XXXVII
Chapter 37.
HANGGANG ngayon iniisip ko pa rin kung ano ba iyong red bottle na sinasabi nila na dahilan kung bakit naging wild si Kenshin nung mga nakaraan. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako maka-move-on. Punyeta lang, gusto kong i-disinfect si Kensh kasi nahawan siya ng mga babaeng haliparot sa bar.
"Ang aga aga, nakanguso ka. Anong meron, biatch?"
Tumingin ako kay Cherrypink. May hawak siyang juice. Buti nalang talaga maingat siya dahil buntis siya. Kahit iniwan siya ng walang balls na Duke Palermo na iyon, unti unti na siyang nakakamove on at mas priority nalang niya ang baby niya sa tiyan niya.
"I need to do a revenge." Madiin na sabi ko.
"Revenge? Saan naman? Kanino? Wait, may kaaway ka?"
Umiling ako. "Wala akong kaaway pero may gusto akong awayin." Sagot ko.
"Abnormal ka ba, biatch? Wala kang kaaway, pero gusto mong mag-revenge. For what? Ako nga, hindi magawang mag-revenge. Pakiramdam ko kasi, mag aaksaya lang ako ng panahon."
Ang drama ni Cherrypink.
"Huwag mo na nang isipin 'yon, biatch. Anyway, may naisip ka na bang pangalan para kay baby biatch sa tiyan mo?" Iniba ko nalang ang usapan. Ayokong isipin na naman niya si Palermo no balls.
Para pa siyang nag-isip. "Sa ngayon, wala pa. Pero gusto ko sunod sa pangalan ko."
"Dapat lang 'no! Naku, biatch ha! Huwag na huwag mong papangalanan 'yan na sunod sa tatay n'yang walang kwenta!"
Hindi mawala 'yung inis ko kay Duke Palermo. Buti nalang talaga, iyong bestfriends niya hindi tumutulad sa kaniya. Responsible si Kenshin at Drake. Duh!
"Oo naman. Ikaw talaga, biatch."
Napatingin kami pareho nang may padabog na bumababa sa hagdan.
Kumunot ang noo ko. "Human melons? Andito ka pala?!"
Pababa si Empress na nakabusangot ang mukha. Bakit narito ang babaeng 'yan. Lagi pa naman niya nilalandi si Kensh sa harap ko!
Tumawa si Cherrypink.
"Ikinulong siya ni Drake sa kwarto niya. Doon niya pinatulog kagabi kasi naman, lasing na lasing at may mga kasamang lalaki. Ewan ko ba dito kay Empress." Sabi ni biatch.
"Arghh! Where's Drakey?! Nakakainis! I was with my boyfriend last night tapos bigla nalang niya akong hihilahin pauwi dito. How dare him?!"
Natawa nalang ako.
"Baka doon siya natulog sa bahay nila. Pagkatapos niyang ikulong ka sa kwarto niya, umalis na rin siya kagabi. Tinawagan niya lang ako kanina na buksan ko na iyong lock ng pinto kanina para anytime na magising ka, makalabas ka." Paliwanag ni biatch.
"Nakakainis talaga! Argh! I super hate him!"
Bratinella talaga 'tong si Empress. Buti nga naging close namin siya kahit galit na galit kami kay Duke. Sabagay, kahit siyang kapatid, galit din. She's also excited with her pamangkin.
Bumukas ang pinto. Dumating si Drake at... syempre ang banana ng buhay ko. Ang gwapo niya ngayon, enebe.
"Hi, baba."
Dati naiinis ako kapag tinatawag niya akong ganyan. Pero ngayon, kinikilig na ako. Kesye nemen.
"Hi, Kensh! Nag-breakfast ka na?" Tanong ko.
"Hindi pa. Ikaw nalang kaya ang breakfast ko, Frey?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Kenshin naman!"
"I hate you, Drakey! Ugh!" Sigaw ni Empress.
Ngumisi lang si Drake. "Stop being a brat, Empress."
"Ewan ko sa 'yo! I told you, that was my boyfriend!"
"Lahat ng nakakasama mo, ginagawa mong boyfriend. Stop, Empress Araine." Banta ni Drake.
Si Kenshin pasimpleng kinakapa ang pwet ko. Luh, parang sira!
"I hate you! I hate you!" Mabilis na lumabas si Empress habang nagdadabog.
Para silang mag-jowa na nag aaway. Malapit ko na talagang isipin na may gusto sa kaniya si Drake o baka dahil over protective lang siya? Maybe yes, maybe no.
"Baba, let's go to your room."
"Oo nga pala, Kensh. I need to disinfect you. Inspect ko na rin ang buong katawan mo. I need to check every part of it. Baka may naiwan pang germs galing sa mga haliparot sa bar na kasayawan mo noong nakaraan."
"Frey naman."
Hinili ko siya paakyat. Pumasok kami sa kwarto ko. Siyempre, I locked the door.
"Hubad." Utos ko.
Nagulat si Kenshin. Bakit ba?! Nakita ko na naman ang buong katawan niya saka gusto ko ulit makita, enebe.
"Bata pa ako, Frey."
"Tigilan mo ako sa ganyan, sinakop mo na nga ang kabuuan ko."
Kitang kita ang pamumula ng pisngi ni Kensh. "Baba naman."
"Hubad, Kenshin. Hubad."
"Ang bastos mo naman, Frey."
Nanatili akong seryoso. Gusto kong i-check ang buong katawan niya.
"Hubad na, Kensh."
Napakamot siya sa ulo niya. "Dapat maghubad ka rin, Frey."
Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. "Ano?! Ikaw lang ang iche-check ko! Ikaw lang naman ang nakipagsayawan sa kung kani kaninong babae ah!"
"Pero Frey, maghuhubad ako kaya dapat hubad ka din para it's a tie."
Nasapo ko ang noo ko. "Kenshin."
"Maghuhubad na, baba."
Ang cute cute talaga ng Kenshin ko. He looks so innocent habang naghuhubad ng shirt niya. Ano ba! Kumikinang ang abs. Ang hot talaga niya. Nakakapaglaway ang katawan niya.
Nang makapaghubad ay tumigin siya sa mga mata ko. "Pati boxer?"
"Pag iisipan ko. Icheck muna natin ang ibang parts." Sabi ko. Hinayaan ko nalang muna na natira ang boxer niya. Baka biglang manuklaw si banana niya, e.
Lumapit ako sa kaniya. Hay, ang kinis ni Kensh. Tapos ang ganda ng built ng katawan niya. Naaakit na naman ako.
"Naliligo naman ako, Frey kaya siguradong malinis ang katawan ko. Wala na 'yang bahid nong mga babae sa bar."
Sinamaan konsiya ng tingin. "I still need to check. Siguradong naiwan pa ang 0.01 germs."
Para akong sira na hinahawak hawakan ang balikat niya, ang dibdib niya pababa sa abs niya. Ang tigas, ano ba!
"Lower."
Napatingin ako sa mga mata niya. He looks different. He looks like he's un his dark side. Bigla bigla. Kanina lang, inosente siyang tingnan.
"Bastos naman, Kensh!"
"Lower." Ulit niya.
Oh my, pinapahawakan ba niya ang banana niya?! Ayoko sana pero sayang ang chance.
I touch his manhood under his boxer. Ang tigas!
"Fuck, Frey."
Uh-oh, mukhang ginising ko ang banana niya.
"Kensh..."
Mabilis niya akong itinulak pahiga sa kama. Napalunok ako. His eyes are burning.
"Kensh..."
"I want you, Frey."
Tatanggi sana ako pero syempre never ko gagawin iyon.
Hindi na ako nakapagsalita nang siilin niya ako ng halik. Mariin akong napapikit saka tinugon ang mapusok niyang mga halik.
Sa oras na ito, isang patunay kung gaano ako karupok.
➖
NARITO ako sa hashtag bar. Missing in action na naman kasi si Kensh. Pagkatapos niya akong pagurin kahapon, umuwi siya at until now hindi siya nagpaparamdam sa akin.
Sex and run, gano'n?!
Aabangan ko lang naman kung pupunta siya dito sa bar nila.
Tumayo ako saka naglibot. Sa tinagal tagal kong nagpupunta dito, never ko nilibot 'to so hindi ko alam kung may karugtong ba 'to na bahay nina Kensh or baka may office man lang?
Sumilip ako sa may bar counter. Abala ang bartemder sa pag aayos ng mga alak. Wala pa naman kasing masyadong customer dahil maaga pa.
Saglit siyang lumabas para salubungin iyong delivery. Hindi ko alam kung ano 'yon basta pumasok ako sa loob ng bar counter. Sinilip ko iyong pinto doon, pumasok ako at nakita kong kitchen siya. Naglakad lakad ako hanggang marating ko ang dulong bahagi. May pinto rin doon.
Dahan dahan ko iyong binuksan pero natigilan agad ako nang makarinig ako ng sigawan.
"Karapatan kong malaman, Dad!"
"Kenshin, tama na. Huwag na nating pag-usapan ang bagay na ito."
"Hindi, Dad! Bakit hindi pag-uusapan?! Mama ko 'yon. Mama ko 'yon na itinago mo sa akin, Dad!"
Nanlaki ang mga mata ko. Si Kenshin iyon at ang Dad niya.
"Kenshin! May mga dahilan na hindi mo maiintindihan!"
"Nasa tamang edad na ako, Dad! Tama ba na ako pa ang naghanap sa Mama ko? Alam mo ba Dad ang pakiramdam na mahanap ko siya pero... pero puntod nalang niya!"
Tinakpan ko ang bibig ko. Hindi ko in-expect ang mga naririnig ko. Kenshin is crying. He's talking like a normal person. Hindi iyong tulad nang pagiging inosente at pilosopo niya.
Mula noong magkaayos kami, naalala kong Mama nga pala niya ang pinuntahan niya sa Japan. Mula noon, hindi naman siya nagkwento at ako, hindi ko man lang naisip na tanungin siya at kumustahin. Nawala na rin sa isip ko dahil masyado akong maaaya no'n na naging okay na ulit ang lahat.
I thought he's okay. Hindi ko alam sa likod ng mga ngiti at birk niya, may bigat siyang nararamdaman.
"Hindi ko ginusto iyon, Kenshin."
"Pinagkait mo sa akin, Dad... pinagkait mo sa akin ang maranasan na may Mama ako! Itinago mo siya sa akin!"
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Ramdam ko ang hinagpis sa boses ni Kenshin.
"Hindi, Kenshin. Hindi ganoon! Matagal ko nang gustong sabihin sa iyo pero ang Mama mo... siya ang may gusto na huwag ipaalam sa iyo. Siya ang may gusto na huwag siyang ipakilala sa 'yo."
"Kung ganoon, makasarili kayo."
"Kenshin, makinig ka, anak. Hindi kami makasarili. Gusto ng Mama mo na hindi mo nalang siya makilala dahil alam niyang iiwan kalang din niya. Ayaw niyang masanay ka sa bagay na alam niyang mawawala rin sa 'yo. Ayaw niyang balang araw, kapag dumating ang panahon na mawala siya sa mundo, masaktan ka."
"Pero mas masakit ngayon, Dad. Mas masakit... na malaman ko na Mama ko siya pero wala na siya. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na matawag siyang Mama, hindi ko man lang naranasan na matawag noya akong anak!"
"Kenshin, anak."
"All my life, Dad, I've been a good son to you. Mahal kita, Dad at gusto kong maging proud ka sa akin. I'm portraying the person I am not para lang maging proud ka sa akin at hindi mo ako iwan! Pero bakit Dad... bakit ganito?!"
Hindi ko maiwasang mapahagulhol sa naririnig ko. Nasasaktan ako para kay Kenshin. Nasasaktan ako at nagsisisi ako na hindi ko man lang siya kinakausap tungkol doon. Sa paraang iyon, kahit papaano, sana nabawasan ang bigat ng nararamdaman niya.
"Hindi ako inosente, Dad. Hindi ako good son, hindi ako mabait, hindi ako ang taong kailanman hindi gagawa ng masama, hindi ako ang taong sunod lang ng sunod sa gusto mo, hindi ako ang taong ginagawa ang mga bagay mapasaya ka lang. Hindi ako 'yon, Dad! Pero naging ako 'yon dahil takot akong iwan mo ako tulad ng Mama ko."
Oh my God, Kenshin...
"Anak..."
"Nasasaktan ako, Dad. Ang sakit sakit."
Mabilis akong nagtago sa mataas na istante nang marinig ko ang pagdadabog ni Kenshin palabas ng kwarto na iyon. Kitang kita ko kung paano niya pinunasan ang luha sa mga mata niya.
Saglit akong naghintay. Hindi lumabas sa room na iyin ang Dad niya kaya mabilis akong lumabas ng kitchen, papunta aa may bar counter. Mabuti nakang at abala pa rin iyong bartender.
Mabilis akong nakalabas doon saka hinanao si Kenshin. Siguradong aalis siya kaya patakbo akong lumabas ng bar. Dumiretso ako sa aprking lot at doon ko siya nakita.
Duguan ang mga kamay niya dahil pinagsususuntok niya ang pader.
Agad ko siyang dinaluhan. "Kenshin!"
Tumingin siya sa akin. May takot sa mga mata niya. Para siyang nataranta dahil nakita ko siya sa lagay na iyon.
"F-Frey..."
Hindi ako nagsalita. Wala akong ni isang salitang sinabi. Wala akong ginawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit.
Akala ko puro biruan at kalokohan lang kami ni Kenshin. Hindi ko naisip na sa kabila ng lahat, may pinagdadaanan siya.
"Frey... ano..."
"Sshhh. I'm here, Kensh." Sabi ko saka mas hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya. "You don't need to say anything. Just cry."
Sa isang iglap ay tinugon na niya ang yakap ko. Ibinaon niya ang mukha niya sa may balikat ko saka kk naramdaman... naramdaman ang paghagulhol niya.
He is crying. He is in pain. And all I can do is to be with his side and make him feel that soon, everything will be fine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top