Tomorrow

14


Nawala na ako sa mood. Agad din akong tumayo at mas lalong nagtaka si Greg sa kilos ko. Kahit ako ay nagtataka sa sarili ko. Why am I so mad huh? Para namang iba pa sa akin ang makitang may ibang babaeng gustong kunin ang atensyon ni Greg.

Am I threatened? Nabigla ako sa naisip. Gosh Allara. Talagang matethreaten ka sa babaeng iyon? Mukha namang wala siyang ibubuga.

"Lana!" Greg called me. Hindi ko siya hinarap at agad akong dumiretsyo sa sasakyan niya. Ilang beses pa akong nagbuga ng hangin mula sa bibig ko bago ko siya tuluyang hinarap.

"What are you so mad about?" nagtataka niyang tanong. Tinitigan ko siya. His hair was messed up in a sinful way, iyong mata niya ay parang purong tsokolate ang kulay. Matangkad siya, iyong tindig niya ay kaiba talaga sa lahat. And damn it, but he can sing. He has that husky voice any woman will swoon for.

No wonder that red hair Celeste is so hung up on him.

Geez. I am acting as if I am a possessive girlfriend. I am not. Okay pa sana noon dahil akin naman talaga siya. Pero hiwalay na kami ngayon. Iba na ang sitwasyon.

"Maganda siya." Bigla kong sabi. Kumunot ang noo ni Greg dahil hindi niya ako naintindihan. I shrugged my shoulders before looking everywhere except at him.

"Ang sabi ko maganda iyong babae." Mas malakas kong sabi. Ngumuso si Greg at pinaglaruan ang kanyang hikaw.

"Si Celeste?" tanong niya. Tumango lang ako.

Bigla siyang tumawa kaya napatingin ako dito. "What?"

Umiling siya. "I've known you for so long Lana, pero ngayon lang kita nakitang nainsecure sa isang babae."

"I'm not!" sigaw ko. Wow, di naman ako masyadong defensive niyan huh? Bwisit.

"Okay. No need to shout at me honey." Aniya. My eyes rolled and I glared at him. Bakit ba kasi napaka gwapo mong lalaki ka. Nakakaasar. Sana babae ang anak natin para hindi na sumakit pa ang ulo ko.

"I'm not your honey." Sagot ko. Napapikit ako ng mariin sa sinabi ko. Seriously Lana? Iyan na ang argument mo? Damn. Nagmumukha na akong tanga.

Tumawa lang siya lalo bago ako inakbayan at hinalikan ang buhok. Hindi na ako nagprotesta. Baka nasa paligid pa iyong babae at mas magandang makita niyang ganito si Greg sa akin.

Shit. Ano bang nangyayari sa akin ha?

"Selosa." Bulong niya sa akin bago ako pinapasok sa sasakyan niya. Magpoprotesta pa sana ako noong umikot na siya para sumakay sa driver's seat. Pagkapasok pa lang niya ay hinarap ko na siya.

"Hindi ako nagseselos Festines."

Hindi niya ako pinansin. Ngiting ngiti lang siya habang nagmamaneho na paalis. Ako naman ay kumukulo na sa galit. Una iyong Naimah tapos ngayon Celeste naman. Ang dami niyang babae.

Pagkatapos sasabihin niyang hinintay niya ako? Wow ha? Nag enjoy naman yata siyang naghintay dahil maraming babae sa paligid niya kapag nainip siya. Nakakaasar. Nakakainis talaga.

Binuksan niya iyong stereo at agad kong narinig iyong kanta ni Nick Jonas na Jealous. Sumabay pa si Greg habang nagmamaneho. Kinagat ko ang labi ko at pinilit na hindi siya pansinin.

"I still get jealous." Kanta niya habang tinitingnan ako. Pinagtaasan ko lamang siya ng kilay.

"Shut up." Iritado ko ng sabi. Pinatay ko iyong radyo. Tinitigan ko iyon ng masama. Bakit kasi sa dami ng ipapatugtog, iyon pang kanta na iyon? Nasira lalo ang mood ko. Kasalanan mo radyo.

"You can kiss me if you're jealous." Aniya, iyong labi niya ay may pilyo pa ring ngisi. Yabang talaga!

"No." tipid kong sagot. Huwag mo na siyang ientertain Lana, mas lalo lang yan magpapapansin. Siraulo iyan eh.

"Sige bahala ka. Mamaya niyan may hahalikan na akong iba." Dagdag niya. Marahas ang ginawa kong pagtingin sa kanya.

"Subukan mo la---" napatigil ako sa pagsasalita noong marealize ko ang sinasabi ko. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko kaya agad akong nag iwas ng tingin.

"E-eh di manghalik ka ng iba, pakialam ko." Nagmamadali kong sagot. Tumingin na lamang ako sa labas para iwasan ang titig niya.

"Talaga? Hindi ka magseselos o masasaktan?" pagkumpirma niya. Kinagat ko ang labi ko.

"Ang kulit. Kahit pa halikan mo iyong mga kabanda mo, wala pa rin akong mararamdaman." Full of conviction kong sabi. Tumawa ng mas malakas si Greg.

"Hahalikan ko yung mga kabanda ko? Shit, gagawin mo pa kaming bakla. Mas pipiliin mo pa palang mahalikan ako ng lalaki kaysa sa babae? Possessive." Biro niya. Bumuka ang bibig ko at hinarap na siya.

"Hindi nga ako possessive! And damn it, why am I even arguing with you?!" naiiyak ko ng sabi. Pakialam ko kung manghalik siya ng lalaki, o ng babae! Manghalik pa siya ng butiki kung doon siya masaya! Ay basta, naiinis ako!

"Because you're jealous and I am handsome." Confident niyang sagot. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

That's Greg Festines ladies and gentlemen. Ang yabang diba? Sarap isako.

"You're not handsome. Mas gwapo iyong baguhan ninyo. May dimples yun." Bawi ko. Nawala ang ngiti sa labi niya.

"Si Augustine? Nagagwapuhan ka kay August?" pagkumpirma niya. Napangiti ako bigla. Huli ka. Insecure ka ha?

Mabilis akong tumango. "Yup. Ang boyish kaya niya. Cute pa. And may I add that he is smart? Sobra." Pagkekwento ko. Tumawa siya na para bang nakakadiri ang sinabi ko.

"Cute is just used for dogs. Sabagay hindi naman kita masisisi kung tingin mo ay aso si Augustine. But he's not smart Lana. Trust me, araw araw kong kasama iyon. Tatanga tanga yun." Mahaba niyang sabi. Humigpit iyong hawak niya sa manibela at tuluyan na ring nasira ang mood niya. Napangisi na lamang ako.

"He knows thermonuclear astrophysics Greg." natatawa kong sabi. Nilingon niya ako.

"What?" halos pasigaw niyang tanong. Konti na lang talaga mapapahagalpak ako ng tawa. Humarap ako sa kanya para mas magkwento pa.

"Alam mo, you guys did the first right thing in your lives when you let August join the band. Atleast naman, may mapapanuod na ako sa inyo." Pangaasar ko sa kanya. Tumaas lang ang kilay niya at nanahimik na.

"Do you really like him?" tanong niya makalipas ang ilang sandaling pananahimik. Ngumuso ako bago ko inadjust ang salamin ko.

"Uh huh. He's smart." Sagot ko. Ngumiwi lang siya.

"Seriously Lana? You're always about brains, and logics, and fucking numbers." Naiinis na niyang sabi. Tumawa ako lalo. My, my the tables have turned Festines. Ako na ngayon ang nangaasar.

"I never liked numbers."

"Not liking them doesn't mean you're not good at them. You're good at math. You're good at everything." Anas niya. Napatigil ako sa pagtawa at tinitigan siya. Ilang beses siyang bumuntong hininga bago niya tuluyang tinigil ang sasakyan niya. Doon ko lang napansin na nakabalik na pala kami sa clinic.

Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan. I murmured my thanks but he did not answer.

Hala, nabwisit ata talaga?

"Greg!" I called. Humarap siya sa akin, iyong kamay niya ay nakapasok sa bulsa niya, causing his pants to dip lower than necessary. Bahagya ko tuloy nasisilip iyong abs niya.

Damn, my train of thoughts was cut. Delikadong abs.

Kumunot ang noo niya bago binitiwan ang pintuan ng sasakyan niya. Naglakad siya papunta sa akin bago hinawakan ang aking baba. Lumapat iyong labi niya sa labi ko pero agad din siyang humiwalay.

"I will study about that thermo astro... yeah. Basta, pag aaralan ko iyon." Naiinis pa rin niyang sabi. Tumawa lang ako at inayos iyong kwelyo niya.

"It's thermonuclear astro physics Greg." pagtatama ko. Bumaba iyong palad ko sa dibdib niya at pinakiramdaman ang tibok ng puso niya.

"Whatever." parang bata niyang sabi. Ngumuso siya at nakatingin lang sa akin. Hindi pa rin siya humihiwalay kahit walang nagsasalita sa aming dalawa.

Pumikit siya ng mariin at hinila ako para mayakap. Nanigas ang aking katawan at hindi ako agad nakagalawa.

"Greg----"

Binitawan niya ako kaagad at lumayo na rin. Bumalik iyong ngiti niya at naglakad na palayo.

"Pag aaralan ko talaga iyon. Magpapatutor pa ako kay August kung kailangan." Desidido niyang sabi. Natawa na rin ako bago napailing. Hinawakan niya iyong pintuan na iniwan niyang nakabukas habang nakatingin pa rin sa akin.

"So, when will I see you again?" tanong niya. Inadjust kong muli ang salamin ko bago nagkibit balikat.

"Tomorrow? Hihintayin kita. And stop pretending that you are my patient just to get inside." Sagot ko. Lumuwag ang ngiti niya at tumango.

"Tomorrow then honey." Pag sang ayon niya. Sumakay na siya sa kanyang kotse at iniwan ako sa parking lot.

And I was still smiling even when he drove off. Yeah, I was smiling like a moronic idiot. Damn lover boy. Iba ka talaga.

----------------------------------------

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top