Screen

20


I woke up without Greg at my side. I checked the time and found out that it was already four in the morning. I looked around and saw that the door towards my veranda is opened. Kinuha ko ang robe ko at sinuot iyon para isara. I stopped midway when I saw Greg standing there, his phone on his ear.

"I will visit you tomorrow. I promise that." He said to the other line. Kumunot ang noo ko. Sino ang kausap niya?

I opened the door wider. Lumapit ako kay Greg at halatang nagulat ito ng makita ako. Lalo akong nagtaka noong napansin kong bigla siyang namutla. O baka nagmamalikmata lang ako. Madilim pa naman eh.

"I'll hang up. Bye." Nagmamadali niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon.

"Ang aga mong nagising."

Tinuro ko ang kama na para bang kaya noong ipaliwanag kung bakit ako nagising. Kimi akong ngumiti sa kanya bago ako nagkamot ng noo.

"I woke up without you beside me so..." I pursed my lips. Greg chuckled before pulling me into a  hug.

"Clingy." He teased. I playfully punched his shoulders.

"I'm not clingy Mr. Festines."

"Yes you are Ms. Dizon."

We just stared at each other. I pursed my lips at napansin niyang napipikon na ako. He just laughed before sighing.

"Matulog ka na ulit hon. I'll wake you up when it's time for your appointment with your doctor."malambing niyang sabi. I nodded before detaching myself from him. Pumasok na ulit ako sa loob habang siya ay nakasunod lamang sa akin.

Noong humiga ako ay tumabi siya sa akin at kinumutan ako. Hinaplos niya ang aking tiyan.

"Sleep now son." He said. My mouth dried when I heard so much love coating his voice.

"Son?" Pag uulit ko. Tiningala ako ni Greg.

"Why? Ayaw mo ba ng lalaki?" Tanong niya. Umiling ako bago ngumiti.

Hindi ko na siya sinagot. I closed my eyes, dreaming of a little boy with hazel brown eyes and rumpled dirty brown hair.

-----------------------

"José?" Tanong ni Greg. Ngumiwi ako sabay iling.

"Ang pangit. Ayaw ko." Sabi ko. He's suggesting names for the baby Already. Pero magmula kanina ay wala pa rin akong tinatanggap sa mga pangalan na bininigay niya.

"But Lana, it will be pronounced as Hosey---"

"No. Never. Hindi ko ipapanganak itong bata kapag yan ang pinangalan mo." Pagsusungit ko. Greg just pouted. Wala na siyang nagawa kung hindi ang manahimik na lamang. Paano ba naman kasi, ang pangit pangit ng mga suggestions niya. Ayaw ko naman ng pangalan na mahirap bigkasin, pero ayaw ko din naman yung masyadong lumang pangalan.

"Oh! May naisip ako." Masayang sabi ni Greg. Tiningnan ko siya.

"If it's another ancient name---"

"No. Maganda ito." Kumpiyansa niyang sabi. I nodded. He smiled at me.

"Noah." Ang lawak ng ngiti niya noong sinabi niya iyon sa akin. I touched my belly while saying the name Noah over and over in my head.

"Noah Festines." Biglaang sabi ni Greg. Napaharap ako sa kanya.

"What?"

Sumeryoso siya. Itinabi muna niya ang sasakyan sa isang gilid bago ako tiningnan ng diretsyo.

"I want the baby to carry my name Lana. Gusto ko sa akin na kayong dalawa. I will have both the mother..." umusog siya palapit sa akon at hinawakan ang aking tiyan. "... and the baby. I want the two of you to be my family." He said. Nanuyo ang lalamunan ko bago ako napayuko. Greg held my chin and made me look at him.

"Marry me." He said. My head shot up from shock. Ano raw?

"But Greg---"

Hindi ko natapos ang protesta ko. Tuluyan ng nakalapit si Greg sa akin at sinakop ng labi niya ang labi ko. My mouth opened and he deepened the kiss. Next thing I knew, I was already gasping for air and my hands are clutching his arms for dear life.

Noong humiwalay siya sa akin ay pinagdikit niya ang noo naming dalawa. He smiled with his eyes closed.

"I'll take that as a yes." Mayabang niyang sabi bago lumayo na sa akin at nagmaneho ulit. Habang nasa daan ay kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit.

Tahimik kaming nakarating sa clinic ni Sylvia, iyong kaibigan kong OB na tumulong sa akin para sa Artificial Insemination ko.

Pinagbuksan ako ni Greg at inalalayan niya akong makababa sa sasakyan. The moment he walked, lahat ng tao ay napapatingin sa kanya. I immediately remembered that he was not wearing any disguise. Baka may makakilala sa kanya.

"The people are staring at you." Bulong ko sa kanya. Pinadaan lang niya iyong daliri niya sa buhok niya bago ngumisi. Yabang! Wala man la.g pakialam na pinagtitinginan siya.

Agad akong inasikaso ni Sylvia pagkatapos ng isa niyabg pasyente. Bilog na bilog na ang tiyan noong nauna sa akin. Her husband was holding her waist while both of them are staring at a small picture.

"They look so good together." Mangha kong bulong. I felt Greg kissing my hair.

"We will be like that too." Pangako niya sa akin. I nodded before we entered Sylvia's office. Tumayo ang kaibigan ko at babatiin sana ako noong makita niya si Greg.

"Oh my god." Gulat na gulat niyang sabi. Humawak pa siya sa dibdib niya. Greg chuckled behind me before offering his hand to Sylvia.

"Greg Festines doc. I might look like a god but I'm actually a human." Mayabang niyang sabi. Kumindat pa siya kay Sylvia na bahagyang namula.

"Nice to meet you. Uhm.. just call me Sylvia. Friend ako ni Lana." Pakilala ng kaibigan ko. Tumango lamang si Greg at naunang naglalad sa sofa. Agad na lumapit si Sylvia sa akin bago ako kinurot sa tagiliran.

"Aww." I hissed. Sylvia glared at me.

"Does he know?"

"Know what?"

Nginuso ni Sylvia ang tiyan ko. "About your baby? Kung paano kang nagpaka virgin Mary sa baby mo?" She hissed. Tinakpan ko ang bibig niya dahil baka marinig kami ni Greg.

"No. Of course not. At ikaw, wala kang sasabihin na kahit na ano." Babala ko sa kanya. She just sighed.

"Yes, yes fine." Sumusuko niyang sabi.

-------------------------

Itinaas ko ang blouse ko hanggang sa may ilalim ng dibdib ko. Sylvia poured some cold gel on my belly before moving the probe.

I heard Greg breathing hard beside me. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko habang tutok sa screen.

Nagsasalita si Sylvia pero hindi ko siya pinapakinggan. I am watching the wonder on Greg's face as he stares at the screen. Bahagya ko lang narinig iyong mahinang click bago itinuro ni Sylvia ang isang maliit na form sa screen. I narrowed my eyes to see clearly.

"Is that him?" Greg asked, his voice thick with emotions.

"Yup. So far the baby is normal Lana, Greg. I don't see any problem and he is healthy." Tiningnan ako ni Sylvia. "You're both healthy. Magaling mag alaga itong si Greg." Biro ng kaibigan ko. Kaagad ko siyang pinandilatan. Noong nilingon ko si Greg ay nakatutok pa rin siya sa screen.

He sniffed and that was when I saw that his eyes were red.

Is he...?

"Damn, his perfect." Basag ang boses niyang sabi. Yumuko siya at hinalikan ang noo ko. Doon ko naramdaman ang basa sa pisngi niya.

"I am so in love with you Lana." Umiiyak niyang sabi. Hindi na ako nakasagot dahil naiiyak na rin ako. He looked at the screen again before smiling.

"I love the both of you." Aniya. Napangiti ako.at sumabay na roon ang isa pang patak ng luha.

----------------------

Naadik ako sa BTS. Crush ko na si Jin tsaka si J-Hope. :)

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top