How Long Will I Love You

22


"Anong oras kang makakauwi?" I asked Greg over the phone. Tinitigan ko lamang ang mga batang naglalaro sa tapat ng bahay namin habang marahan kong hinihimas ang aking tiyan.

"I still don't know hon. Marami pa kaming inaayos para sa album." Sagot niya sa akin. I bit my lip when I heard his answer. Palagi na lang ganyan. He is always busy. Eversince we got married, naging seryoso na si Greg sa trabaho niya. He said he wanted to provide everything for Noah and me.

I just wanted him here with me.

Nahihirapan akong tumayo mula sa rocking chair na kinauupuan ko. Malaki na ang tiyan ko, ilang buwan na lang ay lalabas na si Noah. Everything is ready for him. Nakabili na kami ng mga gamit at ang nursery niya ay nakahanda na rin. Greg is already living with me at iyong bahay niyang nasa tapat lang dati ng akin ay ibinenta na niya.

"Gagabihin ka ba?"

"Yup." Maikli niyang sabi. I heard muffled sounds on his background. Bahagya pang nawala ang boses niya at parang may kinausap pa sa kanilang linya. I waited for a full minute before he talked to me again.

"Greg-"

"I'll call you again love. I have to go now. Bye." And then he hung up. Naiwang nakabukas lang ang bibig ko par asana itanong kung anong gusto niyang dinner para mamaya. I sighed before putting my phone down.

"Your Dad's a pretty busy man huh Noah?" anas ko habang hinihimas ang malaki ko ng tiyan. Pitong buwan na siya at kaunting panahon na lang ang hihintayin namin ni Greg. Dalawang buwan na lang at sasabihin ko ng sa kanya si Noah.

I stared at the clock. Alas singko na ng hapon at kailangan ko ng magsimulang ipagluto si Greg. Pumunta na ako sa kusina at nangalkal ng pwede kong ipakain sa asawa ko mamaya.

Pinili kong magluto na lamang ng sinigang na baka para kay Greg. Abala na ako sa paghihiwa ng mga rekados noong maisip kong maglaba na rin. I smiled secretly when I thought of that. Kapag nakita ako ni Greg na kumikilos ay mabubulabog talaga ang pagkatao niya. Ayaw na niyang nakikitang gumagalaw ako dahil na nga rin malapit na ang kabuwanan ko.

Dumiretsyo ako sa kwarto namin par asana ligpitin na ang mga maruruming damit. Kinuha ko ang polo niyang sinuot kagabi noong may malaglag mula roon. Pinulot ko iyon at binasa.

'Thanks for the dinner. Till next time.

-Celeste'

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa maliit na note na iyon. Nakasulat lamang iyon sa maliit na table napkin, para bang piraso lamang ng natirang tissue sa isang dinner. Nilukot ko kaagad iyon at itinapon na bago ko kinuha ang ibang damit ni Greg.

What was that note all about? Iyong polo na iyon ang suot ni Greg kagabi. Greg told me he spent the night at Wave. Pero nagpapasalamat iyong si Celeste sa hapunan? Paanong nangyari iyon?

"You're overthinking Lana." I told myself. Yeah, baka nagkasalubong lamang silang dalawa sa daan pauwi. Kahit naman ayaw ko sa babaeng iyon ay hindi ko naman pwedeng bawalan si Greg. She's still his friend and I don't want to be a jealous, boring housewife.

Buong gabi iyon ang nasa isip ko. Hindi ko na nga napansin na malapit ng maghatinggabi dahil sa sulat na iyon. Kung hindi lang kumalam ang sikmura ko ay hindi pa ako mapapatayo.

Hindi pa rin nakakauwi si Greg. Kinuha ko na ang cellphone ko para tawagan siya noong marinig ko na ang makina ng sasakyan niya. Tumayo na ako para salubungin siya.

"Hey." I called him. Napahinto siya sa pagtanggal ng sapatos habang nakatingin sa akin.

Kumunot ang noo niya. "Hey. Bakit gising ka pa?" tanong niya. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang gamit niya. His hand immediately wrapped around mine. Sumiksik ako sa kanya at hinaplos ang pisngi niya.

"Hinihintay kita. Kumain ka na ba? Pinagluto kita. Gusto mo bang initin ko para sayo?"

Umiling siya. "Kumain na ako sa Wave. What I want now is to sleep." Pagod na pagod niyang sabi. I bit the insides of my mouth just to keep my disappointment. Kahit ang gutom ko ay nakalimutan ko na. Pinilit kong ngumiti para sa kanya bago siya muling nilapitan. Niluwagan ko ang pagkakabutones ng polo niya habang nakatitig sa kanya.

"I love you." I told him. His eyes shone with love before kissing my forehead.

"I love you too." Sagot niya. Humikab siya ng kaunti kaya inakay ko na siya sa kwarto namin. I took off his shoes habang siya naman ay inaayos na ang higaan namin.

"Hindi ka ba muna magbibihis?" tanong ko habang nililigpit iyong sapatos niya. Tinanggal lamang niya ang pnatalon niya at ang polo niya bago iyon inabot sa akin.

"Sleepy." He murmured before plopping on the bed. Hindi na ako nakaangal lalo pa at nakita kong tulog na nga agad siya.

"You must be really tired huh?" nangingiti kong sabi. Pumunta ako sa banyo at kumuha ng bimpo para mapunasan siya. Ni hindi man lang siya gumagalaw habang hinihilamusan ko siya.

I stared at him. I felt Noah moving inside me as I watch his father sleeping. Hinaplos ko ang tiyan ko at tumayo. Bumaba muna ako saglit para makakain kahit kaunti man lang.

Noong bumalik ako sa kwarto ay ganun pa rin ang pwesto ni Greg. Itinaas ko ang kumot at tumabi na sa kanya. Nakakunot ang noo niya at mukhang may kung ano siyang napapanaginipan.

"Lan..." he murmured. Nilagay ko ang hintuturo ko sa noo niya para maalis ang kunot noon.

"Greg." I called him. Unti unting nawala ang kunot sa noo niya. Napangiti na lamang ako at tumabi sa kanya. Niyakap ko siya at narinig ko ang marahan niyang pagbuntong hininga.

Humigpit ang hawak niya sa akin kaya mas lalo akong nagsumiksik sa kanya. Tiningala ko siya at muli kong hinaplos ang buhok niya.

God, but I love this man so much. Sampung taon kaming nagkahiwalay pero siya at siya pa rin talaga. Para siyang tinta na nakaukit na talaga sa akin. Kahit na anong gawin kong bura ay mananatili na siya dito.

I want a family with him. I want him to be there every moment of my life. Ayaw ko ng mawala siya sa akin. Kung noon ay bumitaw ako sa kanya dahil sa problema tungkol sa Mommy ko, ngayon ay hindi ko na gagawin iyon. Kahit na anong mangyari ay hindi ko na siya iiwanan. Mahal ko si Greg.

I will be forever tied to him.

'How long will I love you?
As long as stars are above you
And longer if I can'

I kissed his lips as I settled my ears on his chest. Naramdaman ko ang paggalaw niya at dahan dahan niyang paghaplos sa pisngi ko. Akala ko ay nagising na siya pero iyon pala ay nanaginip pa rin siya.

'How long will I hold you?
As long as your father told you
As longer as you can'

Pumikit na ako at matutulog na sana noong marinig ko ang pagtunong ng cellphone ni Greg. Marahan kong inalis ang pagkakayakap ko sa kanya at hinanap ang phone niya. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag para lamang matigilan noong mabasa ko ang pangalan na nakaregister.

It's Celeste.

Sinagot ko ang tawag at hinintay na magsalita ito sa kabilang linya.

"Greg? Hey, nakauwi ka na ba?" malambing nitong sabi. Agad na dumapo ang kamay ko sa aking bibig bago ko nilingon si Greg.

"Bakit hindi ka nagsasalita? Are you with your wife?" tanong niya. Ilang segundo muna siyang hindi nagsalita na para bang hinihintay na sumagot ang kausap niya.

I can feel my hand shaking. Tiningnan kong muli si Greg.

"Okay, I understand. Will you visit me again tomorrow? Text mo na lang ako ha? Bye." Paalam nito at agad ng pinatay ang tawag. Nanghihina kong ibinaba ang phone sa may mesa habang nakatingin sa natutulog na si Greg.

'How long will I love you?
As long as stars are above you
And longer if I can'

No. I'm wrong. I am overthinking.

------------------

Song Used:

How Long Will I Love You - Ellie Goulding

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top