Beach?" tanong ko sa ate na katayo sa waiting bench dito sa palengke. "Sakay ka lang ng tricycle sabihin mo Liwliwa, alam na nila 'yun." tumango ako at sinunod ang sinabi niya. "Manong! Sakay!" sigaw ko sa padaang tricycle.
Pumunta ito sa akin, at dali-dali akong sumakay. "Manong, Liwliwa beach." sambit ko.
"Anong resort kayo doon ma'am, marami kasing resort doon, mahaba din ang Liwliwa, saan banda kita ibaba?" tanong nito. Patay wala akong alam na resort, at pati resort ni Mr. Smith hindi ko din alam, magbabakasakali lang ako na nasa labas siya at makita ko siya.
"Kahit saan kuya, hahanapin ko lang jowa ko doon." pagsisinungaling ko.
"Ganun ba ma'am, sige sa bungad kita ibaba para lakarin mo na lang diretso yung dagat." sumang-ayon ako sa sinabi ni Manong at tumuloy na kami sa Liwliwa beach.
Mr. Smith, nawa'y naliligo ka ngayon, ibinigay ko ang buong araw kong ito para hanapin ka. Kaya magpakita ka kung hindi kawawa naman ako, kawawa ang eabab na 'yan. Mga ilang minuto lang ang layo ng beach sa bayan. "Ito Miss bungad." bumababa ako at nag abot ng singkwenta kay kuya. "Keep the change po." Sambit ko.
"Salamat Miss, sana makita mo ang jowa mo." nako kuya, sana nga kamo makakita na ako ng jowa. "Salamat ho," ngumiti ako kay kuya bago naglakad papunta sa tabing dagat. "Woah," sobrang daming tao na 'rin pala ang pumupunta dito.
Parang boracay na 'rin ang dating pero province version ito, hinubad ko ang suot kong sapatos, at nagsimulang maglakad ng nakayapak. Ayaw kong mapasukan ng buhangin ang paa ko, nakakairita iyon sa pakiramdam. Pinagmamasdan ko ang lugar habang naglalakad, ang ganda 'rin pala dito, kahit maraming tao, mapayapa at sobrang ganda ng dagat parang wala itong katapusan.
Macky, remember your purpose here. "Tama, hanapin si Mr. Smith, Macky." bulong ko sa aking sarili, bago nag-ala CCTV surveillance sa buong paligid. Nasaan kaya ang lalaking iyon, baka akala niya nakakalimutan niyang tinawag niya akong fugly. Pagkatapos ko talaga siyang interviewhin isusulat ko kung gaano ka pangit ang ugali niya sa cover.
"Saan ka kayang resort nakatago Mr. Smith, mahahanap 'din kita—teka, bakit ang daming tao doon banda?" tanong ko sa aking sarili, tiningnan ako ng lalaking dumaan sa gilid ko, kung makatingin akala mo baliw ako, hello, kinakausap ko lang sarili ko, normal iyon sa single na gaya ko noh! "Bakit? Tingin ka?" tanong ko sa kanya, pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Wala miss," tila natakot siya at agad lumayo sa akin. Kaya wala kang jowa Macky eh, ang sungit mo sa lalake. "Hindi ito ang time para mag focus sa paghahanap ng jowa Macky, yung goal mo remember, promotion leads to higher salary, aims to success senior manager Macky Flores!" itinaas ko ang aking kamay at confident na inimagine ang mga bagay pagnakuha ko na ang promotion na iyon.
Mabalik tayo, bakit nga ba ulit maraming taong nagkakagulo doon sa isang reso—wait! Macky!!! Pag maraming tao, ibig sabihin may sikat na tao! Pag may sikat na tao, ibig sabihin maaring si Mr. Smith iyon!
"Tama!!!" sambit ko, mabilis kong tinahak ang resort na maraming tao. Halos mga kababaihan ang narito, sigurado na ako na si Mr. Smith ito. "Excuse me, excuse me lang, padaaan ako." sumingit ako ng sumingit hanggang sa mapunta ako sa pinakaharapan.
"Sinong gustong kumanta kasama ko! Oh ikaw miss!?" umangat ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko, bumagsak ang aking panga ng marealize ko kung sino itong lalaking nasa harapan ko, na pinagkakaguluhan ng mga tao. "April Boy Regino!?" diba deads na siya nung 2020 pa?! "Hindi miss ako si April Boy Reggae-to. Ginagaya lang natin si idol April Boy pero reggae version ako." ano daw? Sino ito ekalal na ito! Nagulat ako ng hilain niya ako paakyat ng mini-stage kung saan siya nakatayo at binigyan ako ng microphone.
"Anong name mo Miss?" tanong niya, woah, sobrang daming taong nanonood sa amin. "Ma—" hindi mo pwedeng sabihin pangalan mo Macky, "Maria Ann Tot, pero Ma Ann na lang po." p*ta! Saan galing yung pangalan na iyon Macky?!
"Ok, Ma Ann Tot, alam mo naman siguro ang kanyang hindi ko kayang tanggapin hindi ba?" tumango ako, kahit na gusto ko ng lamunin ng lupa sa kahihiyan ngayon. Ano ba naman ito, akala ko si Mr. Smith na ang pinagkakaguluhan dito.
"Ok, Dj music!" nagsimula silang magpatugtog ng reggae version ng hindi ko kayang tanggapin, grabe!!! Totoo ba ito! Pinasuot niya pa sa akin yung shades niya habang sumasabay sa vibe ng music.
"Yeah, ok, hindi ko kayang tanggapin yeah." tinuro niya ako, shet! Wala na akong choice. "Hindi ko kayang tanggapin, na mawawala ka na sa akin yeah," jusko, nakakahiya talaga! Itinaas niya pa ang aking mga kamay at pinakrus ito sa era gaya ng original steps ng kantang ito.
Nakakahiya!!! "Sing it with me! Hindi ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin yeah!" sumasabay na ang mga tao, grabe nakakahiya pero nandito na ako, sumakay ka na lang Macky.
Habang kumakanta, nahagip ng mga mata ko si Mr. Smith, bumababa ito mula sa isang pulang ATV, "Oh shit!" napasigaw ako, natigilan tuloy si April Boy Reggae-to dahil sa akin. "Bakit?" tanong nito. "Kailangan ko na pong umalis, pinapabili lang ho ako ng toyo ng nanay ko." sambit ko.
"Ay, ganun ba, ok, palakpakan naman natin si Miss Ma Ann Tot," inabot ko na ang microphone sa kanya, mabilis akong bumaba ng stage at tumakbo sa katabing resort na puntahan ni Mr. Smith.
"Mr. Smith, sandali!" sigaw ko, pero sa ingay ng mga music at tao hindi niya ako naririnig. Mabilis ang takbo ko, kumakaway na 'rin ako upang mapansin niya pero hindi siya lumilingon. "Mr. Smi—," natigilan ako, at nanlaki ang aking mga mata sa aking nakitang humarang kay Mr. Smith.
"Oh hindi!" sambit ko, lilingon na siya dito!" sa sobrang panic ko, hindi ko napansin ang bato sa harapan ko. Ayun, plakat ang eabab sa buhangin. Ang sakit mare!
"Miss!" shit, sobrang familiar ng boses niya, parang bangungot sa aking pandinig.
"Miss, Ok ka lang ba?" nanatiling nakasubsob ang aking mukha sa buhangin. "Ok lang ako." iniba ko ang aking boses at nanatiling nakadapa sa buhangin.
"Miss, tulungan na kitang tumayo," ano ba! Layuan mo ako, kinikilabutan ako sa boses mo, sa presensya mo! "Hindi ok lang ako boss, gusto ko talagang mag sand bating, hehe." lumayo ka na sa akin!
"Huh? Sigurado ka ba Miss? Nadapa ka nakita ko, imposibleng hindi ka nasaktan." nasaktan ako five years ago na, kaya baliwala na lang ito sa akin, G*go!' gusto ko iyon sabihin sa kanya ngayon pero hindi, ayaw kong magkita kami na nasa ganitong sitwasyon ako. "Nahihiya ka ba Miss? Wag ka nang mahiya sa akin, tutulungan lang kitang tumayo or makaupo 'man lang." ayaw ko nga! Umalis ka na!
"Hindi ayos lang ako," kailangan kong makaisip ng paraan para makalayo dito, siguradong hindi ako titigilan ng g*gong ito. Tyaka isa pa baka nakaalis na si Mr. Smith kailangan ko siyang makausap!
"Sige na miss, let me help you—." agad akong bumangon, at siniguro kong tatamaan ng ulo ko ang mukha niya, nagkauntugan kami pero tiniis ko ang sakit, habang napaupo naman siya sa sakit ng kanyang ilong, may dugo pa. Tumayo ako na puno ng buhangin ang buong katawan ang mukha ko. Nang titingnan niya na ako, sumigaw ako. "Ano yun! Ahh! Kabayong lumilipad!?" napalingon ang ibang tao at pati si g*go sa langit at iyon ang aking que para makatakbo papasok sa resort.
Pagpasok ko sa loob ng resort, bumangga ako sa matigas na poste."Ah!" inda ko sa sakit ng aking noo, ang tigas naman 'non, bakit may poste sa loob ng resor— iminulat ko ang aking mga mata at, "Mr. Smith!" masigla kong sambit.
Finally! "Who the f*ck are you?" kunot noo niyang sambit, lumingon ako sa salamin sa gilid namin, pati ako napasinghap sa aking itsura ngayon mukha akong sand lady.
"Ano ba, Macky!?" lumapit ako sa salamin at nagpagpag, inayos ang aking sarili bago humarap kay Mr. Smi—, nawala na naman siya! Saan nagpunta 'yun?!
"Miss, saan nagpunta si Kai Smith?!' nilapitan ko yung babae sa front desk. "Sorry ma'am, hindi pwedeng sabihin yung room ni Mr. Smith." ibig sabihin bumalik na siya sa room niya. Malas malas malas Macky! Nandon na eh, kaharap mo na pinakawalan mo pa.
"Tanga-tanga Ma—."
"Macky?" hindi maari, dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran ng banggitin niya ang pangalan ko. Tila bumalik lahat ng nakaraan ng marinig ko ang pangalan ko gamit ng boses niya.
"Macky." pag-uulit ni g*go. Oo, g*go ang tawag ko sa kanya dahil ang g*go niya, pinagpalit niya ako sa girlfriend ng kuya niya.
"Makisig Morales." sambit ko, lumapit ako sa kanya at ngumiti.
"Macs." ang kapal naman ng mukha na tawagin ako sa endearment niya sa akin dati. Ang kapal!
"Kamust—agh!" hindi ko na siya pinatapos at binigyan siya ng matinding super kick sa junior niya.
"G*go!" sigaw ko sabay pasok sa elevator. Nakita ko siyang namalipit sa lobby hanggang sa magsara ang pinto ng elevator. Napaupo ako sa floor ng elevator sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Grabe! Bakit ngayon pa? Hindi ako ready! Bakit ka nandito Makisig! Bakit ngayon ka lang nagpakita!
"Who's that guy?" tanong sa akin ng guardian angel ko sa likod.
"Ex-M.U. ko." tugon ko.
"Ex-M.U.?" tanong niya, ang bobo naman nang angel na ito.
"Ex-Mutual Understanding ko, duh, bobo ka ba?"
"What's bobo?" aba may accent pa ang angel ko ah,lumingon ako at—
"Mr. Pogi?" nandito siya ulit! Bakit siya nandito?
"Nice to see you again, Macky, I'm Callahan Mason Thames, you can call me Cal or Mason, whatever you're comfortable with." He said and again, those charming smile. Nakakapanghulog ng panty.
Bakit siya nandito? Sinusundan niya ba ako?
"Crush mo ako noh?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top