CHAPTER ONE - MACKY FLORES
"Good morning Philippines, hello world!" masiglang sigaw ng eabab, at ako iyon. Masaya akong gumising dahil mahimbing ang aking tulog for the first time in this year. Nakangiti akong bumangon sa aking kama, binuksan ang mga bintana sa aking silid at pinagmasdan ang magandang view ng bubong ng kapit bahay namin.
"Grabe ang ganda talaga ang mundo." oh, diba super positive ang ate mo. Bakit ba, eh in love ako eh. Patakbo akong bumalik sa kama, umupo sa gilid at kinuha ang aking cellphone. Sa instagram agad ako dumiretso, binasa ko ang usapan namin ni Jason kagabi.
"I hope you'll sleep well, I'll talk to you tomorrow, goodnight beautiful. Ehe, enebe yern, kinikilig!" para akong baliw na tumatawa dito, ewan ko ba, grabe talaga ang hatid na kilig ni Jason sa akin, naiihi ako sa kilig!
"Ate, magluto ka na daw ng almusal, bago ka pumasok!" rinig ko ang sigaw ng aking kapatid mula sa labas ng aking silid, nawala tuloy ngiti sa aking labi, agad napindot si Anger. "Oo, sandali lang." sigaw ko pabalik.
Sinimulan kong mag type ng 'Good Morning Jason' sa aking phone ng bigla siyang nag online at nagtype din. Huy, ano ba 'yan excited akong ichat. Sige na nga mauna na siya magchat. Imbis na i-send ko ang good morning ko, hinintay ko na lamang muna siyang matapos mag type.
Grabe, isang buwan na din kaming nagkakausap, hindi na ako magsasayang ng oras nasa tamang edad na ako kaya sasagutin ko na siya agad.
To Jsn_bsc:
Good Morning Jason, I do think we should meet up and settle this things up.
(leave on type...)
"Ayan na!" excited kong sambit ng matapos na siyang mag type. I-sesend niya na!
From Jsn_bsc:
Sorry Macky, we should stop this, I can't do it anymore, you're too good for me. I mean I like you but I can't be the loser boyfriend if ever, right. I know you understand me. I'm sorry you're too career driven, not the typical girlfriend material that I was looking for. Sorry.
(sent.)
Bumagsak talaga ang panga ng eabab na 'yan pag katapos basahin ang chat ni Jason. Hindi pa nagsisink in sa akin ang nabasa ko ng bumukas ang pinto. "Ate, nagugutom na kami, kailan mo pa balik kumilos d'yan?" sambit ng bunso kong kapatid na si Mara, habang suot ang kanyang highschool uniform at basa ang buhok.
Wala sa sarili akong tumayo at tumango, "Ito na po bossing." sambit ko. Nagluto ako habang iniisip ang sinabi ni Jason. Tapos agad? Akala ko ba compatible kami? Habang naggigisa ng sinangag, sinilip ko ang IG ko.
Lalo akong napanganga ng naka-block na ako agad kay Jason. "Talaga ba Lord, isang lalaki na naman ang gumamit ng salitang you're too good for me?! Pang ilan na po ito? Hindi pa ba kota?! Laruan ba ako? Problema ko ba na kailangan kong magtrabaho ng mabuti?" bumubulong kong sambit.
"Ate kailangan namin ng 500 pesos para sa pambayad sa sportsfest." tumango ako, "Kumuha ka doon sa bag ko. Hoy 500 hundred lang ah bilang ko 'yun!" hindi na ako nito pinakinggan at tumakbo na papunta sa aking kwarto.
"Ate ako din, 5k para sa research." isa pa itong si mokong na ito. "Hoy, Marco, ano bang ini-reresearch niyo at five thousand ang kailangan mo? Buhay ba ni Lapu-lapu!!! Kakahingi mo lang last week ng 3k ah!" sita ko dito.
"Grabe ka naman ate, akala ko ba suportado mo kami sa school!" iyan na naman, ginamit na naman ang pinagbabawal na technique si gago.
"Mara, kuhanan mo na nga din si Marco ng 5k d'yan! Pasalamat kayo mahal ko kayo!" tapos ko nang niluto ang almusal at hinain na ito sa lamesa, "Macky, bakit hindi ka pa nag-aayos mag aalas-otso na." pumasok si Mama sa bahay, itinabi ang walis ting-ting sa gilid, tinulungan ako mag ayos ng almusal at baon ng mga kapatid ko.
"Oo nga pala ma, sige ma pasuyo na lang po, salamat, siya nga pala paalala mo po sa akin na magbabayad ako ng wifi at ilaw mamaya sa g-cash." ani ko. "Salamat Macky anak, alam mo naman short pa si papa mo."
"Walang problema ma, kayo pa ba." ngumiti ako at pumunta na sa aking silid, sakto naman palabas si Mara. "Ate, kumuha din pala ako three hundred, pambiling skin care, love you!" sambit nito sabay takbo. "Huy!!!" wala na akong nagawa.
Diba, wala na akong time mag emote para sa love life. Sa pamilya ko palang ubos na ang energy ko. Huminga ako ng malalim at muling tiningnan ang IG ko. "Jason Basco, sayang compatible na sana zodiac sign natin." hay, move on Macky, parang hindi ka na nasanay.
I prepare for work and bumababa para kumain ng almusal. "Ma, kakain lang ak—." hindi ko natapos ang aking sasabihin ng makitang ubos na ang hinanda kong almusal. Hindi talaga ako tinirhan?!
"Macky, inubos ni Marco yung sinangag tapos ng hengi si Mara ng hotdog at binaon, binigay ko na sa mga kapatid mo, pwede bang sa opisina ka na kumain? Pasensya na anak." ngumiti ako at tumango. "Ok lang ma, ano ka ba, sige po, papasok na ako, see you later." sambit ko at humalik sa pisngi ng aking ina at tumakbo na ako palabas ng bahay.
Pumila ako sa sakayan ng jeep, at kumalam ang aking tyan. "Manong taho!!! Pabili naman po!" sigaw ko ng makitang dumaan ang nagtitinda ng taho. "Kuya pakibilis ayan na sasakay na ako!" sigaw ko, binigay ko ang bariyang bente sa aking bulsa at sumakay sa jeep, kagat-kagat ang baso ng taho. "Bayad ho!" sigaw ko, inabot ang aking pamasahe, pagkatapos inubos ko na ang taho.
"Manong manong, para!!" sigaw ko ng marating ko ang kanto malapit sa kumpanya, "Excuse me lang po." sambit ko sa aking pagbaba, pumara ako ng taxi at sumakay dito. "Saan tayo ma'am." tanong nito.
"Manong d'yan lang sa Reev Press." tiningnan ako ni manong driver bago nagdrive. Sino ba naman kasing baliw ang sasakay pa ng taxi, isang kanto na lang naman ang layo ng pupuntahan. Kailangan eh, ayaw ko naman makita ako sa opisina ng mga staff ko na nakajeep lang ako papasok samantalang silang lahat ay may mga sasakyan na.
Wala, hindi pa afford ng eabab. Sorry. Nagpicture ako ng window ng sasakyan papasok na at pinost sa IG story. "Off to work." bulong ko sa paglagay ng caption bago pinost. "Dito na lang manong. Ito ho bayad." hindi ito umumik at tumango lang ng tanggapin ang baayad ko. Pagbaba ko nakasabay ko ang ibang staff ng office. "Morning ma'am." bati nito sa akin. Tumango ako at pumasok sa loob.
"Good Morning ma'am," bati ni Trisha, assistant slash bestfriend ko dito sa office. Sabay kaming pumasok sa elevator. "Morning Trish." bati ko. "Anong balita kay Jason the Canada boy?" tanong nito sa akin. Nagmake face ako sa kanya, at gets niya na agad iyon."Ay wala ulit, hulaan ko, it's not you Macky, it's me." tumango ako at sabi ay kaming tumawa.
"Sinabi ko naman kasi sayo, iwas-iwas din sa pagpost ng achievements mo, naiintimidate tuloy mga boys."
Umirap ako, "Ang sabihin mo hindi talaga ako girlfriend material, isipin mo mas malaki pa sweldo ko sa kinikita ni Jason. Ayaw ng mga lalake iyon."
"Truth!" she agrees and pagbukas ng elevator, Mrs. Darcy agad ang sumalubong sa akin. "Miss Flores, in my office please." seryoso nitong sambit. Nagkatinginan kami ni Trish, ngumit at bumulong. "Huy baka ito na ang promotion mo." Sana nga. Sumunod ako kay Mrs. Darcy sa kanyang opisina at umupo sa tapat ng table niya.
"Ma'am if this is about my promotio—," she cut me off and said. "About your promotion, there are some delays, and before I give it to you, meron pa akong isang job for you and if you finish this just like you always do, you'll surely get the promotion." tumango ako at masiglang tinanggap ang job na ito kahit hindi ko pa alam kung ano ito.
"No problem ma'am, kahit ano po iyan, consider it done and hit sa press natin." Confidence is the key to success ang motto ng eabab.
"There is this rising controversial artist, singer/ songwriter part of a band here in the philippines. I want you to have an interview with him and cover his life story and the real him behind the stage." ayun lang, sobrang sisiw na sa akin iyan.
"And the name is?" tanong ko. Super ready na ako sa work.
"Malakai Smith, or mas kilalang God Kai Smith of Dune Band." sino 'yon? God talaga?! Ang cringe ah.
"Ok ma'am, consider it done within a month." tumango ito at ngumiti, "Looking forward to it, Miss Flores." she said and I stood up. Nag-bow bago lumabas ng office niya, tumakbo sa aking opisina.
Pagpasok ko may party papers na pumutok. "Congratulations!!!" sigaw ni Trish. "Hindi pa!!! Ano ka ba may isang work pa bago ko makuha ang promotion, kaya linisin mo 'yang kinalat mo at busy ako."
"Talaga, sino naman ang icocover mo?" kunot noo nitong tanong.
"Dune Band member, ano ba 'yon? Bakit hindi ko kilala."
"Ahhhh, inggit ako!!!" sigaw ni Trish. "Hoy bibig mo!" suway ko. Parang inipit ang pukelya niya kung kiligin. "Sobrang sikat ng Dune mima!!! Sobra!!! Sino ang icocover mo sa kanila?!"
"Si—." hindi ko natapos ang aking sasabihin ng pangunahan niya ako.
"God Kai Smith, ah!!!"
"Ay, ang O.A. na!!! Pakita mo nga sa akin ang taong iyan, nang masimulan ko na ang trabaho ko." sigaw nito, tinulungan niya naman ako ng konti pero walang ibang ginawa kung hindi mag fangirl.
Lumabas ako ng office, mukhang mas may mapapala pa ako pagpumunta ako sa entertainment building nila.
Nagbook ako ng grab, at sabi nasa baba na ito, kaya agad akong sumakay sa makita kong sasakyan sa tapat ng lobby. "Manong sa GT Entertainment Main Building." sambit ko.
"What the f*ck!" ay gulat ako ng magmura si Manong grab driver. Tumingin ako sa raremirror at napansin na nakamask ito. "Minumura mo ba ako manong!"
"Get the f*ck out of my car!" madiin nitong sambit.
"Ano! Bakit naman ako bababa, manong binook ko ito!!" ginagalit ako ni manong ah.
"I'm not a f*cking grab driver, fugly!" nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito, tiningnan ko ang mukha ng grab driver na nakaflash sa screen ng phone ko. Lumapit ako sa driver at hinila ang mask nito pababa. Napasinghap ako ng makitang hindi nga ito yung grab driver.
"Get the f*ck out, before I lose my senses, fugly!" matinding takot ang naramdaman ko, dali-dali akong bumaba at mabilis itong nag drive paalis.
"Ma'am, Macky po? Dito po!" sigaw ng isang driver na nasa gilid naka park. Oh my gosh, ano bang ginawa mo Mack—, natigilan ako ng magrealize ko ang sinakyan kong sasakyan, parang familiar ang driver. Binuklat ko ang dala kong folder at bumungad sa akin ang mukha ni Kai Smith.
Siya yung driver kanina! Iisang mukha lang!
"Kai Smith!!!" sigaw ko. Anong tinawag niya sa akin!
"Fugly!!!" Pangit! Ako? Gago 'yun ah!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top