Chapter 5

Isang gabi na umuulan ng malakas. Habang naglalakad si Ian pauwi na sana ay nakita niya si Judy na nakasilong sa labas ng library. Lumapit si Ian kay Judy.

"Kunin mo na 'to." Sabi ni Ian at ibinigay ang payong na dala dala niya.

"Hindi ka na sumasama sa kanila? Hinahanap ka nila." Tanong pa ni Ian.

"A... Kasi... Alam mo Ian, kung ako ang dahilan kung bakit hindi ka na sumasama sa kanila, mas gugustuhin ko pa na ako na lang ang umiwas." Sagot ni Judy.

"Sino namang nagsabi nun? Alam mo kasi busy lang talaga ako. Kung ganun, umiiwas ka ng dahil lang sa ganung chismis? Wag mo yung intindihin. Bakit naman ako iiwas ng dahil lang sa'yo? Masaya ako para sa inyo ni Donald, bagay kayo." Sabi ni Ian.

"A... Yung saming dalawa ni Donald. Hindi yun gaya ng iniisip mo." Sabi naman ni Judy.

"Kung ganun, uulitin ko masaya ako para sa inyo. Sana pwede pa tayong maging magkaibigan. Sumama ka na sa kanila sa susunod ha. Ingat ka." Sabi ni Ian pagtapos ay umalis na ito.

"Magbabago na ang lahat simula ngayon, gagawin ko ang lahat para makalimot para hindi masira ang samahan namin." Sabi ni Ian sa sarili niya.

**************************

University Week. Magkakasama sila. Si Ian, Donald, Charlie, Judy, Rina at Carmi. Maingay ang buong paligid, maraming tao at maraming mga palaro ang nakakalat.

"Nauuhaw ako. Sino gustong sumama sakin na bumili ng maiinom?" Sabi ni Donald.

"Ako." Sagot naman ni Charlie.

"Sasama na din ako." Sagot din ni Carmi. At umalis na nga ang tatlo para bumili ng maiinom nilang lahat.

"Ian! Subukan natin 'to." Tawag ni Rina kay Ian at tinuro niya yung laro na gusto niyang laruin kasama si Ian.

"Ano ba yan?" Tanong naman ni Ian.

" 'Shoot the heart with cupid's arrow'." Sagot ni Rina pagtapos ay hinila na niya si Ian papunta doon sa itinuturo niyang laro.

"Lapit lang, lapit lang po kayo. Susubukan niyo?" Tanong ng nagbabantay.

"Opo." Sagot naman ni Rina.

"Okay ganto lang naman ang kailangan mong gawin sa game, simple lang kaya madali lang manalo. Isusulat ko lang dito sa board ang pangalan ng type mo tapos kailangan mong tamaan yung mansanas. Pag tinamaan mo ay pwedeng magkatotoo yung hiling mo para sa inyong dalawa at pwede na kayong mamili dito kung anong gusto niyong premyo. Tatlong beses ka lang pwedeng mag try na tamaan yung mansanas. Pag hindi mo tinamaan, talo na kayo sa game. Anong pangalan mo?" Paliwanag ng bantay pagtapos ay tinanong nito kung ano ang pangalan ni Rina.

"Rina po." Sagot naman ni Rina.

"Okay, Rina." Pagtapos ay sinulat na nito sa Board ang pangalan ni Rina.

"Ano ka ba Ian? Gusto ko lang naman nung stuff toy e. Magaling ka dyan diba?" Sabi ni Rina kay Ian dahil mukhang ayaw nito.

"Yung laruan lang ha." Paglilinaw naman ni Ian.

"Oo." Sagot ni Rina.

Unang subok pa lang ni Ian ay tinamaan niya na yung mansanas kaya naman tuwang tuwa si Rina.

"Waw! Ang galing galing mo talaga Ian." Bati ni Rina kay Ian.

"Ms. Rina, mamili ka na ng premyo mo." Sabi naman ng nagbabantay.

"Baka gusto niyo pa ng isang game para sa kanya naman?" Sabi pa ng nagbabantay at ang tinutukoy nito ay si Judy.

"Oo nga magsabi ka din kay Ian." Sabi ni Rina kay Judy.

"Ano bang pangalan niya?" Tanong ng nagbabantay.

"Judy po." Sagot naman ni Rina.
Sinulat din ng nagbabantay ang pangalan ni Judy at nagsimula na si Ian na mag concentrate para tamaan ang target niya na mansanas.
Hindi tumama ang unang try ni Ian at sa kamaang-palad ay hindi din tumama ang pangalawa.

"Anong nangyayari? Last Chance mo na yan." Paalala ni Rina kay Ian.

"Okay lang naman kahit hindi niya tamaan." Sabi naman ni Judy.

Habang nagco-concentrate si Ian sa target niya ay bigla namang dumating na si Donald at Charlie.

"Ano yang ginagawa mo Ian?" Tanong ni Donald.

"Oo nga, ano yan Pards? 'Shoot the heart with cupid's arrow' " Tanong din ni Charlie pagtapos ay binasa niya ang nakasulat sa Sign Board.

"Ah kung ganun pinapana mo sila habang wala kami? Magaling ka nga Ian!" Biro ni Donald na medyo hindi nagustuhan ni Ian.

"Para kay Judy pala yan e. Ako na tutal sharp shooter naman ako e." Sabi pa ni Donald.

"Ako na." Seryosong sagot naman ni Ian.

Sinugurado muna ni Ian na tatamaan niya ang mansanas bago niya ibitaw ang palaso at tinamaan niya nga ito.

"Waw! Bullseye ha." Puri ni Donald.

Pagtapos nun ay umalis si Ian. Nakatingin naman sa kanya si Judy habang naglalakad siya palayo.

"Ms. Judy kunin mo na yung premyo mo." Tugon ng nagbabantay.

Kinuha ni Judy ang premyo niya pagtapos ay nagpaalam na muna sila sa isa't-isa.

"Judy! kita-kita na lang tayo mamayang gabi sa Seniors Ball ha." Sigaw ni Rina habang naglalakad na ito palayo at kumaway ito bilang pamamaalam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top