Chapter 7
3rd Person POV
Habang naglalakad si Ian ay nakita niya si Judy na nakaupo. Habang nakatingin siya dito ay napalingon din ito sa kanya kaya nilapitan niya na ito.
"Oh Judy, anong ginagawa mo dito? Hindi ba't wala kayong pasok ngayon?" Nagtatakang tanong sa kanya ni Ian.
"Ano kase... Ang totoo kase niyan ay ikaw talaga ang sadya ko dito." Sagot naman sa kanya ni Judy.
"Bakit anong kailangan mo sakin?" Tanong ulit ni Ian.
"Gusto ko lang sanang kamustahin yang kamay mo."
"Ah ito ba?" Pagtapos ay itinuro ni Ian ang kanyang kanang kamay na may balot pa din ng benda. "Wala 'to, Isang linggo lang naman to e. Bukas makalawa na yung pang isang linggo nito kaya naman wag ka nang mag-alala dito. Okay na okay lang ako."
"Gusto ko lang naman siguraduhin na okay na yan kasi kung hindi naman dahil sakin ay hindi ka magkakaroon ng pilay."
"Kahit sino naman kasi yatang lalaki ay gagawin din yung ginawa kong pagligtas sa'yo. Nagkataon lang siguro na ako yung malapit kaya ako na din yung tumulong sa'yo."
"Salamat pa rin ng madami tsaka sorry talaga. Ay! Siya nga pala pinaghanda pala kita ng makakain" Sabi ni Judy pagtapos ay kinuha niya ang isang lunch box mula sa bag niya.
"Salamat Judy. Nag-abala ka pa." Nahihiyang sabi naman ni Ian pagtapos kinuha niya ang lunch box na iniaabot ni Judy.
"Walang anuman. Sige Ian mauna na ako." Pagpapaalam ni Judy pagtapos ay naglakad na ito palayo pero muli siyang tinawag ni Ian.
"Judy! Sandali lang!" Tawag ni Ian at lumingon lamang si Judy. "Wala ka bang gagawin ngayon? Baka pwede mo akong samahan sa music shop, may bibilhin kase ako e."
*****
Sa Music Shop...
"Ito na yung huling stack namin." Tugon ng tindero pagtapos ay inaabot niya kay Ian ang gitara. "May bago yata sa'yo ngayon pare ha? May shota kana pala." Dagdag pa nito.
"Ahm. Hindi ko siya Girlfriend, magkaibigan lang kami." Nahihiyang sagot ni Ian sa tindero dahil narinig yata ni Judy ang sinabi ng tindero.
"Ah ganun ba? Pero bagay kayo pare. Kung may kailangan ka pa tawagin mo lang ako ha." Sabi pa nito at pagtapos ay umalis na.
"Judy, dito ka muna."
"Bakit?"
"Diba tutulungan mo ko?" Pagtapos ay itinaas ni Ian ang kanang kamay niya na may benda na parang pinahihiwatig kay Judy na kailangan niya talaga ng tulong.
Umupo si Judy sa tabi ni Ian at binuksan niya ang balot ng gitara at kinuha niya na din ang gitara mula sa loob nito.
"Ang ganda naman nito." Manghang sabi ni Judy.
"Pwede ba natin subukang tugtugin?" Tanong ni Ian.
"Ano?" Tanong din ni Judy.
"Pare-pareho lang ang mga gitara kaya wag kang matakot. Nagkaka-iba lang sila sa tunog. Minsan nga kahit pareho sila ng model ay magkaiba pa din." Pagpapaliwanag naman ni Ian. "Gusto ko sanang subukan kaya lang mahirap." Pagtapos ay hinarap nanaman niya kay Judy ang kanyang kanang kamay na may pilay.
"Kaya lang hindi ako marunong tumugtog ng gitara e." Sagot naman ni Judy.
"Ahmmm. Kaliwa ko na lang yung gagawa ng chords tapos yung kanan mo naman ang mag i-strumm ng strings." Suhestyon ni Ian at pagtapos ay sinubukan na nga nilang tugtugin ang gitara. Habang tumutugtog sila ay bakas sa mukha ng dalawa ang kasiyahan na nararamdaman.
*****
Habang naglalakad ang dalawa pabalik na sa school nila dahil may pasok pa si Ian.
"Judy, pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa mga magulang mo?"
"Ang Papa ko, isa siyang professor sa isang university. Natatandaan ko noon na inlove na inlove sila ni mama sa isa't-isa. Tuwing umaga lagi niyang pinipihit yung relo na automatic na ibinigay sa kanya ni Papa. Matagal ko ding ginawa yun noong namatay sila hanggang sa naiwala ko na lang. Nakakahiya nga e, lagi na lang akong nakakawala ng mga bagay pati sarili kong diary ay naiwala ko. Nakakapanghinayang lang marami na rin kasi akong naisulat dun e. Merong favorite movie sila Papa yung Love Story. Kaya simula noon gusto ko nang panoorin ng paulit-ulit ang palabas na yun ---" Pero hindi na natuloy ni Judy ang sasabihin niya pa dahil nagsalita si Ian.
"Kaya lang hindi mo nagawa. Sorry ha." Sabi ni Ian.
"Okay lang. Sabi nga 'Love means never having to say your sorry' diba?" Pagtapos ay napatingin bigla si Ian sa sinabi ni Judy.
"Pa---pasensya na. Ang ibig kong sabihin ay para sa mga mag nobyo yun." Pagtatama ni Judy sa sinabi niya.
"Gusto mong panoorin natin?" Tanong na lang ni Ian.
Pumunta sila sa pinakamalapit ni sinehan.
"Hindi na showing." Malungkot na tugon ni Judy.
"Baka meron pa. Hindi lang naman yan ang sinehan. Kapag may nakita pa tayong nagpapalabas pwede bang sabay tayong manood?" Tanong ni Ian na tinanguan lamang ni Judy.
*****
Nang makabalik na sila sa kanilang eskwelahan ay dumerecho sila doon sa room kung saan nagpi-paint si Ian kasama ang iba pang mga estudyante na mahilig ding mag painting.
"Kumain ka na ha. Aalis na ko." Pagpaalam ni Judy.
"Teka, hindi mo ba ko sasabayan?" Tanong ni Ian pero parang hindi yata siya nito narinig dahil nakatingin ito sa isang painting na pag aari ni Ian. May nakaukit doon na imahe ng isang babae pero wala pa itong mukha dahil hindi pa natatapos.
Nang makita ni Ian ang tinitingnan ni Judy ay agad itong lumapit doon sa painting at binaliktad ito.
"Ahm. Sorry ha. Hindi ko sinasadya, napansin ko lang bigla 'yun." Paumanhin ni Judy.
"Si Rina yun! Pinilit niya ako na i-paint siya." Pagpapaliwanag naman ni Ian.
"Ah si Rina pala. Mukhang di pa natatapos ang painting. Naabala ko pa yata ang ginagawa mo. Aalis na muna ako Ian. Sorry ha." Tugon ni Judy na mahahalata ang pagkadismaya sa tono ng boses nito. At nang akmang paalis na ito ay hinarang siya ni Ian.
"Di mo ko naabala. Saluhan mo na muna ako. Teka't kukuha lang ako ng tubig." Pagtapos ay tumakbo na ito palabas para kumuha ng tubig.
Habang inaantay ni Judy si Ian na bumalik ay naalala niya ang sinabi sakanya ni Rina noong napag-usapan nila si Ian na 'Sabi ni Ian yung mahal lang niya yung ipipi-paint niya'. Habang nililibot ni Judy ang kanyang paningin ay may napansin siyang kulay green na cabinet kaya naman lumapit siya dito at binuksan ito. Namangha siya dahil puro paintings ang laman nito. Una nakita niya ang isang painting na may nakaukit na isang puno ngunit pagtingin niya sa painting na kasunod nito ay nagulat siya dahil...
*********
Ian POV
Habang naglalakad ako papunta sa canteen para kumuha ng tubig ay bigla kong naalala yung mga paintings ko na nakalagay sa cabinet na baka makita ni Judy. Dali-dali akong bumalik at nawala na sa isipan ko ang pagkuha ng tubig pero huli na yata ako dahil naabutan ko si Judy na inaayos ang mga nahulog na paintings ko.
************
3rd Person POV
Nagulat si Judy sapagka't nakita niya ang isang painting na nakaukit ang imahe niya. Sa sobrang gulat niya ay nabitawan niya ang mga paintings dahilan para malaglag ito sahig. Habang kinukuha ni Judy ang mga nalaglag na paintings para ibalik sa kinalalagyan nito ay bigla namang dumating si Ian. Nagkatingin muna sila bago tuluyang tumakbo palabas si Judy. Napatulala si Ian ng saglit pero kalaunan ay hinabol niya din si Judy.
"Judy!" Sigaw ni Ian kay Judy na patuloy na naglalakad ng mabilis. "Judy!" Sigaw niya ulit at sa pagkakataong iyon ay huminto na ito. "Gusto ko sanang magpaliwanag. Yung painting..." Natigilan si Ian ng makita nila si Donald kasama si Charlie at Rina na naglalakad sa di kalayuan. Tumalikod silang dalawa para hindi sila mapansin ng mga ito at nang makadaan na ang mga ito ng hindi sila napapansin ay magpapatuloy na sana si Ian ng biglang magsalita si Judy.
"Yung sasabihin mo. Wag mo na munang sabihin. Next time na lang siguro. Okay?"
"Judy, wag mo sanang bigyan ng kahulugan. Ginawa ko lang yun para sa mga scenery. Scenery paintings at nagkataon lang na nandun ka sa view. Yun lang naman ang ibig sabihin nun kaya balewalain mo na."
"Yun ba ang gusto mong ipaliwanag sakin? Ian?" Tanong ni Judy na may pagkadismaya sa boses nito.
"Oo yun lang. At isapa okay na din 'tong kamay ko kaya tigilan mo na amg pagdadala ng pagkain baka malito pa ang mga tao kapag nakita nila ang ginagawa mo. Lalo na si Donald ayoko siyang magalit dahil kaibigan ko siya. Para sakin importante ang pagkakaibigan." Tugon ni Ian na nakatingin lamang sa lupa habang sinasabi ang mga salita na iyon.
"Naintindihan ko. Wala naman akong iniisip e. Wag kang mag alala." Tugon ni Judy pagtapos ay umalis na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top