XXXXIII

Chapter 43.

KAKARATING ko lang dito sa condo at ang una kong naisipang gawin ay maligo at uminom ng kape. I sat on the sofa and just stare at nowhere.

Ewan ko ba, bakit nitong mga nakaraang araw, nawawalan ako ng gana kay Kenshin. Hindi naman ako ganito. Usually, excited akong makita siya palagi but these past few days, parang nawala e.

Madalas akong magsuka. Ilan beses ko na rin binalak magpa-check-up kasi baka mamaya, may malubha pala akong sakit kaso bigla rin naging hectic ang schedule ng photoshoots ko.

Siguro ay dahilan din 'yon kaya wala akong feels na kulitin si Kensh. Baka masyado na akong pagod at drained sa trabaho.

"Biatch?"

Nag-angat ako ng tingin. Si Cherrypink.

"Gising ka pa pala?" Tanong niya.

"Yes. Kakauwi ko lang kani-kanina. Kakatapos ko lang maligo at alam mo na, hindi na naman ako makatulog kaya nagka-kape na lang ko." Sagot ko.

"E 'di lalo kang magigising niyan." Sabi niya.

"Ayos lang. Wala naman akong work bukas so maghapon ay makakabawi ako ng tulog. Anyway, bakit pala gising ka pa? Parang ang lalim ng iniisip mo." Sabi ko.

Lately, napapansin kong stress din siya kay Duke. She's my bestfriend at kilalang kilala ko siya. Alam kong torn na siya sa pagtanggap ulit kay Duke sa buhay niya o babalewalain niya ang nararamdaman niya.

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, biatch." Panimula niya.

"Ano ba 'yon? Buntis ka na naman ba?" Tanong ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Seriously? Ikaw yata ang buntis e. Sabi ni Kenshin kay Chan magkakaroon na siya ng kalaro."

Sumimangot ako. Ano na naman ba ang trip ni Kenshin at sinasabi niya na buntis ako.

"Asa ka naman biatch. Like duh! Hindi pa ako handang maging nanay 'no! Saka si Kenshin, bubuntisin ako? No way. E alam ko namang hindi siya seryoso sa akin. Sa aming dalawa, ako lang naman talaga ang nagmamahal." Sabi ko.

Pakiramdam ko ay may napunit sa bandang puso ko. Tumagos agad iyong sinabi ko. Iyon naman ang totoo, e. Iyon ang pinaparamdam sa akin ni Kenshin.

"Nakikita ko naman kay Kenshin na gusto ka niya e." Sabi ni biatch.

"Kung mahal niya ako, bakit never niya akong sinabihan ng I love you? Wala, biatch. As in wala. We just make out, we kiss, we... you know. Parang friends with benefits ang ganap namin."

Ilang beses na ba akong umiyak, nagalit, nagmaktol at nagpumilit kay Kenshin? Noon, panay ako habol sa kaniya hanggang sa nakuha ko siya. Masaya na dapat ako. Sinabi niya na rin noon na mahal niya ako pero ilang taon ang lumipas at never ko nang narinig ang words na 'I love you' galing sa kaniya.

Hindi ko tuloy alam kung mahal ba niya talaga ako dahil iyon ang nararamdaman niya o akala niya lang mahal niya ako dahil ako ang karamay niya noong mga panahong lugmok siya dahil sa kaganapan tungkol sa mother niya. Ayoko na talagang mag-isip.

"Nililigawan ka ni Kenshin, 'di ba? Siguradong may nararamdaman iyon sa iyo." Sabi pa ni biatch.

"Pinipilit ko lang naman siyang ligawan ako, biatch pero friends lang talaga kami. With benefits nga. Ang tanga ko nga e kasi okay lang sa akin iyon. Iyon bang hindi ako naghahangad ng kahit ano mula sa kaniya. Basta andiyan lang siya sa akin, ayos na."

Friends... actually 'yan ang pinaparamdam niya sa akin. Na parang we are staying with ewch other kasi friends kami. Nakakaasar lang, kasi sinabi naman niya noon na mahal niya ako e.

Napailing si Cherrypink. "Biatch, you deserve more than that. Mabuti kang tao. Kung hindi ka naman pala mahal ni Kenshin, just let him go."

"I can't, biatch." Biglang nanggilid ang luha ko. Naaasar ako pero para bang hindi ko pa rin naman kaya na mawala siya sa akin. "Mahal ko kasi e. Masaya na ako na nasa akin siya. Kahit hindi niya ako mahalin."

Tumahimik si biatch. Napabuntong-hininga ako. Parang naging emotional din ako ngayon.

"Anyway, ikaw, ano bang iniisip mo pala? Midnight na." Tanong ko para mawala muna ang isipin ko.

"Si Duke kasi..."

"What? Bumabalik na ba ang nararamdaman mo sa kaniya? I mean, we know na hindi naman nawala 'di ba? Tinuruan mo alng ang puso mo na maging manhid." Sabi ko.

Galit ako kay Duke dahil sa ginawa niya kay biatch pero alam na alam kong mahal pa rin siya ni Cherrypink.

"Hindi ko gusto 'to, biatch. Sa tuwing magiging sweet siya sa akin, sa tuwing pinapakita niya na nag-aalala siya sa akin, nagre-react 'to." Tinuro niya ang bandang puso

Tiningnan ko siya sa mga mata. "Alam mo biatch, sa totoo lang, nakikita ko din naman iyong mga effort ni Duke e. Nakikita ko din na mahal ka talaga niya. It just happened na may Sophia na you know, she was dying at malapit siyang kaibigan ni Duke. Hindi naman natin masisisi si Duke na pinili niyang samahan ang kaibigan niya. Ang mali niya lang, iniwan ka niya sa ere and he hurt you. But... past is past, biatch. He's back, and you're still single. May anak kayo. Why don't you try to reconcile with him? Para sa 'yo, para kay baby biatch. Wala namang masama kung hayaan mo ulit ang puso mo, e."

Nitong nakaraang araw, ako itong g na g kay Duke as in, ayoko siyang umaaligid kay biatch pero ngayon ewan ko ba, bakit bigla akong naging mabait. Pakiramdam ko ay may mga nagbago talaga sa akin. Ewan ko ba, hindi na ako 'to.

"Alam mo iyong mga naranasan ko, biatch. Saksi ka sa lahat-lahat and you know how much pain he caused me." Sabi niya.

Of course, I know.

"Ano ka ba, biatch. Alam ko iyan syempre, pero kung titingin ka ng titingin sa past, tingin mo ba sasaya ka? What matters most is the present. Ngayon, bumabawi si Duke. He's being responsible to baby biatch, plus the fact na pati ikaw ay inaalagaan niya. Inamin na naman niya ang pagkakamali niya at nagsisi na siya."

I can't believe I am saying these things. E galit na galit lang ako noong nakaraan kay Duke.

"Pero biatch..."

"You know, biatch. Na-realized ko na, it doesn't matter kung nasaktan nila tayo or sinasaktan, dahil andun pa din iyong katotohanan na mahal natin sila at sa kanila tayo sasaya. Ako, patagong nasasaktan pero masaya ako."

Grabe 'yong pinaghuhugutan ko. Ilang beses na ba akong nasaktan kay Kenshin mula noon?

"Hindi na mahalaga iyong sarili ko, Frey. Ang mahalga lang naman sa akin ngayon ay si Chan. I'm doing my best for her. Hindi na bale na wala akong love life, ang mahalaga ay masaya ang anak ko."

"Tell me, biatch. Ayaw mo bang bumigay kay Duke dahil ayaw mo na ulit masaktan, o ayaw mo lang bumigay kay Duke dahil iniisip mo si Drake?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot. Para bang hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.

"Silence means yes." Sabi ko. "Drake loves you. Alam nating lahat 'yan. He's a great guy. Wala kang aayawan sa kaniya. Saksi ako kung paano siya tumayong ama kay baby biatch. He took care of you since day one. Hindi ka niya pinabayaan at iniwan without asking any return from you. Sinabi naman niya iyon, e. Ginagawa niya ang mga bagay na iyon kasi iyon ang nagpapasaya sa kaniya. Hindi niya ginagawa ang mga bagay na iyon para humingi ng kapalit. Hindi dahil sa hindi ako boto kay Drake, kundi dahil alam ko na hindi siya ang mahal mo. Maybe you like him, but not love, biatch. At magiging unfair lang iyon sa kaniya."

Hindi na talaga ako 'to. Para akong naging love adviser e boba naman ako pagdating sa sarili kong love life.

"Mahal ka ni Drake, biatch. At alam kong gusto lang din niya na maging masaya ka. If you're really thankful to him, maging totoo ka. Tell him na mahal mo pa talaga si Duke. He deserves to know para alam din niya kung saan siya lulugar. Para alam niya na kahit anong gawin niya, you can't love him back kasi nga may laman pa 'yang puso mo." Dugtong ko.

Nanatiling tahimik si biatch.

"Alam ko namang sinasabi mo kay Drake na hanggang friends lang talaga kayo, pero aasa pa din siya niyan e. You should ask him to stop dahil ayaw mo na siyang mas masaktan pa."

Parang si Kenshin. Ano ba talaga kami? Dapat sinasabi niya nalang para kung wala talagang magiging kami, titigil nalang ako.

Tumango lamang si biatch na halatang malalim na ang iniisip.

"And speaking of Duke, para sa akin, deserve din naman niya ng chance, biatch. This is his chance to show and prove to you that he really loves you. At alam ko sa paraang iyon, magiging masaya ka, biatch. Hindi ko sinasabing mali na si baby biatch na lang palagi ang iniisip mo, syempre dapat pati sarili mo. You deserve to be happy. At iyong happiness na iyon, kay Duke mo lang iyon matatagpuan. Dahil siya ang mahal mo." Dagdag ko pa.

Huminga ako ng malalim.

"Hay, nakakainis lang kasi ang galing-galing kong mag-advise sa iba pero sa sarili ko, nganga." Sabi ko. Ganoon yata talaga iyon e.

Natawa si Cherrypink. "Then, it's my turn, biatch. Isa lang ang masasabi ko sa 'yo. You deserve someone better. Iyong mahal ka at mahal mo. Hindi iyong ikaw lang ang nagmamahal. You deserve to be happy, at iyong happiness na iyon hindi mo matatagpuan kay Kenshin. Madaming lalaki sa paligid. Baka hindi mo lang napapansin iyong lalaking para sa iyo dahil si Kenshin lang ang nakikita mo. Open your eyes, biatch. Hindi mo dapat pinapaikot ang mundo mo kay Kenshin dahil hindi ka naman pala niya mahal."

Hay...

"Aray ha! Hay, biatch. Pareho tayong may problema sa love at akalain mong nakapag-usap tayo ng matino at seryoso? My gash! This is not me." Sabi ko habang natatawa tawa.

Tumawa rin lamang si Cherrypink.

"Matulog na nga tayo! Naku, biatch. Bawal ka magpuyat. May trabaho ka pa bukas." Sabi ko.

Tumango siya. "Oo na! Ikaw din, matulog ka na at sana paggising mo bukas, hindi na si Kenshin ang hinahanap mo."

"Duh! At ikaw biatch, sana paggising mo bukas, si Duke na ang hanapin mo. Yeee!"

Inirapan niya ako. "Ewan ko sa 'yo! Mauna na ako sa taas."

Tumayo na siya saka umakyat sa taas.

Naiwan akong mag-isa dito sa living rom. Muli na naman akong napaisip.

Ano nga ba kami?
Hanggang saan ang ganitong set-up?

Napailing ako saka isinandal ang ulo ko sa sofa. Bahagya akong pumikit nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Siguro ay si Drake. Wala akong lakas na buksan pa ang mga mata ko para tingnan kung sino iyon.

Napapitlag ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin.

"Baba..."

Nagmulat ako ng mga mata ko. Si Kenshin pala. That endearment means love. Sinabi niya iyon noon pero bakit hanggang doon lang 'yon?

"Pagod ako, Kensh."

"Ako naman ang pahinga mo 'diba?" Paglalambing niya.

Ito 'yong nakakainis. Iyong para babg masyadong confident si Kenshin na siya lang ang gusto ko dahil nga patay na patay ako sa kaniya.

"Kensh..."

"Baba, pa-check-up ka na, para alam natin kung okay ba si baby sperm original."

Bumitaw ako sa yakap niya saka umayos ng upo. Tiningnan ko siya sa mga mata niya.

"Hindi ako buntis, Kensh."

"Buntis ka, Frey." Pilit niya.

I took a deep breath. "Aakyat na ako. Antok na ako dahil pagod ako sa trabaho."

Tumayo ako pero hinawakan niya ako sa kamay ko.

"May problema ba, Frey?"

Oo, malamang. Alam ko namang nagkakaganito si Kensh dahil hindi siya sanay sa cold treatment ko. Kahit anong pang-aasar ang ginagawa niya sa akin at pambabara, palaging okay lang ang lahat sa akin.

"Pagod lang ako, Kensh. So please."

"Frey... saan ka ba napapagod? Ang seryoso mo naman."

Hinila ko ang kamay ko mula sa kaniya. "Hindi lang sa trabaho, Kensh. Pagod na din ako sa set-up natin. So please? Let me take a rest."

Iniwan ko siya sa living room saka umakyat na sa kwarto. I know it will confuse him pero bahala na. This time, sarili ko naman ang iisipin ko.

Pagkasara ko ng pinto ng kwarto ay bigla na lamang tumulo ang luha ko. Bwisit! Bakit kasi ang emotional ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top