AEGGIS

31


Mas nauuna po ang timeline ng TTLB kaysa sa Chasing at Hating ha? Baka mailto kayo.

---------------------------------------

Am I heartless? Ilang buwan na mula noong nalaman ni Greg ang tungkol kay Noah. Mula rin noon ay umalis na siya sa bahay ko at bumalik sa condo niya. Kapag bumibisita siya sa bahay ko ay si Noah lamang ang kinakausap niya. Noong bininyagan ang bata ay hindi siya tumabi sa akin. Pinabayaan lamang niya ako habang nanunuod sa gilid.

Siguro nga matigas ako dahil hindi ko pa rin siya magawang patawarin. Hindi ko kayang kalimutan ang nagawa niya. Hindi ko maintindihan ang mga rason niya.

I don't know if there will come a time when I can talk about what happened between us without reliving the pain, to remember everything without opening a scar.

Bumalik na ako sa trabaho nitong nakaraang buwan. Noah's turning eight months next week. Kapag nasa clinic ako ay nakay Greg siya. Kapag nakauwi na ako ay tahimik na aalis si Greg sa bahay. Nakakatawa, pang broken family na talaga ang setup namin ngayon.

Kasalukuyan akong nagbabasa sa iang records ng pasyente ko noong bumukas ang pintuan at pumasok roon ang buong AEGGIS--- minus Greg of course, standing by the door.

Sumilip si August bago nagpeace sign. "Yo doc. 'Sup?" aniya. Napatayo ako at agad na inayos ang aking blazer.

"What are you doing here?" tanong ko na hindi naman nila pinansin. Kanya kanya silang lima ng pwesto sa opisina ko. What can I do? Mga pinagsasamang abnormal talaga sila.

Kinuha ni August ang cookie jar bago sumalampak sa carpet. Stanley kicked him away and Iñigo glared at him. Ethan cleared his throat before scratching his nose.

"August, sabihin mo na." utos nito. Ngumuso lang si August.

"Bakit ako? Bakit hindi si Athan?"

"Huwag mong ipasa sa akin yung utos sayo." Masungit na sabi ni Athan. Ngumisi lang si Stan habang nakatitig kay August.

"Bakit kasi ako?" reklamo niya pa. Tumawa si Iñigo at agad na sinapok si August.

"Kasi baliw ka." Sagot ni I. I rolled my eyes. Bakit ba ang daldal ng mga to?

Ilang beses pang tinulak tulak ng AEGGIS si August bago ito napatayo. Isang huling kagat ang ginawa niya sa cookie bago ako hinarap.

"Uh," humarap ulit siya sa AEGGIS, "Dude, kay Lana ako kampi eh." Aniya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Anong kampi?

"Bobo talaga." Sabi ni Iñigo. Tiningnan ako ni I bago huminga ng malalim.

"We all went here to say that you should forgive Greg." aniya, walang padalos dalos. Tumaas agad ang kilay ko sa narinig. Kung makautos talaga ang isang ito, akala mo hari siya.

"What?" I said. Nagsisimula ng kumulo ang dugo ko sa galit.

"It's the right thing to do Lana." Si Stanley ang nagsalita. Tumayo na siya at lalapitan ako noong itinaas ko ang kamay ko.

"No. It's a stupid thing to do. A foolish thing to do. Forgiving Greg means trusting him again. Kahit kailan ay hindi ko na gagawin iyon." Sabi ko. Napangiwi si August sa narinig.

"Pero---"

"No buts. Alam kong ginagawa niyo ito para kay Greg dahil kaibigan ninyo siya, but please, I just can't forgive him." Pinal kong sabi. Siguro hindi nila maiintindihan ito. All of them are loyal, sila iyong tipo ng mga lalaking kahit kailan ay hindi sasaktan ang mga babaeng mahal nila. I've seen it. I have seen how Stan loved Toryang, how much Athan fought for Leria and how many tears Iñigo and August cried when Iris and Shana left.

They all love their ladies. A pure, unconditional love. Hindi sila katulad ni Greg.

"Why? Ganun ba kalaki yung kasalanan niya para hindi mo siya mapatawad?" Ethan said. I laughed bitterly.

"Niloko niya ako." madiin kong sabi.

"Niloko ka niya para protektahan ka. Is it the right thing? Definitely no. Is it a stupid plan, hell yes. But Lana, noong mga panahon na iyon, Greg was left with no choice. He chose to break your heart to save your life." Katwiran ni Ethan. Kumuyom ang palad ko at tinalikuran sila. Sige na, kampihan na ninyo ang kaibigan ninyo.

"You did not see the death threats, your bloody pictures or the video of your mother. Siguro kung si Iris iyon, at may magpapadala sa akin ng mga ganoong klaseng banta, baka mabaliw ako. Hindi ko masasabi sa pulis o sa mga kaibigan ko dahil lalala lang ang lahat. I only have one option and that is too pretend that I am a friend to keep an eye to your would be killer. Kung si Iris ang nasa bingit ng kamatayan, at ako ang nasa katayuan ni Greg, gagawin ko rin ang ginawa niya. You have to understand Lana, everything that Greg did, he did it for you. He did it because he loves you." Anas ni Iñigo. Kinagat ko ang labi ko at hindi sila tiningnan.

Athan cleared his throat. "I'm no good at saying things Lana. Leria told me once that she believes in second chances. It's just that not everyone deserves them. Iniwan ko siya noon dahil ayaw gamutin ng mga Kuya niya ang Mama ko, and that resulted to the death of our firstborn. I broke Leria Lana. I broke her and she still loved me with every broken pieces of her. Kahit hindi ako deserving sa second chance na sinasabi niya, binigay niya pa rin sa akin iyon dahil ayaw niyang mabuhay ng puro lungkot lang. She wanted to be happy Lana. She let go, she forgave my mistakes and I forgave myself." Aniya. I kept my head down as I listen to their words. Ngayon ko lang nalaman ang parte ng kwento na iyon ni Ria. She lost her child because of Athan. I almost lost Noah because of Greg.

"We are very good at pushing the woman we love away Lana. Look at the five of us---"

"Huwag mo akong isama." Sabat ni August kay Stanley. Stan just glared at August who is playing with the teddy bear at the back.

"Look at the FOUR of us. Alam kong nangako si Greg sayo ng habambuhay. He promised you he will serve you, protect you, and love you. But he never promised he will never make a mistake. Did he serve you? Oo, pinagsilbihan ka niya noong itinapon niya yung dignidad niya para patulan yung babaeng gustong pumatay sayo. Did he protect you? Lana, kung hindi kay Greg, baka bangkay na kayo ni Ethan noong natagpuan namin kayo sa parking lot. He was the one who tracked Ethan's phone number just to find you. Did he love you? Common sense Lana, masasagot mo iyan." Stan said. He shoved his hand inside his ripped jeans while staring at me. "Everyone makes mistakes Lana. Sino ka para hindi magpatawad kung nagkakamali ka rin hindi ba? If you will never let go of the pain, then you will never be happy. Greg will never be happy. And most especially, Noah will never be happy. Makakaya mo bang isipin na pwede mo namang bigyan ang anak mo ng masayang pamilya kung nagpatawad ka lang?" aniya. I slowly brushed my tears away as I listen to his words.

Hindi ko na alam ang dapat kong isipin. Alam kong tama sila, pero hindi ko talaga kayang patawarin si Greg. Siguro ang arte arte ko na hindi ba? Ano ba naman kasi yung isang pagkakataon para sumaya. Pero natatakot ako. Hindi na lang ako ang masasaktan ngayon. Noah is in the equation too. Nakakatakot sumugal ulit sa isang taong dalawang beses na akong ipinatalo.

Ibinaba ni August ang cookie jar bago sumalampak ulit sa carpet. Nakanguso na naman siya at pinaglalaruan ang hikaw niya bago huminga ng malalim.

"Simple lang kasi yan. Alam mo doc, dalawang bagay lang naman ang kailangan niyo ni Greg eh. Kailangan ninyo ng oras at tiwala.  Mas maganda siguro kung maghiwalay muna kayo."

"AUGUSTINE!" Iñigo shouted. Nanatili ang seryosong ekspresyon ni August at hindi natinag sa sigaw na iyon ni Igoy.

"Wala ka ng tiwala kay Greg mula simula pa lang hindi ba? Agad mo siyang hinusgahan. Wala rin siyang tiwala sayo dahil hindi niya sinabi ang tungkol kay Celeste, kaya pareho kayong may kasalanan doc. Simple lang hindi ba?" aniya, para bang bata akong kausap niya.

"Walang relasyon na magtatagal kung marupok ang tiwala doc. Konting problema ang agad na kayong nasisira. Baka hindi pa kayo handa ni Greg. Kaya maghiwalay muna kayo. Magbigay muna kayo ng oras. Space ang kailangan ninyo doc. Kasi habang nasa paligid ninyo ang isa't isa magkakasakitan lang kayo. Pipilitin niyang hingin ang tawad mo, isusumbat mo ang nagawa niya. Paulit ulit lang kayo hanggang sa huli, pareho na kayong susuko. Pahinga muna kayo. Buohin niyo muna yung mga nasira sa sarili ninyo bago kayo sumubok ulit. Hindi ibig sabihin na mahal ninyo ang isa't isa, sapat na iyon. Kailangan may tiwala kayo doc, kay Greg, sa mga pangako niya, at sa mga pagkakamali niya. Habang wala pa iyon, huwag muna ninyong subukan ulit. Gamitin ninyo yung space at yung oras para hanapin kung ano bang dapat gawin para maayos ninyo lahat. Simple lang diba doc?" nakangisi na niyang sabi. Tumayo siya at kinuha ang panibago kong cookie jar.

"Stop chasing hatred doc." Aniya. Lumapit siya sa akin at ngumisi. Iyong dimpe niya sa kaliwang pisngi ay lumitaw.

"When you stop chasing at the wrong things, the right things will start to catch you. Maghiwalay muna kayo habang hindi pa kayo buo. Kasi kapag pinilit ninyo, lalo lang kayong masisira, hanggang wala ng matitira sa inyo. Maghiwalay muna kayo Lana."

Tumulo na ang luha ko at agad akong niyakap ni August. Sumunod ang ibang AEGGIS sa kaniya.

Maybe he is right. We both need time and space. Mabuti ngang maghiwalay muna kaming dalawa.

------------------------------

Huling kabanata bago ang pagtatapos. Maraming salamat sa suporta sa Tying the Lover Boy at sa buong serye ng bandang AEGGIS. Sana  marami kayong natutunan.

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top