Other Girl
7
Italics in flashback. Joke, baligtad. Flashback in italics. Mwehehe :)
-----------------------
"Nahalikan ko na kaya si Tan Tan." Pagmamalaki noong kababata ni Greg. She's the pretty girl who formed AEGGIS. Ang sabi ni Greg kung wala si Victoria ay wala rin ang banda nila.
"Di nga?" hindi makapaniwalang sabi noong si Ethan. Sumimangot lamang lalo si Stanley sa gilid.
"Manahimik ka na nga Toryang. Ang ingay mo na naman." Aniya. Ngumuso lang si Victoria.
"Totoo naman kasi ah. Hinalikan kita nung birthday mo two years ago diba? Hindi ko pa nakakalimutan yun kahit matagal na." tuwang tuwang sabi noong babae. Napailing na lang si Stanley at hindi na umimik.
I stared at Toryang at hindi ko napigilan ang inggit. She's really pretty. Kulot kulot ang buhok niya at mapungay talaga ang mata niya. And she seems confident with herself.
Naramdaman ko ang paghawak ni Greg sa aking kamay. Noong nilingon ko siya ay ngumiti lamang siya sa akin. Iyong hinlalaki niya ay nagpapaikot ikot sa aking balat. Hindi ko napigilan ang pagpula ng pisngi ko lalo pa at napansin na ng ibang AEGIS ang ginawang paghawak ni Greg sa akin.
Inayos ko na lamang ang aking salamin at nagpatuloy sa pagdidisenyo ng kanilang poster. Hinila ko na ang kamay ko mula kay Greg at agad naman niya akong inakbayan.
"Ang clingy mo G." natatawang sabi ni Toryang habang ngiting ngiti sa amin. Hindi sumagot si Greg at tumawa lamang. Ako naman ay hiyang hiya na. Dammit!
"You're blushing." Bulong niya. Tinitigan ko lamang siya ng masama.
"Shut up."
"Ang ganda mo." Dagdag niya. Sinamaan ko na siya ng tingin kahit lalo lamang akong namula sa mga sinasabi niya. Yumuko si Greg at tinitigan ako habang abala ako sa paglalaptop.
"Isa." Asar ko ng sabi. Tumawa lamang siya at hindi na ako muling ginulo. Pero nanatili lamang siya sa tabi ko nakaupo hanggang sa matapos ako sa ginagawa. Ni minsan ay hindi niya ako iniwanan.
--------------------
"This is really unethical." Nag aatubili kong sabi habang nakatingin kay Nathaniel Falcon. Napakamot siya ng batok bago huminga ng malalim.
"Gusto ko lang makatulong kay Ria." Mahina nitong sabi. Inayos ko ang aking salamin at nagkibit balikat.
"I don't want to sound smug... but, I feel that she changed because of me. Nasaktan ko siya ng sobra noon kaya sa malamang ay iyon ang dahilan kung bakit siya naging malamig ngayon." Paliwanag nito. Sumandal ako sa akung upuan at umiling na lamang.
"She's my patient. Conversations between us are all confidential. Pasensya na pero wala akong masasabi sayo."
"Just tell me that she's okay. Kahit yun lang." patuloy nitong paghingi sa akin. Tinitigan ko siya bago ngumiti.
"Do you love her?" tanong ko. Mabilis siyang tumango.
"Then why did you leave her?"
Matagal hindi nagsalita si Athan. Nakatingin lamang siya sa akin bago yumuko. Pinaglaruan niya ang daliri niya at inakala kong hindi na siya sasagot.
"I had to. I don't have a choice." Mahina niyang sabi. Nakagat ko ang labi ko sa narinig. Hindi ko agad napigilan ang galit na naramdaman ko sa sinabi niya. Bullshit. Walang kwentang rason ang ibinigay niya. Katangahan lamang.
"We all have a choice." Madiin kong sabi. Umiling siya.
"At that time, I don't have any option." Sagot niya sa akin. Kumuyom ang aking palad. Lahat yata ng AEGGIS ay parepareho ng dilemma. Lahat sila ay nang iiwan dahil wala silang pagpipilian ganun ba? Nakakatawa.
"Lana please."
"I won't help you. Hindi ko sasabihin kung ano man ang bumabagabag kay Leria. I am her doctor and her friend. Nagtitiwala siya sa akin at hindi ko iyon sisirain. You had your chance back then, pero itinapon mo iyon. That'sthe choice you have made Athan. You chose to throw the woman who loves you so much." Nanginig ang boses ko matapos kong sabihin iyon. Naramdaman ko ang pag iinit ng gilid ng aking mata pero hindi ko iyon inalintana.
Napapikit ako ng mariin. Siguro iyon ang panget sa isang tao. Masyado tayong nabubuhay sa konsepto ng pangalawang pagkakataon. Nagiging dahilan iyon kung bakit hindi tayo natatakot na magkamali. Kasi alam nating may pangalawang beses pa para sumubok. Pero hindi naiisip ng iba na may mga katulad ni Leria na hindi na kayang magbigay pa ng pangalawang pagkakataon dahil masyado na silang nasira ng unang beses.
Hindi talaga dapat ginagamit ang puso. Isa iyon sa mga nakumpirma ko noong ako ang sumubok na magmahal. Loving someone will only hurt you. Hindi ka dapat magmahal dahil wala kang makukuha roon. Fairytales are not real. They are just fake stories meant to deceive people in believing that shits like happily ever after exist.
Hindi ko hahayaan na masaktan ulit si Ria. Kung may magagawa ako para lamang maprotektahan siya ay gagawin ko. Wala na dapat babaeng maloloko ng isang lalaking hindi marunong mamili. Wala na dapat babaeng magmamahal ng isang lalaking gagamitin lamang sila at papaniwalain sa mga kasinungalingan.
Maaga akong nagsara ng klinika.Pupuntahan ko si Leria ngayon sa Wave para samahan siya sa pagbabar niya. Though I am against it, mas maganda na rin na masamahan ko siya kaysa siya lamang mag isa roon.
Umiinom na siya noong makarating ako sa Apollo. Mabilis akong tumabi sa kanya at hindi man lang siya nagulat sa aking biglaang pagsulpot.
"AEGGIS is here." Bwisit niyang sabi. Nilingon ko ang isang lamesa. Naroon nga ang anim na napapalibutan ng kanilang groupie. May mga babae na sa bawat balikat nila. Tanging si Stanley lamang at Athan ang tahimik na umiinom sa gilid. The rest of the me mbers have their own women in their arms.
Tinitigan ko iyong babae sa tabi ni Greg. May sinabi ito sa kanya na nakapagpatawa kay Greg. Bahagya pa itong lumapit lalo, iyong kamay ay nasa hita na ni G. Kinagat ko na lamang ang labi ko at agad na nag iwas ng tingin. Iyong mumunting kirot sa dibdib ko ay hindi ko na pinansin.
"Should we go somewhere else?" tanong ko at binalingan muli si Leria na tahimik pa ring umiinom.
"Nope. Let's go home." Aniya. Tumango ako. Noong bumaba na siya sa kanyang upuan ay muntik pa siyang matumba. Kumapit siya sa aking braso at agad ko naman siyang inalalayan.
"Are you okay?" I asked. Tumango lamang siya. Maglalakad na sana kami noong may humawak sa aking braso. Pagkalingon ko ay nasa tabi ko na ang buong AEGGIS.
"Fuck." Bwisit na sabi ni Ria. Dumiretsyo siya ng tayo. Lumapit si Athan sa kanya at hinawakan ang kanyang beywang.
"Bitawan mo nga ako---"
"Shut up Ria." Bwisit na sabi ni Athan. Inakay na niya si Leria palayo kahit na nagpoprotesta pa ito.
"Hindi ko alam na nagbabar ka pala Allara." Bati sa akin ni Stanley. Inayos ko lamang ang aking salamin bago ngumiti rito.
"Sinamahan ko lang si Leria."
"Oh? Diba doktor ka niya? Ang bait mo pala. Hindi na kasama sa trabaho mo na samahan siya sa bar hindi ba?" sabat noong baguhan. Napansin ko ang lalim ng dimple niya sa kanyang kaliwang pisngi. Nagtagal ang pagtingin ko sa kanya dahil sa kanyang mukha. Magaling mamili ang AEGGIS ng idadagdag sa kanila.
"August pala." Aniya at nilahad ang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon.
"Allara Naomi. But you can call me Lana." Sagot ko. Bahagya ang pagtawa ni Iñigo sa aming gilid habang nakaakbay kay Greg.
"Natatae si Greg." anas nito. Nilingon siya ni August.
"Dude, CR ka na." sabi nito. Natawa lamang ako at pinilit kong itago iyon. Nilingon ko si Greg na seryoso lamang na nakatingin sa akin.
"Tss." Bwisit nitong sabi bago inalis ang pagkakaakbay ni Iñigo sa kanya.
"Tanginang natatae naman Iñigo. Wala ka talagang kwentang magjoke." Sabat ni Ethan habang hawak ang dalawang babae sa magkabila niyang braso.
"Hindi naman natatae yang si Greg eh." Anas ni Stanley sabay tingin sa akin. "Mamaya niyan baka mapatay pa ni Greg si Augustine." Dagdag nito.
"Mabuti ngang mamatay na si August para mawalan na ng walang kwenta sa mundo."
"Ang iingay ninyo." Malamig na sinabi ni Greg. Kinuha ko na ang purse ko.
"Mauuna na ako." Paalam ko. Nagmamadali akong naglakad papunta sa kotse ko. Pinatunog ko iyon at akmang bubuksan na sana noong may humawak sa aking braso. Pagkaharap ko ay nakita ko si Greg na nakatingin sa akin. Madilim ang kanyang mukha at halos hindi ko na maaninag ang kanyang mata.
"B-bakit?" nanginginig kong tanong. Damn Lana. Seriously? Nanginig ka pa talaga?
Tiningnan niya ang kotse ko bago ang daan. Matapos ay tiningnan rin niya ang wristwatch niya at bumuntong hininga.
"Allara, gabi na." mababa ang boses niyang sabi. Tumaas ang kilay ko at hinila ko ang aking braso. Hindi niya iyon binitiwan. Lalo lamang iyong humigpit.
"Halata nga Greg." Sabi ko na lamang. Tumaas ang sulok ng labi niya bago umiling.
"Ihahatid na kita."
Mabilis akong umiling. "Hindi na kailangan---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Inagaw niya mula sa akin ang susi ko bago siya pumasok sa aking kotse. He started my white Scion at pinagbuksan pa talaga ako.
"Hop in." aniya. Pinameywangan ko siya.
"Kotse mo?" naiirita kong sabi bago pumasok. Sinuot ko ang seatbelt ko maging ang aking headphones. Tinodo ko ang volume para kahit na kausapin niya ako ay hindi ko siya maririnig.
Tumingin lamang ako sa labas habang tutok na siya sa pagmamaneho. Hindi ko pa rin mabura sa isip ko ang paghawak noong babae sa kanya. Ang landi lang nilang dalawa ni Greg, bwisit.
Sinabi ko lamang ang address ko. Noong makarating kami sa bahay ay kinuha ko agad ang susi ko mula sa kanya.
"I have to go. Babalikan ko pa si Naimah." Aniya.Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Tinalikuran na niya ako at naglakad na papunta sa sakayan ng taxi.
Naimah pala ha? Dammit!
------------------------
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top