Chapter 1 "Ang Pagtatagpo"

"Huy Ian! Totoo ba yung sinabi sakin ni Rina na kakaiba daw yung kinikilos mo nitong mga nakaraang araw?" Ani ni Charlie na kaibigan ko at kasama ko sa boarding house na tinutuluyan ko.

"Ha? Pano niyo naman nasabi na kakaiba yung kinikilos ko?" Sabi ko sabay ngiti lamang sa kanya.

"Huy! Kala mo ba hindi ko napansin? Itong mga nakaraan hindi ka sumasama samin."

"Marami lang akong mga projects na kailangang tapusin."

Simula noong araw na nakasalubong ko siya, hindi na siya naalis sa isipan ko. Pareho kami ng university na pinapasukan at doon ko din siya sa loob ng campus unang nakasalubong. Totoo na hindi muna ako sumama sa mga kaibigan ko simula noong makita ko siya dahil madalas naglalakad lakad ako na mag isa at umaasa na makasalubong ulit siya ngunit sa tatlong araw na nagdaan simula noong makasalubong ko siya ay hindi ko na ulit siya nakita. Alam ko na parang kalokohan na nainlove ako sa kanya sa loob lamang ng tatlong segundo pero alam ko sa sarili ko na yun talaga yung nararamdaman ko. Unang beses ko 'to naramdaman sa isang babae.
*****
Eksaktong isang linggo ang lumipas simula noong makasulubong at una ko siyang nakita, habang nandoon ako sa room namin napalingon ako sa may bintana. Medyo inaantok ako noon pero nagising ang diwa ko dahil nakita ko siya na nakaupo doon sa labas. Tinignan kong mabuti kung siya nga iyon dahil baka namamalik-mata lang ako pero nang tiningnan kong mabuti ay siya nga talaga iyon.

Inis na inis ako na nakatitig sa prof namin dahil time na pero hindi niya pa din kami dini-dismiss. Siguro limang minuto pa ang lumipas bago niya kami tuluyang palabasin ngunit pagtingin ko ulit sa inuupuan niya ay wala na siya doon. Nagmamadali akong lumabas para sana hanapin siya ng bigla akong may makabangga.

"Sorry." Sabi ko sabay pulot sa mga gamit niya na nalaglag.

"Sorry din." Mahinang sabi niya.

Agad akong napatingin sa taong nakabangga ko at nagulat ako na siya pala yung babae na ilang araw ko na din na hinahanap. Iniabot ko ang mga gamit niya na nalaglag at humingi ulit ng sorry. Pagkakuha niya ay nagpasalamat siya dahil sa pagtulong ko na pulitin ang mga gamit niya at nag sorry din siya pagtapos nun ay agad na din siyang umalis. Gusto ko siyang kausapin, gustong kong tanungin ang pangalan niya pero parang umurong ang dila ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.
*****

Sa sobrang tuwa ko naikwento ko kay Charlie yung mga nangyari at inamin ko sa kanya na yun talaga ang dahilan kung bakit hindi ako nakakasama sa mga gala nila nitong mga nakaraang araw dahil nga hinahanap ko yung babae nagustuhan ko at kahit siya ay nagulat dahil unang beses lang naman talaga ako na nagkaganto sa isang babae.

"Uy Ian, parang ang saya saya mo yata ngayon? Kung ganun totoo nga. Inlove ka?" Tugon ni Donald na matalik ko din na kaibigan. Nagsisi tuloy ako na kinuwento ko pa yun kay Charlie dahil pagdating sa mga sikreto hindi pala talaga maaasahan yun.

"Ah. Yun ba? Nasabi na pala kagad sa inyo ni Charlie." Sagot ko sabay tingin ng masama kay Charlie.

"Pero kanino naman?" Tanong ni Rina.

"Oo nga! Pwede ba naming malaman ang pangalan niya?" Dagdag pa ni Carmi.

"Kung alam ko lang sana kaso hindi e." Sagot ko.

*****

Kinabukasan umasa ako na sana makita ko ulit siya doon sa lugar na kung saan nakita ko siya na nakaupo pero walang ganun na nangyari. Habang naglalakad ako papuntang library , nakita ko si Rina at si Carmi pero may kasama pa silang babae. Nakita nila ako at habang papalapit sila sakin ay pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko dahil ang babae na kasama nila ay walang iba kundi ang babaeng nagugustuhan ko.

"Ian, saan ka pupunta ngayon? Pwede bang samahan mo muna kami?" Tanong sakin ni Carmi.

"Oo nga Ian. Kung wala kang pupuntahan samahan mo na muna kami." Dagdag pa ni Rina.

"A... e... Pasensya na kayo pero may kailangan pa kasi akong tapusin e. Siguro sa susunod na lang." Sagot ko pagtapos ay dali dali na akong umalis. Habang naglalakad ako palayo sa kanila ay hindi pa din ako makapaniwala na kaklase pala nina Rina at Carmi yung babae na madalas kong hinahanap.

Simula noon araw araw ko na siyang nakita dahil nga kaklase lang pala siya nina Carmi at Rina. Judy. Judy ang pangalan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top