Little Mermaid
25
The little mermaid fell in love with a human prince. That is why she went to the sea witch in order to become human. But the prince fell for another girl. The happy ending the mermaid wanted never came. And yet she still loved the prince. In order to prove that love, she danced in a floor filled with thorns until she bled to death. Lahat ng ito, ginawa niya para patunayan na mahal niya ang prinsipe. She still loved the prince eventhough the prince loves another girl.
Nakakatawa hindi ba? Inakala ng lahat ng masaya ang kinahantungan noong sirena at noong prinsipe. They had the perfect beginning. They were happy. Everything was great. Akala ng lahatay magiging masaya hanggang sa huli. But then, I guess some stories are just meant to be happy at the beginning. There are stories that will always end with a broken heart and a shattered soul.
Winagayway ng kararating lang na si Ethan ang palad niya sa tapat ng mukha ko. Naputol ang pag iisip ko noong makita ko ang nakangisi niyang mukha. Hinila niya ang upuan at umupo na mula roon.
"Hey doc." Bati niya sa akin. Iyong isang kamay niya ay pinaglalaruan na naman ang krus niyang hikaw sa kaliwang tenga. Greg has the same earring. The six of them have that same earring.
"Pinag order na kita." Sabi ko dito sabay tulak noong slice ng cheese cake sa kanya. Agad niya iyong kinuha at sumubo ng isang maliit na piraso mula roon.
"Kailan ka manganganak? Ang laki na ng tiyan mo ah."
Napangiti ako sa sinabi niya. I touched my tummy. "Next month. May ibinigay ng date ang OB ko."
"Tatay na si Greg." natatawa niyang sabi. Bahagyang nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Ethan. Napansin niya iyon kaya naman napakunot ang noo niya.
"May problema ba? You look pale." Aniya. Umiling lamang ako bago huminga ng malalim. Tinitigan ko si Ethan ng diretsyo bago napakamot na lamang ng noo.
"Lana?"
"I want to reopen my Mom's case. Gusto ko sanang hingiin ang tulong mo." Sabi ko rito. Napatigil siya sa pagkain habang nakatingin lamang sa akin.
"Ang Papa mo ang kapitan ng barko noon hindi ba? I'm sorry if I am talking to you about this. Alam kong masakit para sayo ang naging pagkamatay ng Papa mo sa---"
"He's not dead." Putol niya sa sinasabi ko. Marahas akong napatingin sa kanya habang siya naman ay nagpatuloy na sa pagkain.Ilang segundo ko munang hinintay na makalunok siya bago niya dinugtungan ang sinasabi niya.
"Bumalik siya. For the past twenty years, pinaniwala niya kaming patay siya para makasama ang babae niya." pagkekwento ni Ethan. Para bang wala na siyang pakialam sa sinasabi niya. It was as if he is just merely stating an obvious fact.
"Buhay siya?" Paninigurado ko. Tumango si Ethan. I opened my mouth to say something but I am too overwhelmed. If his father is alive, then he can be a witness. Pwede niyang sabihin na walang kasalanan ang Mama ko!
"Why are you looking at me like that? Masaya ka yatang buhay ang Papa ko? Ako lang yata ang hindi naging masaya sa balitang iyan." Aniya. What does he mean by that?
I was about to ask him when I suddenly remembered what he said awhile ago. Nagtago pala ang Papa niya para samahan iyong babae nito. Crazy huh? Lahat ba ng lalaki ay likas na manloloko?
"Does your Mom know? About your father's mistress I mean."
Huminga siya ng malalim. "No. At wala kaming balak na ipaalam sa kanya iyon. My mother has been through so much Lana. Hindi na dapat namin idagdag sa pasanin niya iyong walang kwentang ama namin." He said. I stared at Ethan for awhile. Sa buong AEGGIS, siya ang palaging papalit palit ng karelasyon. Lately lamang humina ang balita tungkol sa mga nagiging girlfriend niya dahil mukhang nagseseryoso na siya kay Avvi.
"Lolokohin mo rin ba si Avvi?" tanong ko. Napahinto siya sa pag inom ng kape dahil sa gulat sa tanong ko.
"What?! No!" pasigaw niyang sagot. I stared at him and I saw sincerity in his eyes. Seryoso siya sa sinabi niya at alam kong totoo iyon.
Ibinaba niya ang tasa bago sumandal sa upuan. "I love Avvi. If I cheat on her then I will hurt her. And I love her more than my life and hurting her will be the last thing that I will do."
"You can still love her and cheat on her at the same time Ethan." Pagpipilit ko pa rin. Greg told me he loves me but he is cheating. Ibig sabihin ay pwedeng sabay gawin ang dalawang iyon hindi ba?
"No. Wala kang karapatang sabihin na mahal mo ang isang tao habang niloloko mo siya. Kung mahal mo, hindi mo lolokohin. Kung niloloko mo ay hindi mo mahal. There is no in betweens Lana." Sagot niya sa akin. I breathe hard when I heard his answer. Para akong tinarakan ng kutsilyo sa dibdib.
Ethan's right. Cheating is not a mistake, it is a choice. And choices are made when we are conscious. Greg is aware that he will hurt me, but then he still chose to cheat. Cheating is a choice, it is a choice he made because he obviously doesn't give a fuck about our relationship.
"Bakit ganyan yung mga tanong mo? Hindi ka naman lolokohin ni Greg. Sa aming anim, siya ang pinakamatino Lana." Anas niya. Napangiti ako bago tumango. I bit the insides of my mouth and forced out a smile.
"Of course. Greg will never do that. Mahal niya ako." I lied. Gustong gusto kong sabihin kay Ethan ang totoo. Gusto kong ilabas kung ano amn itong mga hinaing ko. I want to tell him that I am slowly dying inside because I found out that my husband is cheating. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang aminin na niloloko lang ako ng asawa ko.
Gusto kong lokohin ang sarili ko. Pakiramdam ko kapag itinago ko ito, mawawala lahat. Saying it out loud will make me feel that it is true. At nakakatakot na maramdaman iyon. Tanga na kung tanga pero hindi ko pa kayang tanggapin na may babae ang asawa ko.
Iniba ko na ang usapan bago pa man mahalata ni Ethan na may mali sa akin. Pumayag si Ethan na tulungan ako sa kaso ng Mama ko. Kaagad rin siyang nagpaalam matapos niyon dahil may rehearsals pa daw sila. Noong ako na lamang mag isa ay dumiretsyo ako sa banyo. Kanina pa masakit ang mata ko dahil sa kakapigil ng luha. I don't want to cry in front of Ethan but I just can't hold the tears at bay.
Pagkarating ko sa banyo ay agad akong naghilamos. Noong mabasa ko ang mukha ko ay tinitigan ko ang aking sarili. Yes, I might have lose the nerdy glasses, my hair is tamed now, but I am still your average girl. Hindi ako kasing ganda ni Toryang o kasing charming ni Avvi. I don't even have Leria's sexy glare. Siguro kaya naghanap si Greg ng iba dahil hindi ako katulad ng mga girlfriends at asawa ng kasama niya.
I am still the plain, old, boring Allara Naomi.
Pinunasan ko na ang mukha ko at akmang aalis na noong bumukas ang isang cubicle. Aalis na sana ako noong magulat ako sa nakitang lumabas mula roon. Tuloy tuloy siyang naglakad sa sink bago naghugas ng kamay. Ako naman ay parang tangang nakatitig lamang sa kanya.
"Yes?" mataray niyang tanong. Nagkatitgan kami gamit ang repleksyon namin. Inilabas niya ang isang kulay pilang lipstick bago niya iyon pinahid sa labi niya.
"Celeste." I greeted her. Inilagay niya iyong lipstick sa bag niya bago ako hinarap. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago natawa na lamang.
"Married life doesn't suit you at all." She laughingly said. Tumaas pa ang isang sulok ng labi niya habang patuyang nakatingin sa akin.
"Lumosyang ka." Dagdag pa niya. My hand tightened. I stared at her. Tuwid na tuwid ang buhok niya at mapang akit ang mata niya. She's of the same height as me, pero mas maganda ang hubog ng katawan niya. She has sun kissed skin while I am as pale as a paper.
Mas maganda nga siya.
"Alam mo, marami akong alam na salon. Gusto mo bang magrefer ako sayo? Para naman kahit paano ay...umayos iyang itsura mo." She said nicely. Ngumiti lamang ako bago umiling.
"Wag na. Wala akong oras para sa ganyan. Excuse me." I told her. Kinuha ko na ang bag ko at maglalakad na sana palayo noong tinawag niya ako. Humarap ako sa kanya. Nakangisi lamang siya, iyong buhok niya ay inipit niya sa likod ng tenga niya bago ako nilapitan.
"I will win this time Lana." She said. Hindi na niya ako hinintay na makasagot. Nilagpasan niya ako at lumabas na ng banyo.
Ano pa bang ipinupunto ni Celeste. She cannot win. Greg was never mine to lose.
He has always been Celeste's.
-------------------------
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top