Tied

15

Flashback is in italics dude. Belated Merry Christmas pala. :)

--------------------------

Nakatitig pa rin ako sa dalawang scholarship grant na nasa kama ko. I don't want to go anywhere else. Gusto ko ay kasama ko lang si Greg. But then, I made a promise to my parents. I told them that I will be the best daughter that I can be. Kapag hindi ako tumuloy sa ibang bansa ay masisira ko ang pangako ko.

Ilang linggo na sa akin ang mga sulat at hindi pa rin ako nakakapili ng university na papasukan. My father is starting to notice my uncertainty.

Nawala lang ako sa iniisip ko noong bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Sumilip roon ang katulong namin at ipinaalam na ipinapatawag ako ni Daddy.

I knocked three times before entering the study. My father was on the phone, talking to the governor. Tumayo muna ako sa gilid at hinintay na mapansin niya ang presensiya ko.

Noong matapos ang tawag ay nilingon ako ni Daddy. His face was dark and his brows were drawn in knots. Umupo ako sa may sofa habang siya ay may kung anong kinakalkal sa mesa niya.

"May tinatago ka ba sa amin Allara?" tanong niya. Agad akong inatake ng kaba sa narinig.

"P-po?"

May inilipag siyang tatlong piraso ng litrato sa harapan ko. I felt as if someboy has punched me when I saw the pictures. I opened my mouth to try to speak but no words came out of it. Noong tiningnan ko si Daddy ay nakatingin lamang siya sa akin.

Kaming dalawa ni Greg ang nasa litrato. Iyong isa ay magkahawak kami ng kamay, habang iyong dalawa ay noong nagdate kami sa parke. Hindi ko na alam kung paano ko pa mapagtatakpan ang relasyon namin ngayong nakita na ni Daddy ito.

Napahilamos si Daddy ng mukha bago hinawakan ang kamay ko. "Allara, honey." Panimula niya. Teka, hindi siya galit?

"D-dad?"

"Break up with that guy." Walang pakundangan niyang sabi. Nalaglag ang panga ko. What?

I felt cold. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Break up... with Greg?

"Dad, please. It's not what you think. Greg's a good person. He's smart and---"

Hindi ko natapos ang sinasabi ko. Tumayo si Daddy mula sa kinauupuan niya bago ako tiningnan ng mariin.

"Break up with him Allara. Do what I say." Utos niya. He did not wait for my reply. Iniwan na niya ako sa study at umalis na.

---------------------------

"A birthday party? With AEGGIS?" kinakabahan kong tanong. Tumango lamang si Greg bago lalong lumawak ang ngisi. Two days from now will be my 27th birthday at gusto ni Greg pumunta ang mga kaibigan niya para icelebrate iyon.

"Come on, it will be fun. Baliw baliw yung mga yun." Natatawa niyang sabi. He is so excited I could not force myself to say no. Pakiramdam ko kasi ay bata siyang aagawan ko ng kendi kapag ginawa ko iyon.

Agad nagpaalam si Greg noong pumayag ako sa gusto niya. We spent the next two days preparing for my 'birthday party' ko raw. Kaya nga noong gabi mismo ng celebration ko ay halos masuka ako sa kaba. Paano ba naman kasi, baka may magawa akong pwedeng ikapahiya ni greg sa mga kaibigan niya.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Maluwag iyong dilaw kong summer dress para hindi na masyadong mahalata iyong tiyan ko. Nagsisimula na kasing bumilog iyon at baka makahalata ang AEGGIS.

I kept my long hair down. Nipin ko na laman iyon sa kabilang gilid bago bumaba na para harapin ang mga bisita namin.

Maingay na ang garden noong nakababa ako. Busy ang AEGGIS sa pag aaway doon sa may grill habang iyong mga babae ay nasa may pool lamang at nagkekwentuhan. Leria saw me first at agad niya akong tinawag.

The girls greeted me. Nakilala ko doon si Iris, iyong maid daw ni Iñigo, at iyong si Shana, kapatid ni Stanley. I know Tori already since high school habang si Avvi naman ay nakasama ko na noong kinausap ko ang Papa niya para sa kaso ng Mommy ko. And of course, Leria's my friend.

"Yo. Pahiram muna ako ha?" sabat ni Greg noong nagkekwentuhan na kami. Niyakap niya ang aking beywang at agad na hinalikan ang aking pisngi. I felt my blood surging on my cheeks sa ginawa niya. Adik talaga. Ang dami pa namang tao.

Dinala niya ako sa may gilid bago naglabas ng kung ano sa pocket ng suot niyang jacket. It was a white box with a gold ribbon on it. Ngumiti siya bago niya inabot iyon sa akin.

"Happy birthday Lana." Aniya. His voice was so husky I cannot help but to stare at him. Oh god. I can feel my heart beating so fast, para bang nakikipaghabulan ito sa karera ng kabayo. Mabilis akong nagyuko para itago ang kabang nararamdaman ko kapag nasa paligid siya.

Sumalubong sa akin ang isang white gold o silver? I am not sure. Manipis lamang ang lace noong kwintas. Ang pendant naman ay star na sa loob ay may maliit na moon. The moon was embedded with small sapphires while the star itself has diamonds.

Kinuha ni Greg ang kwintas sa akin bago ako pinatalikod. He gathered my hair and rested it on my left side before putting the necklace on my. Sobrang tahimik lang naming dalawa habang ako ay hindi na alam ang gagawin.

"Do you know the meaning of a man giving his woman a necklace hon?" he asked. Humarap ako sa kanya habang nakakunot ang noo. Ano bang meaning ang sinasabi niya? It's a birthday gift right? That's all.

Hinaplos niya iyong lace noong kwintas bago ngumiti. "I want you to be tied to me honey. A necklace is the short way of saying that I am tied to you and you are tied to me." Paliwanag niya. I touched the necklace before smiling unconsciously.

The lover boy is tied to me?

Bumaba iyong mukha niya para halikan ako noong makarinig ako ng ilang kaluskos sa likuran. Noong nilingon ko iyon ay nakita ko ang AEGGIS na may hawak hawak na camera. Nakanguso pa si Augustine habang nakaindian seat sa damuhan.

He waved his hand at us. "Sige, tuloy niyo lang. Manunuod lang kami." Natatawa niyang sabi. Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Greg sa harapan ko.

"PDA." Iñigo rudely said pero nakangiti naman siya. My eyes rolled before laughing.

"Anong PDA Igoy?" sabat noong si Iris. Sumunod na rin iyong ibang babae sa kanya. Lalo akong pinamulahan ng mukha dahil nandito na ang lahat.

"Tss. Stop calling me that Noob." Iritadong sagot ni Iñigo bago tumalikod at umalis na.

"Oooy! Problema,mong masungit ka!" sigaw pabaliw noong si iris at hinabol na si Iñigo. Natawa na lamang ako pero natigil iyon noong maramdaman ko ang yakap ni Greg sa beywang ko.

"Let's eat?" tanong niya. Tumango agad ako at nagpahila na doon sa long table.

Umupo na ako habang si Tori naman ay excited na binuksan ang dinala niyang pagkain. I was about to thank her noong manuot sa ilong ko ang amoy ng hinanda niya. Pagkabukas niya noon ay kitang kita ko ang hipon. Nangasim agad ako at parang bumaligtad ang sikmura ko.

"God, that's awful." Nasusuka kong sabi. Mabilis akong tumayo para bumalik sa loob. Hindi ko na mapigilan ang masuka.

"Lan!" tawag ni Greg sa akin. Itinaas ko lamang ang kamay ko kaya naupo lang siya ulit. Halos ilang minuto rin ako sa banyo at wala naman akong naisusuka. Napahawak na lang ako sa tiyan ko bago tumingala.

Baby please, huwag kang makulit. Nandiyan pa naman si Papa mo. Please, baby please. Secret muna natin ito ha?

Noong makarecover ako ay agad na akong lumabas. I saw how Greg's stare was boring holes on me. Namumutla rin siya at para bang may nakain na kung ano. Nakakahawa ba ang paglilihi?

Umupo ako sa tabi niya. He held my hand and I felt how cold he is. He touched my cheek before smiling at me.

"Fine now hon?" tanong niya. Tumango lang ako at nakisali sa kwentuhan sa lamesa.

--------------------------

"What?!" pasigaw na tanong ni Leria. Nakagat ko ang labi ko at yumuko. Nasa loob ang mga lalaki at nageensayo pasa sa gig nila bukas habang kaming mga babae ay naiwan sa garden.

"Artificial lang? Hindi talaga kayo nag-ano ni Greg?" si Shana ang nagtanong. Tumango lang ako at lalo kong kinagat ang labi ko.

"So, kaninong..." si Iris naman ang nagtanong. I raised my head and looked at my house.

"Kay Greg." sagot ko. Nanahimik silang lahat kaya kinuha ko na ang pagkakataon para makapagpaliwanag. "Hindi ko naman alam na sa kanya galing yung sperm. Kung alam ko lang sana hindiko na tinuloy diba? I mean, he's my ex. May past kami at kung pwede lang, hindi ko na gustong bumalik sa kanya but now I have his child and I don't know how to tell him that I am pregnant." Tuloy tuloy kong sabi. Noong matapos ako ay hinihingal na ako. I am on the verge of crying already.

Tinitigan ko si Leria. "Help me. You're the smart one right?" I said. Nanlaki ang mata niya bago tiningnan ang iba naming kasama. Noong walang sumagot ay napabuntong hininga na lang siya.

"Tell Greg." she simply said. My shoulders slouched when I heard her. Kung sanang madali lang gawin iyong sinasabi niya. Gugulatin ko na lang si Festines ganoon? Like, 'Hey Greg, I am pregnant because I stole your sperm'?

"Just tell him the truth. Mas magandang habang maaga pa magkaroon na kayo ng maayos na set-up. Isa pa, ninakawan mo na siya ng sperm. Wag mo na siyang nakawan ng karapatan sa bata." Dagdag ni Ria. Lalo kong nakagat ang labi ko dahil sap unto niya. I softly touched my tummy again before breathing hard.

Hindi ko napansin na nakalayo na sa amin si Tori at Ria. I just returned to my senses when Avvi held my hand before smiling so gently.

"Alam mo girl, uhm.... I think Ria bitch  is right." maarte niyang sabi. She pouted before scratching her nose. "I grew up without my Mom Lana and it was hard. Don't make your child grow up without a Dad naman. I tell you it is so mahirap. He will be so kawawa Lana girl." Aniya.  I smiled back before nodding.

Naunang umalis sina Leria at Athan sa party ko. Para ngang nag aaway pa ang dalawa noong pasakay na sila sa sasakyan. Pagkaalis nila ay isa isa na ring nagpaalam ang iba pang AEGGIS hanggang sa maiwan na kaming dalawa ni Greg sa garden.

Nakatingin lamang siya sa akin na para bang may hinihintay siyang sasabihin ko. Nilagpasan ko lamang siya at sinimulang iligpit ang mga pinagkainan noong umupo siya sa isang stool doon. Niyakap niya ang sandalan habang nakatingin sa akin.

"What?" I asked. Bumaba ang tingin niya patungo sa tiyan ko. Agad akong inatake na ng kaba sa kinikilos niya.

"Now tell me Lan, ilang buwan na?" malamig niyang tanong. Napakapit ako sa upuan at halos hindi na makasagot.

---------------------------

Medyo hindi nagmamatch yung TTCB (Athan's story) and TTLB kasi hindi ko pa na fix. But it will help you if you will read Chapter 11 of TTCB just to refresh some scenes aryt?

Love you mwaaps!

And dudes, babae po ako. Hindi po ako nagsisinungaling. Haha.

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top