CHAPTER FOUR - GIRLFRIEND, AKO?



"Crush mo ako?" he charmingly chuckled and looked straight into my eyes. Nakakatunaw naman po ang tingin sir, sandali! Umiwas ako ng tingin bago naglakas loob muling mag salita. Tumayo ako at, "Sinusundan mo ako, aminin mo na, nung una mo akong nakita sa tapat ng hotel niyo, nahumaling ka sa akin. Alam ko na 'yan madalas ginagamit ang pick up lines na 'yan sa akin, hindi mo ako madadali sa ganyan." hindi nga ba Macky? Eh sa sobrang gwapo nito, hindi niya na kailangan magsalita, bibigay ko agad sa kanya ang ang puso ko, eme.

"Really," hindi makapaniwala nitong sambit, pero in a gentle way ang ginamit nitong tono, at tila parang genuinely pa siyang natutuwa sa sinasabi ko. Diba gusto ako nito, alam ko iyon.

"Bakit mo ako sinusunda—-," hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bumukas ang elevator. "Mr. Thames, finally you're here, we''ve been waiting for you." nanlaki ang aking mga mata ng salubungin siya ng straff dito sa resort. Mukhang manager ito dito. We;ve been waiting for you?! Ibig sabihin hindi niya ako sinusundan! Punyeta ka Macky, nakakahiya!

Ramdam ko ang matinding pag-init ng aking pisngi at tenga sa sobrang hiya, unti-unti akong tumalikod at sumiksik sa sulok ng elevator. Shit, nakakahiya! Naramdaman ko ang paglingon nito sa akin, at pati na 'rin ang ngisi nito, ramdam ko sobra! Sana mag laho na lang ako bigla!

"Ahm, sir, may kasama po ba kayo, intruder ito? guards?" tanong nung staff sa kanya, nako-nako mapapalabas pa ata ako ng resort! "No, she's with me." pagsasalba nito sa akin, sumilip ako at nakita kong humarap siya dito, habang hinihimas ang kanyang labi na panay ang ngisi, "Ahm, yeah, she's my girlfriend." nanlalaki ang aking mga mata ng abutin nito ang aking braso, at marahan akong hinila palapit sa tabi niya, ihumarap ako sa staff.

Bakas ang gulat sa kanyang mukha, kahit ako nagulat be, ngumiti ako sa kanya. "H-Hi." bati ko. Nag bow siya sabay ngiti, "Sir, hindi ko alam na may nobya na ho pala kayo, congrats." sumuluyap ako kay Pogi, mukhang nag-eenjoy siya sa pagpapanggap na ito. "Thanks, now may we proceed?" sambit nito.

"Let's head this way ma'am, sir." lumabas kami ng elevator, kinuha ko ang pagkakataon an iyon para kausapin siya. "Sor—," he cut me off and whispered. "Yeah, I had a little crush on you, but I'm not following you missy, by the way, what are you doing here?" dahil sa sinabi niya, hindi ko alam kung magiging kampante ako sa tabi niya or lalong mahihiya, hindi naman siguro totoo yung una niyang sinabi, halata naman gusto niya lang nahihiya ako.

"May kailangan akong kausapin dito." tugon ko. "And let me guess, you trespass again with my help." he said while we continued walking.

"Parang ganun na nga," totoo naman eh, kung hindi dahil sa kanya baka napalabas na ako ng mga guard dito. "You owe me twice. I guess." he said. "Huy, hindi ko hinehengi ang tulong mo ikaw ang kusang tumutulong sa akin noh—" biglang pumasok sa isip ko na isang mayaman nga pala na tao itong kausap ko. Hindi lang basta-basta. Isa itong Thames! "I mean, hindi ko ho hinengi ang tulong mo sir, ikaw ang kusang tumutulong sa akin." tumango siya at panay pa 'rin ang pag ngiti.

Kung tititigan ko ang mga ngiting iyon, baka tuluyan na akong ng melt dito dahil sa sobrang gwapo niya.

"Just call me Cal, fine, I was the one who offered help but next time won't be free anymore." as if naman may next time. "Huy, wala nang next time." ay biglang naging comfortable ang eabab na 'yan baka nakakalimutan mo yung mission mo kung bakit nandito ka.

"Ay oo nga pala, kailangan ko nang umalis, paano ako makakaalis dito." hinila ko ang brim ng suot niyang shirt, para bumulong sa kanyang tenga. "Baka manghinala siya kung basta na lang akong aalis, eh pinakilala mo akong girlfriend." bulong ko.

"What? You need to use the restroom babe?" nagulat ako ng lakasan niya ang boses niya, dahilan upang lumingon sa amin yung staff, "Ma'am the restroom is that way beside the elevator." tumango ako sa staff at ngumiti kay Cal. he wink at me in the most handsome way before he nodded, a signal for me to go.

"Thank you, I'll see you later babe." pagsakay ko sa trip niya. Bumitaw ako sa braso niya at aalis na sana ng marahan niya akong hinapit sa aking bewang at bumeso sa akin. "Goodluck, babe." he playfully whispered before letting me go and follow the staff. Naiwang tulala at lutang ang eabab. Did he just kiss me on my cheeks?! Tangi hindi iyon kiss, beso nga diba Macky!

Pero nag dampi ang mga pisngi namin, what the f!!!

New crush unlock! Napatalon ako sa gilid at biglang sinampal ang aking pisngi. "Focus Macky!" suway ko sa aking sarili, tumayo ako ng tuwid at bumalik sa aking mission. Hanapin si Mr. Smith. "Plan, kailangan mo ng plan, paano ko malalaman ang room niya dit—," natigilan ako ng may narinig ako.

"Sir, room service for Mr. Smith." mapangahas akong lumingon sa hallway, may room service na nakatayo sa isang room, bumukas ito at lumabas si Mr. Smith. Ay wala nang plano-plano Macky, sugod!

Wala nang pagdadalawang isip, tumakbo ako papapunta sa room niya, I intrude kahit kausap niya pa ang room service. "Mr. Smith!" lumingon siya sa akin, kunot noo akong tiningnan. "You again?" tanong niya, mukha namukhaan niya ako kanina sa baba.

Umakto itong papasok sa room niya at pagsasarhan ako, pero hindi ako papayag. "Hep!" lumapit ako sa tapat ng pinto niya, pinigilan ko ang pagsara nito at buong lakas na tinulak, pumasok sa loob at bago ko isara ang pinto, lumingon ako sa room service. "Excuse me lang ah." ani ko, and shut the door. "What the f*ck!?" naguguluhang sambit ni Mr. Smith at lumayo sa akin.

"Mr. Smith, I need to talk to you." hinihingal kong sambit, teka bakit ako kinakabahan ng konti? "I'm Macky Flores from Reev Press, and I'm here to interview you, because our company chose you to be our rising star cover—-." he cut me off and glared at me, nakakatakot. Parang umurong ang dila ko sa pagbago ang aura nito.

"Wait, I remember you, you're the grab girl, and now you're a Reev girl too? What a great start to make my blood boil." Ano daw?! "Teka, teka sir, hindi ko sinasadya yung grab, malay ko bang hindi ikaw iyon, at itong ngayon, bakit naman kukulo ang dugo mo sa akin, maganda nga yung offer namin na gawin ka naming cover ng Reev, more exposure yun sayo, hindi ba?" tanong ko.

Mas lalong kumunot ang noo nito, "I don't f*cking need exposure," ay ang sungit! "Edi wa— este bakit naman?!" kung hindi lang kita kailangan, hindi uubra sa akin yang kasungitan mo. ngayon palang kumukulo na din ang dugo ko sayo. Ang pangit ng ugali, maayos kinakausap eh!

"Not your business!" he said, so rude! Kinuha niya ang telephono at may tinawagan. Kalma Macky, kailangan mo siyang mainterview, para sa promotion mo ito. "Sir, ok alam kong tumangi ka na sa offer ng company namin, but let me change your perspective about our company, I will really work hard on this cover and make sure that the people will love you as we started printing and selling the cover." pagkukumbinsi ko.

"No, get the f*ck out of my room, fugly." nanlaki ang aking mga mata ng marinig ko ulit iyon, pumintig ang tenga ko. "Anong sabi mo?" tanong ko. "I said, get the f*ck out of my room!" sigaw nito. Aba, talagang sinusubok niya ang pasensya ko.

"Hindi iyon, yung huli mong sinabi." ani ko. Ngumisi ito bago nagsalita, "Fugly?" he said and chuckled. Ok, kalma Macky kailangan mo siya, client siya, siya ang icocover niyo, kailangan mo siyang mapaoo, wag kang makitapag-away sa client.

"What, are you deaf? I said get out, fugly!"

"Bakit ang sama ang ugali mo, maayos kitang kinakausap, mapanlait ka talaga?!" tanong ko. Pigilan mo Macky! "Yes, so what at least I'm not ugly like..." tumigil siya, he devilishly smiled, looking at me from head to toe.

"Sige, wag kang magkakamali, like ano!?"

"Like you." he playfully said, ok tapos na! "Ang sama ng ugali mo!" sigaw ko sabay bigay ng super punch sa pisngi niya. "F*ck!" he cursed, hindi niya napredict ang kamao ko boy! "Ang sama ng ugali mo, hindi porket sikat ka sobrang yabang mo na, at may karapatan kang laitin ang mga kagaya ko na nagtatrabaho ng maayos dito!" biglang bumukas ang pinto room niya at dalawang malaking security guard ang sumulpot.

"Get her out of her, she's a stalker." he said and suddenly mukha siyang biktima dito!

"Hoy, hindi ah!!! Nandito lang ako para sa work! Hindi 'yun totoo kuya." pagpapaliwanag ko. "She tried to abuse me, see this." ipinakita niya ang sapak ko sa kanya. Hinawakan ako ng mga guard sa magkabilang braso at binuhat palabas ng room niya.

"Hindi totoo iyon, pangit kasi ng ugali niya kuya, sinabihan ako ng fugly! Pangit daw ako! Hoy sinungaling ka sabihin mo yung totoo, ako stalker, ang kapal mo!" sigaw ko, he smirked at me and palihim na kinamot ang pisngi at nag middle finger sa akin. Aba, asshole!

"F*ck you ka din!" sigaw ko, dinala na ako ng guard sa elevator, "Bitawan niyo ako boss, hindi totoo ang sinasabi niya, hindi ko siya inabuse. Ang kapal niya naman!" sinusubukan ko pa'rin ipaliwanag ang side ko. Kung nakita lang at narinig nila ang kasamaan ng ugali ng lalaking iyon baka baligtad kami ng sitwasyon ngayon.

"Manahimik ka miss, trespassing ka. Dadalhin ka namin sa police station, stalker ka pa. Iba na talaga mga kabataan ngayon, mapupusok." ani ng isa. Ok, guilty ako doon sa trespassing pero yung stalker hindi totoo iyon. At mapusok kanino sa lalaking iyon?! Never!

"Hey, what's goin on here?" sumulpot ulit si Cal, I mean si Sir Thames. Tiningnan ko siya at agad inabot ang kamay niya, binitawan ako ng mga guard at nag salute sa kanya. "Sir." bati nila dito.

Lumapit ako sa kanya, kumapit sa kanyang braso, "Tulungan mo ako," bulong ko.

"Let's just make this clear, right now, I'm not offering you my help, you're asking for it, right?" ani nito, tumango na lang ako at bahala na kung anong hengin niyang kapalit, hindi ako pweding makulong.

"Oo, tulungan mo ako please." he smile and face the guards.

"She's my girlfriend, sorry if she causes trouble, she has a different personality disorder. I'll handle her." tumango ako at nag panggap na natatawa at nalulungkot at the same time.

"Nako, pasensya na boss, hindi ko namin alam na ganyan siya. Sige ho mauna na ho kami." nag bow ang mga guard at umalis. Nakangiti akong hinarap ni Cal at tumatawa. Hinampas ko ang braso niya sabay sita. "Different personality disorder talaga?!"

"What can I say, what you did is wrong, trespassing is a crime, you can only escape from that using sickness." he said and continued chuckling. "Sige na nga, salamat ah. Niligtas mo na naman ako, Cal– I mean Sir. Thames."

"No, just call me Cal, we're friends, we're cool." he said. Teka sino nagsabi na friends na kami agad? "Tayo friends?" tanong ko.

"Yeah, friends help each other right, I help you and now you'll help me." he said. "Help saan?" ani ko.

"Be my girlfriend."

"Ayun lang pal—-Ano!" Girlfriend?!

"What, we're friends right?" nakangiti niyang sambit.

"Porket friends, pwede nang maging girlfriend!?!" ito gwapo pero parang sira ulo.

"What's wrong?" panay pa 'din ang ngiti niya.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?!" Girlfriend, ako???

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top