Chapter 3 "Matalik na Magkaibigan"
"Ian! Ano inom tayo?" Bungad ni Donald pagpasok na pagpasok niya palang doon sa boarding house na tinitirahan ko.
"Sige ba."
"Teka, ano 'tong sinusulat mo? Nagco compose ka ng kanta? Kung ganun totoo nga talaga. Inlove ka na nga pare."
Ngumiti lamang ako sa kanya.
"Alam mo, mag bestfriend talaga tayo e. Inlove din ako pare."
"Talaga?"
"Oo, ambait nga niya e kasi nakita niya na may sugat yung daliri ko tapos sinabi niya sakin. Siya na din yung nag bigay sakin ng band aid tapos siya pa yung naglagay nito. Maliban sa mama ko, siya pa lang yung babae na gumamot sa sugat ko. Yun siguro yung dahilan kung bakit na-inlove kagad ako sa kanya." Kwento niya pa sakin.
"Ano 'to? Ticket ng remake ng palabas na Love Story? Manonood kayo?" Tanong pa ni Donald ng makita niya yung ticket na nakapatong sa lamesa.
Tumango lamang ako.
"Kakainggit naman! Tumanggi yung akin e, pero sabi ko sa kanya na sa susunod namin na pagkikita ay panonoorin na namin ng magkasama yung palabas na yun. Kaya sana magkita na ulit kami. Ang werdo diba?" Sabi pa ni Donald.
"Parehong pelikula. Werdo talaga." Sabi ko naman
" 'Love means never having to say your sorry' gusto ng mga bebot ang linyang yun. Bakit ba?" Tanong niya sakin.
"Siguro dahil kusang binibigay ang pagmamahal, nauunawaan niyo ang isa't isa kaya walang puwang ang paghingi ng tawad."
"Waaaaw! Alam mo kung babae ako, siguradong magugustuhan kita." Biro ni Donald.
"At alam mo kung babae ako, siguradong hindi kita magugustuhan." Sagot ko naman sabay tawa.
"Ano?" Sabay tumawa din siya. Madalas ganun lang kami. Masaya kami bilang matalik na magkaibigan.
****************************
Niyaya kami ni Donald na pumunta sa isang Restaurant.
"Kung ganun dadating yung babae na sinasabe mo?" Tanong ko kay Donald.
"Syempre naman, kaya kailangan nandito kayo ni Charlie." Preskong sagot ni Donald sakin.
"Iba ka talaga." Sabi sa kanya ni Charlie.
"Umupo lang muna kayo dyan ha. May pupuntahan lang ako saglit. Magtino kayo ha." Sabi ni Donald samin pagtapos ay umalis na siya.
"Ian, Kilala mo ba yung idi-date ni Donald?" Tanong sakin ni Charlie.
"Wala akong ideya."
"Hindi mo kilala?" Tanong niya pa ulit.
Umiling lang ako.
"Ang alam ko lang kaklase yun ni Rina e." Sabi ni Charlie, pagtapos ay napatingin ako sa kanya.
"Oh andyan na pala sila e." Sabi ni Charlie sabay turo kina Rina.
"Andito na kami." Sabi ni Rina.
"Andyan na pala kayo Rina." Masayang sabi ni Donald.
"Late na ba kami? Tingnan niyo, isinama ko pa ang Class Beauty namin." Sabi ni Rina. Nagulat ako na kasama ni Rina si Judy. Hindi pa masyadong malinaw sa isipan ko pero ang ibig sabihin ba nito ay ang babaeng nagugustuhan ni Donald ay si Judy din?
"Hi everyone. Ako nga pala si Judy." Nakayukong sabi niya. Mahiyain kasi talaga siya, yun ang pagkakakilala ko sa kanya.
"Woooooo! Napakaganda mo Judy." Sabi ni Charlie
"Salamat." Sagot niya naman.
Pagkatapos nun ay naupo na sila at habang inaantay namin yung ini-order naming pagkain...
"Siya nga pala, tuloy ba yung panonood niyo ng pelikula?" Tanong ni Rina kay Donald.
"Ahm, usapan kasi namin noong huli naming pagkikita na sa susunod namin na pagkikita na lang namin panoorin yung pelikula." Sagot ni Donald.
"Ha? Hindi naman ha." Nahihiyang tugon naman ni Judy.
"Nakakainggit naman, yung pelikulang Love Story ang sarap nun panoorin ng may ka-date." Sabi naman ni Carmi.
"Buti na lang wala akong planong panoorin yun. Ano ba yun? 'Love means never having to say your sorry'? Di ko maintindihan ang ibig sabihin nun e." Sabat naman ni Charlie.
"Alam mo kasi Charlie, kusang ibinibigay ang pagmamahal, nauunawaan niyo ang isa't-isa kaya walang puwang ang paghingi ng tawad." Sabi ni Donald. Napatingin sa kanya si Judy dahil sa sinabi niya.
"Oh Judy, Bakit?" Tanong ni Donald kay Judy.
"A... Ganun din kasi yung tingin ko tungkol sa linya na yun." Sagot naman ni Judy.
"Kung ganun parehas pala tayo." Sabi pa ni Donald samantalang sakin niya lang naman narinig yun.
"Kung ganun magkasundo na agad kayo." Sabi ni Rina.
"Wow! Ambilis ha! Ibig sabihin okay ang chemistry niyo." Dagdag pa ni Charlie.
Noong mga panahon na yun ay tahimik lamang ako na sumusulyap sulyap kay Judy pero hindi ko pa rin talaga lubos na maisip na si Judy din pala ang nagugustuhan ni Donald.
Pagkatapos namin kumain ay naisip nila na maglaro muna kaming anim. Si Donald, si Charlie, si Judy, si Carmi, si Rina at Ako. Tatlo kaming lalaki at tatlo din silang babae. Pumikit muna silang mga babae pagtapos ay naglapag kaming mga lalaki ng gamit namin. Kailangan lamang na pumili ng babae sa mga nilapag namin na gamit sa lamesa at kung kaninong gamit ang mapili nila ay yun ang magiging ka date nila sa susunod naming gala. Ballpen ang nilapag ko. Relo kay Charlie at band aid naman kay Donald.
"Ito sayo 'to diba Ian?" Tanong kagad ni Carmi sa akin pagtapos niyang piliin ang relo.
"A... Hindi akin yan. Hiniram ko lang yan." Inakala niya siguro na akin yun dahil suot ko yun noong nakaraang araw.
"E kanino 'to?" Tanong niya pa ulit.
Tinuro ko si Charlie bilang sagot sa tanong niya. Tumingin si Carmi kay Charlie ng masama.
"Huy! Hindi din kita gusto maka-date noh!" Malakas na sabi ni Charlie kay Carmi pagtapos ay nagtawanan kami.
"Ikaw na ang pumili Judy." Sabi ni Donald.
Pareho kaming nakatingin kay Judy habang pinag iisipan niya kung ano ang pipiliin niya. Ang pagpipilian niya na lamang ay ang ballpen ko at ang band aid ni Donald. Pinili ni Judy ay yung ballpen ko. Pagpili niya nito ay tumingin siya sa akin at napangiti ako pero agad na sinipa ni Donald yung paa ko ng mahina na nasa ilalim ng mesa at parang gusto niyang sabihin na siya na ang bahala at ipaubaya ko na sa kanya si Judy.
"Akin yan Judy. Mukhang meant to be talaga tayo." Confident na sabi Donald. Wala na akong nagawa nun at nanahimik na lang. Nagkatinginan ulit kami ni Judy pero agad din akong umiwas ng tingin. Noong gabi na yun nalaman ko na parehas pala kami ni Donald ng babaeng nagugustuhan pero napagpasyahan ko na itago na lang ito at hindi na muna sabihin sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top