Faces (1)

~~~

Clark's Pov

" Babeeee! "

Napalingon ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Stephany na lumalapit papunta sa akin.

Meet Stephany Assuncion, my girlfriend.

Sinalubong ko siya ng yakap.

" Anong ginagawa mo dito? "

Lumayo muna siya sa akin at agad pinakita ang dala niyang paper bag.

" Well, of course. Malapit na ang anniversary natin kaya advance gift ko na sa'yo to. "

Binigay niya sa akin ang paper bag na hawak niya at agad ko itong binuksan.

Nakita kong isang malaking bear iyon na may heart sa kamay.

Eh?

" Anong gagawin ko dito? "

Niyakap niya ako at bahagyang hinalikan niya ang baba ko.

" Syempre, itatabi mo 'yan sa'yo kapag matutulog ka na. "

Napa-ngiti ako sa sinabi niya.

She's sweet all the times but there's a time that I get irritated with that.

Inakay ko siya papunta sa motor ko at pinaandar ko na 'yon.

Nandito kaming dalawa sa bahay nila dahil meron daw siyang ipakikilala sa akin na mahalaga sa buhay niya.

" Dito ka lang babe ahhh. May kukunin lang ako sa kwarto ko. "

Umupo ako sa isang sofa at hinintay siya.

Maka lipas ang sampung minuto ay hindi pa rin siya bumabalik.

Tutal nauuhaw na naman ako kaya pumunta ako sa kusina nila.

Sanay na yung magulang niya na nandito ako dahil magtu-two years na kami sa Sunday.

Miyerkules ngayon kaya four days nalang.

Nakita kong naka-upo siya sa isang upuan habang nakatalikod siya sa gawi ko.

Naka-isip ako ng kalokohan kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya at bigla ko siyang hinalikan sa pisngi.

" What the----?! "

Bigla siyang tumayo at humarap sa akin.

" Clark! "

Napalingon naman ako sa pintuan at nakita ko si Stephany.

Huh?

Bakit dalawa sila?

Lumapit si Stephany doon sa babae at bigla niyang inakbayan.

" Babe, meet my twin, Tiffany. "

~~~

Queen_RainIvee

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top