Chapter 6
Ian POV
"Ian! Halika at sumayaw tayo." Pagyaya sakin ni Rina.
"Bakit mo ko niyayaya? E hindi pa nga kita nakikitang sumayaw e." Sagot ko naman dahil kahit kailan ay hindi ko pa nakita na sumayaw si Rina.
"E kasi nga hindi pa ako nakakahanap ng kasayaw ko. Halika na." Sagot ni Rina pagtapos ay hinila na niya ako papunta sa gitna kung saan nagsasayawan yung nakararami.
"Rina, Pwede bang mahiram ko muna si Ian sandali?" Singit ni Donald habang nagkukwentuhan kami ni Rina habang sumasayaw.
"Bakit Donald?" Tanong ko sa kanya.
"Ian, may balak kasi ako mamaya. Gusto ko nang magtapat kay Judy. Sana suportahan mo ako pare."
"Sige."
Pagkatapos naming sumayaw ni Rina ng matagal ay umupo muna ako dahil nakaramdam ako ng pagod pero biglang na lang akong hinila ni Charlie at dinala niya ako sa lugar kung saan nakaupo si Judy.
"Judy, baka pwede daw ba kayong sumayaw ni Ian? Kahit limang minuto lang daw o kahit tatlo lang basta maisayaw ka lang niya." Pagkatapos ay tumakbo na ito paalis.
"A.. Judy, Pasensya ka na kay Charlie ha."
"Okay lang yun. Medyo sanay na din ako kay Charlie. Alam ko na maloko talaga siya." Natatawa nyang sabi.
"E... Judy pwede nga ba kitang maisayaw?" Nahihiyang tanong ko.
"Oo naman."
Nung mga sandali na yun, parang gusto kong matapos ang gabi na yun na siya lang ang kasayaw ko. Hindi ko alam pero noong pagkakataong yun ay ayaw ko siyang bitiwan at ibigay sa iba. Ewan ko ba pero hindi ko na yata kayang pigilan pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko pa sigurado sa sarili ko kung gusto ko ba siyang ipaglaban o ipaubaya na lang para sa kaibigan ko pero may isang bagay na sobrang sigurado ako at iyon ay ang mahal na mahal ko siya.
"Judy dito!" Tawag ni Donald marahil ay sisimulan na niya ang kanyang pagtatapat kay Judy.
Habang naglalakad si Judy papunta kay Donald ay mayroong dalawang lalaki na naghahabulan, siguro ay naghaharutan lamang. Nabunggo mg isa sa mga lalaking naghahabulan ang isang malaking kahoy na dekorasyon dahilan para matumba ito. Nung makita ko na babagsak ito sa pwesto ni Judy ay agad agad akong tumakbo at sinalag ang aking katawan para protektahan si Judy. Bumagsak kami parehas sa sahig pagkatapos tumama sa akin ng kahoy na dekorasyon.
"Araaaaaaay!" Ungol ko dahil sobrang sakit.
**********************
Sa clinic...
"Teka lang Ian, hahanapin ko lang si Rina. Kausapin mo si Judy kasi medyo in shock pa din siya e." Paalam ni Donald pagtapos ay lumabas na ito ng pintuan.
"Ahm... Sabi nila may bali daw kaya nilagyan ng bandage.Gusto mong pumirma?" Biro ko kay Judy dahil malungkot siyang nakatingin sa kanang kamay ko na nilagyan ng bandage dahil nabalian daw.
"A... Sorry ha. Hindi pala nakakatawa." Sabi ko ulit dahil seryoso pa din siyang nakatingin sa kamay ko at nakita ko na may mga nangingilid na luha mula sa kanyang mga mata.
"I'm Sorry Ian. Natakot ako kanina, kala ko kung ano nang nangyari sa'yo. Ayoko kasing may napapahamak ng dahil sakin." Sabi niya pagtapos tumulo na ang mga luha na kanina ay nangingilid lamang sa mga mata niya.
"Yung mga magulang ko, namatay sila dahil niligtas nila ang buhay ko." Dagdag niya pa at patuloy na tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya.
"I'm sorry Judy. Hindi ko alam."
"Buhay ka naman pala." Sabi kaagad ni Charlie pagkapasok na pagkapasok niya sa pinto. Kasama na niyamg pumasok si Donald at Rina.
"Oo naman."
"Isang linggo lang daw yan sabi nung nurse." Sabi naman ni Donald.
"Okay ka lang ba Ian?" Tanong sakin ni Rina pagtapos ay niyakap niya ko.
"Oo, okay lang ako. A... Rina naiipit yung kamay ko."
"Ay! Sorry." Pagtapos ay bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin.
*******************
Sa boarding house...
"Hay naku! Ano bang naisip mo at nagpakabayani ka kanina?" Tanong ni Charlie habang tinutulungan niya ako na hubarin yung long sleeve ko dahil nga sa hindi ko pa magamit ang kanang kamay ko dahil masakit pa ang bali.
"Salamat ha." Sabi ko na lang sa kanya pagtapos kong mahubad ang long sleeve na suot ko. Hindi ko na sinagot ang sinabi niya.
"Ian, bakit parang nagbabago kilos mo?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Pards naman! Palagi mo akong kasama diba? Aminin mo na lang kase sakin. Kasi... babae ba ang problema mo? O kung hindi naman ay... may kinalaman sa babae?"
"Magsalita ka naman." Pangungulit niya pa dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
"Ikaw ba ay inlove ka na ba kay... Hay... Sabihin mo na kase ng hindi na ko nanghuhula. Ikaw ba ay inlove ka na ba kay Ju... Ay jusko!" Hindi na natuloy ni Charlie ang sasabihin niya dahil nagulat ito sa biglaang pagpasok ni Donald sa pinto.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Donald.
"Donald, tanggalin mo nga yang ugali mo na bigla-biglang lumilitaw at nanggugulat." Sabi ni Charlie.
"Bakit nagulat ba kita? Tsaka isapa, hindi ba ako welcome dito?"
"Okay ka lang ba?" Biglang tanong naman ni Donald sakin.
"Oo. Sorry nga pala kanina. Hindi ka pa tuloy nakapag tapat."
"Uunahin ko pa ba yun kesa sa isang kaibigan? May ibang oras at pagkakataon pa naman e. Tsaka isapa hindi mo naman kasalanan na nangyari yun e."
"Sorry pa rin."
"Ito yung wala sa iba e! Ang tindi talaga ng pagkakaibigan nating tatlo! Walang kahit anong makakasira sa samahan natin. Wala na 'tong iwanan ha? Hanggang pagtanda na 'to." Sabi ni Charlie habang nakaakbay sa aming dalawa ni Donald. Sa tingin ko ay sinabi yun ni Charlie dahil alam niya na, na si Judy din ang babae na nagugustuhan ko dahil kung hindi pumasok si Donald kanina habang nagtatanong siya siguro ay napaamin na ako ni Charlie.
"Ang drama mo." Sabi ni Donald pagtapos ay nagtawanan kami.
Charlie POV
Alam ko na ang aking dalawang matalik na kaibigan ay iisa lamang ang babae na nagugustuhan. Hindi sana ako makukumbinsi na may gusto si Ian kay Judy dahil lamang may nakita ako na painting na si Judy ang nakapinta doon sa locker room na pinaglalagyan ni Ian ng mga paintings niya. Ayaw kong maniwala na si Ian ay may nagugustuhan ng babae. Hindi ako sanay dahil sa tuwing tinatanong ko siya tungkol sa mga ganung bagay ay hindi siya interesado at wala daw siyang pakialam pero base sa nakita kong pagligtas niya kay Judy ay doon ko lamang nakumbinsi ang sarili ko na si Judy nga ang babaeng nagugustuhan ni Ian.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top