Epilogue
EPILOGUE
I groaned when Celeste sat on my lap. Pasimple ko siyang inalis sa aking kandungan bago ko hinaplos ang kaniyang buhok para hindi niya mahalata ang pagkailang ko. Mahirap na. I still need to pretend that I love Celesre. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan niya dinala ang Mama ni Lana.
She pouted while playing with the buttons of my shirt. Hinawakan ko ang kamay niya at pinigilan siya sa pag aalis noon.
"Greg naman." Naiinis na niyang sabi. I smiled at her before kissing her lips. I felt a tug of guilt on my chest when I felt her mouth on mine. Agad kong naalala ang asawa ko. I am sorry Lana.
"You know I won't be contented with just a kiss." Parang bata niyang sabi. I just sighed before tucking a hair behind her ear. Ano bang pwede kong sabihin sa babaeng ito para tigilan na niya ako? I can't even stomach kissing her, least of all, make love to her.
Huminga ako ng malalim habang tinititigan ko ang picture frame ni Lana at Noah. My son is already learning how to walk. Napangiti na lamang ako at hinaplos ang litrato nilang dalawa.
It has been three months since Lana left for Singapore. Madalas ay kinocontact ko sila gamit ang facetime, pero si Noah lamang ang nakikita ko at ang Mama niya. Hindi ko pa nakakausap si Lana magmula noong umalis sila.
I know she needed more time. I am very willing to give it to her. Tanggap ko na masakit ang nagawa ko sa kanya. Nasaktan siya ng sobra sa panloloko ko at habambuhay akong magsisi dahil doon.
I can't help but to smile whenever I remember the first time I saw her. matagal na rin iyon, bata pa kami noon at wala pang alam sa buhay. I am a mindless jerk who only has revenge in mind. And then Lana came and everything just...changed.
She was extraordinary. Siya iyong tipo ng babae na hindi mo agad mapapansin. A wallflower, I might say. Iyon naman kasi siya. She was sitting at the bleachers, reading a book while all of her classmates are playing volleyball.
Kinuha ko ang susi ko at lumabas. Stan said there is a gig at St. Therese at kailangan nila ng judge. Pupunta raw roon ang iba at ako na lamang ang hinihintay.
Pagkarating ko sa eskwelahan ay naglibot libot muna ako. Stan said they will just wait at the faculty room. The program will start an hour from now. Napadaan ako sa hallway namin dati at huminto sa aking locker. I smiled at it and touched the faded vandal of Lana's name.
"Reminiscing huh?" natatawang sabi ni Iñigo sa akin. Nilingon ko siya at nakita kong nakasandal na rin siya sa dati niyang locker.
"Yeah." Maikli kong sagot. Naglakad na ulit ako at sumabay na si I sa akin. Napahinto na naman ako noong makita ko ang klase ng dati naming philosophy teacher. Noong marinig ko ang tanong niya ay kinilabutan ako.
"Pretend that this chair doesn't exist." Aniya. The familiar question triggered a whole host of memories. Sumipol si Iñigo habang natatawa sa reaksyon ko.
"Ang tagal na nun Greg, hanggang ngayon ba naman?" tukso niya sa akin. I just shrugged my shoulders.
"I'm just remembering her." sagot ko. Tumango si Iñigo bago ako hinila para muling maglakad.
Noong makarating kami sa gym ay nakaset up na ang stage. Naroon na rin ang iba at kami na lang ni Iñigo ang hinihintay. Umakyat na kami at pumwesto na ako sa mikropono. Ako lamang ang bokalista ngayon dahil hindi makakarating si August. Nasa ospital siya dahil niligtas niya si Shana noong muntik itong masagasaan.
I closed my eyes and started singing.
'Do you ever think about me?
Do you ever cry yourself to sleep?
In the middle of the night when you're awake,
Are you calling out for me?'
My voice broke, mabuti na lamang at nilakasan ng kambal ang mga gitara nila ng bahagya para hindi mahalata ang pagpiyok ko. I can feel the tightening in my chest. Damn it, I miss her so much.
Nabasag ang basong hawak ni Celeste habang nakatingin sa akin. Kumalat na ang mascara niya at ang buhok niyang maayos kanina ay nagkasabog sabog.
"You're tired, or you really don't want to sleep with me? Tell me Greg." utos niya sa akin. I rubbed my neck before looking at her.
"Celeste---"
"I thought you love me!" sigaw na niya. Napangiwi ako. Namulsa lamang ako at hindi siya nilapitan.
"Akala ko ba mahal mo ako? Why can't you make love to me?" aniya. Hindi ko na siya sinagot. Kinuha ko ang coat ko at tuloy tuloy na lumabas. I heard her calling my name, but I couldn't care less. I want to go home to my wife.
Pagkauwi ko ay nakita ko si Lana na nakatitig sa wedding picture namin. Yakap yakap niya ang sarili niya at mukhang malalim ang iniisip. Ni hindi man lang niya namalayan na nakarating na ako. Nilapitan ko siya at hinaplos ang kaniyang pisngi.
May mali ba sa kanya? She looks so sad today.
"You look pale. May nangyari ba?" I said. Nag aalala ako. Walang kulay ang mukha niya. Her eyes are bleak and dead. Kinagat niya ang labi niya bago ngumiti ng pilit.
"Maayos lang ako. Medyo napagod lang." sagot niya. I just stared at her before nodding.
"Hindi ka na dapat nagpapagod. Makakasama sa inyo ni Noah yan." Utos ko. I held her hand and we walked to the kitchen. Binitawan ko siya at nagsimula na akong paghainan siya.
"You know, Noah might be a girl." Natawa ako sa sinabi niya. Oo nga naman, hindi ko naisip iyon.
"Kung bakit kasi ayaw mong alamin ang gender ng baby." I told her. Sometimes, I really want to insist on things that concern Noah. Pero palagi kong naalalang wala pala akong karapatan. I am not the biological father of the baby. Kahit gustuhin ko mang angkinin ang bata ng buong buo, hindi pa rin pwede dahil alam kong hindi naman talaga siya akin.
I just hope to hell the man who fathered Lana's child is already dead. Para akin na lang silang dalawa.
She asked me if I already ate dinner. Natigilan ako sa tanong niya. Panibagong built ang sumugod sa akin noong nagsinungaling ako.
"Sina Stan. Sa Wave kami nag dinner. Alam mo na, with all the sched and rehearsals." Kibit balikat kong sabi. Tinitigan ko ang baso para itago ang pagkailang ko sa mga titig niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. Trust me Lana, I am doing this for you. I am doing this to protect you. I won't let Celeste hurt you.
"I love you Greg." aniya. I felt every word, every meaning behind it. Napangiti ako at hinaplos ko ang kaniyang wedding band.
"I love you too." More than you know. I love you so much Allara.
'It's been six months, eight days, twelve hours since you went away
I miss you so much and I don't know what to say
I should be over you, should have known better
But it's not just the case'
I suddenly stopped singing when I opened my eyes. Nanginig ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin doon sa may bleachers ng gym.
"Lana.."
Ngumiti siya sa akin at tumayo mula sa pagkakaupo niya. is this real? Hindi ba ako nagiilusyon lang? Is she real?
Is she back?
Itinaas niya ang kamay niya at nakita ko ang pagkinang ng diamante sa singsing niya. I smiled and suddenly I felt the tears on my cheeks. Bumaba ako ng stage at tinakbo ang direksyon niya. Sinalubong ko siya ng yakap at agad naman niya iyong sinagot.
I hugged her so tight, afraid that I might lose her again if I let her go.
"I'm back." Bulong niya sa akin. Tumango ako at hinalikan ang pisngi niya.
'Can this be true?
Tell me, can this be real?
I never thought that love could feel like this
And you've changed my world with just one kiss'
"Hey." Umiiyak kong sabi. Hindi ko na alintana na halos lahat ng estudyante ay kinukuhanan kami ng litrato o umiiyak ako sa harapan ng mga kaibigan ko. All I care about now is my wife. Bumalik na siya.
"Suot ko na ulit." Naiiyak na rin niyang sabi at muling itinaas ang wedding ring namin. Tumango lamang ako at hinalikan ang noo niya.
"I love you. I am so inlove with you Allara Naomi." Buong puso kong sabi. She nodded before kissing me fully on the lips. Narinig ko ang hiyawan ng mga kaibigan ko at ang pagpalakpak ng buong St. Therese.
Malakas na sampal ang ibinigay ni Celeste sa akin. She was shaking from head to toe.
"You used me! Ikaw ang nagpatakas sa Mama ni Lana hindi ba?!" aniya. I kept my face straight. Hindi ko na kailangan pang magpanggap dahil nasa akin na ang Mama ni Lana. She's in safe hands now.
"Nagpanggap ka na mahal mo ako dahil gusto mong malaman kung nasaan ang mama niya hindi ba? GInamit mo ako, hindi ba?" umiiyak na niyang sabi. Namulsa ako bago tumango.
"Yes." Malamig kong sagot. Napasinghap siya, iyong hawak niya sa litrato ni Lana na puro dugo ay binitawan niya.
Hinawakan ko ang pulso niya at idiniin roon ang kuko ko. She whimpered from pain but I did not budge.
"You will never, ever touch Lana again. Understood?" madiin kong sabi. She just smiled.
"You will regret this Greg." aniya. Tumawa pa siya bago pumasok ang mga pulis at hinuli siya. Kinuha kong muli iyong litrato ni Lana na binahiran niya ng dugo at nilukot iyon.
Nagmamadali akong umuwi. Mamaya ay sasabihin ko na kay Lana ang totoong nangyari. I will come clean. I will tell her that I cheated on her. iyon lamang ang paraan ko para malaman kung nasaan ang Mama niya. I hope she understands, I know she will understand.
Noong malapit na ako sa bahay ay muli kong tinawagan ang pulis na nanghuli kay Celeste. I needed to check whether the woman is really in jail.
"Nakatakas po siya." Sagot sa akin noong pulis. Iyon lamang ang naintindihan ko. Nanlamig ang buong katawan ko at kinain na naman ako ng takot para kay Lana at kay Noah.
No,I will keep them safe.
'How can it be that right here with me there's an angel
It's a miracle
Your love is like a river
Peaceful and deep'
I am literally crying. Damn it. Habang nakatitig ako sa pintuan ng simbahan ay hindi ko mapigilang maiyak. Karga karga ni Tori si Noah. My baby boy is our ring bearer too. He kept on pulling on Tori's hair dress, trying to eat it.
Lana and I decided to get married again. This time, kasama na namin ang magulang niya para maging witness. We will start everything again. Ngayon, magsisimula kami na wala ng bahid ng nangyari noon.
I am one lucky son of a bitch. Maswerte akong napatawad ako ni Lana at binigyan ng pangalawang pagkakataon. If not for her love, I will be nothing.
Noong bumukas ang pintuan ay napalunok ako. August touched my shoulders before grinning. Si Stan naman ay kumuha ng panyo at pinunasan ang luha ko.
"Iyakin." Biro niya. Tumawa lamang ako at tiningnan ang entourage. I breathe hard when I saw her silhouette.
And then everything around me seemed to stop. Siya lamang ang nakikita ko, siya lamang ang alam ko. Habang naglalakad siya palapit sa akin ay lalo lamang akong napapaiyak. Damn it, what have I done to deserve a girl like her?
'When I look into your eyes
I know that it's true
God must have spent...
A little more time
On you...'
She smiled at me when I reached for her hand. Sabay kaming humarap sa pari ng magkahawak kamay. And I swear to the God above, that I will never let go of her hand, not in this lifetime, or in the next lifetimes to come.
She stared at me when we will exchange the vows. Natawa pa ako noong makita ko ang hinanda namin. No, we won't be exchanging rings.
Kinuha ko ang kalahati noong posas bago ako ngumiti sa kanya. I opened the lock and put it on her right wrist.
"Lana, accept this hand cuff as a sign of my love. Wear it always and be reminded that you are the only woman who owns me. I know, that I have made mistakes in the past, mistakes that have shattered you and gave you unbearable pain. Hindi ako mangangako sayo na hindi ka na ulit masasaktan ng dahil sa akin because we both know that is impossible. We will always get hurt Lana, but remember that I will be here with you, in pain and in joy, in tears and in laughter. Yo are the miracle God has sent me. Just like this handcuff signifies, we are both joined by our love. I am so inlove with you Lana." I said. My voice was thick with emotions I cannot even explain.
It's true. Hindi ko mapoprotektahan si Lana sa sakit. A love without pain is a myth. Hindi totoo iyon. But enduring the pain together is reality. Iyon ang ipapangako ko kay Lana. Na kahit na ano pang mangyari ay hinding hindi ko siya iiwanan.
I will hurt for her and still be grateful for the pain.
Ngumiti siya at kinuha ang isa pang piraso noong hinating posas. Binuksan niya iyon at ikinabit sa kanan kong kamay.
"I love you Greg Festines. But more than that love, I respect you, I adore you, I care for you, and I trust you. I know that we went through some hard times when my love, respect, and trust for you was tested. I needed time to fix everything that was broken and now I am here, back to where I belong---with you. Our relationship is not the fairytale or a girly novel story, but atleast it is real. Siguro nangyari ang lahat dahil gusto ng Diyos na subukan kung hanggang saan tayong dalawa. He wanted us to see that love alone will never be enough in a relationship. And He wanted us to learn that time is all that we need to heal all that has been broken. And with this handcuff, I now officially tie you to me lover boy. I love you so much Greg." Nakangisi niyang sabi. I touched her cheeks and kissed her. Hindi ko na inalintana ang pari, o ang kahit na sino.
All I care about is this woman. This woman who tied me to her. And I don't plan on escaping. I am hers.
She owns me.
---------------------------
I woke up when i heard the soft knock on my window. Pagkatingin ko ay nakita ko si Matthew na nakaupo sa sanga ng mangga sa tapat ng kwarto ko. Napatayo na ako at kinuha ang gitara ko at jacket bago tahimik na binuksan ang bintana. Sabay kaming bumaba ni Matt pababa papunta sa pick up na naghihintay sa tapat ng bahay namin.
"Sino pang hinihintay?" Tanong ko. Nandito na si Rome at Serise. Si Matthew naman ay nakasakay na sa likuran.
"Si Illea?" Pasimple kong tanong. Ngumuso lamang si Serise.
"Sinundo si Cai. Nasaan ba si kasi yun? Ginising na ba ninyo? Bakit si Illea lang pinapunta ninyo?" Masungit niyang tanong. Tingnan mo itong Montreal na ito, ang taray talaga. Bakit hindi niya gayahin si Illea?
Sakto namang pagbukas ng pintuan at pumasok na si Caius at Illea. Umusog pa ako ng kaunti at halos napatalon pa ako sa tuwa nang tumabi si Illea sa akin.
Pinaandar na ni Seven ang sasakyan at agad na kaming tumakas. Baka malaman pa ng mga magulang namin ang pagsali namin sa mga gig.
Agad kaming nakarating sa Euphoria. Kinuha na namin ang mga gamit namin at umakyat na sa stage. Hinintay na lang namin ang tawag sa amin noong DJ.
Itinitono ko pa ang gitara ko noong marinig ko na ang pangalan ng banda namin. Iniabot ko kay Serise ang mikropono at lumabas na kami.
"Ladies and gentlemen, let' give it up to Legacy!" Pakilala niya. Sabay sabay kaming lumabas ng stage.
Oh yeah, I forgot. We are the Legacy. AEGGIS' Legacy.
==WAKAS==
-----------------------------
CAPSLOCK NA LANG PARA INTENSE HA?
MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT HA? SA SUPORTA MULA KAY STAN HANGGANG DITO KAY GREG. I REALLY DON'T KNOW WHAT TO SAY. BASTA SALAMAT NG MARAMI :)
THANKS FOR THE RIDE. :)
Let's end the series with a new start, shall we? See you on the first installment of Legacy. :)
Song Used:
6,8,12 - Brian McKnight
God Has Spent A Little More Time On You - N Sync
*ACE DOMINGO
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top