Faces (4)

Clark's Pov

" Clarky, saan ba tayo pupunta? "

Napalingon ako kay Stephany na ngayon ay naka-busangot na sa akin.

Nang lumingon siya sa akin ay kinunutan ko siya ng noo.

" Problem? "

Tanong niya sa akin habang naka-halukipkip.

Napa-iling nalang ako. Nawawala pagiging childish niya ah.

" We're here. "

Inihinto ko yung kotse ko sa isang tabi at umikot para pag-buksan siya ng pinto.

" Where are we? "

Tanong niya sa akin pagkababa niya ng kotse.

Mas lalo akong napakunot ng noo, " Favorite place mo to ahh. "

Bigla naman siyang napa-nganga tapos maya maya ay biglang ngumiti sa akin.

" I'm just joking, you know? "

Ngumiti siya sa akin tapos biglang lumingkis sa braso ko.

Nagpatianod nalang ako sa kanya dahil hila-hila niya ako.

" I want fishball. "

Tinuro niya ang stall ng nagtitinda ng fishball. Lumingon naman ako sa kanya at nakita ko siyang naka-puppy eyes.

" Hindi mo gusto ang fishball, hindi ba? "

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko tapos maya-maya ay tumawa ng bahagya.

" Hehehe. Ano ka ba... yung ice cream parlor yung tinuturo ko. Errrr. "

Napa-kagat labi siya kaya bigla ko siyang hinalikan.

" Yaaahhh! Why did you kiss me? Tsk. "

" Of course, you're my girlfriend. Hahaha. "

Inakbayan ko siya tapos pumasok na kami sa loob ng ice cream parlor.

" Clark! Ngayon ka nalang ulit naka-punta dito ahh. "

Niyakap ko si Nanay Tina nang makita ko siya sa loob. Siya ang may-ari nitong ice cream parlor.

" Ito naba si Stephany? Aba'y gumanda lalo ahh. "

Niyakap ni Nanay Tina si Stephany at himala ay hindi siya ngumingiwi habang nakayakap.

Ayaw niya kase kay Nanay Tina dahil ayaw niya daw ng pabango. Masyadong matapang.

But, sa nakikita ko parang nag-iba siya.

" Babe, anong gusto mong flavor? "

Tumingin muna siya sa counter at agad sumagot sa akin.

" Ahm... strawberry? "

Tumango nalang ako sa kanya at umorder ng isang strawberry at isang cookies n cream.

Agad nilapag ng waiter ang order namin at inumpisahan ko na iyong kainin habang siya ay tinititigan lang 'yon.

" Ayaw mo? "

Umiling naman siya sa akin tapos dahan-dahang kinuha ang kutsara bago kumain.

Napa-ngiwi pa siya ng malasahan. Agad siyang tumayo at,

" Geez! Excuse me. "

Tumakbo siya sa C.R.

Why is that? Parang allergic siya sa ice cream samantalang favorite niya yon?

Argh!

~~~

Queen_RainIvee

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top