"Malay Mo, Tayo"
"Wow talaga, sa huling date natin, sa bilihan ng fishball sa sidewalk mo ako dinala?" natatawa tawa kong sabi kay Dave as we walk towards the fishball vendor na nakapwesto sa tabi ng poste ng kuryente.
"Naman!" proud na sabi ni Dave sa akin. "Save the best for last."
Napailing na lang ako habang ngingiti ngiti.
"Hi Manong Gary!" bati ni Dave doon sa fishball vendor. "The usual po."
"Nandito na pala ang paborito kong mag sweetheart, eh!" bati naman sa amin ni Manong Gary at pareho kaming napatawa ni Dave. "Fishball at kwek kwek?" tanong niya.
"Tig tatlo po sa akin," sabi ko naman.
"Sa akin din po. Tsaka gulaman," nilingon ako ni Dave. "Anong gusto mong inumin, Anj?"
"Melon na lang sa akin."
"Isang gulaman, isang melon," sabi ni Manong Gary.
Pareho kaming kumuha ng barbeque stick ni Dave at tumusok ng fishball at kwek kwek sa kawali ni Manong Gary.
"Grabe bukas na ang graduation niyo 'no?" sabi ni Manong Gary habang ipinagtatakal kami ng drinks ni Dave sa plastic na baso. Si Dave naman ay nilalagyan ng sauce ang fishball at kwek kwek namin. Sa kanya maanghang, sa akin, hindi. "Ang bilis ng panahon. Parang dati lang pers year pa lang kayo tapos patago pa kayong nag d-date dito sa fishbolan ko. Ngayon graduate na kayo at maghahanap na ng trabaho," napatawa si Manong Gary. Pareho naman kami napangiti ni Dave.
Madalas nga dito kami tumatambay dalawa. Suki na kami kumbaga. Ilang pag aaway namin at pagbabati, na witness na ni Manong Gary. May times pa na ka kutsaba siya sa mga surprises namin pag anniversary or birthday. May mga pagkakataon din na pag nag aaway kami, siya ang kumakausap sa amin para magkabati.
"Mamimiss namin yung fishball at kwek kwek niyo," sabi ko kay Manong Gary habang inaabot yung melon ko na nasa plastic na baso. "Pero lalo ka na Mang Gary."
"Sus, eto na naman si Anj binobola ang matandang tindero," sabi ni Manong Gary habang hinahalo niya ang mga kwek kwek, fishball, kikiam at chicken balls na nakababad sa kumukulong mantika. "Pwede naman kayong dumalaw ulit. Pasyal pasyal kayo rito tapos kwentuhan niyo ko tungkol sa trabaho niyo."
Hindi ako sumagot. Maging si Dave ay natahimik din.
"Nga pala, kailan kayo ikakasal?" pabiro niyang tanong.
Para akong nabato sa kinatatayuan ko dahil sa tanong niya. Hindi ko magawang lingunin si Dave because I'm very well aware kung ano ang expression niya ngayon.
Ipinako ko lang ang tingin ko sa fishball na kinakain ko. Then I heard Dave forced a laugh.
"Mag tatrabaho po muna kami bago ang kasal," he said. "Para sa future."
"Maganda 'yan. Tama 'yan. Dapat wag nagmamadali," sabi ni Manong Gary.
Diretso kong ininom yung Melon juice na nasa baso dahil pakiramdam ko, parang any minute, may tutulong luha sa mata ko.
Naalala ko yung pinagusapan namin ni Dave nung isang araw. Yung tungkol sa amin.
Nasa Sydney na ang buong pamilya ko. Ako na lang ang naiwan dito dahil need kong tapusin ang studies ko. Pero eversince, alam kong once na maka graduate na ako ng college, kailangan ko nang lumipad doon.
Eversince.
Alam din ni Dave yun. Nung simula nang maging close kami, simula nang mahulog kami sa isa't-isa at simula nang mag decide kami na maging kami na, alam namin na darating ang panahon na kailangan na namin maghiwalay dalawa.
Bukas na yun. Bukas na ang flight ko papuntang Sydney. Ni hindi ako makakasama sa graduation ceremony.
At ito---ito na ang huling araw na magkasama kami ni Dave.
Naalala ko yung sinabi sa akin ni Dave.
"Bakit kailangan natin maghiwalay? Bakit hindi natin i-try ang long distance relationship? Baka kaya naman natin!"
"Hindi ko kaya. Dave, ayokong itali natin ang isa't isa. Ayokong maranasan na mag grew apart tayo dahil lang sa magkalayo tayo. Kung matatapos tayo, gusto ko matapos tayo nang masaya. 'Di ba yun naman ang napagusapan natin dalawa?" naiiyak kong sagot sa kanya. Napayuko na lang ako at ipinatong ang mukha ko sa dalawang palad ko.
"But still! Ganun na lang yun? Hindi man lang natin susubukan? Susuko na lang tayo?" lumuhod sa harap ko si Dave at inalis niya ang pagkakatakip ko sa mukha ko. He brushed my tears with his fingertips. "Malay mo mag work out. Malay mo makayanan natin. Anj, malay mo tayo pa rin talaga hanggang huli. I-try natin please."
But I've already decided to let him go. He got a good job offer here. Yung trabaho at company na matagal na niyang pinangarap at pinaghirapan.
My life has already been planned in Sydney. Doon na ako mag i-stay kasama ang family ko. Doon na ako magtatrabaho at magkakapamilya.
Us being together—parehong wala sa plano namin. Dahil ngayon, alam namin magkaiba ang landas na dapat tahakin namin.
Eversince from the start, we know we're doomed. But we loved each other dearly at pinagbigyan namin ng apat na taon ang nararamdaman namin.
Pero ngayon, it comes to an end.
Dahil labasan na ng mga estudyante, dumarami na yung bumibili kay Manong Gary. Gumilid kaming dalawa ni Dave habang inuubos namin ang pagkain namin.
Parehong walang umiimik. Parehong pabigat nang pabigat ang nararamdaman.
Alam kasi namin, after nito, tapos na.
"Ma-mi-miss kita," he said in a very low voice. "Mag i-ingat ka doon. Wag kang magpapakagat sa kangaroo."
Napangiti ako nang bahagya, "galingan mo doon sa trabaho mo. Magpa-bibo ka pero wag masyado."
Tumango si Dave at itinapon niya ang hawak niyang empty plastic cup sa basurahan. Ganoon din yung akin.
"Anj... pwedeng last request?"
"Ano yun?"
"Pwedeng pa-hug?"
Hindi ako sumagot. Instead, I hugged him as tight as I can. He hugged me back. His warm arms wrapping around my shoulder. His hand gently tapping the back of my head.
It took every ounce in me not to cry. Kung pwede lang pahintuin na lang ang oras para hindi na matapos 'to, ginawa ko na.
When we finally let go of each other, we both gave a sincere smile.
"Bye Anj," he said.
I breathe deeply, still trying my best not to cry.
"Bye Dave," I finally said at tumalikod na ako at naglakad palayo.
Hindi ako lumingon ulit. Hindi ako huminto.
Baka kasi pag ginawa ko yun, tumakbo lang ako pabalik sa kanya at mawala ang lakas nang loob ko na matagal kong inipon.
Sa ngayon, hindi kami para sa isa't isa.
But maybe someday, when our paths crossed again. Baka sa time na yun, pwede na.
~ Fin ~
A/N : Sorry magkasunod na masakit. Hahaha. I'll try to write something lighter sa next story :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top