Miss Invisible

1

Ten years ago..

 

Girls my age dream about butterflies and sparkles in their stomach. I dream about reality. Sa buong school, ang pinapangarap ng mga babae ay ang AEGIS. Para sa kanila, kapag napansin ka ng kahit na isang myembro lang ng banda, pwede ka ng magpakamatay sa tuwa.

I think otherwise.

AEGIS? They are nothing but guys who can play and sing. Wala namang kahit na anong espesyal sa kanila. They have the talent while I can prove any theory or hypothesis. Quits lang kami. Matalento sila, matalino ako. Kaya nga hindi ko alam kung bakit ba aligaga ang mga babae sa school para lang sa kanila.

Naglakad na ako at pumunta sa paborito kong pwesto sa school. Sa ilalim ng benches kung saan kakaunti lang o minsan ay wala pang tao. Kinuha ko na ang lunchbox ko at nagsimula ng kumain.

Ilang buwan na mula ng nagsimula ang klase dito sa St. Therese pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong kaibigan. Hindi na rin naman ako nagtataka doon. Kinakausap lang naman ako ng mga kaklase ko kung may tanong sila sa assignments, aside from that, invisible ako sa kanila.

I am a dork, alam ko yun. Minsan lang akong magsuklay at hindi ako palaayos. Hindi lelebel ang itsura ko sa karaniwang mukha ng mga babae dito sa school. And I am tired of trying to fit in. Nakakapagod na kasi na sumubok mapansin.

That is why I hate the AEGIS. Kasi sila kahit hindi sila mag effort, may kakaibigan sa kanila. Pareho lang naman kami ah? Why am I invisible?

I looked at my watch. Tatlumpong minuto pa bago ang program sa school. Culturals kasi namin ngayon at merong performance ang AEGIS para sa mga Theresians. Kung ako lang ay mananatili na lang ako dito sa ilalim ng benches, pero magchecheck ng attendance ang adviser namin at ayaw ko namang magpaabsent. Siguro ay magpapachecheck lang ako tapos ay aalis na ako.

Kinuha ko na lamang ang libro ko bago ko tinali ang buhok ko. Inayos ko ang salamin ko at nagbasa na lamang.

'There's a girl

Who sits under the bleachers

Just another day eating alone'

Napalingon ako sa kabilang gilid ko. Awtomatikong tumuwid ang likod ko at nakita ang AEGIS na naglalakad papunta sa direksyon ko. Ang boses noong bokalista nila, si Greg, ang agad kong narinig.,

"Ang lungkot naman ng kanta mo!" reklamo noong drummer nila. Ngumiti lang si Greg bago nagkibit balikat.

"Kakantahin ba natin mamaya yan?" yung isa naman sa kambal ang nagtanong. Pababa na sila sa hagdan at nauna si Greg na napansin ako. Ngumiti siya sa akin bago niya binalingan muli ang kabanda.

"Hindi. Narinig ko lang sa radyo kanina." Sagot ni Greg bago ako nilampasan. Noong paliko na sila para pumunta sa stage ay muli niya akong nilingon. Ngumiti siyang muli bago siya hinila ng mga kaibigan niya.

Oh, that is Greg Festines. The famous lover boy. Pinakamabait 'daw' sa buong AEGIS. When others are rude, bad, harsh and cold, si Greg naman daw ang anghel at mabuti. Hindi ko alam kung bakit ganun ang tingin sa kanya. Para sa akin ay pareho lang ang buong AEGIS. Lahat sila ay mga lalaking tanging gwapo lang at wala namang substance sa katawan.

Tumayo na ako at niligpit ang gamit ko para pumunta na sa stage. Noong makapasok na ako sa gym ay tinawag agad ako ng kaklase ko.

"Allara!" sigaw niya. Humarap ako at inayos ang salamin ko. Bahagya siyang sinapok noong kasama niya.

"Naomi kaya pangalan niya. Wala tayong kaklaseng Allara." Sabi noong kasama niya. Napabuntong hininga na lamang ako at hindi na sumagot. Ang lakas ng loob na tawagin ako pero hindi naman alam ang buo kong pangalan.

"She's Allara Naomi."

Napaharap na lamang ako noong may nagsalita sa likod ko. Doon ay nakita ko si Greg na nakatayo sa likuran ko habang inaayos ang kanyang kwelyo.

"You know me?" taka kong tanong. Ngumiti lamang si Greg bago binalingan ang mga babae sa tabi ko.

"Girls, next time, kilalanin ninyo ng mabuti yung mga kaklase ninyo ha? That will be the best way to gain friends." Nakangiti pa rin niyang sabi. Sa loob ko ay halos mapatay ko na siya sa inis. Nakakainis na ngumingiti siya ng ganyan dahil hindi alam ng mga kaklase ko ang buong pangalan ko. naiirita ako sa kanya.

"Sige Greg!" sagot noong dalawa. Inirapan ko lamang si Greg bago nag walk out. Dumiretsyo na ako sa adviser namin at nagpaattendance. Agad naman nicheck ni Ma'am ang pangalan ko kaya nagpasya na akong umalis pagkatapos. Didiretsyo na sana ako sa pintuan pero hinarangan kami ng mga C.A.T officers at pinagbawalan kaming lumabas.

"May gagawin pa ako Kuya." Reklamo ko. Hindi ako pinansin noong COCC. Diretsyo lang ang tingin niya sa AEGIS na nagaayos na para tumugtog. Kahit na naiinis na ako ay wala pa rin akong nagawa. Humarap na lang ako sa stage at nakita ulit si Greg na nakangiting humarap sa mga tao.

Si Iñigo ang naunang tumugtog. Ang tunog lang ng piano niya ang tanging naririnig sa buong gym bago nagsimulang kumanta si Greg.

'There's a girl

Who sits under the bleachers

Just another day eating alone

And though she smiles

There is something just hiding

And she can't find a way to relate

She just goes unnoticed

As the crowd passes by'

Napahinto ako, katulad na lamang kung paano huminto ang paggalaw ng mga tao sa loob ng gym habang pinapanood ang banda. Pakiramdam ko ay ako ang kinakausap ni Greg habang kumakanta siya. Dahan dahan ang bawat bitiw niya sa mga salita habang nakapikit.

'Take a little look at the life of Miss Always Invisible

Look a little harder, I really really want you to put yourself in her shoes

Take another look at the face of Miss Always Invisible

Look a little closer and maybe then you will see why she waits for the day

When you'll ask her her name'

Hindi ko namalayan na nagbukas na pala ang pintuan ng gym. Noong matulak na ako ay doon ko lang napansin na palabas na pala ang mga tao. Isa isa kong pinulot ang mga libro kong nagkalat. Isang kamay ang bumungad sa aking mukha at nung tumingala ako ay doon ko napansin si Greg na nakatunghay sa akin.

"Ayos ka lang Allara Naomi?" tanong niya. Iyong labi niya ay may nakahanda na ngang ngiti. Pabalya kong pinalo ang kamay niya bago nagpumilit na tumayo. Inayos ko ang salamin ko at kinuha na ang gamit ko.

"I don't need your help." Naiinis kong sabi bago tuluyang lumayo sa kanya.

Kinabukasan ay pareho pa rin ang routine ko. Noong lunch na ay dumiretsyo ako sa ilalim ng bench at doon kumain. Umupo ako sa may damo at kinuha na ang sandwich ko noong marinig ko ang ilang yapak sa damo.

"Bakit hindi ka sa cafeteria kumain?" anas nito. Tiningnan ko lamang siya bago muling ibinalot ang sandwich. Tumayo na ako at maglalakad na sana palayo noong humarang si Greg sa akin.

"Hey, aalis ka na? Kakarating mo pa lang ah?"

Umirap ako. "Umalis ka nga sa harap ko." pagsusungit ko. Tumaas lang ang sulok ng labi ni Greg at muling ngumiti.

"Gusto ko lang namang sabayan kang kumain." Aniya bago itinaas ang sarili niyang lunchbox. Tiningnan ko lamang iyon bago umiling.

"Doon ka sa cafeteria. Hindi lang iisa yung mga babaeng magpapakamatay makasabay ka lang kumain. Wag ako. Lubayan mo ako." Pag iwas ko. Napansin ko na ang ilang tingin sa amin ng mga estudyanteng nasa may benches kumakain. Pakiramdam ko ay alam ko na kung anong ibinubulong nila sa isa't isa. Bakit kasama ako ni Greg? Bakit kami nag uusap.

"But I want to eat with you." Katwiran niya. Tumaas lang ang kilay ko bago napailing na lamang.

"Ano?"

"Maingay sa cafeteria  eh." Aniya bago ngumuso. Ilang beses akong napakurap noong mapansin kung gaano kapula ang labi ni Greg. Nag iwas na lamang ako ng tingin at maglalakad na sana noong sumunod siya sa akin.

"May iba ka pang secret hide out?" tanong niya sa akin. Hindi na lamang ako sumagot. Yumuko ako at mas binilisan ang paglalakad.

"Wait!" paghabol niya. Mabilis na pumulupot ang kamay niya sa siko ko kaya napatingala ako sa kanya.

"O-oy.."

"Ayaw mo ba talagang makasabay ako?" nagtatampo niyang sabi. Napalunok na lamang ako. Nasa gitna kami ng hallway at maraming nakakarinig sa usapan naming dalawa.

"Bitawan mo a-ako." Sabi ko. Lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko kaya napatingala ako sa kanya.

"Greg.."

"Please. Lunch lang naman Allara Naomi." Pakiusap pa niya. Napapikit na lamang ako at sumunod sa kanya noong hinila niya ako. Nakarating kami sa field at agad siyang umakyat sa may stadium. Inalalayan din niya ako paakyat. Tabi kaming naupong dalawa habang nanunuod sa mga players at athletes na nagsasanay.

"Kain na." alok niya sa akin. Kinuha ko naman ang sandwich ko at kakain na sana noong biglang inagaw ni Greg iyon.

"H-hoy!"

"Here." Sabi niya sabay abot sa akin noong lunchbox niya. Nilagay niya iyon sa hita ko bago niya kinagatan ang sandwich na baon ko.

"Girls should not eat like a bird. Nagda diet ka ba?" tanong niya. Tiningnan ko lamang siya bago binuksan ang lunchbox niya.

"Hindi." Simple kong sabi. Tumawa lang siya at kumagat ulit sa sandwich.

"You don't talk much do you?"

"Bakit kita kakausapin?" ganti kong tanong. Ngumiti siya lalo bago nagkibit balikat.

"Kasi mag kaibigan tayo." Aniya. Natawa ako ng kaunti bago sumubo sa ulam niyang ham at hotdog.

"I don't have friends."

"You have me. I am your friend." Magiliw niyang sabi. Tumaas ang kilay ko bago ko inayos ang salamin ko sa mata.

'Take a little look at the life of Miss Always Invisible

Look a little closer I really really want you to put yourself in her shoes

Take a little look at the face of Miss Always Invisible'

"Talaga? As far as I know, wala akong kaibigan. I am invisible." Natatawa kong sagot bago nagpatuloy sa pagkain. Nilingon ko si Greg na nakatingin lang sa akin.

"I see you." Mahina niyang bulong. Ang mata niya ay bumaba na ang tingin sa aking labi. Mabilis akong napalunok at tumayo na. Nagmamadali akong bumaba ng stadium habang siya ay patuloy sa pagtawag sa akin.

"Allara Naomi!" sigaw niya. Napapikit na lamang ako. Hindi ba siya napapagod na kumpletuhin ang pangalan ko?

"Sandali lang!" sigaw pa rin niya. Rinig ko na ang mga yapak niya kaya hindi na ako nagulat noong nasa may tabi ko na siya.

"Pinagod mo ako." Sabi niya habang nakayuko at hinahabol ang hininga. Pulang pula ang pisngi niya mula sa pagtakbo.

"Allara--"

"Lana na lang." bigla kong sabi. Tumaas ang kilay niya at tinitigan ako.

"Ano?" nakangiti na niyang sabi. Umirap lang ako at nag iwas ng tingin.

"Call me Lana." Mahina kong sabi bago tuluyan na siyang tinalikuran.

'Then one day just the same as the last

Just a day spent counting the time

Came a boy that sat under the bleachers just a little bit further behind...'

------------------------------

Song Used:

Miss Invisible- Taylor Swift (Marie Digby cover)

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top