XXXI
Chapter 31.
"CYBEL, are you okay?"
Tumingin ako kay Daryl. He's smiking at me. Nagbabasa siya ng libro, habang ako ay abala sa pagbabalat ng apple para sa kaniya.
"Okay lang ako, Daryl. How about you? May kakaiba ka bang nararamdaman? Patapos na 'to." Sabi ko.
"I'm perfectly fine, Cybel so don't worry. Okay? Isa pa, hindi mo naman talaga kailangang mag-abalang magpunta dito araw araw. Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi ako lumpo na kailangan pang bantayan."
I tried to smile at him. "It's okay. I want to do this. Noong ako ang palaging kailangan, palagi kang nariyan. Sobrang simple lamg naman ang pagsama sa 'yo dito sa hospital. And besides, makakalaban ka na raw tomorrow sabi ng doctor."
"Yeah. I reall want to get out of here." Aniya. "Kapag nakalabas na ako dito, you should focus on your work. And Kenshin, I know you need to give him time."
Nalungkot na naman ako dahil sa sinabi niya. Naalala ko na naman si Kenshin. Naalala ko na naman ang desisyong ginawa ko.
"Hm, wait lang, Daryl. May bibilhin lang ako sa convenience store sa baba." Paalam ko.
Tumango naman siya. Tumayo ako saka ibinigay sa kaniya ang binalatan kong apple.
Lumabas ako sa room niya saka dumiretso siya ladies room. I went inside the cubicle at sat down at the bowl.
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ko na naman ang mga luha ko na tumulo mula sa mga mata ko.
Siguro kung malalaman ng iba ang dahil ko sa desisyong ginawa ko, sasabihin nilang ang tanga ko o ang bobo ko. Pero hindi e. Hindi ako nagdesisyon ng padalos dalos. Hindi ako nagdesisyon nang hindi ikino-consider ang pakiramdam ng taong maapektuhan dito.
Maybe they will think na bakit kailangan ko pang magsinungaling kay Kenshin? Bakit kailangan ko siyang saktan sa mga salitang sinabi ko? Bakit kailangan kong tapusin kung ano mang meron kami ni Kenshin?
Simple lang naman e. Dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.
I burtst out into crying. Masakit sa akin ang ginawa kong desisyon. Sobrang sakit na makita siyang nasasaktan nang dahil sa akin.
Ako 'yong taong handang magpakatanga sa pagmamahal ko kay Kenshin kaya sa tingin ba nila ganon ganon lang, tinigil ko lang ang namamagitan sa amin ng ganoon kadali?
No. It was never easy. It's never easy to tell him that I don't love him anymore when in fact, he's my world. He's the only guy I wanted to be with for the rest of my life. Siya ang kasiyahan ko. Siya lang at wala nang iba.
Kahit hindi siya nag-eeffort for me, kahit hindi siya gumagawa ng bagay na magpapasaya sa akin at kahit pinapamukha niya sa akin na hindi niya ako mahal, wala akong pakialam. Yes, I almost give up pero hindi ko ginawa. Mas nanaig 'yong nararamdaman ko para sa kaniya. Mas nanaig 'yong pagmamahal ko sa kaniya.
But this time? I'm doing this not for myself but for Daryl and for him. Hindi dahil sinaktan ko siya sa ginawa ko, wala na akong pakialam sa kaniya.
I did that because I don't want to be selfish. Gusto ako ni Kenshin. He likes me because he told me about it and that's the reason why I did that.
I decided to be with Daryl dahil sa cancer niya. That's the least that I can do for him kapalit ng mga nagawa niya para sa akin. Yes, I have no feelings for him pero siya ang taong nariyan palagi para sa akin. Kahit kailan hindi niya inisip ang sarili niya. Ang mahalaga lang sa kanya ay mapasaya ako and that's what makes him happy.
Alam mo 'yung pakiramdam na 'yung isang taong nariyan palagi para sa 'kin, he's close to dying. He freaking dying at wala siyang ibang nasa isip kundi ang kasiyahan ko dahil mahal niya ako. Na wala siyang pakialam kung mamamatay na siya basta ang mahalaga, makita niya akong masaya at magawa niya akong pasayahin? Do you think you can ignore him after that? He never told me about his situation. Kahit ngayon, itinatago pa rin niya sa akin because maybe he don't want me to stay with him just because i pity him. Thay he don't want me to feel responsible for it!
And as for Kenshin?
Napahagulhol ako. Ang bigat bigat sa dibdib. Ang hirap hirap sa pakiramdam na ganito.
Okay, I will choose to stay with Daryl. Dapat ba sabihin ko 'yon kay Kenshin? That I will stay with Daryl for the meantime because he's sick. That he should wait for me. No! Hindi ko kailanman naisio na paghintayin si Kenshin. Ang nasa isip ko lang ngayon ay manatili sa tabi ni Daryl. Who knows how long he'll live? Who knows kung gagaling siya or hindi? Do you think I will let Kenshin wait for me because of that? I don't want to be selfish. Ayokong hintayin niya ako dahil nasa piling ako ng iba.
Ayokong masaktan si Kenshin habang nasa piling ako ng iba. Ayokong masaktan siya habang naghihintay siya sa akin. Ayokong masaktan siya sa katotohanang kahit mahal ko siya, mas pinili ko pa rin ang iba.
Kaya mas pinili kong magsinungaling. I chose to hurt him not because I wanted to see him in pain. I chose to hurt him para isang bagsakan nalang. I want him to live his life without waiting for me. Ayokong ipagkait sa kaniya ang mga araw na sa halip na nagsasaya siya, naghihintay lang siya sa akin at alam kong sa paraang iyon, masasaktan ko pa rin siya.
That's the best thing I could do. Lie to him para mag-move on siya. Para hindi niya ako isipin at para hindi niya nararamdaman na may inaantay siya.
What if there's someone who's willing to make him happy? Na iyon pala talaga iyong taong para sa kaniya pero dahil nga hinihintay niya ako, he will ignore the chance. Iyon ang punto ko.
Mas mabuti nang masaktan siya ngayon kesa masaktan siya araw araw. I can't let him feel that pain.
This is my choice, yes. But I don't want to gibe him a responsibility to wait for me. I want him to live his life without the fullest without considering me.
Mahal na mahal ko si Kenshin and this is the hardest decision I've ever made.
And when the times comes na tapos na ang responsibilidad ko kay Daryl, if he's still single, if he's not married, then I will do my best to win him back. Dahil hindi porket pinili kong mag-stay kay daryl ay mawawala na ang pagmamahal ko sa kaniya. No, I won't stop loving him.
Pinahid ko ang luha ko. Huminga ako ng malalim saka pinatatag ang sarili ko. Kaya ko 'to.
◾
ANG LAKAS lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko na halos mahabol ang bawat pagtibok ng puso ko. Narito ako sa entrance ng Hashtag Bar at hindi ko alam kung kakayanin ko pang pumasok dito.
Buong puso kong tinatagan ang sarili ko noong mag-usap kami ni Kenshin dahil natatakot ako na baka bumigay ako at ngayon, heto na naman. Kailangan ko na naman ng lakas ng loob.
Tinawagan ako ni Drake. Nagmakaawa siya sa akin na pumunta dito para kausapin ulit si Kenshin. He's not doing well, of course. I hurt him. Kasalanan ko pero kailangan ko siyang tiisin. Para rin naman sa kaniya ang ginagawa kong pagsisinungaling.
Pumasok ako sa loob. Sinabi sa akin ni Drake kung anong VIP room number naroon si Kenshin kaya dumiretso ako doon. Sinalubong ako ni Drake sa labas.
"Frey."
"S-Si Kenshin."
"He's inside but can we talk first?"
I gulped. I know how worries he is for Kenshin dahil bestfriend niya iyon.
"What is it."
"Stop hurting him."
Tumingin ako sa mga mata ni Drake. Malungkot ang mga mata niya.
"I can't bear to see him like this. Mula pagkabata kilala ko na si Kenshin. I never saw him like this. No, I actually don't want to fucking see him like this. Not him, Frey. Not my friend. He suffered a lot. You don't know what happened to him. You don't know what's going on him."
"Drake---"
"He needs you! Mahal mo ang kaibigan ko, Frey. Mahal mo pero bakit sinasaktan mo? Alam kong ilang beses kang nasaktan kay Kenshin. Yeah, he kept on ignoring you kahit harap harapan mong inaaming gusto mo siya but hell, this is crazy. You fucking love him but you lied to him. Bakit, Frey? Kung may dahilan ka, sabihin mo."
"It's my decision, Drake. No one has the right to question me about it." Matigas na sabi ko kahit nanghihina na ako at gusto ko na namang maiyak.
"Ayokong pangunahan si Kenshin but Frey, ako na ang nagmamakaawa sa 'yo, don't fucking leave him like that. Don't hurt him..."
I bit my lower lip as I tried to stop my tears on falling. Seeing him crying while begging for his friends is heartbreaking for me. Pero buo na ang eesisyon ko because I'm doing this for him.
"I will talk to him." Sabi ko lang saka dumiretso na papasok sa loob ng VIP room. Hindi ko na nilingon pa si Drake.
Si Kenshin ang dapat na makausap ko. I want him to understand that he needs to move on from me.
"Frey..."
Napalunok ako nang makita si Kenshin na puro dugo ang kamao. He looked like a mess. May mga pasa din siya sa mukha. What happpened to him...
Mabilis siyang tumayo mula sa sahig saka binitawan ang hawka niyang bote ng alak. He hugged me---tight.
Hindi ako nakakilos. Parang tumigil ang tibok ng puso ko. Para bang tanging tibok ng puso niya ang naririnig ko.
"Binabawi mo na ba ang sinabi mo, Frey? Hindi mo na ako iiwan?" He asked.
I'm doing my best not to cry. Ang bigat bigat ng nararamdaman ko.
"Kenshin, can you stop being like this?" Nagpakatatag ako. I don't want to see my soft side. "Tapos na kung ano man ang namagitan sa atin. Actually, wala naman talaga e. We did kiss, hug, fuck, yes, pero wala naman tayong label. Walang tayo, Kenshin so stop acting like this!"
Nasasaktan akong makita siyang ganito pero kailangan kong magpakatatag. Ayokong maging selfish. Ayokong pati siya ay magsacrifice dahil sa gagawin ko. Tama nang ako lang ang magsa-sacrifice ng happiness ko.
"Mahal kita, Frey. Yun ba 'yung matagal mo nang inaantay na sabihin ko? Sorry na kung natagalan. Hindi ko naman sinasadya. Madami pa akong kailangang ayusin sa sarili ko bago ko masigiro na mahal talaga kita. Mahal kita, Frey. Ikaw ang gusto kong makasama. Hindi ko kaya kapag iniwan mo ako..."
"Kenshin, please."
Umiling siya. "Hindi, please, Frey. Please huwag... huwag mo akong iiwan. Huwag."
Muli siyang yumakap sa akin. "Wala na 'yong mama ko, Frey. Wala na. Pati ba ikaw mawawala? Huwag naman, Frey. Ayoko nang maiwan..."
Hindi ko na napigilan ang luha ko. I tried to be strong. I need to stick with my decision.
"Alam mo ba galing ako sa psychologist. Nagpa consult na ako para malabanan ko 'tong kabaliwan ko. Para... para hindi mo na ako ikahiya..."
Kaya ko 'to. Kenshin, please, sobrang bigat na ng nararamdaman ko. I hate to see you like this.
"Hayaan mo,kapag gumaling na ako. Kapag wala na 'tong dual personality na 'to, pwede mo na akong ipakilala sa pamilya mo tapos magsasama na tayo..."
"Kenshin." Kumalas ako sa pagkakayakap niya. I looked at his eyes. "Pinapahirapan mo lang ako e. Alam mo ba 'yon? Mahal mo ako? Kung mahal mo ako, bitawan mo ako at hayaan mo na ako. Mas sasaya ako nang wala ka."
Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang makita ang mga mata niya na puno ng ouha. I never see him like this.
"Lahat naman gagawin ko para mapatunayang mahal ka, Frey. Pero huwag naman 'yan. Huwag 'yan oh?"
"Listen, Kenshin. Live your life without me. You deserve to be happy---"
"Kung deserve kong maging masaya, bakit iniiwan mo ako? Bakit iniiwan mo ako... bakit..." he's staring at my eyes. "Nasasaktan ako, Frey pero hindi kita sinisisi. Ikaw lang kasiyahan ko. Wala akong pakialam kung hindi mo na ako mahal. Wala akong pakialam kung ayaw mo na sa akin basta dito ka lang please?"
Umiling ako. "Think for yourself, Kenshin. Ngayon lang 'yan masakit. Mawawala din 'yan. Lilipas din 'yab. Nabuhay ka ng ilang taong wala ako at hindi mo ako kilala. Ngayon pa ba?"
"Pero mula nang makilala kita, sumaya ako, Frey. Mula nang ma-realize kong gusto kita at mahal kita, gusto ko lagi lang kitang kasama at lagi kitang nakikita. Ayoko nang maiwan, Frey. Ayoko na..."
Tumalikod na ako sa kaniya. I don't want to see him in pain. I can't look at his eyes anymore.
"This will be the last time na kakausapin kita. Drake aaked me to come here so please, stop acting like that. Ayusin mo ang sarili mo at kalimutan ako. Iyon nalang ang magagawa mo para mapatunayang mahal mo ako."
Bubuksan ko na ang pinto nang bigla kong maramdaman ang higpit ng yakap niya mula sa likod ko.
"Frey... siguro nga hindi mo na ako mahal. Siguro may iba ka nang mahal. 'Yung dati mo bang botfriend 'yon? Siya ba ang pinili mo kasi napapasaya ka niya palagi tapos ako sinasaktan lang kita lagi?"
Hindi ako sumagot. Hinayaan kong tumulo ang luha ko.
"Kung siya nga... kung siya nga, pwede bang... pwede bang ako nalang ulit, Frey? Ako nalang ulit please. Nagmamakaawa ako."
Nanginginig ang labi ko. Gusto kong mailabas ang sakit na nararamdaman ko dahil sa mga sinasabi ni Kenshin.
"Frey, alam mo ba kung bakit ganito ako? Alam mo ba kung bakit may dual personality ako? Alam mo ba kung bakit dahil kay Dad nagawa ko 'yon? Alam mo ba kung bakit... kasi natatakot ako na iwan din ako ni Dad. Iniwan na ako ng mama ko, hindi ko naman kaya na pati si Dad iiwan ako. Pero sa pagiging ganito ko, hindi nga ako iniwan ni Dad pero iniwan mo naman ako... papagaling naman ako e..."
Hindi ko na kayang tiisin ang nararamdaman ko. Mabilis ko siyang ikinalas sa pagkakayakap sa akin saka diretsong lumabas ng VIP room. Nakaabang pa sa labas si Drake.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habnggang makalabad ako. I get inside my car, and from that moment, bumuhis ang luha ko. Sobrang sakit na makitang ganoon si Kenshin.
What should I do? Can I keep on doing this? Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Hindi ko na alam kung kaya ko pang makitang nasasaktan si Kenshin. Hindi ko na alam...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top