So Much

4

Pinagpag ko ang glitters na nagkalat sa aking kamay habang nakatingin ako sa back drop na ginagawa namin ng Student Council. Tinaas ko ang styro foam kung saan doon nakaukit ang mga letters para sa design noong bigla akong tinawag noong vice ko.

"Ate Lana, 9 na." anas nito. Tiningnan ko lamang siya at hindi pinansin ang sinabi niya. Pinalapit ko sa akin si Mark at tinuro sa kanya ang parte kung saan namin ikakabit ang unang letter.

"Dito po?" aniya. Tumango lamang ako. Hinawakan ko ang upuan na tinutungtungan niya at natatawang inasar ang vice president ko.

"Ate naman, niloloko mo ako eh." Reklamo nito. Ngumiti lamang ako bago inayos ang aking salamin.

"Hindi ah." I denied. Mark pursed his lips kaya natawa na ako. Napailing na lamang din siya at kinabit na ang letter noong biglang may magsigawan sa labas ng aming office.

"Ate Lana, si Kuya Greg po nasa labas." Tawag ni Sarah sa akin. Mabilis kong pinababa si Mark at pumunta sa may pintuan.

"Allara Dizon! Lumabas ka diyan!" sigaw nito. Pulang pula ang mukha ni Greg at madiin ang pagkakatingin kay Mark. Kumunot naman ang noo ko at tinapik ang mga council na nakaharang sa aming dalawa.

"What are you doing here?" salubong ko sa kanya. Nag isang linya ang labi ni Greg bago pumasok sa aming office. Agad ko siyang hinarang dahil bawal ang mga hindi council sa loob.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa iyo kung bakit nandito ka? May usapan tayo Allara!" naiinis niyang sabi, iyong mata niya ay hindi inaaalis kay Mark sa aking likod.

"Usapan?" maang kong tanong. Napakunot ang noo ko habang si Greg ay napabuntong hininga na lamang. Iyong iritasyon sa kanyang mukha ay lalong naging halata. Ngumuso ako at bahagya siyang tinulak palabas.

"Bawal ka sa loob ng---"

"Kinalimutan mo? May date tayo ngayon Lana." Aniya. Natigilan ako sa sinasabi ko at hinarap siya. Iyong mga kacouncil ko sa likuran ay bahagyang napapatili. Napailing na lamang ako. Clearly, he is a lover boy. Kahit sino ay kaya niyang matunaw sa simpleng tingin lamang. He is very lethal.

Pinadaan niya ang daliri niya sa kanyang buhok bago ako hinila palabas. "S-sandali, Greg!"

Tuluyan ng nagsigawan ang mga kasama ko at tinulak na rin ako papunta sa kanya. Tumama pa ang mukha ko sa kanyang dibdib, iyong salamin ko ay nadiin pa sa aking mata.

"Wala akong maalala na date na yan! Why would I date you?" naiirita ko ng sabi. Ang dami niyang pakulo para lamang magulo ako. Bakit ganun siya? Napakadami ko pang dapat gawin. Malapit na ang Culturals ng school at ang debate namin. Idagdag pa ang eleksyon at—

"Lana, eyes on me." Aniya na nakaputol sa aking iniisip. Tiningala ko siya. Lapat na lapat na ang labi niya habang nakayuko sa akin. Damn, he is pissed.

Bigla siyang yumuko at sinalo ang aking tuhod bago ako binuhat na para bang isa akong sako ng bigas. Hindi ko napigilan ang pagtili ko at ang pagkapit sa kanyang braso.

"Greg! Ano ba! Put me down!" protesta ko. Nagsimula na siyang maglakad habang sumisgaw ako sa mga kacouncil ko para tulungan ako.

"Greg!"

Lumiko siya sa hallway. Nanuyo ang lalamunan ko noong makita ko ang mga taong madadaanan namin.

"You cannot! No, Greg wag kang dadaan sa hallway, nakakahiya. Ibaba mo na ako!" sigaw ko. Hindi niya ako pinansin at dumaan mismo sa hallway na iyon. Narinig ko ang mga tili at sigawan kaya nagtago na lamang ako. Oh my god. Ang reputasyon ko. Sira na ang dignidad ko dahil sa lalaking ito.

"Put me down!" naiiyak ko ng sabi. Ibinaba nga niya ako sa park eng school. Hinihingal siya habang nakatingin sa akin. Ako naman ay hinihingal dahil sa inis sa kanya.

"Lana.."

"Gusto mo ba talaga akong ipahiya?" mahina kong sabi sa kanya. Tumaas lamang ang kilay niya at napailing.

"Sinabi mong magkikita tayo ng alas otso dito sa lugar na ito Lana. Naghintay ako pero hindi ka dumating. Pagkatapos ay malalaman kong kasama mo lang pala ang Mark na iyon at naglalaro ng glitters. What do you think I will do?" naiirita din niyang sabi. Pinameywangan ko siya, iyong salamin ko ay inayos ko na.

"Wala na ba akong lisensya para magselos ha?" mahina na niyang sabi. Natigilan ako sa narinig ko. Ano daw?

"Kailangan ko pang ipagpilitan ang sarili ko para mapansin mo lang. Hell, I even bribed the Principal para malipat lang ang locker mo sa hallway namin. Araw araw akong nagsusulat ng love letter para sayo, expecting that you will like them pero wala. And I have to carry you, screaming and trashing on my arms just to have one fucking lunch with you!"

Hindi ako nakasagot sa outburst niya. Lumapit siya doon sa puno kung saan naroon ang bench na madalas kung pinagkakainan. Umupo siya sa ilalim noon at doon ko lamang napasin ang blanket na nakalatag. May mga pagkain doon at inumin.

"Greg.."

Hindi siya nagsalita. Yumuko lamang siya at binunot ang mga damo sa gilid ng blanket. Napanguso na lamang ako at nagkamot ng ulo.

"Can you just stop?" galit kong sabi. Tumaas ang tingin niya sa akin bago kumunot ang noo.

"Stop what?"

"Stop this." Mabilis kong sabi. itinuro ko ang distansya sa pagitan naming dalawa bago huminga ng malalim.

"I am not into the games you play Greg. Wala akong oras para makipaglokohan sa iyo." Anas ko. Dumiretsyo ng upo si Greg. He looks dumbfounded. Ano bang nakakagulat sa sinasabi ko?

Inayos ko ang aking salamin. "Are we clear now?" tanong ko. Napanganga lamang si Greg sa akin.

I just don't believe it. Paanong ang isang tulad niya ay magkakagusto sa isang tulad ko. He is an alpha male. I am a nerd. We do not belong on the same clique. Hindi kami magkabilang sa iisang grupo. Ang mga katulad niya ay hindi dapat napapansin ang mga tulad ko. Hindi ako desperadang hopeless romantic para mag isip na pwedeng mangyari sa amin ang nangyayari sa mga pelikula at libro. This is reality.

"You're really weird." Aniya. Tumayo na siya at inilang hakbang lamang ang distansya sa pagitan namin. Agad akong humakbang palayo pero hinawakan niya ang aking braso.

"Greg!"

"I don't play games with girls Allara. I am not a play boy. Kung may gusto ako, gagawin ko ang lahat para makuha iyon. Nagseseryoso ako. I don't say words I do not mean. I keep my promises. Kaya nga nagalit ako sayo noong hindi ka sumipot. But I am willing to forgive you because.."

Natigilan siya sa pagsasalita at binitiwan ang braso kong hawak niya. Huminga siya ng malalim at tinitigan ako sa mata.

Napayuko ako. I breathe hard because I suddenly felt suffocated. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa mga mata niya kaya bahagya akong lumayo sa kanya.

"You are intimidating as hell Lana. You are too smart for me. Pagtaasan mo pa lang ako ng kilay mo, nanginginig na talaga ako. But I won't let you intimidate me. Hindi ako lalayo sayo." Aniya. Umiling lamang ako at pinilit kong tumawa.

"Nonsense Greg." Sagot ko.

"It's not. Lana, hindi pa ba halata?" tanong niya sa akin. Pumikit ako ng mariin at tinanggal ko ang aking salamin sa mata bago ko pinisil ang tungki ng ilong ko.

"Pinaglalaruan mo lang ako." Sigurado kong sabi. Tinitigan ko siya sa mata. He held my stare and I was the first one to back down.

"You're wrong."

"I am never wrong Greg—"

"You are wrong Lana." Mas madiin niyang sabi. Kinuha niya ang aking kamay at naglagay na naman ng panibagong sulat. Pula na iyon at may kasamang kwintas na.

"Tell me that I am still playing with you. Sabihin mo sa aking hindi ako seryoso. Because damn Lana, kung hindi pa ito totoo, hindi ko na alam kung ano bang dapat kong paniwalaan." Bulong niya. Iyong isang daliri niya ay hinawakan ang aking baba at tinitigan ako.

"I like you. So much."

--------------

Tell me do you think I'm done?

I gave you bass, you gave me sweet talk!

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top