Chapter 4 "Ang Pag-iwas"

"Kamusta nga pala yung balak niyo na date? Tuloy ba kayo na manood ng sine?" Tanong ni Rina kay Donald habang magkakasama kami na naglalakad lakad. Ako, si Donald, si Rina at si Judy

"Hindi kami tuloy e. Naka oo na daw si Judy sa kaibigan niya na manood sa linggo."

"Hindi na din kami tuloy." Sabi ni Judy kay Donald. Hindi kami natuloy dahil noong araw mismo na nalaman ko na siya pala ang babae na nagugustuhan ni Donald ay kinausap ko siya at sinabi na may pupuntahan ako sa linggo kaya wag na lamang namin ituloy ang panonood.

"Sakin ka na lang sumama kung ganun."

"Mauna na pala ako." Hindi ko na inantay na sumagot pa si Judy sa tanong ni Donald.

"Nanaman?" Tanong ni Rina.

"Pasensya na kayo. Marami lang talaga akong mga projects na kailangan tapusin ngayon e. Sige, enjoy kayo ha." Pagtapos ay umalis na ko kaagad.

"Ian! Saglit lang." Tawag pa ni Donald pero hindi na ako lumingon pa.

"Nakakainis na si Ian, lagi na lang siyang ganyan. Ano kayang problema nun?" Naiinis na sabi ni Rina.

******************************

3rd Person Point of View

"Huuuy! Ian, Sige na tulungan mo na ko. Ikaw yung mas nakakaintindi ng ugali niya e." Sabi ni Donald habang ginugulo ang nag pi-paint na si Ian.

"Pano mo naman nasabi yan?" Sabi ni Ian na mahahalata sa mukha nito na hindi siya natutuwa sa pangungulit na ginagawa ni Donald.

"Magkaparehas kayo ng ugali, magkaparehas kayo ng mga gusto." Sagot ni Donald.

"Akala mo lang yun." Sabi ni Ian habang nakatingin lamang sa ginagawa niya.

"Wag ka namang ganyan. Tulungan mo naman ako. Baka kung wala pang mangyari ngayon baka maging magkaibigan na lang kami." Sabi ni Donald.

Bumuntong hininga si Ian pagtapos ay tumingin sa kanya.

"Tigilan mo ang pagreregalo. Ipakita mo na seryoso ka." Sabi ni Ian.

"Pero pano? Hindi ko alam kung pano gagawin yun." Tanong pa ulit ni Donald.

"Alamin mo kung pano. Ikaw yung may gusto sa kanya diba?" Sagot ni Ian na medyo malakas.

"Teka nagagalit ka ba?"

Tumayo si Ian at naglakad na palabas.

"May klase pa pala ako." Sabi ni Ian bago pa man siya tuluyang makalabas ng pinto.

Hinabol ni Donald si Ian kaya naman si Charlie na lang ang naiwan mag isa sa kwarto kung saan madalas nag pi-paint si Ian. Pumasok sa isip ni Charlie na baka katulad ng ibang painter ay nagpipinta si Ian ng mga hubad na larawan kaya naman naisipan niya na tignan ang lalagyan ni Ian ng mga paintings niya pero hindi inaasahan ni Charlie ang nakita niya.

"Aba! Si Judy to ah. Bakit may painting siya ni Ian?" Gulat na sabi ni Charlie.

******************************

"Siya nga pala Rina, tungkol kay Ian, gusto ko kasi malaman ang ugali niya." Sabi ni Judy kay Rina habang magkasama silang naglalakad.

"Ano ba sa tingin mo?" Sabi naman ni Rina.

"Una ko siyang nakilala doon sa tapat library. Noong umuulan at sabay kaming naglakad na magkasama sa isang payong. Tahimik siya pero palakaibigan." Sabi ni Judy.

"May pagka misteryoso siya." Dagdag naman ni Rina.

"Ganun pala siya." Sabi ni Judy.

"E si Donald? Kamusta naman siya sayo? Alam mo naman na may gusto siya sayo diba? Ayokong magtunog na pini-pressure kita pero sa tingin ko seryoso siya sa'yo." Sabi ni Rina.

"Nakita ko na halos pareho lang kami ni Donald kaya gusto ko siya." Sagot ni Judy.

"Mabuti naman. Akala ko kasi dati ay may namamagitan sa inyo ni Ian." Sabi ni Rina sabay ngumiti siya kay Judy.

"Alam mo kasi... Gusto ko si Ian. Wag kang maingay ha. Sekreto lang natin yun. Wag mong sabihin kay Carmi."

"Kwento sakin noon ni Ian na may painter daw na yung asawa lang yung pinipinta. Ayaw daw kasi nung painter na nagpipinta ng ibang tao. Nakakarelate daw siya doon. Siguro si Ian, pag nagmahal ganun din diba? Kaya sisiguruhin ko na balang araw ipi-paint din ako ni Ian." Pagpapatuloy pa ni Rina.

******************************

"Ian! Galit ka?" Tanong ni Donald kay Ian habang hinahabol niya pa din ito sa paglalakad.

"Hindi ah" Sagot ni Ian.

"Alam kong hindi mo gusto ang style ko pagdating sa mga babae, pero sa pagkakataong 'to seryoso na ko. Maniwala ka pare. Kamusta na pala yung sa'yo? Si tatlong segundo?" Sabi ni Donald habang naka akbay na kay Ian.

"Yun ba? Sumuko na ko." Sagot ni Ian.

"Ano?" Sabi ni Donald na medyo may pagkagulat.

"Nalaman ko kasi na meron na siyang iba." Sabi ni Ian.

"Ganun? Basta ka na lang susuko? Ipaglaban mo!" Sabi ni Donald na parang pinapalakas ang loob ng kaibigan.

"Hindi ko pwedeng ipaglaban, ayokong ipaglaban. Yung lalaki kasi malapit kong kaibigan." Sagot naman ni Ian.

"Teka anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Donald.

"Donald!" Saktong tawag naman ni Rina.

"Hi!" Bati ni Donald kay Rina at sa kasama nitong si Judy.

"Ang ganda ng panahon ngayon diba? Gusto niyo na mamasyal tayo?" Tanong ni Donald.

"Sige ba. Pero saan naman?" Tanong ni Rina.

"Basta. Sumunod na lang kayo sakin." Pagkasabi ni Donald ay tumawa sila.

"Kayo na lang. Meron pa kasi akong klase." Sabi ni Ian at akmang aalis na ito ng biglang magsalita si Rina.

"Kung ganun totoo yun?" Tanong ni Rina.

"Ang alin?" Nagtatakang tanong naman ni Donald.

"Ian, ayaw mo daw makasama si Judy?" Tanong ni Rina.

"A...Ano?" Medyo nauutal na tanong ni Ian dahil nagulat din ito dahil sa sinabi ni Rina.

"Rina." Sabi naman ni Judy na parang inaawat si Rina sa mga gusto pa nitong sabihin.

"Ano ba yun?" Nalilitong tanong ulit ni Donald.

"Sabi kasi ni Carmi, itong si Ian sa tuwing kasama natin si Judy ay hindi sumasama sa mga lakad natin. Halatang umiiwas." Sabi pa ni Rina.

"Imposible yun Rina. Bakit naman iiwasan ni Ian si Judy?" Kontra ni Donald.

"Siya nga pala meron pa din pala akong klase. Kayo na lang ang lumakad. Sorry ha. Enjoy kayo." Sabi ni Judy pagtapos ay umalis na ito.

"Hindi mo yun dapat sinabi Rina." Sabi ni Donald pagtapos ay hinabol nito si Judy.

"Sabihin mo nga, totoo ba yun o hindi?" Tanong ni Rina kay Ian.

"Bakit ko siya iiwasan? May gusto sa kanya si Donald at okay ako dun. Mauna na ko baka ma-late pa ko." Sagot ni Ian pagtapos ay naglakad na ito palayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top