Beautiful Soul

5

Ilang sandali ko muna siyang tinitigan bago ako natawa ng malakas. Sobrang seryoso ang mukha ni Greg noong sinabi niyang gusto niya ako. Mukha pa nga siyang kinakabahan. Kailangan ko na yata siyang palakpakan dahil sa galing niyang umarte.

"Bakit ka tumatawa?"

"Because you're funny Greg." Natatawa ko pa ring sabi. Umupo ako sa may damuhan habang siya ay nakatingin lamang sa akin.

"I just confessed to you that I like you, pagkatapos pagtatawanan mo ako?" manghang mangha niyang sabi. Tumango lamang ako at nangiti ulit. Joker pala itong si lover boy. Hindi ko inaasahan iyon.

"Seryoso ako Allara." Aniya. Napawi ang ngiti ko at tinitigan siya. Iyong ekspresyon niya ay wala pa ring pinagbago. Lapat na lapat ang labi niya, iyong bilugan niyang mata ay naningkit na dahil sa inis.

Kumunot ang noo ko. Is he really serious? Pero..pero imposible. Ang isang tulad niya ay imposibleng magkagusto sa isang tulad ko. AEGGIS is the height of perfection. Sila ang nasa tuktok sa eskwelahan na ito. They are all alpha males. Hinding hindi sila magpapakababa sa mga katulad kong basura sa tingin ng mga katulad nila.

I just couldn't find the logic. Hindi ko maintindihan ang punto nito. Pinagtritripan ba niya ako? Niloloko? Ginagawang playtime dahil bored siya?

"Lana." Tawag niya sa akin. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa damuhan at agad kong pinagpagan ang skirt kong nadumihan. Inayos ko ang aking salamin bago siya seryosong tiningnan.

"I'm leaving." Anas ko na lamang at hindi na hinintay na may sabihin pa siya. Mabilis ko siyang tinalikuran at nagmamadali akong bumalik sa aming opisina. Habol habol ang hininga ko noong makapasok ako at pinangtitinginan na ako ng ibang council dahil sa itsura ko.

"What happened?" tanong sa akin ni Maira. Umiling lamang ako at kinalma ang aking sarili. Nirolyo ko ang aking sleeves at nagsimula ng tumulong sa paggawa ng mga designs pero iyong isip ko ay nasa usapan pa rin namin.

Hindi ako nakatulog dahil pa rin doon. Natatakot ako sa magiging kapalit ng ginagawa ni Greg sa akin. Paniguradong mas magiging katawatawa ako sa school kapag pinatulan ko siya.

Noong maiparada ko ang aking scooter ay nakita ko ang AEGGIS na bumababa sa kanikanilang mga sasakyan. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon, mga minor pa lamang sila pero nakakapagmanaeho na sila. Nagawa ang tingin ko sa kulay abong Benz ni Greg. Walang hirap niya iyong ipinarada bago siya bumaba mula roon. Nagkasalubong ang mga tingin naming dalawa pero agad akong yumuko para umiwas.

What the hell Allara Naomi! Bakit ka ba tumatakbo?

Hindi ko na napansin na naligaw na ako ng hallway. Hindi pa rin ako sanay sa hallway ng mga seniors at nagkamali ako ng entrance na napasukan. Ilang beses ko ng kinagat kagat ang labi ko sa pag aalalang baka makita ako ng Principal na nagloloiter sa hallway. Paniguradong mapapagalitan niya ako.

"Bakit mo ako tinatakbuhan?" biglaang sabi ni Greg mula sa aking likuran. Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Magulo ang buhok niya at mukhang ilang beses iyong nadaanan ng daliri niya. bukas rin ang polo niya habang iyong hikaw niya sa kaliwang tainga niya ay kumikinang mula sa araw. Napatingin ako sa kamay niyang puro singsing at bracelet na metal. He looks rugged and sinful at the same time. No wonder girls fall for him.

What the hell! Lana, ano bang iniisip mo?

"Ms. Dizon. Mr. Festines, bakit wala pa kayo sa mga classroom ninyo?"

Sabay kaming napatingin ni Greg sa nagsalita. Doon ay nakita namin ang Principal na masama ang tingin sa aminbg dalawa. Napayuko na lamang ako at sumubok na magpaliwanag pero hindi kami pinakinggan.

"The two of you. Sa detention room." Maawtoridad na sabi nito. Sumunod na lamang ako habang si Greg ay pasipol sipol lang sa gilid ko. Tinitigan ko lamang siya ng masama habang siya ay ngumiti lamang at kinindatan pa ako.

Pagkapasok namin sa detention room ay pinaluhod agad kami ng Principal. Iyong dalawang braso namin ay pinabukas niya at nagpatong ng tatlong libro sa bawat kamay namin.

"You will stay here until the end of your first period. St. Therese does not tolerate students who cut classes with their boyfriends and girlfriends—"

"He's not my boyfriend!"

"Not yet." Biglaang sabi ni Greg. Nilingon ko siya kahit na hirap hirap ako sa pagkaka squat ko. Mabigat na rin ang mga libro sa palad ko kaya hindi ko magawang magsungit pa lalo.

Tumaas lamang ang sulok ng labi ni Principal bago lumabas ng room. Naiwan kaming dalawa sa ilalim ng bantay ng mga CCTV doon.

"This is your fault." Naiinis kong sabi. ngayon ay nadungisan na ang iniingatan kong reputasyon. Sana naman ay hindi na mailagay ito sa aking record at palampasin na lang ng Principal namin dahil total ay first offense ko pa lang naman.

"Hindi naman ako ang tumakbo. Bakit ako ang sinisisi mo?" nangaasar niyang sabi. Napailing na lamang ako, iyong braso ko ay nagsisimula ng mangawit dahil sa bigat ng mga libro.

Nakita kong inilapag ni Greg ang mga libro sa sahig. Napanganga ako sa ginawa niya at agad akong nainis.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko. Lumapit siya sa akin at kinuha ang mga libro sa aking mga kamay bago iyon pinatong sa mga libro niya. muli siyang lumuhod at pumwesto dala dala ang mga libro naming dalawa.

"Greg—"

Tinitigan lamang niya ako pero wala siyang sinabi. Napangiwi ako. Tatlong libro pa lamang ay nabibigatan na ako, pero siya ay parang wala lamang kahit na nadoble ang bilang ng binubuhat niya.

"Akina yung mga libro ko."

"I can handle it."

"I don't need your help Greg."

Matagal kaming nagtitigan, bawat isa sa amin ay walang gustong bumitiw at magpatalo. Sa huli ay siya ang nag iwas ng tingin pero hindi pa rin niya ibinalik sa akin ang mga libro. Aangal pa sana ako noong tumunog na ang bell hudyat ng pagtatapos ng aming detention.

Hindi ko siya pinansin noong lumabas ako ng room. Nagdirediretsyo ako sa aking susunod na klase. Noong nasa may hallway na ako ng aming batch ay doon pa lang naghinay hinay ang aking paglalakad. Nakahinga na ako ng maluwag pagkapasok ko sa aming klase.

I opened my locker and there I saw another letter. Napabuntong hininga na lamang ako. Akala ko ay tapos na si Greg sa.. sa kung ano man itong ginagawa niya. Mali pala ako. I don't know why but I am already irritated by this. Binuksan ko iyong letter niya para sana pagpunit punitin noong mapansin kong napakaikli lang nito.

'Bench. 4:00 in the afternoon.

-Festines'

Tiningnan ko ang relo ko. Labinglimang minuto na makalipas ang alas kwatro ng hapon. Napailing na lamang ako at kinuha ang aking mga gamit. Noong sinara ko ang aking locker ay naglakad na ako palabas, iyong mga estudyante ay pinagtitinginan ako. Yumuko na lamang ako noong mapansin ko ang kumpol ng mga tao doon sa benches kung saan ako madalas kumain.

"Allara Naomi Dizon!" biglaang sigaw ni Greg. Nakita ko ang isang make shift na stage at ang buong AEGIS na naghahanda para sa isang gig.

Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko. Mabilis akong naglakad palayo noong humarang sa akin ang ilang mga lalaki. Hinawakan nila ang braso ko at pinilit akong pumunta sa may bench.

"What is this?" tanong ko sa kanila pero walang sumasagot sa akin. Noong makarating ako roon ay agad na ngumiti si Greg. Tiningnan ko siya at bahagyang napangiwi na lamang. Pinadaan niya ang daliri niya sa kanyang buhok at lalong ngumisi. He is gorgeous and he knows it. Ang yabang lang.

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Please believe me Lana." Aniya. Tiningnan ko siya bago napailing na lamang.

'I don't want another pretty face

I don't want just anyone to hold

I don't want my love to go to waste

I want you and your beautiful soul'

Nanlaki ang mata ko habang siya ay nagsimula ng kumanta. I never thought that AEGIS is this good. Buong buo ang boses ni Greg habang iyong mga kasama niya ay hindi matatawaran ang galing sa mga instrumentong tinutugtog nila. Hell, I even don't know the difference between the two guitars the twins use. Si Iñigo naman at si Stanley ay tamad na tamad at effortless sa ginagawa.

Bumaba si Greg sa stage at tumayo sa tapat ko. Hinawakan niya ang aking baba bago ngumisi.

'And I'm crazy for wanting you, maybe do you think you can want me too

I don't wanna waste your time

Do you see things the way I do, I just wanna know do you feel it too?

There is nothing left to hide'

Pinilit kong umiwas sa kanya pero humigpit lamang ang hawak niya sa akin. Sumeryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin bago siya huminga ng malalim.

"I really like you Lana. Believe me, gusto talaga kita." Bulong niya sa akin. hindi ko napigilan ang pag iinit ng pisngi ko habang nakatingin lamang sa kanya.

Damn lover boy.

--------------------

Song Used:

Beautiful Soul – Jesse McCartney

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top